Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1991 - Kabanata 2000

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1991 - Kabanata 2000

2505 Kabanata

Kabanata 1991

Subalit, tinawag siya ni Noel bago pa man siya makalabas ng pinto. “Narinig ko na lalabanan mo si Wesley sa wager battle?”Nagtaas ng kilay si Fane at nilingon si Noel. Sigurado siya na hindi siya tinanong ni Noel dahil halos lahat ng mga disipulo na nandito ay alam ang tungkol dito. Alam din niya na ang iba pang mga disipulo ay itinuturing ang balita na ito bilang isang katatawanan. Kaya naman, hindi niya ito sinagot ngunit hinintay niya ito na magpatuloy.Tinikom sandali ni Noel ang kanyang mga labi at sabay sinabi, “Marahil ay kulang ka ng contribution points sa ngayon at mukhang gusto mo pang pumasok ng Soul Hall.”Tumango si Fane. Walang duda sa bagay na ito. Kung pagbibigyan siya ng pagkakataon, handa pa siya na manatili dito ng isang buwan, bwisit na soul-shockwave yan. Nararamdaman niya na unti-unti siyang lumalakas at kahit na hindi isang karibal ang tingin niya kay Wesley, kailangan pa din niya na mag-ingat dahil sa hindi pa din siya ganun kalakas para talunin ito.Bahagy
Magbasa pa

Kabanata 1992

Nang nakabalik si Fane sa kanyang kwarto, kaagad niyang inutusan si Brook na gawin ang palitan sa Seven Stars Hall. Ang tungkulin ng isang runner disciple ay magsagawa ng ilang gawain para sa mga formal at informal disciples at si Brook ay maituturing na isang beterano pagdating sa mga bagay na ito. Mabilis siyang nakarating sa Seven Stars Hall dala ang jade identity card ni Fane at ang spirited crystals, habang naghihintay naman si Fane sa kanyang pagbabalik.Pwede naman si Fane na lang ang gumawa ng palitan mismo pero ayaw niya sa maraming tao. Bukod dun, sikat siya ngayon sa mga informal disciples at mas makakabuti kung iiwas siya na masangkot sa anumang pakikipagtalo kay Wesley. Alam niya na hindi palalampasin ni Wesley ang anumang pagkakataon para pagsalitaan siya ng masama at ayaw niyang mag-aksaya ng laway sa ganun klaseng tao.Nakabalik si Brook makalipas ang isang oras at binalik kay Fane ang jade identity card na matagumpay na na-update na may lamang limampung contribution
Magbasa pa

Kabanata 1993

"Ang minor steward na naatasan sa assignment na ito ay si Steward Fleming at nasa ilalim siya ni Deacon Ambrose. Kaagad siyang umiling nang marinig niyang nakipagpalit ako ng 500 low-grade spirited crystals para sa contribution points. Sabi niya na hindi kasama ang mga bagong informal disciple sa benepisyong ito at medyo mukhang naiinis siya nang sabihin niya ito," sabi ni Brook. Kumunot ang noo ni Fane. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Noel nitong nakaraan at hindi niya pa rin matukoy kung anong nangyayari. Siguro sinasabi sa kanya ni Noel na iba ang trato ng Dual Sovereign Pavilion sa mga bagong informal disciple kumpara sa mga nauna. Kasabay ng nangyari sa mga contribution point, sinabihan ni Fane ang kanyang sarili na mag-ingat mula ngayon. Hindi kaya sadyang mababa ang tingin ng mga nakatataas sa mga bagong informal disciple? Kung ganito nga ang nangyayari, kaya pala ang baba ng tingin ng mga mas naunang disipulo aa mga bagong informal disciple. Higit sa lahat, ang Dual Sov
Magbasa pa

Kabanata 1994

Tumawa nang marahan si Fane at sinabi nang maamo, "Tingin ko hindi naman ako isang henyo. Siguro medyo maswerte lang ako pagdating sa pag-cultivate ng skill na may soul attribute." Umiling si Noel at mayroong kaunting kalungkutan sa kanyang mga mata na para bang tinamaan siya sa mga sinabi ni Fane. Humudyat siya sa Array Eye Door gamit ng kanyang baba, walang-dudang ayaw na niyang kausapin pa si Fane. Muling natawa si Fane at pumasok sa pinto. Bago siya makarating dito, iniisip niya kung dapat ba niyang taasan ang difficulty level ngunit pagkatapos niya itong pag-isipan nang maigi, napagpasyahan niyang huwag na lang. Matagal pa bago siya masanay nang husto sa difficulty level four at kapag basta niya tinaasan ang difficulty level, siguradong mas mahihirapan siya. Hindi maganda ang magiging epekto sa kanya ng matinding sakit mula sa mga bugso ng kaluluwa. Pagkatapos gumana ng array, muling napuno ng mga bugso ng kaluluwa ang kwarto. Pumikit si Fane at kumumpas gamit ng kanyang kam
Magbasa pa

Kabanata 1995

Walang-duda si Noel sa kakayahan ni Fane pagkatapos masaksihan ang unang limang araw nito sa Array Eye Door difficulty level one ngunit mukhang malaki ang naging dagok nito sa kanya sa ngayon. Kaagad na lumapit si Noel para saluhin siya bago bumagsak. Huminga si Fane nang marahan at pagod na sinabi, "Huwag kang mag-alala. Hindi ako napuruhan. Sadyang naubos lang ang spirit energy at true energy ko." Tumaas ang kilay ni Noel at marahang pinindot ang meridian point ni Fane gamit ng kanyang daliri at tulad ng inaakala niya, naubos na ang lahat ng true energy sa mga meridian point ni Fane, at kaunting spirit energy na lamang ang natitira. Lalo siyang walang masabi dahil dito. "Ano bang ginagawa mo sa loob para maubos mo ang lahat ng true energy at spirit energy mo?" tanong ni Noel. Tumawa nang bahagya si Fane at sinabi ang totoo. "Nakalagpas ako sa isang harang. 'Yun lang." Kaagad na tumaas ang kilay ni Noel dito. "Masasabi kong napakahusay at napakatapang mo. Ang mga soul-shockwa
Magbasa pa

Kabanata 1996

Tinapik ni Nash si Fane sa balikat nang medyo nahihirapan at sinabi, "Magpahinga ka muna at huwag kang masyadong magmadali. May dalawang linggo pa. Hindi mo na kakayanin kapag masyado kang naging mahigpit sa sarili mo." Tumango si Fane at alam niyang nag-aalala lang ang ama niya para sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Father. Alam ko ang ginagawa ko. Totoong malakas si Wesley pero hindi ko kailangang magpakapagod nang husto para dito. Maliit lamang ang puwang niya sa kagustuhan kong magsanay. Ang pinakamalaking dahilan kung bakit gusto kong magsanay ay baka maipadala ako kapag nagsimula ang giyera. Isang beses lang akong makakatulog kapag patuloy akong nagpalakas. Atsaka, hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa aking isipan na may binabalak na kakaiba ang Dual Sovereign Pavilion para sa aming mga bagong informal disciple." May magandang dahilan si Fane para maramdaman ito, isa na dito ang mga sinasabi ni Noel, at ang pangalawa ay ang nangyari sa palitan ng contribution point. Hig
Magbasa pa

Kabanata 1997

"Diyan kampante ako. Atsaka, napakainam gamitin ng Divine Void Heavenly Path. Basta nasa akin ito, tingin ko matatalo ko si Wesley." Tumaas ang kilay ni Nash. Napukaw ang interes niya. "Ano naman ang tinutukoy mo?" "Hindi lamang napapataas ng pag-cultivate ng Divine Void Heavenly Path ang kapal at dami ng aking true energy pero nabibigyan rin ako ng kaalaman sa batas ng kalawakan dahil ang Path mismo nito ay naglalaman ng batas ng kalawakan," dahan-dahang pinaliwanag ni Fane. "Batas ng kalawakan?" ito ang unang beses na narinig ni Nash ang salitang ito. Nauunawaan niya ang ibig-sabihin ng mga salita pero wala siyang pisikal na karanasan dito. Ininom ni Fane ang kanyang tsaa at sinabi, "Tulad ng sinabi ko, kaunti lamang ang alam ko dito. Ipapakita ko sa'yo kung anong tinutukoy ko kapag alam ko na buo." Tumango si Nash, hindi pa rin kumbinsidong magiging ayos lang si Fane sa laban nito kay Wesley. Suminghal siya at sinabi, "Alam kong ikaw ang pinakanakakaalam sa sarili mong lak
Magbasa pa

Kabanata 1998

Maaaring maliwanagan ang isang tao sa lakas ng ibang disipulo at mabigyan ito ng karanasan sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng panonood ng laban. Kahit na nasa 187 lamang ang ranggo ni Wesley, ang katotohanang sandali pa lamang siya nandito at may suporta rin siya ni Elder Sayer ang dahilan kung bakit naging kilala siya. Siguradong kaagad siyang aangat sa sampung pinakamalakas. Maging ang mga informal disciple na nasa limampung pinakamalakas ay hindi sikat katulad ni Wesley dahil halos lahat sila ay nandoon sa pamamagitan ng matagal na panahon ng pagsasanay at unti-unti silang nagpalakas. Ang ginawa nila ay puro pagsisikap kumpara sa husay at taglay ni Wesley pareho. Kaya hindi nakakagulat na ang laban niyang ito kay Dale ay nakuha ang atensyon ng maraming informal disciple. Si Wesley, bilang bida ng kwentong ito, ay nakaupo sa pwesto ng mga manonood kasama ang ilang mga sipsip sa paligid niya. Ang mga sipsip na ito ay gustong makuha ang loob ni Wesley, at ang mga salita nila ay pu
Magbasa pa

Kabanata 1999

Hindi ito ang pinakamahirap tanggapin. Ang pinakamahirap tanggapin ay lagi siyang kinukumpara kay Duncan at laging siya ang mas mababa sa dalawa. Kanina lang, pakiramdam niya mas mababa lamang siya nang kaunti sa mga chosen disciple ngunit ngayon nasira ang lahat ng ito dahil kay Duncan. Kahit gaano kataas ang tingin niya sa sarili niya, imposibleng makumbinsi niya ang kanyang sarili na mas magaling siya kay Duncan dahil si Duncan mismo ay parang araw na inaalis ang lahat ng ibang bituin sa lakas ng liwanag nito. Ang lalaking matulis ang mata ang pinakamagaling sumipsip. Nakikita niya sa isang titig lamang kung anong nararamdaman ni Wesley, kaya kagaad niyang sinabi, "Malakas si Brother Duncan, walang-duda diyan. Higit sa lahat, nasa kanya ang suporta ng mga Pierpoint. Ang Big Elder ng Dual Sovereign Sect ay kapareho niya ng angkan na pinagmulan at kung ako siya, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para suportahan rin siya. Kahit sino, kahit ang pinakamahina ay mabilis na lalakas sa
Magbasa pa

Kabanata 2000

Nakatingin ang lalaking matulis ang mata kay Fane nang mukhang nanghahamak. Tumawa ito nang seryoso at sinabi, "Tingna mo siya nagpapapogi at para bang wala siyang pakialam. Kung wala siyang pakialam, hindi siya pupunta dito. Siguro takot na takot siya sa magiging laban nila ni Brother Wesley kaya nagpunta siya dito para panoorin ka." Sa pagkakataong ito, hindi niya ito sinabi para bolahin si Wesley ngunit totoo sa kanya ito dahil nainis siya nang makita niyang mukhang walang pakialam si Fane. Paanong nagkaroon ng isang taong tulad niya? Tingin niya pati ang pinakamalakas na bayani sa buong Hestia Continent ay hindi aasal na parang ang galing niya, hindi matatalo ng kahit sino. Anong nagbigay kay Fane ng karapatang umasal nang ganito? Isa lamang siyang informal disciple! Pagkatapos, nandoon pa ang katotohanang hindi siya nakapasok ng Dual Sovereign Pavilion sa karaniwang paraan. Hindi siya makakapasok kung hindi dahil sa parating na giyera. Oo, totoong nakatanggap ng papuri si Fane
Magbasa pa
PREV
1
...
198199200201202
...
251
DMCA.com Protection Status