Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1881 - Chapter 1890

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1881 - Chapter 1890

2505 Chapters

Kabanata 1881

"Wag kang mag-alala; ibuhos mo lang ang lahat kapag tinapos mo sila. Bibigyan kita ng pill pagkatapos ng laban. Nagreserba ako ng para sa'yo dito," sagot ni Fane nang may mapait na ngiti. "Hindi ko ipagdadamot ang mga benepisyong to sa'yo, aking assistant pavilion master." "Sige, sige! Salamat, Pavilion Master!" Tuwang-tuwa si Austin. Napakalapit na niyang nakarating sa Second-grade soul-penetrating level kaya kapag binigyan siya ni Fane ng isang third-grade premium pill, hindi lang siya sa Second-grade soul-penetrating level makakarating, baka makarating pa siya sa Third-grade soul-penetrating level! Mas magiging komportable siya na maging assistant pavilion master sa mga sandaling iyon. Habang pinanood ni Fane ang mga miyembro ng Blood Stalwart Pavilion na papunta sa kanila, nag-utos siya, "Makinig kayong maigi: ako, ang assistant pavilion master, ang First Elder, ang Second Elder, at ang Third Elder ang sasama sa laban mamaya. Magpapahinga ang natitirang limang elder dito. Tig
Read more

Kabanata 1882

"Kayong dalawa, hindi nagsisinungaling ang pavilion master namin sa inyo—kami ang Nine Gods Clan. Siya ang pavilion master, at ako na ngayon ang assistant pavilion master ng Nine Gods Clan!" Naging mas arogante si Austin nang naisip niya kung paanong magiging isa sa pinakamalalakas na pangunahing pavilion ang Nine Gods Clan. Malamig niyang tinignan ang kanilang partido habang nagsabing, "Dapat niyong tandaan ang pangalan ng aming Nine Gods Clan. Yayanigin ng clan namin ang mundo!" "Pfft!" Kaagad na tumawa ang mga taong nakatayo sa harapan nila. Humawak pa sa tiyan ang isa sa mga elder ng Blood Stalwart Pavilion habang nakangiti siyang nangutya, "Haha! Binabalak niyo ba kaming patayin sa kakatawa? Balak niyong pamanghain ang buong mundo? Sa tingin niyo din namin alam ang sitwasyon niyo ngayon? Ikaw lang ang nasa First-grade soul-penetrating level, at ang lalaking yan ay nasa Seventh-grade ultimate god level lang. Higit pa roon, ang lakas niya ay maikukumpara lang sa isang master na
Read more

Kabanata 1883

"Ano?!" Naramdaman ng assistant pavilion master ng Blood Stalwart Pavilion na may mali sa sandaling nagbanggaan ang mga kamao nila. Hindi maitatangging napakalakas ang binatang ito sa harapan niya at ang lakas niya ay para bang hindi nasa First-grade soul-penetrating level. Para bang mas malakas sa kanya ang kalaban niya. Thoom!Sa sumunod na sandali, lumipad paatras ang assistant pavilion master ng Blood Stalwart Pavilion, sumirit ang dugo mula sa mga labi niya sa sandaling nakatayo siya ulit. “Mrpf! Pfft!”Nanlaki ang mga mata ng assistant pavilion master ng Blood Stalwart Pavilion at sa sobrang gulat niya ay hindi siya mahimasmasan sa nararamdaman niya. Ang Blood Stalwart Pavilion Master, si Scott Davis, ay biglang may napansin at nagsabing, "Mali ito! Hindi siya nasa Seventh-grade ultimate god level. Ang binatang ito ay… Nasa First-grade soul-penetrating level na siya!" "Imposible! Paano niya nagawang lumakas nang ganito kabilis?" Halatang nagulat ang ilang mga elder ng B
Read more

Kabanata 1884

"Haha! Hindi niyo to inasahan, ano? Marami pa kayong bahay na hindi inaasahan!" Tumawa nang malakas si Austin at hindi nagtagal ay nakulong na ng mga miyembro ng Nine Gods Clan ang mga kalaban nila. "Ipapatikim ko sa inyo ang lakas ko kapag ginamit ko ang Twin Dragons Fist!" Dahil wala siyang balak na patagalin ang lahat, may naisip si Fane at bahagyang yumuko at hindi nagtagal ay sinagawa ang Twin Dragons Fist. Dalawang malalaking aura fists ang lumitaw sa harapan niya. Para bang ilang daang metro ang taas ng dalawang aura-fists at para bang mas nakakatakot ito kumpara sa nagawa niya noon. Bumuo rin ang dalawang miyembro ng Blood Stalwart Pavilion ng isang malaking higante na kulay ginto at sumugod. Gayunpaman, walang laban ang higante sa malalaking gintong kamao ni Fane at nasa kalahati lang ito ng laki ng mga kamao. "Masama ito. Hindi kayang talunin ng atake natin ang sa kalaban. Katapusan na natin!" Namutla ang mukha ni Scott habang tinignan niya ang mga gintong kamao na
Read more

Kabanata 1885

Isa pang lalaking nasa Ninth-grade ultimate god level ang gustong tumakas mula sa direksyong ito. Namutla siya sa takot nang nakita niya ang eksenang ito at kaagad na lumipad ng direksyon para tumakas. Nagpatuloy ang nakakatakot na tunog ng labanan hanggang hapon bago ito natapos. Kahit na tumulong sina Fane at ang iba pa na patayin ang mga tao ng kalaban, masyado pa ring marami ang ilang daang libong miyembro ng Blood Stalwart Pavilion. Sa huli, nasa isa hanggang dalawang libong tao ang maswerteng nakatakas. "Haha! Muntik na nating mabura ang buong pavilion, pero ilan sa kanila ang maswerte at pumunta sa gubat. Hindi namin napigilan ang mga taong iyon, pero sa tingin ko nasa isa o dalawang libo na lang sila. Haha!" Tumawa nang malakas si Austin nang matapos ang laban. Napakarami nilang napatay na mga tao ng kalaban, pero nasa dalawa hanggang tatlong libo lang ang namatay sa buong Nine Gods Clan. Ilang libo sa kanila ang sugatan. Sa kabuuan, nakakaalerto ang ganitong pagkapanalo.
Read more

Kabanata 1886

"Maganda to. Pavilion master, isa lang third-grade premium alchemist at malakas ang mental strength mo. Haha… Basta't handang pag-aralan ng pavilion master ang martial skill na'to, baka maging bihasa ka sa skill na'to. Sa mga oras na yun, tiyak na lalakas ka nang todo!" Nakangiti si Kieran nang narinig niya ito. Puno ng pag-asa ang lahat sa Nine Gods Clan. Tumango si Fane at tinignan nang malapitan ang libro bago nagsabing, "Kumplikadong pag-aralan ang martial skill na'to at kailangan ko ng oras para dahan-dahan tong pag-aralan. Pero, lalakas ako nang matindi kapag nagawa kong pagsanayan ang martial skill na'to. Nakahiwalay sa tatlong seals ang skill at ang bawat isa sa kanila ay mas malakas kumpara sa nauna!" "Talaga? Maganda yan! Malaki ang nakuha natin ngayon at nakakuha tayo ng maraming ultimate-grade spiritual tools mula sa mga taong yun. Higit pa roon, marami ring martial skills at martial art techniques!" Masayang sabi ni Kieran. "Pavilion Master, kailangan mo ng maraming sa
Read more

Kabanata 1887

Hindi niya inasahan na direkta siyang itatakda ni Fane bilang ninth elder ng pavilion at balak pa niyang ipahawak sa kanya ang mga magiging alchemist ng clan. Masasabi na binigyan siya ng mahalagang layunin sa pavilion. "Wag kang mag-alala. Pwede mong hingian nang direkta ang pavilion para sa kahit na anong ingredients na kakailanganin mo sa hinaharap. Makikipagtulungan kami sa'yo tungkol sa pag-cultivate ng pills. Syempre, kailangan mong pataasin nang mabilis ang fighting prowess mo dahil tiyak na tataas ang mental strength mo kasabay nito. Makakatulong to nang malaki sa cultivation skills mo!" Pinag-isipan ito ni Fane at nagdagdag. "Wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para magpalago ng mga alchemist para sa pavilion." Seryosong sabi ni Kevin. "Sinong mag-aakala na may malakas tayong alchemist sa pavilion natin? Haha… Akala ko isa lang! Yun pala may isa pang alchemist dito na malapit nang maging third-grade elementary level!" Natuwa sina Austin at ang iba pa nang marinig ni
Read more

Kabanata 1888

"Paanong nangyari to? Nakarating na sila roon? May posibilidad pa na nagsimula na ang laban?" Huminga rin nang malalim ang matandang lalaking nakatayo sa tabi nila pagkatapos itong marinig. Pati siya ay may madilim na ekspresyon sa mukha niya. Gayunpaman, nagsabi si Master Loador habang nakangiti, "Haha… Hindi lang sila nagsimulang maglaban, sa tingin ko tapos na ang laban ngayon! Oo nga pala, interesado ako. Saan ba nagtatago ang mga taong nagmula sa inabandonang mundo, sa Pavilion Billow Cloud o sa Nine Armies? Kahit na saan pa sila nagtatago, namatay na siguro sila ngayon pero gusto ko pa ring malaman!" Huminto si Master Loador bago siya nagpatuloy na magsalita, "Tiyak na may karapatan kayong manahimik. Kahit na wala sa inyo ang magsasabi sa'kin kung nasaan sila, ipapaalam pa rin sa'kin ng mga tao ko ang sitwasyon pagbalik nila!" Sobrang dilim ng ekspresyon sa mukha ng matandang babae. Nagpatuloy siyang magsalita pagkatapos manahimik nang ilang segundo, "Nasa tatlompung libo s
Read more

Kabanata 1889

Tumango ang matandang lalaki at nagsabing, "Tiyak na namomroblema ngayon ang Nine Armies. Maraming tao sa kanila at nasa kanila ang mga tao mula sa inabandonang mundo na nasa ilandaang libo. Kahit na marami sila, hindi man lang umaabot sa isa sa five stars ang kabuuang lakas nila. Hindi nila kayang labanan ang Blood Stalwart Pavilion, kaya hula ko ay mahihirapan ang mga tao ng Nine Armies na makatakas!" "Ah, sayang naman ang henyong si Fane Woods. Narinig ko mula sa mga tao ng Pavilion Billow Cloud na nakakamangha ang martial talent ng batang yun. Sayang naman!" Bununtong-hininga ulit ang matandang babae. "Susuriin ko ang natitirang bilang ng Pavilion Billow Cloud pagbalik ko. Naniniwala ako na kung may mga taong nakatakas, pupunta sila sa Pavilion Billow Cloud para humingi ng tulong." "Mmhmm. Bumalik na tayo!" Pagkatapos nilang mag-usap sandali, bumalik sila sa kani-kanilang pavilions. Sa sandaling iyon, napakasaya nina Fane at ng iba pa. Sa gabi, naghanda sila para magpahi
Read more

Kabanata 1890

"Kung ganun, kailangan mong magsipag sa buwan na'to. Kung talagang magpapadala sila ng mga taong nasa seventh-grade soul-penetrating realm, malamang ay hindi mo sila kayang labanan sa kasalukuyan mong lebel at lakas!" Pagkatapos itont pag-isipan ni Selena, nagsabi siya, "O kailangan mong makarating sa third o fourth-grade soul-penetrating realm tama?" Nagsalita rin si Fane habang nanlulumong nakangiti, "Tama ka. Kung gagamit lang ako ng third-grade premium pill para icultivate ang sarili ko kahit na kaya kong panatagin ang cultivation level ko, makakarating lang ako sa second-grade soul-penetrating realm. Mas mahirap na lumakas kapag nasa soul-penetrating realm na tayo. Kaya maliban na lang kung…" Hindi pinagpatuloy ni Fane ang pangungusap niya, pero nahulaan na ni Selena ang nasa isip niya, "Maliban na lang kung makakagawa ka ng fourth-grade elementary pill sa buwang ito, at kapag nakagawa ka lang ng fourth-grade elementary pill ay doon lang tataas nang malaki ang cultivation le
Read more
PREV
1
...
187188189190191
...
251
DMCA.com Protection Status