Isa pang lalaking nasa Ninth-grade ultimate god level ang gustong tumakas mula sa direksyong ito. Namutla siya sa takot nang nakita niya ang eksenang ito at kaagad na lumipad ng direksyon para tumakas. Nagpatuloy ang nakakatakot na tunog ng labanan hanggang hapon bago ito natapos. Kahit na tumulong sina Fane at ang iba pa na patayin ang mga tao ng kalaban, masyado pa ring marami ang ilang daang libong miyembro ng Blood Stalwart Pavilion. Sa huli, nasa isa hanggang dalawang libong tao ang maswerteng nakatakas. "Haha! Muntik na nating mabura ang buong pavilion, pero ilan sa kanila ang maswerte at pumunta sa gubat. Hindi namin napigilan ang mga taong iyon, pero sa tingin ko nasa isa o dalawang libo na lang sila. Haha!" Tumawa nang malakas si Austin nang matapos ang laban. Napakarami nilang napatay na mga tao ng kalaban, pero nasa dalawa hanggang tatlong libo lang ang namatay sa buong Nine Gods Clan. Ilang libo sa kanila ang sugatan. Sa kabuuan, nakakaalerto ang ganitong pagkapanalo.
"Maganda to. Pavilion master, isa lang third-grade premium alchemist at malakas ang mental strength mo. Haha… Basta't handang pag-aralan ng pavilion master ang martial skill na'to, baka maging bihasa ka sa skill na'to. Sa mga oras na yun, tiyak na lalakas ka nang todo!" Nakangiti si Kieran nang narinig niya ito. Puno ng pag-asa ang lahat sa Nine Gods Clan. Tumango si Fane at tinignan nang malapitan ang libro bago nagsabing, "Kumplikadong pag-aralan ang martial skill na'to at kailangan ko ng oras para dahan-dahan tong pag-aralan. Pero, lalakas ako nang matindi kapag nagawa kong pagsanayan ang martial skill na'to. Nakahiwalay sa tatlong seals ang skill at ang bawat isa sa kanila ay mas malakas kumpara sa nauna!" "Talaga? Maganda yan! Malaki ang nakuha natin ngayon at nakakuha tayo ng maraming ultimate-grade spiritual tools mula sa mga taong yun. Higit pa roon, marami ring martial skills at martial art techniques!" Masayang sabi ni Kieran. "Pavilion Master, kailangan mo ng maraming sa
Hindi niya inasahan na direkta siyang itatakda ni Fane bilang ninth elder ng pavilion at balak pa niyang ipahawak sa kanya ang mga magiging alchemist ng clan. Masasabi na binigyan siya ng mahalagang layunin sa pavilion. "Wag kang mag-alala. Pwede mong hingian nang direkta ang pavilion para sa kahit na anong ingredients na kakailanganin mo sa hinaharap. Makikipagtulungan kami sa'yo tungkol sa pag-cultivate ng pills. Syempre, kailangan mong pataasin nang mabilis ang fighting prowess mo dahil tiyak na tataas ang mental strength mo kasabay nito. Makakatulong to nang malaki sa cultivation skills mo!" Pinag-isipan ito ni Fane at nagdagdag. "Wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para magpalago ng mga alchemist para sa pavilion." Seryosong sabi ni Kevin. "Sinong mag-aakala na may malakas tayong alchemist sa pavilion natin? Haha… Akala ko isa lang! Yun pala may isa pang alchemist dito na malapit nang maging third-grade elementary level!" Natuwa sina Austin at ang iba pa nang marinig ni
"Paanong nangyari to? Nakarating na sila roon? May posibilidad pa na nagsimula na ang laban?" Huminga rin nang malalim ang matandang lalaking nakatayo sa tabi nila pagkatapos itong marinig. Pati siya ay may madilim na ekspresyon sa mukha niya. Gayunpaman, nagsabi si Master Loador habang nakangiti, "Haha… Hindi lang sila nagsimulang maglaban, sa tingin ko tapos na ang laban ngayon! Oo nga pala, interesado ako. Saan ba nagtatago ang mga taong nagmula sa inabandonang mundo, sa Pavilion Billow Cloud o sa Nine Armies? Kahit na saan pa sila nagtatago, namatay na siguro sila ngayon pero gusto ko pa ring malaman!" Huminto si Master Loador bago siya nagpatuloy na magsalita, "Tiyak na may karapatan kayong manahimik. Kahit na wala sa inyo ang magsasabi sa'kin kung nasaan sila, ipapaalam pa rin sa'kin ng mga tao ko ang sitwasyon pagbalik nila!" Sobrang dilim ng ekspresyon sa mukha ng matandang babae. Nagpatuloy siyang magsalita pagkatapos manahimik nang ilang segundo, "Nasa tatlompung libo s
Tumango ang matandang lalaki at nagsabing, "Tiyak na namomroblema ngayon ang Nine Armies. Maraming tao sa kanila at nasa kanila ang mga tao mula sa inabandonang mundo na nasa ilandaang libo. Kahit na marami sila, hindi man lang umaabot sa isa sa five stars ang kabuuang lakas nila. Hindi nila kayang labanan ang Blood Stalwart Pavilion, kaya hula ko ay mahihirapan ang mga tao ng Nine Armies na makatakas!" "Ah, sayang naman ang henyong si Fane Woods. Narinig ko mula sa mga tao ng Pavilion Billow Cloud na nakakamangha ang martial talent ng batang yun. Sayang naman!" Bununtong-hininga ulit ang matandang babae. "Susuriin ko ang natitirang bilang ng Pavilion Billow Cloud pagbalik ko. Naniniwala ako na kung may mga taong nakatakas, pupunta sila sa Pavilion Billow Cloud para humingi ng tulong." "Mmhmm. Bumalik na tayo!" Pagkatapos nilang mag-usap sandali, bumalik sila sa kani-kanilang pavilions. Sa sandaling iyon, napakasaya nina Fane at ng iba pa. Sa gabi, naghanda sila para magpahi
"Kung ganun, kailangan mong magsipag sa buwan na'to. Kung talagang magpapadala sila ng mga taong nasa seventh-grade soul-penetrating realm, malamang ay hindi mo sila kayang labanan sa kasalukuyan mong lebel at lakas!" Pagkatapos itont pag-isipan ni Selena, nagsabi siya, "O kailangan mong makarating sa third o fourth-grade soul-penetrating realm tama?" Nagsalita rin si Fane habang nanlulumong nakangiti, "Tama ka. Kung gagamit lang ako ng third-grade premium pill para icultivate ang sarili ko kahit na kaya kong panatagin ang cultivation level ko, makakarating lang ako sa second-grade soul-penetrating realm. Mas mahirap na lumakas kapag nasa soul-penetrating realm na tayo. Kaya maliban na lang kung…" Hindi pinagpatuloy ni Fane ang pangungusap niya, pero nahulaan na ni Selena ang nasa isip niya, "Maliban na lang kung makakagawa ka ng fourth-grade elementary pill sa buwang ito, at kapag nakagawa ka lang ng fourth-grade elementary pill ay doon lang tataas nang malaki ang cultivation le
Pagkatapos ay nagpaliwanag si Kieran, "Hindi isang malaking lungsod ang Sky Dull City, pero sikat ito." "Sinasabi mo ba na may alchemists doon?" Nabigla si Fane. Mabilis siyang nakaisip ng isang bagay at kaagad na nagtanong kay Kieran. "Sikat ang Sky Dull City dahil ang lahat ng mga tao sa lungsod na yon ay tumatangkilik sa alkemiya," nakangiting sabi ni Kieran. "Higit pa roon, ang lugar na yun ang madalas na pinupuntahan ng mga alchemist para makipagkalakalan. May mga taong pumupunta roon para magbenta o bumili ng mga materyales na ginagamit sa alkemiya, kabilang na rito ang mga alchemy stoves at pati alchemy formulae. Nagtitinda ng ganito ang mga tao run!" "May ganun talagang lugar? Bakit di mo sinabi sa'kin nang maaga?" Nasabik si Fane pagkatapos niya itong marinig. Mabilis na nagpaliwanag si Kieran, "Master, kahapon ko lang nalaman na isa kang alchemist. At saka, ang dami nating ginawa kahapon dahil kakatapos lang nating labanan ang kalaban at aligaga ako sa pagkolekta
"Hindi ko inakala na may ganito talagang lugar! Isa iyong paraiso para saming mga alchemist!" Tumingin si Kevin sa maliit na fortress nang may sabik na sabik na ekspresyon. Nang naglakad ang tatlo papunta sa entrance ng city, nakakakita sila ng maraming taong nagtitinda sa gate. "Second-grade elementary sky dragon grass—hindi niyo na kailangang gumamit ng spirited grass para bilhin ito. Kailangan mo lang ng isandaang premium spirited stones!" Isang matabang lalaki ang nagsimulang ialok ang mga tinda niya habang nakaupo siya sa lapag. "Seryoso? Isandaang premium-grade spirited stones para bumili ng isang tangkay ng sky dragon grass? Niloloko mo ba kami? Masyado kang gahaman, Kuya." Dito, ilang tao rin ang lumapit at isa sa kanila ay pinagalitan ang matabang lalaki. Ngumiti lang ang matabang lalaki. "Hindi mo alam na isang libong taon na ito, Kuya," sabi niya. "Mababa man ang grade nito, pero hindi rin madaling makahanap ng ganitong spirited grass. Sa tingin ko nararapat la