Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1921 - Chapter 1930

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1921 - Chapter 1930

2505 Chapters

Kabanata 1921

Kahit ang pinakamalakas sa Hestia Continent ay walang laban sa elder na ito. Ang martial skills at martial art technique ng elder na ito ay higit sa kahit anong matatagpuan sa mundong ito. Subalit, maraming martial art skill ang hindi magamit ni Fane dahil sa kanyang kasalukuyang lakas. Sinaliksik niya ang mga memorya para pumili. Natagalan siya bago makapili ng mga martial skill at martial art technique na pwede niyang sanayin! Alam rin ni Nash ang tungkol dito. Sinulyapan niya si Fane at sinabi, "Sa tingin mo anong level sa Hestia Continent ang martial art technique na Divine Void Heavenly Path at Destroying the Void?" Mayroong kakaibang paraan ng pagpapangalan at pagtatakda ng level ng martial art technique at martial skill sa Hestia Continent. Ang mga ito ay nakapangkat sa walong lebel. Nakapangalan ito sa walong karakter: 'Universe', 'World', 'Chaos', 'Ignorance', 'Heaven', 'Earth', 'Red', at 'Yellow'. Ayon sa pagkakasunod-sunod nito, ang 'Universe' level ang pinakamalakas
Read more

Kabanata 1922

Upang maprotektahan kaagad ang kanyang sarili, muling nagsanay si Fane. Sa pagkakataong ito, itinuon niya ang pansin niya sa pagsasanay sa martial skill na Destroying the Void. Gayunpaman, ang pagsasanay sa isang martial skill na ganito ang lebel ay hindi madali. Ang ilang martial skill ay sadyang hindi dapat sinasanay. Ang mga ito ay kailangan ng matinding lakas para masanay ang mga martial skill na mataas ang lebel, tulad ng kung paanong ang mga nasa innate lebel ay kaya lamang magsanay ng mga martial skill na nasa 'Yellow', at 'Red' level. Ang martial skill na mas mataas dito—ang 'Earth' level—ay hindi kayang gamitin ng isang taong nasa innate level. Subalit, nagkataong pwedeng balewalain ni Fane ang patakarang ito. Nagsanib sila ng soul fragment ng magiting na master, ang kanyang ninuno. Dahil nagtagumpay ang magiting na master na ito sa pagsasanay ng martial skill na ito, kailangan lamang gamitin ni Fane ang alaala nito, at matututunan na niya nang tuluyan ang martial skill
Read more

Kabanata 1923

"Ang lahat ng kapangyarihan sa mundong ito ay nasa kamay ng mga pavilion. Tingin ko ang pinakamalakas na martial artist sa Zenith City ay nasa innate level lamang, at ito ay ang master ng Zenith Sun City, na nasa intermediate stage ng innate level. Ang mga master na nasa premium stage o mas malakas pa ay nanatili sa pavilion. Higit sa lahat, ang pavilion lamang ang may maraming yaman para masuportahan ang kanilang pagsasanay. Sa katotohanan, ang Zenith Sun City ay isang siyudad ng mga karaniwang tao." dahan-dahang tumango si Fane. Kung ang pinakamalakas na tao dito ay nasa intermediate stage lamang ng innate level, ayos lang ito para sa kanya. Nang maisip niya ito, dinala niya sa labas si Kylie para magsaya. Hanggat alerto siya sa kanyang paligid, hindi sila mapapahamak. Nagalak si Kylie nang marinig niyang ilalabas siya ng kanyang ama para maglaro. Higit sa lahat, pitong taong gulang pa lamang siya. Nababagot pa rin siya paminsan-minsan kahit napapaligiran siya ng mga kamag-anak s
Read more

Kabanata 1924

Binilhan ng dalawang tinapay ni Fane si Kylie, at hawak pa rin niya ito dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong kainin ito. Kusang kumunot ang noo ni Fane, ngunit hinagis ni Kylie ang tinapay sa taong puno ng sumpa ang mukha. Kinain ng taong ito ang tinapay sa sandaling mahawakan niya ito. Mukhang matagal nang hindi nakakakain ang taong ito. "Salamat sa inyong dalawa," sinabi niya habang kumakain, "Maraming salamat talaga. Pwede niyo ba akong sagipin?" Hindi umiiwas si Kylie dito, pero hindi tanga si Fane. Malinaw na narinig nito ang usapan nilang dalawa kaya nanghingi ito bigla ng tulong kay Kylie. Malakas ba ang pandinig ng taong ito? Hininaan ni Kylie ang puso niya nang magsalita siya, at malayo sila dito. Pero bago pa siya makapag-isip nang maayos tungkol dito, narinig niya ang isang singhal mula sa malayo. "Ang kapal ng mukha mong pakainin ang alipin ko!" Tinitigan rin ng mga tao sa paligid ang mag-ama nang naaawa. Isang matandang babae ang nagsabi kay Fane nang naiinis,
Read more

Kabanata 1925

Natulala saglit si Fane nang marinig niya ang sinabi ni Warren. Hindi niya inakalang may kakaibang kapangyarihan ang first young master ng city master. Kaya nitong putulin ang kamay ng kahit sino! Malinaw na ayaw ni Warren magsayang ng oras na kausapin si Fane. Tinaas niya ang kanyang kamay, at isang malakas na aura ang lumabas sa kanyang katawan. Ang taong ito ay nakarating na sa initial stage ng innate level, at kaunting tao lamang sa Zenith Sun City ang makakapalag sa kanya. Maririnig ang usapan ng mga tao sa sandaling ito. "Nitong nakaraang taon lang natanggap ang first young master bilang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion. Balita ko nakuha niya ang pansin ng isang elder ng Dual Sovereign Pavilion at matagal na itong nagsasanay ng mga martial skill na may mataas na lebel!" "Sayang at napakamalas ng binatang ito. Masama lagi ang timpla ng first young master nitong nakaraan, at gusto nitong ilabas ang galit nito sa isang tao." Narinig ni Fane ang ibat ibang usapan at lalo s
Read more

Kabanata 1926

Tahimik na nagluksa ang lahat para kay Fane sa puntong ito. Lalo na't isang malakas na martial artist si Warren kahit na hindi tignan ang pagkatao niya. Siya ang informal disciple ng Dual Sovereign Pavilion at nagsanay ng Premium yellow level martial skills. Walang laban sa kanya ang mga pangkaraniwang martial artists. Gayunpaman, hindi mga tanga ang mga tao sa paligid. Nang nakita nila kung paanong hindi pinansin ni Fane ang malakas na martial skill na ginamit ni Warren, naging interesado sila habang kinakaawaan si Fane. Isa rin bang malakas na martial artist ang binatang ito? Gayunpaman, dumaan lang sa isipan nila ang kaisipang ito bago nila ito tahimik na itinanggi. Lalo na't hindi mula sa Zenith Sun City si Fane, at baka hindi niya naiintindihan ang Dual Sovereign Pavilion. Para bang mas lalong nagalit ang galit na si Warren sa kawalan ng ekspresyon ni Fane. Malamig siyang suminghal at tahimik na idineklara ang kamatayan ni Fane. Naglabas ng isang nakakapangilabot na pilak
Read more

Kabanata 1927

Pagkatapos mahiwa ng itim na ilaw ang braso ni Warren, kaagad nitong napunit ang damit niya. Nagkapira-piraso rin ang laman sa ilalim ng damit niya nang dahil sa ilaw na ito. Sa isang iglap, lumipad sa ere ang mga piraso ng laman at dugo at lumuhod si Warren sa lapag sa sakit. Hindi lang pisikal ang sakit na naranasan niya; pakiramdam niya rin ay para bang napupunit ang kaluluwa niya. Nang nakita ng lahat ang masaklap na sitwasyon ni Warren, nanlaki ang mga mata nila at hindi makapaniwalang tinignan ang dalawa, lalo na si Fane. Lahat sila ay itinuring siyang isang halimaw. Malinaw na nasa initial stage siya ng innate level, pero bakit ang laki ng pagkakaiba sa pagitan nila? Naglabas lang si Fane ng itim na ilaw sa umpisa hanggang sa dulo, pero hindi lang nito natalo ang atake ni Warren, binasag din ni Fane ang braso niya. Base sa itsura ng sugat ni Warren, hindi siya gagaling kaagad. Hindi nagulat si Fane sa masaklap na sitwasyon ni Warren. Sa halip, palihim na bumuntong-hininga
Read more

Kabanata 1928

Nakahinga nang maluwag ang mga mandirigma na nakapilak na armor nang napansin nilang hindi kumikilos si Fane, hindi siya umatake at tahimik lang na nakatitig sa kanila. Ang pangunahing dahilan ay pinakita ni Fane kung gaano siya kalakas at natatakot ang dalawa sa kanya. Sa sandaling ito, galit na sumigaw si Warren sa dalawang mandirigma, "Dalian niyo at maghanap kayo ng pills! Bulag ba kayong dalawa?!" Pinilit ni Warren ang sarili niya na sabihin ang mga salitang iyon. Sobrang tindi na ng sakit na nararamdaman ni Warren at malapit na siyang mawalan ng malay. Nanginig ang dalawang mandirigma sa sigaw niya bago nila napansin na hindi kayang ilabas ng kanilang young city master ang pills na kailangan niya. Doon lang tinulungan ng dalawa si Warren na tumayo nang nagmamadali. Pagkatapos ay kinuha nila ang holy healing medication mula sa storage ring nila, para sa panloob at panlabas na aplikasyon. Bahagyang nabawasan ang pamumutla ni Warren pagkatapos nilang gamutin ang mga sugat niy
Read more

Kabanata 1929

Nanginig ang gilid ng bibig ni Warren at para bang sa gutom na lobo ang mga mata niya. Hindi pinansin ni Fane kung gaano kadilim ang ekspresyon sa mukha ni Warren. Malamig na ngumiti si Fane at nagsabing, "Limitado ang pasensya ko. Umalis ka na ngayon, o papatayin kita pati ang mga tao mo." Ang sinabi ni Warren na gagawin niyang katulong si Kylie at talagang nagpagalit kay Fane. Kung hindi lang bago si Fane sa lugar na ito at hindi niya gustong gumawa ng problema, pinatay na sana niya kaagad si Warren. Namula ang mukha ni Warren sa pabastos na komento ni Fane. Gayunpaman, habang tinignan niya kung paano umasta si Fane, napansin ni Warren na baka mamatay siya rito kung hindi siya aalis. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ni Fane. Para bang gusto niyang iukit ang mukha ni Fane sa alaala niya. "Tara na!" Pagkatapos nito, inutusan niya ng mga mandirigma na nakapilak na armor at umalis silang tatlo nang nanlulumo. Sa sobrang bilis niya ay para bang hinahabol sila n
Read more

Kabanata 1930

Napakaraming tao sa Dual Sovereign City dahil sa Dual Sovereign Pavilion. Ayon sa nakasanayang patakaran nila, ang mga papasok sa Dual Sovereign City ay kailangang umayon sa ilang kondisyon. Kailangan ay napakatalentado o napakalakas nila. Iyon o mga lokal sila ng Dual Sovereign City. Gayunpaman, dahil sa mga laban nila sa Muddled Origin Clan, pinaluwag ng Dual Sovereign City ang kondisyon nila pagdating sa pagpasok sa Dual Sovereign City. Gayunpaman, ang mga kondisyon na ito ay hindi makakapigil sa mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion sa pagpasok sa lungsod. Matagal-tagal na ring disipulo ng Dual Sovereign Pavilion si Warren at natural na hindi siya mapapahinto ng kahit na sino kapag gusto niyang pumasok sa lungsod. Kahit na isa lang siyang informal disciple, magaling siyang mambola at pangkaraniwan lang sa kanya na magpabango sa iba. Kung kaya't maganda ang tingin sa kanya sa pavilion. Pagkatapos niyang pumasok sa Dual Sovereign City, dumiretso siya sa isang bahay na may k
Read more
PREV
1
...
191192193194195
...
251
DMCA.com Protection Status