Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1891 - Kabanata 1900

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1891 - Kabanata 1900

2505 Kabanata

Kabanata 1891

Pagkatapos ay nagpaliwanag si Kieran, "Hindi isang malaking lungsod ang Sky Dull City, pero sikat ito." "Sinasabi mo ba na may alchemists doon?" Nabigla si Fane. Mabilis siyang nakaisip ng isang bagay at kaagad na nagtanong kay Kieran. "Sikat ang Sky Dull City dahil ang lahat ng mga tao sa lungsod na yon ay tumatangkilik sa alkemiya," nakangiting sabi ni Kieran. "Higit pa roon, ang lugar na yun ang madalas na pinupuntahan ng mga alchemist para makipagkalakalan. May mga taong pumupunta roon para magbenta o bumili ng mga materyales na ginagamit sa alkemiya, kabilang na rito ang mga alchemy stoves at pati alchemy formulae. Nagtitinda ng ganito ang mga tao run!" "May ganun talagang lugar? Bakit di mo sinabi sa'kin nang maaga?" Nasabik si Fane pagkatapos niya itong marinig. Mabilis na nagpaliwanag si Kieran, "Master, kahapon ko lang nalaman na isa kang alchemist. At saka, ang dami nating ginawa kahapon dahil kakatapos lang nating labanan ang kalaban at aligaga ako sa pagkolekta
Magbasa pa

Kabanata 1892

"Hindi ko inakala na may ganito talagang lugar! Isa iyong paraiso para saming mga alchemist!" Tumingin si Kevin sa maliit na fortress nang may sabik na sabik na ekspresyon. Nang naglakad ang tatlo papunta sa entrance ng city, nakakakita sila ng maraming taong nagtitinda sa gate. "Second-grade elementary sky dragon grass—hindi niyo na kailangang gumamit ng spirited grass para bilhin ito. Kailangan mo lang ng isandaang premium spirited stones!" Isang matabang lalaki ang nagsimulang ialok ang mga tinda niya habang nakaupo siya sa lapag. "Seryoso? Isandaang premium-grade spirited stones para bumili ng isang tangkay ng sky dragon grass? Niloloko mo ba kami? Masyado kang gahaman, Kuya." Dito, ilang tao rin ang lumapit at isa sa kanila ay pinagalitan ang matabang lalaki. Ngumiti lang ang matabang lalaki. "Hindi mo alam na isang libong taon na ito, Kuya," sabi niya. "Mababa man ang grade nito, pero hindi rin madaling makahanap ng ganitong spirited grass. Sa tingin ko nararapat la
Magbasa pa

Kabanata 1893

Tinignan ng babae ang mga salita sa plate at hindi niya napigilang kumunot ang noo niya. "Bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol sa sect na'to? Ang Nine Gods Clan? Wag mong sabihin hindi man lang ito isang third-class sect?" Mabilis na tumayo si Kevin nang nakita niya ang taong lumapit sa kanila. "Kakatayo lang ng sect namin, dalaga," pakilala niya. "Kakatayo lang namin kahapon, pero hindi ba nakakaakit ang ganitong sect sa potensyal nitong lumaki?" Namuhi ang ekspresyon ng babae nang narinig niya ito. "Isa lang akong casual trainer, pero isa na akong first-grade premium alchemist. May talento ako sa alchemy, kaya wala lang sa'kin ang isang bagong clan na kagaya nito. Balak kong maghanap ng third-grade elementary alchemist para turuan ako. Tanging isang ganito kalakas na alchemist ang pwedeng magturo sa'kin!" Sumigla ang mga mata ni Kevin nang narinig niya ito. "Kung ganun, nababagay ang sect namin para sa'yo, dalaga," sabi niya nang tumatawa. "Hindi man ako third-grade alchemi
Magbasa pa

Kabanata 1894

Nang narinig ang mga salita ni Fane, maraming mga mata ang kaagad na lumipat sa direksyon niya. Ang Sky Dull City ay isang paraiso para sa mga alchemist at maraming alchemists ang nagtitipon dito. Kahit na ang mga taong nagpunta rito ay hindi mga alchemist, malamig pa rin silang alam tungkol dito. Ngayong may nagsasabing isa siyang third-grade premium alchemist, nakatitig nang masama ang lahat sa kanya. Iniisip ba niya mga inutil sila? Sino ang mga third-grade premium alchemist? Kahit dalawa sa kanila ay hindi mahahanap sa buong Sky Dull City. Kahit na masasama ang ugali nila, kailangan nilang tratuhin nang may paggalang ang mga third-grade premium alchemist. Lalo na't ang mga third-grade premium alchemists ay kayang gumawa ng pills na makakatulong sa mga nasa soul-penetrating realm. Ang alchemy ay isang respetadong propesyon na mundo ng cultivation, at ang isang third-grade premium alchemist ay ang pinakamagaling sa kanila. Kaagad na nagsiksikan ang mga taong nakapalibot kay F
Magbasa pa

Kabanata 1895

"Siguro palabas lang ito. Totoo ang paraan ng batang to sa paggawa ng pill at malamang ay isa siyang alchemist na may mataas na grade, pero tiyak na hindi siya isang third-grade premium alchemist. Kung hindi, hindi siya dapat nasa kalsada." Iniunat ng lalaking may balbas ang leeg niya at nakangising nagsalita. Walang humpay na nagpatuloy ang diskusyon at lahat ng ito ay pumasok sa mga tainga nina Kevin at Kieran. Pinigilan nila ang mga sarili nila para sa kinabukasan. Gayunpaman, ang huling pangungusap na sinabi ng lalaking may balbas ay sinabi nang may mapangmaliit at nangungutyang ekspresyon. Hindi lang ito isang diskusyon. Malamig na suminghal si Kevin at tinitigan nang masama ang lalaking may balbas. "Dahil lang di mo kayang gawin, hindi ibig sabihin nun ay hindi rin ito kayang gawin ng iba. Hintayin mo na lang ang resulta para malaman mo kung magtatagumpay siya o hindi. Daldal ka nang daldal. Gusto mo bang mabugbog?" Kanina pa siya naiinis sa lalaking may balbas. Daldal s
Magbasa pa

Kabanata 1896

Ang god-transfiguring pill ay hindi mahirap na gawin para kay Fane. Maraming beses na niya itong sinubukang gawin noon, at napakapamilyar na niya sa proseso na halos parang humihinga lang siya. Kahit na napapalibutan siya ng mga taong nanunuod sa kanya, hindi man lang naapektuhan ang ginagawa niya. Bago maubos ang isang insenso, unti-unting nabuo ang kalahati ng pill. Naamoy ang isang herbal na amoy mula sa stove at bigla itong kumalat sa paligid, pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ng lahat. Kahit na hindi nila personal na matukoy kung isa talaga itong third-grade premium pill, masasabi nila na hindi ito isang pangkaraniwang pill mula sa amoy lang nito. Isa itong third-grade intermediate pill pataas!""Tapos na! Tapos na siya! Diyos ko! Akala ko nagyayabang lang siya! Hindi ko inakala na isa talaga siyang third-grade premium alchemist!" "Tama ka! Hindi ko inakala na ganito siya kagaling sa ganitong edad! Hindi man lang tayo makahanap ng third-grade premium alchemists sa panahong
Magbasa pa

Kabanata 1897

Tumawa nang mahina si Fane. Ito mismo ang hinahanap niya. Lalo na't ang haba ng ginugol niyang oras sa paggawa ng pills at pagpapakita nito, natural na ang layunin niya ay maghanap ng alchemists sa mas epektibong paraan. Kung gustong lumaki ng clan, kakailanganin nito ng kagalingan niya sa alchemy at ng pills. Huminga siya nang malalim at tumayo mula sa upuan pagkatapos itabi ang pills. Pagkatapos, itinuwid niya ang likod niya at tumingin sa lahat, seryoso at walang pakialam ang mga mata niya. "Tama! Nandito ako para maghanap ng disipulo!" Tumingin sa kanya ang lahat nang umaasa. "Wow…" Bakas ang gulat sa mukha ng lahat sa lugar. Gusto niya ba ng disipulo? Ang isang third-grade alchemist ay naghahanap ng disipulo! Wala pang third-grade advanced-level na naghahanap ng disipulo sa Sky Dull City sa nagdaang sampung taon! Ang magkaroon ng isang sikat at talentadong alchemist bilang guro ay mas maganda kaysa magtrabaho nang mag-isa sa likod ng nakasarang pinto. Napatunayan na ni
Magbasa pa

Kabanata 1898

Ang pinakamalakas na clan! Gaano kalaking karangalan iyon?! Kung sila ang magiging pinakamalakas na clan, yuyuko ang lahat sa kanila tuwing may makakasalubong sila sa labas. Nang naisip nila ito, masaya silang bumalik sa sarili nilang bahay para magsanay nang maigi. Pagkatapos umuwi ni Fane sa bahay niya, binati niya sandali si Selena, pagkatapos ay sinimulan ang plano niya—ang gabayan ang mga alchemist sa paggawa ng pills. Ang mga alchemist na ito ay may iba't-ibang lebel ng abilidad, kaya para pataasin ang alchemical level nila sa lalong madaling panahon, unang tinuruan ni Fane ang Ninth Elder at ang iba pa kung paano pataasin ang lebel nila, pagkatapos ay pinadala sila para turuan ang mga alchemist na nakuha ni Fane mula sa Sky Dull City. Sa susunod na ilang araw, nagbabad si Fane sa alchemy at tumaas nang sobra ang alchemy level niya. Nakalampas na siya sa third-grade alchemy level at nakarating na sa ranggo ng isang fourth-grade alchemist. Isang fourth-grade elementar
Magbasa pa

Kabanata 1899

Tinitigan ni Master Zeller ang masaklap na eksena sa harapan niya; ang dating masagana at malakas na Pavilion Billow Cloud ay bumagsak nang ganoon kadali. "Sa tingin mo ba dapat tayong pumunta sa Nine Armies at tignan ang sitwasyon doon? Gusto kong pumunta, paano kung may natira pa sa kanila?" bumuntong-hininga siya nang malakas. Sa puntong ito, nawalan na ng ideya si Master Zeller; hindi na niya talaga alam kung anong gagawin. Isa siya sa importanteng personalidad sa Anti-Alliance Guard pero wala siyang magawa ngayon. Nagsalubong ang kilay ni Master Yarbrough, pagkatapos ay hinampas ang hita niya at nag-anunsyo nang may determinadong boses, "Tara na! Kailangan nating pumunta at tumingin! Kung may natira pa sa kanila, kailangan natin silang iligtas! Siguro may ilan sa kanila na hindi namatay, malay natin?" Tumango si Master Zeller sa pagsang-ayon. May katwiran at lohikal ang pananaw ni Master Yarbrough. Kahit na nabura ang Pavilion Billow Cloud, ang espiritu ng pagkakaisa at pa
Magbasa pa

Kabanata 1900

"Ang Master namin ay nasa first-grade soul-penetrating realm noon, tapos nilabanan niya ang dalawang elite fighters na nasa third-grade soul-penetrating level at natalo niya sila! Pinatay niya silang dalawa! Pagkatapos, tinapos ng mga elite fighters ng clan namin ang natitirang hindi importanteng tao ng Alliance Guard! Kaya natural na nanalo kami sa laban!" Halos bumagsak sa lapag ang panga ni Master Yarbrough nang narinig niya ang mga salita ng disipulo; ang ekspresyon niya ay para bang nakarinig siya ng kung anong kakaiba. "Nakarating na sa soul-penetrating realm ang Master mo? Kailan pa?" Pagkatapos marinig ang balitang iyon, sa sobrang gulat ni Master Yarbrough ay hindi na niya alam kung paano kumibo, at ganun rin si Master Zeller. Nagkatinginan silang pareho at pakiramdam nila ay imbis na tanungin ang disipulo rito, dapat nilang puntahan nang personal si Fane. Pagkatapos itong pag-isipan, hindi nagsayang ng oras ang dalawa at kaagad na nagpunta sa tirahan ng Nine Gods C
Magbasa pa
PREV
1
...
188189190191192
...
251
DMCA.com Protection Status