Tinitigan ni Master Zeller ang masaklap na eksena sa harapan niya; ang dating masagana at malakas na Pavilion Billow Cloud ay bumagsak nang ganoon kadali. "Sa tingin mo ba dapat tayong pumunta sa Nine Armies at tignan ang sitwasyon doon? Gusto kong pumunta, paano kung may natira pa sa kanila?" bumuntong-hininga siya nang malakas. Sa puntong ito, nawalan na ng ideya si Master Zeller; hindi na niya talaga alam kung anong gagawin. Isa siya sa importanteng personalidad sa Anti-Alliance Guard pero wala siyang magawa ngayon. Nagsalubong ang kilay ni Master Yarbrough, pagkatapos ay hinampas ang hita niya at nag-anunsyo nang may determinadong boses, "Tara na! Kailangan nating pumunta at tumingin! Kung may natira pa sa kanila, kailangan natin silang iligtas! Siguro may ilan sa kanila na hindi namatay, malay natin?" Tumango si Master Zeller sa pagsang-ayon. May katwiran at lohikal ang pananaw ni Master Yarbrough. Kahit na nabura ang Pavilion Billow Cloud, ang espiritu ng pagkakaisa at pa
"Ang Master namin ay nasa first-grade soul-penetrating realm noon, tapos nilabanan niya ang dalawang elite fighters na nasa third-grade soul-penetrating level at natalo niya sila! Pinatay niya silang dalawa! Pagkatapos, tinapos ng mga elite fighters ng clan namin ang natitirang hindi importanteng tao ng Alliance Guard! Kaya natural na nanalo kami sa laban!" Halos bumagsak sa lapag ang panga ni Master Yarbrough nang narinig niya ang mga salita ng disipulo; ang ekspresyon niya ay para bang nakarinig siya ng kung anong kakaiba. "Nakarating na sa soul-penetrating realm ang Master mo? Kailan pa?" Pagkatapos marinig ang balitang iyon, sa sobrang gulat ni Master Yarbrough ay hindi na niya alam kung paano kumibo, at ganun rin si Master Zeller. Nagkatinginan silang pareho at pakiramdam nila ay imbis na tanungin ang disipulo rito, dapat nilang puntahan nang personal si Fane. Pagkatapos itong pag-isipan, hindi nagsayang ng oras ang dalawa at kaagad na nagpunta sa tirahan ng Nine Gods C
Ang lahat ng mga taong umatake sa Nine Armies ay napatay nila. Ang mga nakatakas ay puro mahihina lamang. Ano kaya ang magiging ekspresyon nina Master Loador at Master Mackenzie kapag narinig nila ang balitang ito? Sa sandaling iyon, nag-iinuman sina Master Loador at Master Mackenzie sa base camp ng Alliance Guard. Nakatanggap sila ng balita tungkol sa tagumpay nila at kung paanong walang natirang buhay sa Pavilion Billow Cloud. Magandang balita ito para sa Alliance Guard dahil kung nabura ang isang clan na mas malakas sa Nine Armies, iisipin nila na nabura rin nila ang Nine Armies. Pagkatapos isiping namatay si Fane Woods sa mga kamay nila, hindi napigilan ni Master Loador na tumawa sa galak. Tinaas niya ang baso niya at binangga ito sa baso ni Master Mackenzie. "Ano bang sabi ko? Tiyak na mamamatay ang batang yun sa mga kamay natin. Hindi natin kailangang mag-alala. Nasa ultimate god level lang siya. Kahit na gaano pa siya kalakas, hindi siya mananalo laban sa mga nasa soul-pe
Para silang tinamaan ng kidlat sa balitang ito. Kanina lang nagdidiwang pa sila, tapos ngayon, pakiramdam nila ay binuhusan sila ng nagyeyelong tubig. Isa siguro itong biro! Tinitigan ni Master Loador ang nanginginig na disipulo na nakaluhod sa lapag. "Sabihin mo ulit sa'kin kung anong eksaktong nangyari. Paanong naging ganun kalakas ang Nine Armies?" Nanginginig at malamig ang boses niya. Sa sobrang takot ng disipulo, nagsimulang maghalo-halo ang mga salita niya. Alam na alam niyang hindi siya makakaalis sa sikretong kwarto na ito nang buhay kapag nagalit sa kanya ang dalawang lalaking nasa harapan niya. Nagawa niyang sabihin ang mga salita at nakumpirma nito kina Master Loador at Master Mackenzie na tama ang una nilang narinig. Hindi ito isang guni-guni. Normal lang sa kanila na mapuno ng galit nang nalaman nilang namatay ang lahat ng malalakas nilang tao at mahihina lang ang natira sa kanila. "Layas!" Kahit na gamit ang tono ng utos niya, para ba itong musika sa tainga ng nata
Tinitigan nang seryoso ni Master Mackenzie ang salamin. "Wala akong pake kung anong tingin niyo kay Fane Woods. Nakapagpasya na akong gagawin ko ang lahat para pigilan siyang makausad." Nagsalubong ang kilay ni Master Loador kay Master Mackenzie. "Sinasabi mo bang personal mo siyang lalabanan?" Walang-alinlangang tumango si Master Mackenzie. "Huwag mo na akong kausapin gamit ng palyado mong lohika. Ang batang 'yun ay hindi isang insektong madali nating madudurog. Isa na itong tigre ngayon, pero hindi pa naman siya masyadong malakas." Lumingon si Master Loador at tinitigan si Master Mackenzie. Hindi man lang tumingin pabalik si Master Mackenzie at nagpatuloy, "Kapag hindi tayo kumilos, tayo na ang susunod na mamamatay. Kaya dapat mapigilan natin siya kaagad. Kailangan nating tipunin ang lakas ng Alliance Guard para itumba ang Nine Armies kahit isipin pa ng ibang napapraning tayo." Naalarma si Master Mackenzie sa pagkamatay ng maraming mahuhusay na tao. Huminga siya nang malali
Napagpasyahan ng mga elder ng Alliance Guard na sumama sa laban sa Nine Gods Clan dahil malaking problema na sa kanila ang pagsasama ng mga angkan. Hindi pa nagkaroon ng angkang umusad nang kasinbilis ng Nine Gods Clan. Tuloy-tuloy na nagsasanay si Fane Woods nang walang pahinga mula noong maging isa siyang fourth-grade elementary alchemist. Patuloy siyang gumawa ng mga pill na iniinom niya para pataasin ang kanyang cultivation level. Sa loob lamang ng pitong araw, nakarating na siya sa ninth-grade soul-penetrating level mula sa seventh-grade soul-penetrating level. Ang ninth-grade soul-penetrating level ang pinakataas ng mundong ito at halos lahat ng mga master ng Clan association ay nasa ganitong lebel. Nang makarating siya ng soul-penetrating level, kusang tinikom ni Fane ang kanyang kamao at nakaramdam siya ng matinding kapangyarihang dumadaloy sa dulo ng kanyang daliri. Ang kasalukuyang Fane Woods ay kampanteng makipaglaban sa isang second o third-grade nirvana level na figh
Walang masabi si Kevin Cabello kay Fane Woods. Wala siyang magawa kundi titigan ang kanyang master. "Ibalita mo kay Master Yarbrough, Master Zeller, at sa ibang Clan association ang sinabi mo sa akin. Sabihin mo sa kanilang maghanda sila para sa laban," kalmadong iniutos ni Fane Woods. Nang marinig ito, nahirapang huminga si Kevin Cabello na para bang nakalunok siya ng tatlong langaw dahil ang labang ito ang magtatakda kung makakaligtas ba ang Nine Gods Clan. Habang kalmado si Fane Woods lalong nababahala si Kevin Cabello. Hindi siya nagsayang ng oras sa pagkakalat ng balita. Tumingin si Fane Woods sa himpapawid sa taas niya at kahit mukhang kalmado ito, nararamdaman niyang parating ang isang bagyo. "Ano? Umalis ng base nila ang Alliance Guard? Mukhang binubuhos na nila ang lahat sa huli nilang laban." "Diyos Ko. Anong gagawin natin? Mananalo ba tayo dito?" Nataranta ang mga disipulo ng Nine Gods Clan nang matanggap nila ang balita. Napansin ni Kevin Cabello na nananatiling
Namutla ang mukha ni Master Mackenzie kagaya nang kay Master Loador. Nakaramdam siya ng masamang pangitain na baka hindi umayon sa kanila ang laban. Bago sumugod, nangako siya na gagawin niya ang lahat para manalo pero hindi niya inasahan na makakarating kaagad sa ninth-grade soul-penetrating level si Fane Woods sa loob nang maikling panahon. Para sa kanya, imposible na lumakas nang ganito kabilis sa ganito kaikling panahon. Gayunpaman, hindi niya alam na may talento si Fane sa paggawa ng pills. Lalo na't si Fane Woods lang ang tao sa buong Cathysia na isang fourth-grade elementary alchemist. Nang nakita ni Master Mackenzie si Master Loador na tinitigan nang masama si Fane Woods, hindi niya napigilang magsabi, "Kahit na gamitin mo ang lahat ng aura mo para pahirapan siya, wala pa rin siyang mararamdaman. Sinabi ko na sa'yo na mas malakas siya kumpara sa iniisip mo pero hindi ka nakinig sa'kin!" Natuwa si Master Mackenzie sa pagpupumilit niya na pakilusin ang buong pwersa ng Alliance