Apat na ilaw ang kaagad umilaw na naging dahilan para mapasinghap ang mga tao. Subalit, imposible para sa kay Gerald na makuntento lang sa apat na ilaw. Halos lumuwa na ang kanyang mga mata habang pinipilit niyang pailawin ang panlimang ilaw. Subalit, nakatadhana na siyang madismaya dahil lumipas na ang walong segundo at namatay na ang ikaapat na ilaw.Maganda naman ang naging resulta niya. Kahit na sino ay matutuwa sa ganitong klaseng resulta ngunit hindi magawang ngumiti ni Gerald. Akala mo ay sinabuyan ng abo ang kanyang mukha.“Pang-apat na ilaw walong segundo. Pakiusap at tumayo ka na sa likuran ko.,” sabi ni Ambrose. May bakas ng awa sa kanyang boses. Kahit na nakakamangha ang resulta ni Gerald, halata naman na hindi ito ang inaasahan niyang resulta. “Apat na ilaw lang? Dismayado ako sa sarili ko,” galit na sinabi ni Gerald. Namula ang buong mukha niya at parehong nanginginig ang kanyang mga kamao. “Hindi to maaari! Imposible na ganito lang ako kalakas.” Naghahanda na siya pa
Sinara ni Morton ang kanyang pamaypay. “Ano ang karapatan ko para tawanan ka? Ito ay dahil sa mas malakas ako kaysa sayo, syempre. Kaya may karapatan ako para tawanan ka.”Malamig na tumawa si Gerald. “Asa ka pa. Bakit hindi ikaw ang sumunod? Tapusin na natin to.”Suminghal si Morton at malumanay na naglakad papunta sa obsidian na para bang hawak-kamay na niya ang tagumpay. Kapag tiningnan mo siya, para siyang isang paboreal na naghahanap ng mapapangasawa.Ang mga tao ay pinanood silang magsagutan ng tahimik. “Kaya ba talaga ni Morton na pailawin hanggang sa limang ilaw,” bulong ng isa sa mga tao. “Kaya naman niya siguro. Hindi siya isang hangal. Hindi niya sasabihin ang bagay na yun kung wala siyang tiwala sa sarili niya. Mas mahalaga sa kanya ang kanyang ego.”Maraming tao ang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ng pangalawang taong nagsalita. Oo, mayabang man si Morton pero hindi niya hindi siya gagawa ng kahit na ano na makakasira sa kanyang reputasyon. Kapag sinabi niya na
Tahimik na nakinig si Fane sa usapan ng mga tao.Sa sandaling iyon, handa nang sumuntok si Morton ngunit may ginawa siyang kalokohan. Lumingon siya at tumingin kay Gerald nang nanghahamon kaya inirapan siya ni Gerald. Pagkatapos, sinabi niya nang seryoso, “Pagmasdan niyo ang aking matinding kapangyarihan!”Nang sabihin niya ito, hinampas niya ang kanyang kamaong nababalot ng ginintuang kaliskis sa may obsidian. Narinig ng lahat ang tunog ng mga buto sa sobrang lakas nito. Tumunog ang obsidian at kaagad itong umilaw. Ang lakas ng atake ni Morton ay katulad ng kay Gerald ngunit mas magandang tingnan ang kanya.Nakatitig ang lahat sa liwanag nang nanlalaki ang mga mata. Nasaksihan nila ang patuloy na pag-aaway ng dalawa at hindi sila makapaghintay sa resulta ni Morton. Kung talaga bang mas malakas si Morton kay Gerald, baka kainin ni Gerald ang sinabi niya.Hindi nagmamadali si Morton na makita ang resulta. Subalit, malinaw na nakikita ng madla na apat na ilaw lamang ang umilaw. Ginam
Namula ang mukha ni Morton at nahirapan siyang huminga. Tinuro niya si Gerald at sinabi, “Kahit na hindi ko napailaw ang ika-limang ilaw, mas malakas pa rin ako sa’yo. Nanatiling umiilaw ang ikaapat na ilaw ko nang mas matagal kaysa sa’yo!”Hindi dinamdam ni Gerald ang sinabi niya. “Isang segundo lang. Huwag mong pagmukhaing matatalo mo ako sa isang suntok. Kahit mas malakas ka sa akin nang kaunti, wala ka pa ring laban sa akin pagdating sa totoong labanan. Hindi ka tatagal kung talagang magbanggaan tayo.” Kampante si Gerald sa kanyang karanasan sa labanan. Mula pagkabata, sumasama siya sa mga nakatatanda sa pagsasanay at marami na siyang nakalaban. Nanalo siya sa ilan at natalo naman siya sa iba. Ang lahat ng karanasang ito ang humubog sa kung sino man siya ngayon.Ibang-iba ang kabataan ni Morton kumpara kay Gerald. Kahit na may karanasan siya sa pakikipaglaban, wala ito kumpara kay Gerald. Alam niya mismo ito. “Huwag mong ilihis ang katotohanang mas malakas ako sa’yo. Nakamit ko
Nagbago ang tingin ni Zeph kay Fane dahil sa pagiging kalmado nito at gumanda ang tingin niya dito. Gayunpaman, natanggap na niya ang pera sa pangakong aalisin niya si Fane. Kaya imposibleng hahayaan niya si Fane na makilahok sa pagsusulit o paalisin nang buhay ito.Humarap si Zeph sa madla at tumawa. “Syempre hindi! Ang dahilan kung bakit hindi ako pumapayag na makilahok ka sa pagsusulit ay dahil isa kang espiya na ipinadala ng Muddled Origin Clan.” Napahikbi ang mga madla nang tumingin sila kay Fane nang may pagdududa sa kanilang mga mata. Ang katotohanang ang nagbintang ay si Zeph ay lalong nagpapaniwala sa kanila. Higit sa lahat, bakit naman magsisinungaling ang isang taong tulad niya sa Dual Sovereign Pavilion? Anong makukuha niya dito?Walang ideya si Ambrose kung totoo ba ang sinasabi ni Zeph ngunit noon pa man ay siya na ang tipong laging salungat ang opinyon sa kahit anong posisyong mayroon siya. Tumingin siya kay Fane at napahanga siya sa pagiging kalmado nito. ‘Kung tala
Higit sa lahat, maraming mga informal disciple ang nagiging bala sa kanyon sa giyera sa pagitan ng mga Clan association. Kumislap ang mata ni Zeph at tumaas ang kilay niya. Hindi niya inakalang makakaisip kaagad si Fane ng magandang paliwanag. Subalit, kahit gaano pa katalas ang isip nito, hindi pa rin nito mapipigilan si Zeph. Tumawa siya at humarap sa madla. "Nakatanggap ako ng balita mula sa isa sa aking disipulo. Nakita ka niyang kumakain kasama ng isang disipulo mula sa Muddled Origin Clan. Bukod pa rito, pwedeng tumestigo si Warren na nakita ka niya sa Muddled Origin Clan noon. Walang kwenta ang argumento mo kung maraming mga saksi." makatwiran ang sinabi ni Zeph at ang mga walang alam ay naniwala sa kanya. Tiningnan ng madla si Fane nang may inis sa kanilang mga mata. "Ikaw espiya ka! Grabe talaga ang mga taong balimbing! Ang lihim na lugar na puno ng kasangkapan ay natuklasan ng Dual Sovereign Clan at ninakaw ito ng Muddled Origin Clan! Dapat mahiya ka sa sarili mo!" sabi n
Tumaas ang kilay ni Ambrose, naawa siya kay Fane dahil totoo ang sinabi ni Zeph. Kahit nandiyan pa o wala si Fane, walang magbabago sa Dual Sovereign Pavilion. Si Zeph rin ang may pinakamalaking kapangyarihang magdesisyon sa Dual Sovereign Pavilion. Si Fane ay isa lamang kandidato para sa pagsusulit at wala siyang kapangyarihan para kontrahin ang desisyon ni Zeph. Gustong magsalita ni Ambrose para kay Fane ngunit ayaw niyang sumugal dahil baka totoo ang sinasabi ni Zeph na espiya si Fane at ituturing siyang isang traydor dahil sa pagtulong niya kay Fane. Kaya, nanahimik siya at pinagmasdan ang pangyayari. Lalong naging seryoso ang mukha ni Fane sa sandaling iyon. Napagtanto na niyang hindi madaling maaayos ang bagay na ito. Lumapit sa kanya si Zeph nang nakataas ang kilay at bumulong sa taenga ni Fane, "Sumuko ka na, bata. Bilang isang officer ng Dual Sovereign Pavilion, kapag sinabi kong hindi ka pwedeng kumuha ng pagsusulit, hindi talaga pwede. Ito ang napapala mo sa pagbangga sa
"Kalokohan. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lamang hamak na fighter na nasa initial stage ng innate level. Akala mo ba talaga mahihigitan mo ang dalawang henyo sa harap mo at masisindihan mo ang ika-limang ilaw ng obsidian?" Nagtinginan si Ambrose at Elder Lee. Pareho sila ng nasa isip—na lalong magiging nakakagulat ang mga pangyayari. Sa ibaba ng entablado, muling nag-usap ang mga tao. Marami sa kanila ang iniisip na baka may problema sa pag-iisip si Fane. Ang kapal naman ng mukha niyang ideklarang siya ang makakakuha ng unang pwesto? "Nahihibang ka na kung tingin mo kaya mong sindihan ang limang ilaw at makuha ang sengen pill. Tingin mo ba talaga isa kang henyo? Kung totoo, bakit hindi pa kita naririnig noon?" "Tama! Dapat mag-isip ka naman ng mas kapani-paniwala kumpara dito! Hindi ka mukhang kayang magpasindi ng limang ilaw. Maswerte ka na kung mapailaw mo ang ikatlong ilaw sa loob ng limang segundo." "Alam kong hindi mahirap magsinungaling pero sobra na ito. Siya ang pinak