Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1941 - Kabanata 1950

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1941 - Kabanata 1950

2505 Kabanata

Kabanata 1941

”Marahil ay mula siya sa isang nayon sa probinsya. Hindi siya magiging ganito ka-kampante kung galing siya sa siyudad. Gaano ba siya ka-ignorante?”Lalong pumangit ang ekspresyon ng binata matapos ang sunod-sunod na pang-iinsulto na kanyang narinig. Nanginig sa galit ang kanyang katawan at namula ang kanyang mga mata habang pinanlilisikan ang mga tao. Subalit, nabalewala lang ang kanyang pinaghirapan dahil walang pumansin sa kanyang galit. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim at pakiramdam niya ay para bang sinampal siya ng malakas ng lahat ng mga nandoon. Ang malala pa dun ay wala siyang magawa tungkol dito.Bahagyang napabuntong hininga si Fane sa makatotohanang mentalidad ng mga tao. Ang mga malakas ay habangbuhay na tinitingala habang ang mga mahina ay walang ibang magagawa kung hindi ang dilaan ang paa ng mga malalakas. Gayunpaman, ang mga tao ay marahil tama dahil ang binata ay halata naman na dumaan sa maraming paghihirap noon kaya bakit naman siya hindi mahihiya sa kanyang i
Magbasa pa

Kabanata 1942

Ang pangatlong ilaw ay umilaw ng isang segundo ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi pa din sapat para makapasa siya sa pagsusulit. Muling umalingawngaw ang boses ni Ambrose sa kalagitnaan ng mga tao, “Ikatlong ilaw ng isang segundo. Pakiusap at tumayo ka na sa likuran ko ng sa gayon ay maibaba ko na ang iyong registration mamaya.”“Salamat organizer!” sabi ni Beardie, nakangiti ng malapad habang papunta siya likuran ni Ambrose. Ang mga tao ay nakatingin sa kanya ng puno ng inggit at ang lahat ng pagdududa na meron sila sa kanya ay tuluyan nang naglaho. Subalit, nakaramdam sila ng kagustuhan na sampalin ang mukha ng malaking lalaki nung makita nila ang mayabang na ekspresyon sa mukha nito.Mahalaga ang lakas sa mundong ito at ang malaking lalaki ay ginamit ang kanyang lakas upang patunayan na kaya niyang makapasa sa pagsusulit. Iyon ang nagpatunay na mas malakas siya kaysa sa ibang nandito. Subalit, isang binata na nakatayo sa harapan ni Fane ay hindi pa din kumbinsido sa lakas n
Magbasa pa

Kabanata 1943

Hindi na nakakapagtaka na ang Dual Sovereign Pavilion ay nagkakaubusan ng kwarto. Ang pagsubok na ito ang magbibigay sa kanila ng karagdagan pang tatlong daan o higit pang mga disipulo at samahan pa ng mga disipulo nila ngayon, ay magiging isang libong disipulo ang magiging kabuuan.Subalit, alam ni Fane na ang tatlong daang disipulo na ito ay baka ipadala sa labanan at sinong nakakaalam kung makakabalik pa ba sila ng buhay. Ang mga nakakataas sa Dual Sovereign Pavilion ay hindi mga tanga. Syempre may sarili silang plano. Nung una, balak ni Morton n maging pangalawa sa huli pero hindi na siya makapaghintay pa sa pag-usad ng oras. Maraming tao na nandoon ang masyadong ambisyoso at inakala na magagawa nilang makapagpakitang gilas ng maayos at habangbuhay na maitatak sa isipan ng iba pa ang kanilang kabayanihan na ipinamalas. Subalit, malayo ito sa katotohanan.Kahit ang mga nagawang makapasa sa pagsubok ay hindi man lang napailaw ang ikatlong ilaw. Karamihan sa kanila ay nagawa nama
Magbasa pa

Kabanata 1944

Natural lang naman na mas mahina ang angkan ni Morton kung ikukumpara sa Dual Sovereign Pavilion. Gayunpaman, ang kanyang angkan ay isa sa pinakamalakas na angkan sa kanyang siyudad at pinalaki siya sa paniniwala na siya ang hinirang, habang pasan ang kanyang angkan sa kanyang likuran.Nandoon na din ang katotohanan na hindi pa siya nabigo noon kaya naman hindi na nakakapagtaka na malakas ang tiwala niya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya na natatangi siya at hindi pinalaki ng Dual Sovereign Pavilion dahil sa edad niya. Subalit, naniniwala siya na kapag nandoon na siya, tiyak na uusad siya sa loob lamang ng maikling panahon. Aangat siya at gagamitin ang kanyang posisyon bilang disipulo para umangat. Kapag naging maganda ang lahat, mapo-promote siya bilang isang elder disciple, at pagkatapos ay wala nang makakapigil sa kanya na maging isang chosen disciple.Baka bigyan pa nga siya ng mahalagang posisyon sa loob ng pavilion. Tiyak na matutuwa ang kanyang angakn sa kanya dahil dun. Iyon
Magbasa pa

Kabanata 1945

Naglakad siya ng may malaking mga hakbang at ang matipuno niyang itsura ang nagpamukha sa kanya na puno ng enerhiya na para bang ang isang suntok ay sapat na para pumatay ng dalawang fighters na nasa final stage ng acquired level. Ang mga tao ay nagbigay-daan para sa kanya at pinanood ito na umakyat ng stage.Nang nandoon na siya, tiningnan maigi ni Gerald ang obsidian, na para bang gusto niyang itatak ang imahe nito sa kanyang isipan. Banayad niyang hinawakan ang obsidian at kaswal na sinabi, “Ipapakita ko sayo ang tunay na kahulugan ng henyo at kapangyarihan.” Ang kaninang tahimik na mga tao ay nagsigawan ng marinig ito. Kahit si Fane ay napangisi nung marinig niya ito. Nung una, pakiramdam ni Fane ay mas magaling si Gerald kaysa kay Morton. Kahit paano ay hindi nagyayabang si Gerald. Hindi tulad ni Morton na palaging ipinagmamayabang kung gaano siya kalakas, kaya mukha siyang palalo. Kahit na talagang malakas nga si Morton, hindi pa din ito magandang gawin. Ngayon, ang ginawa ni
Magbasa pa

Kabanata 1946

Apat na ilaw ang kaagad umilaw na naging dahilan para mapasinghap ang mga tao. Subalit, imposible para sa kay Gerald na makuntento lang sa apat na ilaw. Halos lumuwa na ang kanyang mga mata habang pinipilit niyang pailawin ang panlimang ilaw. Subalit, nakatadhana na siyang madismaya dahil lumipas na ang walong segundo at namatay na ang ikaapat na ilaw.Maganda naman ang naging resulta niya. Kahit na sino ay matutuwa sa ganitong klaseng resulta ngunit hindi magawang ngumiti ni Gerald. Akala mo ay sinabuyan ng abo ang kanyang mukha.“Pang-apat na ilaw walong segundo. Pakiusap at tumayo ka na sa likuran ko.,” sabi ni Ambrose. May bakas ng awa sa kanyang boses. Kahit na nakakamangha ang resulta ni Gerald, halata naman na hindi ito ang inaasahan niyang resulta. “Apat na ilaw lang? Dismayado ako sa sarili ko,” galit na sinabi ni Gerald. Namula ang buong mukha niya at parehong nanginginig ang kanyang mga kamao. “Hindi to maaari! Imposible na ganito lang ako kalakas.” Naghahanda na siya pa
Magbasa pa

Kabanata 1947

Sinara ni Morton ang kanyang pamaypay. “Ano ang karapatan ko para tawanan ka? Ito ay dahil sa mas malakas ako kaysa sayo, syempre. Kaya may karapatan ako para tawanan ka.”Malamig na tumawa si Gerald. “Asa ka pa. Bakit hindi ikaw ang sumunod? Tapusin na natin to.”Suminghal si Morton at malumanay na naglakad papunta sa obsidian na para bang hawak-kamay na niya ang tagumpay. Kapag tiningnan mo siya, para siyang isang paboreal na naghahanap ng mapapangasawa.Ang mga tao ay pinanood silang magsagutan ng tahimik. “Kaya ba talaga ni Morton na pailawin hanggang sa limang ilaw,” bulong ng isa sa mga tao. “Kaya naman niya siguro. Hindi siya isang hangal. Hindi niya sasabihin ang bagay na yun kung wala siyang tiwala sa sarili niya. Mas mahalaga sa kanya ang kanyang ego.”Maraming tao ang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ng pangalawang taong nagsalita. Oo, mayabang man si Morton pero hindi niya hindi siya gagawa ng kahit na ano na makakasira sa kanyang reputasyon. Kapag sinabi niya na
Magbasa pa

Kabanata 1948

Tahimik na nakinig si Fane sa usapan ng mga tao.Sa sandaling iyon, handa nang sumuntok si Morton ngunit may ginawa siyang kalokohan. Lumingon siya at tumingin kay Gerald nang nanghahamon kaya inirapan siya ni Gerald. Pagkatapos, sinabi niya nang seryoso, “Pagmasdan niyo ang aking matinding kapangyarihan!”Nang sabihin niya ito, hinampas niya ang kanyang kamaong nababalot ng ginintuang kaliskis sa may obsidian. Narinig ng lahat ang tunog ng mga buto sa sobrang lakas nito. Tumunog ang obsidian at kaagad itong umilaw. Ang lakas ng atake ni Morton ay katulad ng kay Gerald ngunit mas magandang tingnan ang kanya.Nakatitig ang lahat sa liwanag nang nanlalaki ang mga mata. Nasaksihan nila ang patuloy na pag-aaway ng dalawa at hindi sila makapaghintay sa resulta ni Morton. Kung talaga bang mas malakas si Morton kay Gerald, baka kainin ni Gerald ang sinabi niya.Hindi nagmamadali si Morton na makita ang resulta. Subalit, malinaw na nakikita ng madla na apat na ilaw lamang ang umilaw. Ginam
Magbasa pa

Kabanata 1949

Namula ang mukha ni Morton at nahirapan siyang huminga. Tinuro niya si Gerald at sinabi, “Kahit na hindi ko napailaw ang ika-limang ilaw, mas malakas pa rin ako sa’yo. Nanatiling umiilaw ang ikaapat na ilaw ko nang mas matagal kaysa sa’yo!”Hindi dinamdam ni Gerald ang sinabi niya. “Isang segundo lang. Huwag mong pagmukhaing matatalo mo ako sa isang suntok. Kahit mas malakas ka sa akin nang kaunti, wala ka pa ring laban sa akin pagdating sa totoong labanan. Hindi ka tatagal kung talagang magbanggaan tayo.” Kampante si Gerald sa kanyang karanasan sa labanan. Mula pagkabata, sumasama siya sa mga nakatatanda sa pagsasanay at marami na siyang nakalaban. Nanalo siya sa ilan at natalo naman siya sa iba. Ang lahat ng karanasang ito ang humubog sa kung sino man siya ngayon.Ibang-iba ang kabataan ni Morton kumpara kay Gerald. Kahit na may karanasan siya sa pakikipaglaban, wala ito kumpara kay Gerald. Alam niya mismo ito. “Huwag mong ilihis ang katotohanang mas malakas ako sa’yo. Nakamit ko
Magbasa pa

Kabanata 1950

Nagbago ang tingin ni Zeph kay Fane dahil sa pagiging kalmado nito at gumanda ang tingin niya dito. Gayunpaman, natanggap na niya ang pera sa pangakong aalisin niya si Fane. Kaya imposibleng hahayaan niya si Fane na makilahok sa pagsusulit o paalisin nang buhay ito.Humarap si Zeph sa madla at tumawa. “Syempre hindi! Ang dahilan kung bakit hindi ako pumapayag na makilahok ka sa pagsusulit ay dahil isa kang espiya na ipinadala ng Muddled Origin Clan.” Napahikbi ang mga madla nang tumingin sila kay Fane nang may pagdududa sa kanilang mga mata. Ang katotohanang ang nagbintang ay si Zeph ay lalong nagpapaniwala sa kanila. Higit sa lahat, bakit naman magsisinungaling ang isang taong tulad niya sa Dual Sovereign Pavilion? Anong makukuha niya dito?Walang ideya si Ambrose kung totoo ba ang sinasabi ni Zeph ngunit noon pa man ay siya na ang tipong laging salungat ang opinyon sa kahit anong posisyong mayroon siya. Tumingin siya kay Fane at napahanga siya sa pagiging kalmado nito. ‘Kung tala
Magbasa pa
PREV
1
...
193194195196197
...
251
DMCA.com Protection Status