Semua Bab Numero Unong Mandirigma: Bab 1901 - Bab 1910

2505 Bab

Kabanata 1901

Ang lahat ng mga taong umatake sa Nine Armies ay napatay nila. Ang mga nakatakas ay puro mahihina lamang. Ano kaya ang magiging ekspresyon nina Master Loador at Master Mackenzie kapag narinig nila ang balitang ito? Sa sandaling iyon, nag-iinuman sina Master Loador at Master Mackenzie sa base camp ng Alliance Guard. Nakatanggap sila ng balita tungkol sa tagumpay nila at kung paanong walang natirang buhay sa Pavilion Billow Cloud. Magandang balita ito para sa Alliance Guard dahil kung nabura ang isang clan na mas malakas sa Nine Armies, iisipin nila na nabura rin nila ang Nine Armies. Pagkatapos isiping namatay si Fane Woods sa mga kamay nila, hindi napigilan ni Master Loador na tumawa sa galak. Tinaas niya ang baso niya at binangga ito sa baso ni Master Mackenzie. "Ano bang sabi ko? Tiyak na mamamatay ang batang yun sa mga kamay natin. Hindi natin kailangang mag-alala. Nasa ultimate god level lang siya. Kahit na gaano pa siya kalakas, hindi siya mananalo laban sa mga nasa soul-pe
Baca selengkapnya

Kabanata 1902

Para silang tinamaan ng kidlat sa balitang ito. Kanina lang nagdidiwang pa sila, tapos ngayon, pakiramdam nila ay binuhusan sila ng nagyeyelong tubig. Isa siguro itong biro! Tinitigan ni Master Loador ang nanginginig na disipulo na nakaluhod sa lapag. "Sabihin mo ulit sa'kin kung anong eksaktong nangyari. Paanong naging ganun kalakas ang Nine Armies?" Nanginginig at malamig ang boses niya. Sa sobrang takot ng disipulo, nagsimulang maghalo-halo ang mga salita niya. Alam na alam niyang hindi siya makakaalis sa sikretong kwarto na ito nang buhay kapag nagalit sa kanya ang dalawang lalaking nasa harapan niya. Nagawa niyang sabihin ang mga salita at nakumpirma nito kina Master Loador at Master Mackenzie na tama ang una nilang narinig. Hindi ito isang guni-guni. Normal lang sa kanila na mapuno ng galit nang nalaman nilang namatay ang lahat ng malalakas nilang tao at mahihina lang ang natira sa kanila. "Layas!" Kahit na gamit ang tono ng utos niya, para ba itong musika sa tainga ng nata
Baca selengkapnya

Kabanata 1903

Tinitigan nang seryoso ni Master Mackenzie ang salamin. "Wala akong pake kung anong tingin niyo kay Fane Woods. Nakapagpasya na akong gagawin ko ang lahat para pigilan siyang makausad." Nagsalubong ang kilay ni Master Loador kay Master Mackenzie. "Sinasabi mo bang personal mo siyang lalabanan?" Walang-alinlangang tumango si Master Mackenzie. "Huwag mo na akong kausapin gamit ng palyado mong lohika. Ang batang 'yun ay hindi isang insektong madali nating madudurog. Isa na itong tigre ngayon, pero hindi pa naman siya masyadong malakas."   Lumingon si Master Loador at tinitigan si Master Mackenzie. Hindi man lang tumingin pabalik si Master Mackenzie at nagpatuloy, "Kapag hindi tayo kumilos, tayo na ang susunod na mamamatay. Kaya dapat mapigilan natin siya kaagad. Kailangan nating tipunin ang lakas ng Alliance Guard para itumba ang Nine Armies kahit isipin pa ng ibang napapraning tayo." Naalarma si Master Mackenzie sa pagkamatay ng maraming mahuhusay na tao. Huminga siya nang malali
Baca selengkapnya

Kabanata 1904

Napagpasyahan ng mga elder ng Alliance Guard na sumama sa laban sa Nine Gods Clan dahil malaking problema na sa kanila ang pagsasama ng mga angkan. Hindi pa nagkaroon ng angkang umusad nang kasinbilis ng Nine Gods Clan. Tuloy-tuloy na nagsasanay si Fane Woods nang walang pahinga mula noong maging isa siyang fourth-grade elementary alchemist. Patuloy siyang gumawa ng mga pill na iniinom niya para pataasin ang kanyang cultivation level. Sa loob lamang ng pitong araw, nakarating na siya sa ninth-grade soul-penetrating level mula sa seventh-grade soul-penetrating level. Ang ninth-grade soul-penetrating level ang pinakataas ng mundong ito at halos lahat ng mga master ng Clan association ay nasa ganitong lebel. Nang makarating siya ng soul-penetrating level, kusang tinikom ni Fane ang kanyang kamao at nakaramdam siya ng matinding kapangyarihang dumadaloy sa dulo ng kanyang daliri. Ang kasalukuyang Fane Woods ay kampanteng makipaglaban sa isang second o third-grade nirvana level na figh
Baca selengkapnya

Kabanata 1905

Walang masabi si Kevin Cabello kay Fane Woods. Wala siyang magawa kundi titigan ang kanyang master. "Ibalita mo kay Master Yarbrough, Master Zeller, at sa ibang Clan association ang sinabi mo sa akin. Sabihin mo sa kanilang maghanda sila para sa laban," kalmadong iniutos ni Fane Woods. Nang marinig ito, nahirapang huminga si Kevin Cabello na para bang nakalunok siya ng tatlong langaw dahil ang labang ito ang magtatakda kung makakaligtas ba ang Nine Gods Clan. Habang kalmado si Fane Woods lalong nababahala si Kevin Cabello. Hindi siya nagsayang ng oras sa pagkakalat ng balita. Tumingin si Fane Woods sa himpapawid sa taas niya at kahit mukhang kalmado ito, nararamdaman niyang parating ang isang bagyo. "Ano? Umalis ng base nila ang Alliance Guard? Mukhang binubuhos na nila ang lahat sa huli nilang laban." "Diyos Ko. Anong gagawin natin? Mananalo ba tayo dito?" Nataranta ang mga disipulo ng Nine Gods Clan nang matanggap nila ang balita. Napansin ni Kevin Cabello na nananatiling
Baca selengkapnya

Kabanata 1906

Namutla ang mukha ni Master Mackenzie kagaya nang kay Master Loador. Nakaramdam siya ng masamang pangitain na baka hindi umayon sa kanila ang laban. Bago sumugod, nangako siya na gagawin niya ang lahat para manalo pero hindi niya inasahan na makakarating kaagad sa ninth-grade soul-penetrating level si Fane Woods sa loob nang maikling panahon. Para sa kanya, imposible na lumakas nang ganito kabilis sa ganito kaikling panahon. Gayunpaman, hindi niya alam na may talento si Fane sa paggawa ng pills. Lalo na't si Fane Woods lang ang tao sa buong Cathysia na isang fourth-grade elementary alchemist. Nang nakita ni Master Mackenzie si Master Loador na tinitigan nang masama si Fane Woods, hindi niya napigilang magsabi, "Kahit na gamitin mo ang lahat ng aura mo para pahirapan siya, wala pa rin siyang mararamdaman. Sinabi ko na sa'yo na mas malakas siya kumpara sa iniisip mo pero hindi ka nakinig sa'kin!" Natuwa si Master Mackenzie sa pagpupumilit niya na pakilusin ang buong pwersa ng Alliance
Baca selengkapnya

Kabanata 1907

Sumuka ng dugo si Master Loador habang umarko siya sa ere. Ang eksena na ito ay habangbuhay nang matatatak sa isipan ng mga tao habang hindi sila makapaniwala na may isang tao na kasing lakas niya ay madali lang natalo ni fane Woods. Subalit, nasaksihan nila ang katotohanan sa kanilang mga harapan habang ang lupaypay na Master Loador ay bumagsak sa lapag, na lumikha ng malaking uka sa lupa nang bumagsak ito.Wala na ngayon ang nakakatakot na aura nu Master Loador at parang katulad ng isang aso, ay hirap na huminga mula sa malalim na uka sa lupa. Sinuntok siya ni Fane Woods ng buong lakas at ang suntok na iyon ay bumasag sa tadyang ni Master Loador. Ang mga matalim na parte at piraso ng mga buto ay tumusok sa kanyang mga lamanloob at mamamatay siya kapag hindi pa siya nalapatan ng panlunas. Ilang taon na din simula nung nakaranas ng ganito katinding pinsala si Master Loador. Hindi niya inaasahan na madali lang siyang matatalo ng isang junior. Oo, isang junior. Ganun lang talaga ang tin
Baca selengkapnya

Kabanata 1908

Pakiramdam ni Master Loador parang tumama ang mukha niya sa isang bundok na bakal. Nabasag ng pwersa ang aura shield na tinatawag ng mga taong 'attached spirit'. Nang masira ang attached spirit na ito, tumama sa mukha niya ang suntok ni Fane Woods. Lahat ng ngipin ni Master Hackford ay natanggal at nabali ang panga niya kaya hindi siya makasigaw bago siya tumalsik sa ere at bumagsak sa sahig kasabay ang malakas na kalabog. Nagkataong bumagsak siya malapit kay Master Loador. Pinanood ng Alliance Guard ang nangyayari habang nakanganga. Wala silang oras na kumibo—sadyang ganito kabilis si Fane Woods. Napagtanto nilang minaliit nila nang husto si Fane kaya kampante ito masyado sa harap nila. Mukhang walang balak si Fane Woods na bigyan sila ng oras na magtipon ng lakas at nagdilim ang mukha niya dahil dito. Si Master Hackford ang pundasyon ng Alliance Guard ngunit madali lang itong nalumpo ni Fane Woods. Kahit na hindi mawari ni Master Mackenzie ang sakit na pinagdadaanan ni Master Hac
Baca selengkapnya

Kabanata 1909

Natalo na ni Fane Woods ang pinakamalakas sa mga kalaban nila. Kampante siya na magagawang labanan ng mas pinalakas na Nine Gods Clan ang natitirang kampon ng Alliance Guard. Higit pa dito, nandoon din sila Master Zeller at Master Yarbrough.Suminghal siya, in-activate niya ang kanyang Chi, at lumipad siya sa langit ng parang isang palaso. Papunta siya sa direksyon ni Master Mackenzie at magagawa niyang maabutan siya agad sa kasalukuyan niyang bilis. Para sa ibang mga manonood, tila naglaho si Fanes Woods sa isang kisap mata.Nararamdaman ni Master Mackenzie ang isang napakalakas na puwersa na nagmumula sa likod niya. ‘Para siyang linta! Hindi ba pwedeng hayaan na lang niya ako?’ Ang sabi niya. Nanginginig siya sa takot. Ayaw niya pang mamatay. May ilang taon pa siya para mabuhay at basta’t mag-iingat siya, magagawa niyang mabuhay hanggang sa mga taon na iyon.Pinuno ng pagnanais na mabuhay ang kanyang puso. “Fane Woods, wala tayong personal na galit sa isa’t isa. Hayaan mo na lang
Baca selengkapnya

Kabanata 1910

Subalit, ang bilis ni Master Mackenzie ay hindi maikukumpara kay Fane Woods. Bigla siyang nakakita ng isang gintong liwanag kasabay ng tumama ang kamao ni fane woods sa kanyang balikat na naging dahilan para mabasag ang buto ng kanyang balikat ng may malakas na tunog. Nagpakawala siya ng nakakatakot na sigaw ng sunod-sunod habang ang pakiramdam ng sakit ay nilamon ang buo niyang katawan. Naimbalido ang kanyang balikat. Malamig na tumawa si Fane Woods ng inamba niya ang kaliwa niyang kamao—hindi binigyan ng oras si Master Mackenzie na protektahan ang kanyang sarili. May gintong ilaw sa kanyang kamao nung tumama ito sa dibdib ni Master Mackenzie ng sapat na lakas para tapusin ang kanyang buhay. Ang tunog ng mga nabaling buto ay muling umalingawngaw. Hindi lang nabasag ang mga buto ni Master Mackenzie ngunit hindi pa niya magamit ang kanyang Chi dahil dito kaya nalaglag siya sa lupa na parang umimpis na lobo.Hindi pa tapos si fane Woods sa kanya. Sinundan pa siya nito sa baba at hinaw
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
189190191192193
...
251
DMCA.com Protection Status