Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1931 - Chapter 1940

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1931 - Chapter 1940

2505 Chapters

Kabanata 1931

"Sinadya kong pumunta sa'yo dahil narinig kong sinabi ng binata na nandito siya para sumali sa formal disciple assessment ng Dual Sovereign Pavilion. Hindi ba ikaw ang may hawak dito? Naglakbay ako dito sa pag-asang hindi mo siya tatanggapin pagkatapos mo siyang makita!" Mahinang suminghal si Zeph at tinaas ang kilay niya habang tumingin kay Warren. Alam niya na ang binatang ito ay matagal nang maloko, paano siya pupunta kay Zeph sa pag-asang tutulungan niya siya? Tinignan ni Zeph ang magagandang bagay na nasa mesa. Kahit na magagandang regalo ang mga ito, hindi ito sapat para pigilan ang mga resulta ng assessment. "Mahirap ang pinagagawa mo. Isang importanteng bagay ang disciple assessment at hindi lang ako ang deacon na may hawak dito. Hindi madali para sa'kin na gumawa ng kahit na ano nang palihim dahil baka mamroblema ako kapag hindi ako nag-ingat!" Kaagad na lumitaw ang bakas ng kaba sa mukha ni Warren pagkatapos niyang marinig ito. Gayunpaman, pinigilan niya ang emosyon niy
Read more

Kabanata 1932

Lumingon si Nash kay Fane habang nagtanong, "Saan tayo pupunta pagkatapos? Didiretso na tayo sa Dual Sovereign Pavilion?" Tumawa si Fane at umiling. "Bago tayo rito at magiging katatawanan tayo kapag pumasok tayo sa Dual Sovereign Pavilion nang walang kaalam-alam. Kahit na narinig natin ang balita na tinatanggap ng bagong disipulo ang Dual Sovereign Pavilion, hindi pa namin nalalaman kung kailan ang admission at kung ano ang kondisyon nila." Pinag-isipan ito ni Nash at pumayag. "Kung ganun, magtatanong ba tayo sa paligid tungkol dito?" Para pigilan ang hindi kailangang problema, bumalik si Nash sa Mustard Seed. Buo na ang isipan ni Fane tungkol sa kung saan siya pupunta. Mahirap para sa kanila na magtanong ng kahit na sino tungkol sa mga bagay sa mundong ito. Para makaiwas sa gulo, nakahanap si Fane ng isang pangkaraniwang inn. Gayunpaman, sinabi ng server ng inn na puno ang inn nila nang pumasok sila sa lugar. Walang nasabi si Fane pagkatapos makitang ang ilang inn na pinuntah
Read more

Kabanata 1933

Tumaas ang kilay ni Fane, hinuhudyatan ang tagapagsilbi na magpatuloy sa pagsasalita pagkatapos niyang marinig ito. Dumaldal ito at nagsalita nang hindi humihinto. "Siguro maraming inn na ang pinuntahan mo bago ka magpunta sa amin. Nitong nakaraan, halos lahat ng mga inn ay puno dahil kumukuha ng mga disipulo ang Dual Sovereign Pavilion! Narinig ng lahat na kulang sa disipulo ang Dual Sovereign Pavilion at ginagawa nila ang kanilang makakaya para makapasa sa pagsusulit sa Dual Sovereign City! Higit sampung libong tao ang nagpunta dito kailan lang!" Naintindihan na ni Fane kung bakit puno ang lahat ng mga panuluyan pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Lumalabas na hindi lang dahil malakas ang mga panuluyan sa Dual Sovereign City, kundi dahil kumukuha ng mga disipulo ang Dual Sovereign City kaya maraming tao ang bumisita sa siyudad.Dahil maraming tao ang gustong maging disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, natural na mas magiging strikto ang sistema ng pagsusulit ng pavilion.
Read more

Kabanata 1934

"Sumosobra naman na 'yan. May sariling kondisyon rin ang pagkuha nila at ang fighting prowess ng mga bagong disipulo ay hindi dapat mas mataas sa initial stage ng innate level dahil ito ang pinakamagandang level para sanayin ang isang tao. Kapag nakarating ang isang tao sa intermediate stage ng innate level, ang halaga ng pagsasanay ng ganitong tao ay mas mababa kumpara sa mga nasa initial stage!" Nabigla si Fane nang marinig niya ito. Naunawaan niya na habang tumataas ang fighting prowess ng isang tao nang walang gabay ng isang guro, mas bumababa ang halaga kapag sinanay mismo ito ng pavilion.Kaya kadalasang pumipili ang mga pavilion ng mga hindi pa masyadong malakas. Subalit, ang hindi maintindihan ni Fane ay ang malaking agwat sa pagitan ng initial at intermediate stage ng innate level. Ayon sa sinabi nito, malaki ang pinagkaiba nito at hindi ito maintindihan ni Fane.Siguro dahil ito sa mababaw na kaalaman niya sa mundong ito kaya hindi niya maunawaan. Ngunit, hindi na nagtano
Read more

Kabanata 1935

Umiling ang lalaki nang tumatanggi. “Masyado ka pang bata. Bakit hindi mo ito pag-isipan nang maigi? Alam mo ba ang konsepto ng mga third-grade pavilion? Sa West Cercie State na tinitirhan namin, kaunti lamang ang mga third-grade pavilion sa ganito kalaking lugar! Alam mo ba kung gaano karaming tao ang nasa West Cercie State? Nasa trillion ang dami ng mga tao dito! Gaano karami sa mga taong ito ang makakapasok sa Dual Sovereign Pavilion?” Lumingon palayo ang binata at tumangging makinig sa paliwanag nito. “Wala akong pakialam dito. Sigurado akong makakapasok ako sa Dual Sovereign Pavilion at baka maging informal disciple pa ako ng pavilion. Kahit na nasa final stage lamang ako ng acquired level, bata pa ako. Kapag nabigyan ako ng oras, siguradong lalakas ako nang husto!”Kaagad na umirap ang taong ito nang marinig niya ang sinabi ng binata. Mukhang ayaw na niyang ituloy pa ang debateng ito kaya lumingon siya sa ibang direksyon.Tumayo si Fane sa likod nang tahimik. Nadagdagan ang k
Read more

Kabanata 1936

Ano ang tea party? Isa itong salitang hindi pa naririnig ni Fane. Subalit, mula sa literal nitong kahulugan, mukhang isa itong pagtitipon ng mga martial artist.Mukhang kakaibang talento ang ipinamalas ng dalawang ito sa tea party kaya natandaan ng mga nandoon ang pangalan nila at hinangaan sila nang buong-puso. Kitang-kita ang dalawang ito sa madla na parang isang tagak sa gitna ng mga manok. Nagbigay-daan sa kanila ang mga tao sa paligid ngunit mukhang ayaw sa kanila ng dalawa.Lalo na si Morton habang patuloy niyang tinitingnan si Gerald. Mukhang mas malaki ang katawan ni Gerald kumpara kay Morton at mukhang napakalakas ng kalamnan nito sa braso. Kaya ang tingin ni Morton kay Gerald ay isang taong puro lakas at walang isip. Dumaan sa taenga nila ang usapan sa paligid. Walang pakialam si Gerald sa sinasabi ng mga taong ito ngunit si Morton ay nainis dahil pakiramdam niya mas malakas at mas mahusay siya kay Gerald.Nagkatabla sila sa dati nilang laban dahil mas bata siya kay Ge
Read more

Kabanata 1937

Tumingin ang taong ito kay Fane nang nagtataka nang marinig ang tanong niya. Sinuri niya si Fane bago sumagot nang pabalang, “Hindi mo ‘yan alam? Hindi mo man lang alam ang premyo pero gusto mong maging isang Dual Sovereign Pavilion disciple. Talagang wala kang gustong makuha!” Mayroong pang-uuyam sa sinabi nito at binalewala ito ni Fane. Pagkatapos ay ipinaliwanag nito kay Fane. “Hindi magagantimpalaan ng sengen pill ang makakakuha ng first place sa assessment. Isa itong premium fifth-grade spirited pill na gusto ng lahat! Imposibleng mabili ang pill na ito gamit ang 2000 lower-grade spirited crystal. Mayroon lamang dalawang premyo para sa taong makakakuha ng unang pwesto, 50 contribution points at individual accommodation.” “Kahit na ito ang kilalang Dual Sovereign Pavilion ng West Cercei State, kaunti lamang ang premyo dahil napakarami ng mga disipulo. Ang mga bago sa pavilion ay kasama ng iba sa iisang kwarto. Subalit, pwede kang pumili ng kwarto kapag nakuha mo ang first place
Read more

Kabanata 1938

Alam ni Zeph at Ambrose na ito ang pinakamalaking papuring matatanggap nila. Dahil dito kaya sineryoso nila ang kanilang tungkulin. Hindi ito ang unang pagkakataong naatasan si Zeph na ipaalam ang patakaran at panatilihin ang kapayapaan sa pagsusulit. Ngunit sa pagkakataong ito, kailangan niya ang tulong ni Ambrose. Nakiusap si Zeph sa isang tao na magdala ng upuan para kay Elder Lee. Tumayo sa isang linya ang grupo sa gitna ng pinto at sinimulang ilista ang patakaran. Ang mga patakaran ay parehong-pareho sa narinig ni Fane Woods mula sa iba. Binasa ni Zeph ang mga patakaran at kahit alam na alam na ng mga tao ang mga patakaran, hindi sila nagpakita ng senyales na naiinip sila sa bagal nito. Higit sa lahat, ang tao sa harapan nila ang manager ng Dual Sovereign Pavilion. Madali silang maitutumba nito sa isang suntok lamang. Kahit ang mayabang na si Morton at Gerald ay nakinig nang maigi kaya natuwa nang sobra si Zeph. Pagkatapos niyang basahin ang mga patakaran, huminto siya bago
Read more

Kabanata 1939

“Halimbawa, ang mas malakas sa dalawa ay maaaring mapailaw ang ikatlong liwanag sa loob ng anim na segundo habang ang mas mahina ay mapapailaw lamang ito sa loob ng apat na segundo. Nauunawaan mo ba?” kaagad na naintindihan ng mga tao ang paliwanag—ang obsidian ay may kakayahang sumukat ng enerhiya! Pagkatapos malaman ito, lalong naging interesado sa obsidian si Fane. Nagtaka siya kung paano ito nilikha para magkaroon ng kakayahang sumukat ng enerhiya sa ganitong lebel. Hindi kaagad inanunsyo ni Zeph ang pagsisimula ng Zeph ngunit sinadya niyang bigyan ng oras ang mga lalahok na mag-usap. Ang atensyon ng lahat ay nakapokus sa dalawang pinakamalakas sa kanila.Natural, ginamit ni Morton ang sandaling ito upang magbuhat ng bangko. Tumingin siya kay Gerald at sinabi nang nagmamalaki, “Mukhang ginawa talaga nila ang pamantayang ito para malaman ng lahat kung gaano talaga kalaki ang lakas ko kumpara sa’yo.” Suminghal nang malakas si Gerald, ang tingin niya kay Morton ay isa lamang paya
Read more

Kabanata 1940

Sa wakas, sinimulan na ni Zeph ang pagsusulit, “Magsisimula na ang pagsusulit. Pumila kayo. Lahat kayo ay makakasubok. Matatanggal kayo kapag sumingit kayo sa pila!” Tumigil ang usapan nila. Hindi mapigilan ni Fane na magtaka kung bakit sinadya ni Zeph na bigyan sila ng oras na mag-usap. Anong makukuha ng Clan association dito? Habang iniisip niya ito, isang binatang nakasuot ng kulay berdeng kasuotan ang lumapit sa obsidian. Natural lamang na siya ang mauna dahil siya ang pinakamaagang nakarating dito.Natakot ang iba sa kanya at nagdalawang-isip na mauna dahil alam nilang wala silang laban sa kanya. Higit sa lahat, ang binatang ito ay nasa initial state na ng innate level. Bago pa makarating ang binata sa harapan ng obsidian, sinabi ni Ambrose sa kanya, “Makakapasa ka sa pagsusulit kapag napailaw mo ang tatlong ilaw. Tumayo ka sa likuran ko kapag nakapasa ka sa pagsusulit.” Tumango ang binata at huminga nang malalim upang ayusin ang kanyang emosyon. Pagkatapos, pinagsalikop niya
Read more
PREV
1
...
192193194195196
...
251
DMCA.com Protection Status