Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1871 - Chapter 1880

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1871 - Chapter 1880

2505 Chapters

Kabanata 1871

Tumango si Selena at pinayuhan si Fane, "Sige. Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo, naiintindihan mo? Kailangan mong magpahinga kapag oras na para magdahan-dahan." "Naiintindihan ko. Kakarating ko lang sa First-grade soul-penetrating level at kailangan ko lang magsanay sa umaga sa susunod na ilang araw. Titigil ako sa pagsasaliksik ng cultivation ng pills sa gabi at magpapahinga ako," sabi ni Fane nang nakangiti na para bang wala siyang magawa. "Hindi ko mapipigilan to—hindi tayo titigilan nang basta-basta ng Alliance Guard. Sigurado ako na may gagawin sila. Para pigilan ang isang masaklap na labanan sa pagitan ng dalawang partido, sa tingin ko hindi makikigulo ang mga pangunahing pavilion nang diretso. Nagpapadala sila ng ilang pwersa na nasa ilalim ng kontrol nila para bigyan tayo ng problema." "Ano palang dapat nating gawin? Hindi ba mamomroblema tayo? Baka mapunta tayo sa mapanganib na sitwasyon sa loob lang ng ilang araw." Nagsimula ulit na mag-alala si Selena nang narini
Read more

Kabanata 1872

"Tama, tama, tama… Tama si Master Mackenzie. Hindi natin pwedeng idismaya ang mga pwersa na sumusunod sa mga yapak natin." Tumayo ang isang elder mula sa isa pang pavilion. "Syempre kailangan nating kumilos. Lalo na't may anim na pavilion ang Alliance Guard habang ang Anti-Alliance Guard ay meron lang limang main pavilions. Hindi kasing lakas ng atin ang kabuuang lakas nila at ang mga pwersang pinamumunuan nila ay hindi kasing dami ng atin. Hindi natin pwedeng tanggapin na lang ito at manahimik!" "Tama ka, hindi tayo pwedeng magdusa nang walang ginagawa. Bw*sit… Kailangan natin silang turuan ng leksyon!" sabi ng isa pang pavilion master na tumayo rin. "Dahil matapang sila na burahin ang isa sa mga pavilion natin, buburahin natin ang dalawa sa kanila! Buhay pa ang halos dalawandaang libo sa mga g*gong yun na nakapasok sa lugar na'to. Kapag binura natin ang dalawa sa mas maliliit nilang pavilion, bababa sa dalawandaang libo ang matitira sa kanila, tama? Haha! Gagana yun, tama?"Pinag-
Read more

Kabanata 1873

“Sige, sige. Doon ako sa kung anong mapagpasyahan niyo. Gayunpaman, sinasabi ko lang ang opinyon ko, at umaasa akong hindi ito pagsisisihan ng lahat kalaunan.” ngumiti nang nanlulumo si Master Hackford. Alam niyang walang kwenta kahit anong sabihin niya. Maraming taong nandoon ay mga matataas na tao, at ito ang dahilan kung bakit pinapahalagahan nila ang karangalan. Sa pagkakataong ito, gusto nilang kumilos dahil pakiramdam nila nawalan sila ng dangal. Dahil halos lahat sila ay pumayag sa ideyang ito, hindi na mahalaga kung anong sinabi niya.“Para maging patas, mas mabuti kung itaas natin ang mga kamay natin at bumoto,” sinabi ni Master Loador pagtayo niya. “Paano kung ganito: ang mga pumapayag na kumilos tayo at ipadala ang mga pwersa natin para atakihin sila ay magtaas ng kamay. Ang mga hindi sang-ayon ay hindi na kailangang magtaas ng kamay.” Hindi nagtagal, nasa 80 pursyento ng mga taong nandoon ang nagtaas ng kamay. Isang masayang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Master Loado
Read more

Kabanata 1874

Ang anim na pinakamalaking pavilion ng Alliance Guard ay nagpadala ng mga tao para ipaalam ito sa ibang pavilion pagkatapos ng pagpupulong. Ang mga pavilion na ito ay naatasang ihanda ang kanilang sarili sa pag-atake sa dalawang pwersang nasa mensahe. Ang mga miyembro ng Alliance Guard ay kampante sa kanilang pag-atake. Napagpasyahan nilang ipakita sa Anti-Alliance Guard ang kanilang lakas at pahirapan ang mga ito. Ngunit wala silang ideya na ang pavilion master ng Pavilion Billow Cloud na si Tomas Lopez ay may ideya kinabukasan pagbalik niya. Kaagad niyang pinaalam sa mga miyembro ng Anti-Alliance Guard ang nangyari. Sa sandaling ito, sa isang malaking bulwagan sa kabilang bundok, miyembro ng mga limang pangunahing pavilion ng Anti-Alliance Guard ang umupo nang magkakasama para mag-usap. “Nakakagulat naman ito,” sinabi ng isa sa mga matanda pagkatapos malaman ang nangyari. “Magiging madali itong asikasuhin kung higit isang dosena o ilang daang tao ang pumasok. Kailangan lang n
Read more

Kabanata 1875

“Tungkol dito…” kumunot ang noo ni Fane habang nag-iisip nang malalim.Bago pa makapagsalita si Fane, sinabi ni Austin, “May alok ako, Brother Fane. Ang lugar natin ay Nine Armies, at tingin ko mas mabuting magkaroon ng salitang ‘nine’ sa pavilion natin. Ano sa tingin mo?” Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi nang dahan-dahan, “Pumasok kami dito sa lugar na ito para maghanap ng paraan para makarating sa ultimate god level. Kung pinili mo ang salitang ‘nine’, pipiliin namin ang salitang ‘god’. Paano kung ganito? Bakit hindi natin tawagin ang sarili nating Nine Gods Clan? Ano sa tingin mo?”Kumislap ang mga mata ni Austin sa sinabi ni Fane, malinaw na masaya ito.“Magaling! Ang gandang pangalan niyan!” ilang mga fortress master ang natuwa sa pangalan. Humakbang paharap si Austin at nag-anunsyo, “Kayong lahat, pagkatapos namin itong pag-usapan, napagpasyahan naming tawagan ang ating pavilion na Nine Gods Clan. Umaasa kaming magkakasundo nang matiwasay ang mga miyembro ng Nine Armies
Read more

Kabanata 1876

“Haha! First Fortress Master, hindi naman ata tama kung hindi kita iboboto dahil binoto mo ako, kahit na ang taas ng fighting prowess mo.” natawa si Fane. Masyadong hipokrito ang matandang ito, at nagulo ang isip ni Fane dahil dito. Gayunpaman, buti na lang paulit-ulit nitong binanggit ang kapangyarihan ng isang pavilion master. Mabibigla ang matandang ito kapag si Fane ang naging bagong pavilion master. Tulad ng hula ni Fane, ito ang binoto ng mga kasapi ng First Fortress Master, at walang bumoto kay Fane. Umubo saglit si Austin bago sabihin, “Fane, tingin ko pwede namang bumoto ang ilan sa mga tao mo. Bakit hindi mo sila pabotohin ngayon na?” naawa nang bahagya ang First Fortress Master. Higit sa lahat, walang bumoto kay Fane.“Sige pala!” tumango si Fane bago hudyatan sila Alejandro sa isang titig. Hindi nagtagal, lumapit sila Alejandro para bumoto. Natural, walang naiba, at lahat sila ay bumoto kay Fane. Pagkatapos maihain ang mga boto, nagpanggap si Austin na nahihiya a
Read more

Kabanata 1877

Pagkatapos bumoto ng mga miyembro ng Whittemore Fortress, lumapit rin ang fortress master ng Lavigne Fortress at bumoto para kay Austin. Ngumisi si Austin nang makita niya ito. Naniniwala siyang susunod ang mga kasapi ng Lavigne Fortress sa kanilang fortress master at iboboto siya ng mga ito kung matalino sila. Kaya nabigla siya nang iboto ng mga miyembro ng Lavigne Fortress si Fane. Nang ganito na lang, nahigitan na ni Fane ang boto para sa kanya. Nagdilim ang mukha ni Austin at hindi niya alam ang sasabihin niya. Pinag-isipan niya ito at lumapit siya para ipaalala sa lahat ng nandoon, “Kayong lahat, pakiusap tingnan niyo ito nang maigi at bumoto kayo nang ayon sa hiling niyo. Ang kahon para kay Fane ay nandito, at ito naman ay para sa akin. Pakiusap pumila kayo nang maayos. Ang pila para sa Lanson Fortress sa likod…” Ngunit wala rin itong bisa sa huli. Ang mga miyembro ng mga fortress, bukod sa mga fortress master ay bumoto kay Fane. Hindi lamang mas marami ang boto ni Fane
Read more

Kabanata 1878

“Kayong lahat, inaanunsyo ko nag si Fane na ang master ng ating bagong pavilion, ang Nine Gods Clan, at itinalaga niya ako bilang assistant pavilion master! Umaasa akong susunod sa kanya ang lahat at magtutulungan tayong palakasin ang ating pavilion!” sinabi ni Austin habang naglalakad siya paharap. “Anyayahan na natin ang pavilion master ng Nine Gods Clan, si Pavilion Master Fane Woods, na magsalita!” Pumalakpak nang malakas ang lahat, lalo na ang mga sumama kay Fane mula sa abandoned world. Natuwa sila, kahit hindi nila alam kung paano nagawa ni Fane na maging bagong pavilion master at kung paano niya nakuha ang boto ng ibang fortress.Naglakad paharap si Fane at sinabi nang malakas, “Tama ang assistant pavilion master: pamilya na tayo mula ngayon. Ngayong mayroon nang bagong pavilion master, gagawa tayo ng mga unitary token at damit para sa lahat. Syempre, tingin ko pwedeng pumili ang lahat kung ayaw ba nila o gusto ang mga damit na ito, pero umaasa akong dadalhin ng lahat ang ka
Read more

Kabanata 1879

Nagulo sa takot ang mukha ni Austin sa balitang ito. Kakabuo lang nila ng pavilion, ngunit bago pa niya malasap ang bagong posisyon niya bilang assistant pavilion master, mga tao ng Blood Stalwart Pavilion ang parating. “Lagot na tayo!” natakot ang isang elder na bagong talaga pa lamang, at makikita ito sa nagdidilim nitong mukha.Ang kabuuang lakas ng Nine Gpds Clan ay tumaas nang husto dahil mas marami na silang taong nasa First-grade soul-penetrating level, ngunit ang Blood Stalwart Pavilion ay may dalawang master na nasa Third-grade soul-penetrating level at tatlong nasa First-grade soul-penetrating level. Ang pavilion na ito ay mayroong nasa 170 hanggang 180 libong tao, at marami sa kanila ang nasa ultimate god level. Paano nila matatalo ang ganitong hukbo?“Kayong lahat, huwag kayong mataranta!” si Fane lamang ang nanatiling kalmado at kaagad na tinanong si Austin, “Assistant Pavilion Master, alam mo ba ang mismong sitwasyon ng Blood Stalwart Pavilion? Baka kayanin natin si
Read more

Kabanata 1880

‘Talagang nasa First-grade soul-penetrating level na siya!’ huminga nang malalim si Austin nang makita niya si Fane. Nasa Seventh-grade ultimate god level lamang si Fane nitong nakaraan, at naisip ni Austin na pambihira para sa taong itong makarating sa Eighth-grade ultimate god level kahit magsanay pa ito nang husto nitong nakaraan. Gayunpaman, wala siyang laban sa mga master na nasa Third-grade soul-penetrating level.Ngunit si Fane, na nasa harap niya, ay siguradong nasa First-grade soul-penetrating level. Sigurado siyang kung ginusto ni Fane na patayin siya, kasindali ito ng paghiwa ng gulay. Nagalak si First Elder Kieran dito. “Magaling! Kung kaya ng aming pavilion master ang dalawang nasa Third-grade soul-penetrating level. Hayaan niyo na sa amin ang iba!” “Haha! Kung ganoon, malalabanan natin sila. Grabe! Siguradong makakakuha tayo ng maraming kayamanan pagkatapos natin silang patayin!” lumipad rin ang second elder, at makikita sa mukha niya ang galak. Gusto niyang tingna
Read more
PREV
1
...
186187188189190
...
251
DMCA.com Protection Status