Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1981 - Kabanata 1990

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1981 - Kabanata 1990

2505 Kabanata

Kabanata 1981

Sinusuri ba ni Noel ang posibilidad na lumipat ng trabaho kapag nabigo siyang makausad sa kanyang pagsasanay?Tinuro ni Zayn ang Array Eye Door at nagtanong, “Senior Brother Noel, balak mo bang mag-aral tungkol sa mga formation?”Kumirot ang bibig ni Noel bago niya irapan si Zayn. Tinikom niya ang kanyang bibig dahil ayaw niyang magsalita, ngunit hindi niya mapigilang magsalita nang patuloy na kumabog sa dibdib niya ang mga naiisip niya.Suminghal siya at sinabi nang may kakaibang tono, “May pumasok dito ngayon lang.” Nanatiling nagtataka si Zayn dahil hindi niya maisip anong kinalaman ng sagot ni Noel. Hindi ba natural lang na may pumasok dito? Hindi ba ang Soul Hall ay ginawa para sa pagsasanay?Tumingin siya kay Noel nang nagtataka, “Diba normal lang namang may magsanay sa loob? Bakit ka nakatitig dito? Kakaibang tao ba ito? Isa ba itong napakalakas na chosen disciple?” Ito lamang ang paliwanag na naisip ni Zayn. Higit sa lahat, ang isang taong kayang magsanay ng mga martial
Magbasa pa

Kabanata 1982

Maraming tao na ang nakita ni Noel na nagsubok magsimula sa pagsasanay ng mga martial art technique at martial skill na may soul attribute sa Array Eye Door noon. Ngunit walang kahit isa sa mga ito ang nagawang manatili sa loob nang higit sa isang oras. Ang manatili sa loob nito nang higit sa isang oras ay nangangahulugang napakataas ng fighting prowess ng taong ito… ngunit si Fane ay isang buong araw nang nandoon. Kung hindi maayos na gumagana ang formation, iisipin nI Noel na namatay na ang taong ito sa loob.Higit sa lahat, masyadong nagmamatigas ang taong ito. Kung umabot ng ilang oras si Fane sa loob ng formation, isiipin ni Noel na nagpumilit si Noel na manatili sa loob, nagmamatigas para makita niya. Ngunit inalis niya ang mga una niyang naiisip nang makalipas ang isang araw, at walang senyales na lalabas na ang taong ito. Nagpumilit siyang manatili sa loob nang hindi inaalala na baka masaktan ang kanyang kaluluwa, hindi kakayanin ni Noel na tumagal nang ganito. Nabigla si
Magbasa pa

Kabanata 1983

Tumingin si Noel kay Zayn at ngumisi nang bahagya, kahit na naiintindihan niya kung bakit tulala si Zayn. Huminga nang malalim si Noel at dahan-dahang sinabi, “Kaya pala ganito ako kausapin ng taong ‘yun. Mukhang talagang isang bukod-tanging henyo ang nakasalubong ko.” Hindi maitago ni Zayn ang pagkagulat niya. “Sino ang taong ito? Sino siya sa mga bagong informal disciple?”Kumunot ang noo ni Noel habang nagsasalita, “Maaaring hindi mo alam kung sino ito dahil isa lang itong karaniwang tao, pero siguro naman narinig mo na ang tungkol sa kanya. Siya si Fane, ang taong pumayag na kalabanin si Wesley sa wager battle arena.” Ang laban sa pagitan ni Wesley at ng isang bagong informal disciple ay kumalat nang napakabilis sa mga informal disciple, at ito ay naging parang isang tsismis. Higit sa lahat, walang naniniwalang matatalo ni Fane si Wesley—imposible ito. Napakasama ng ginawa ni Wesley, ngunit mukhang hindi siya natitinag, dahil may maganda siyang katayuan.Higit pa rito, ang ka
Magbasa pa

Kabanata 1984

“Masyadong arogante si Wesley, at hindi niya pinapansin ang ibang tao. Kahit gawin natin ito para tulungan siya, maaaring hindi niya tayo maalala. Pero baka magalit si Fane sa atin, at hindi ito sulit.” napagpasyahan ni Noel na manahimik nang maisip niya ito. Kahit na malaking balita kapag nalaman ito ng mga tao, wala itong halaga sa mga taong walang mapapala dito, at ayaw sumugal ni Noel dito. Nanatiling tahimik si Zayn, ngunit tumingin siya sa paligid habang iniisip niya ito.Nang mapansin ang katahimikan ni Zayn, humarap sa kanya si Noel at nakita niyang walang magandang balak si Zayn.Kaagad na nagalit si Noel sa katangahan nito at sumigaw siya, “Anong binabalak mo? Alam kong gusto mong mapalapit kay Wesley, dahil kilala siya kumpara sa’yo, at baka mas gumanda ang kinabuksan mo kapag nakasundo mo siya. Pero kailangan mong maintindihan na si Wesley ay hindi isang taong basta mo na lang mabobola dahil gusto mo. bukod pa diyan, hindi naman siya masyadong matalino at mahusay. Mayaban
Magbasa pa

Kabanata 1985

Ang epekto ng soul motion na nasa ganitong lebel ay wala na masyadong epekto kay Fane. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad patungo sa direksyon kung saan siya nanggaling, kung saan siya pumasok, bago niya maramdamang parang may nakaharang sa kanya.Inunat niya ang kanyang kamay at tinulak ito, naramdaman niyang muling lumalagkit ang paligid, at kaagad nitong binalot si Fane. Ngunit kaagad na nakabalik ng Soul Hall si Fane. Nakita niya si Noel na nakatayo sa tapat ng Array Eye Door na malalim ang iniisip. Nagulat si Noel sa biglang paglitaw ni Fane at kusang napaatras. Dahil isa at kalahating araw na ang lumipas, unti-unti nang humupa ang pagkabigla ni Noel. Nakatayo pa rin ito sa harap ng Array Eye Door upang pagmasdan kung kailan lalabas si Fane.Akala niya noong una magmumukhang balisa at pagod si Fane paglabas ng Array Eye Door. Ngunit mukhang masigla si Fane sa sandaling iyon, para bang masarap ang tulog nito. Kumirot ang bibig ni Noel nang mapasinghal siya sa loob niya sa ku
Magbasa pa

Kabanata 1986

Akala tuloy ni Noel ay may mali na sa kanyang tenga nung narinig niya ang sinabi ni Fane. Walang malay niya tuloy na naitanong, ‘Anong sinabi mo? Ano ang gusto mong baguhin?’ Walang malay na hinawakan ni Fane ang kanyang ilong nung nakita niya ang gulat na ekspresyon ni Noel. Naisip na niya kung tatanggapin ba ni Noel kung magiging eksaherado siya bago lumabas. Kung hindi lang nangyari ang insidente kay Wesley, baka huminto muna siya at isipin kung ano ang kahihinatnan nito. Subalit, halata naman na wala sa mood si Fanme na isipin ang tungkol sa bagay na ito. Dahan-dahan siyang huminga bago inulit ang kanyang sinabi, “Ang sabi ko ay gusto kong baguhin ang difficulty sa level four. Pakiusap at pakibago ito para sa akin.”Ngayon naman, malinaw na narinig ni Noel kung ano ang kanyang sinabi. Kasabay nito, naging gulat ang ekspresyon nito at nakanganga habang halos lumuwa na ang mga mata nito.Ang mga kanto ng kanyang bibig ay nanginginig. “Nababaliw ka na ba? Baliw ka ba o ako ang b
Magbasa pa

Kabanata 1987

Umikot siya at naglakad papunta sa Array Eye Door pagkatapos niyang magsalita. Ang tuwid niyang mga hakbang at walang imik na ekspresyon ang naging dahilan para muling magulat si Noel. Sa mga mata ni Noel, nagbago na ng tuluyan ang imahe ni Fane. Para na siyang isang bato na hindi nagbabago, kahit na daanan ng hangin at ulan. Baka ang taong ito ay kaya talagang gumawa ng himala. Subalit, walang malay siyang umiling nung naisio niya ang tungkol sa kung gaano kalakas ang mga soul-shockwaves ng difficulty level four.Isa pa din itong lugar ng malagkit na kadiliman at mas malapot pa ito kung ikukumpara sa difficulty level two kanina. Ngayon naman, ang espasyo ay hinarangan pa nga si Fane mula sa paglalakad ng pasulong. Pakiramdam niya ay ang hangin sa kanyang paligid ay mukhang puno ng dalawang timba ng glue at dumidikit ito sa bawat sulok ng kanyang katawan, na pumipigil sa kanya mula sa pag-usad. Subalit, hindi naman ganun kalakas ang pwersa. Pagkatapos niyang ibuhos ang doble ng la
Magbasa pa

Kabanata 1988

Nagngangalit ang mga ngipin ni Fane, dahil sa ayaw niyang sumuko. At sa mga oras naman na ito, nakapasok na si Wesley sa Seven Stars Hall at binabati ang iba pang mga disipulo. Sumisikat na siya doon. Kahit na may hinamon siyang isang bagong informal disciple, at hindi magandang pag-usapan ang tungkol dito, hindi ikinahihiya ni Wesley ang bagay na ito, dahil sa pinagmukha niya na gumagawa lang siya ng tama. Sinabi niya sa mga malapit sa kanya na ang isang basura na kagaya ni Fane ay hindi nararapat na magkaroon ng sarili niyang kwarto at ginawa niya ito sa ngalan ng hustisya.“Brother Chaz, naparito ka ba para kumuha din ng assignment? May nakasalubong ka na ba na bago at nakakawili na mga assignment? Nagastos ko na ang natitira kong tatlong daang assignment points. Balak ko na pumunta sa Martial Art Techniques at Martial Skills Hall para kumuha ng isang elementary red level martial art technique kapag may sapat na akong puntos,” sabi ni Wesley.Lumingon si Chaz, tiningnan si Wesley,
Magbasa pa

Kabanata 1989

Ang lalaking may tatsulok na mga mata ay ngumiti at sinabi, “Brother Wesley, kanina pa kita hinahanap! Sinabi sa akin ng batang tagapaglingkod mo na pumunta ka sa Martial Art Techniques at Martial Skills Hall. Inabot din ako ng mga ilang sandali bago sinabi sa akin ng mga taong napagtanungan ko doon na pumunta ka dito sa Seven Stars Hall.”Nagtaas ng kilay si Wesley at hindi lumingon para tignan ito. “Anong kailangan mo? Hayaan mong asikasuhin ko muna ito, masyado akong abala kaya huwag mo kong aabalahin sa mga walang kwentang bagay!” sinabi niya ng may mahinang boses.Ang lalaking may tatsulok na mga mata ay hindi dinamdam ang tono ng pananalita ni Wesley na para bang hindi nito napahupa ang kagustuhan niyang mapagaan ang kalooban nito. ‘Inutusan mo ko na manmanan si Fane Woods at ngayon ay naparito ako para sabihin sayo na pumunta siya ng Soul Hall!”Pinihit ni Wesley ang kanyang leeg para lingunin ito at tingnan mula ulo hanggang paa nung narinig niya ang bagay na ito. “Sinabi mo
Magbasa pa

Kabanata 1990

Sa halip, pumunta si Fane sa lugar na kung saan ay male-level up niya ang kanyang skill ng mas mabilis! Tanging ang mga disipulo lang na mas matagal na sa Dual Sovereign Pavilion ang gagawa ng ganun bagay. Suminghal si Wesley at sinabi, “Hayaan mo na, baka nagpapakitang gilas lang siya. Dapat ay malugod pa siya tungkol sa katunayan na tatayo siya sa arena kasama ko…”Samantala, malapit nang makarating si Fane sa sukdulan. Hindi ganun kadali na gumawa ng tatlong Soul Swords. Sa kabilang banda naman, kailangan niyang tiisin ang soul-shockwave, at sa kabilang banda naman, kailangan niyang gamitin ang Void Cutting spell para buuin ang tatlong Soul Swords. Subalit, naunawaan na niya ang isang bagay—kung bakit kayang pabilisin ng Soul Hall ang pagpapa-level up ng isang soul attribute skill. Simple lang ang lohika sa likod nito, maituturing ito na pagpapalakas sa isang sandata o skill sa paglililok ng isang jade. Sa simula ng cultivation, katumbas ito ng isang hindi pa napapakintab na pira
Magbasa pa
PREV
1
...
197198199200201
...
251
DMCA.com Protection Status