Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2001 - Chapter 2010

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2001 - Chapter 2010

2505 Chapters

Kabanata 2001

Lalo na, hinanda ni Fane ang kanyang isipan para sa lahat ng tsismis na hindi maiiwasan na mangyari kapag naging kilala siya sa wager battle arena. Subalit, hindi naman ganun ang mangyayari kay Brook dahil si Wesley at ang grupo nito ay patuloy na nakatingin sa kanilang direksyon.Napabuntong hininga si Brook at binulong kay Fane, “Mag-iingat ka, Brother Fane. Ang mga taong iyon ay mukhang nakatingin sa atin ng masama. Ang pusta ko ay may balak gawin si Wesley kapag kayo na ang maglalaban.”Hindi niya pinagdudahan na gagawin ni Wesley ang lahat para patayin si Fane at sa kanyang mga salita, tumango lang si Fane. Pati siya ay inaasahan iyon. Medyo kakaiba para kay Brook ang pagiging mahinahon ni Fane. Kahit na alam niya na may taglay na pambihirang lakas si Fane, hindi ito nangangahulugan na kaya niyang manalo sa laban nila ni Wesley, na tumatakbo para maging isang chosen disciple pagkatapos niyang sumali kalahating taon na ang nakakaraan. Ang kapangyarihan ni Wesley at talento ay isa
Read more

Kabanata 2002

”Matagal ko nang hinihintay ang laban na ito. Lagi silang nagbabangayan habang pareho nilang gustong tapakan sa ulo ang isa’t isa. Kaya natural lang para kay Brother Dale na hindi bigyan si Brother Wesley ng pagkakataon na makahanap ng butas laban sa kanya.”“Sa totoo lang, sa tingin ko ay hindi rin maganda ang relasyon ni Brother Wesley sa iba pang mga brothers na nandirito.”“Walang duda tungkol sa bagay na yan. Lagi niyang minamaliit ang iba pa na mas mahina kaysa sa kanya. Bakit kamo, nitong nakalipas na araw lang, hindi niya ako pinansin nang batiin ko siya! Doon ko lang nalaman na ang mga haka-haka tungkol sa pagkatao niya ay totoo pala.”Ang lahat ng kanilang komento ay narinig ni Fane. Bukod sa mga taong sumisipsip sa kanya, mukhang umani si Wesley ng reputasyon sa pagiging mahirap nitong pakisamahan, na walang duda dahil sa kanyang kayabangan.Nang makarating si Dale sa may viewing platform, tiningnan niya si Wesley ng ilang segundo at kaagad na umupo sa isang lugar malayo
Read more

Kabanata 2003

Bahagyang yumuko si Wesley kay Deacon Ambrose at may binulong sa tenga nito habang nakaturo kay Dale. pagkatapos ay tumango si Deacon Ambrose at sinenyasan si Dale na lumapit gamit ang kanyang mga mata. Mukhang pareho nang binati nila Wesley at Dale si Deacon Ambrose nakatayo sila malayo sa isa’t isa.“Informal disciple, Wesley Sayer na may rangong 187 at informal disciple, Dale Woodward ng rangong 143 ay sumang-ayon na magpusta ng isang daan at limampung contribution points. Kapag nanalo ssi Wesley Sayer sa laban na ito, magpapalit sila ng rango, at kapag nanalo si Dale Woodward sa laban na ito, hindi magbabago ang kanilang mga rango,” malakas na sinabi ni Deacon Ambrose at kaagad na umalis sa battle platform.Pagkatapos ay pinagana niya ang protective formation gamit ang spirited crystals. Bawat battle platform ay ginawa ng may sariling protective formation para mapigilan ang pagtama ng ligaw na enerhiya sa mga manonood.Nanatiling magkaharap sila Wesley at Dale. Nakasimangot si D
Read more

Kabanata 2004

Ang espada ay kumikinang na parang mag bituin sa kalawakan at titingnan ito, mukhang mabigat ito. Pati si Dale ay nilabas ang kanyang sandata mula sa kanyang Loot ring at ang kanyang sandata ay isang pares ng patalim na may nakaukit na mga mahiwagang pulang disenyo.Napasimangot si Fane nang makita niya ang mga sandata ng dalawa. Simula nung makarating siya sa mundong ito, iniisip niya ngayon kung dapat ba siyang kumuha ng sandata na mas angkop sa kanya dahil sa bandang huli, ang sandata ay kayang palakasin ng husto ang lakas na taglay ng isang tao. Subalit, ang Destroying the Void skill na kinu-cultivate niya ngayon ay isang soul attribute skill at ang isang soul attribute na sandata ay isa sa pinakamahirap hanapin na sandata.Hinahawakan ng mahigpit ni Dale ang kanyang mga patalim at ng kasing bilis ng kidlat ay nakarating sa gitna ng platform sa sobrang bilis na walang sinuman ang nakakita kung saan siya nagpunta. Ang tanging nakita lang nila ay ang misteryosong pulang ilaw ng kan
Read more

Kabanata 2005

”Mukhang nasa first stage na siya,” sagot ni Fane habang ang dalawa naman na nasa battle platform ay umiinit na ang labanan.Ang sagot ni Fane ang naging dahilan para si Noel, na nakatingin sa may battle platform, na mapatingin sa kanya sa mga mata nito na may ekspresyon na walang duda na nababaliw na nga ito. “Amo tong first stage na sinasabi mo? Huwag mong sabihin na hindi mo alam na hindi tayo gumagamit ng una o ikalawa o ikatlo para tukuyin ang lebel ng isang martial art skill o technique?” Ang mga kanto ng bibig ni Fane ay kumibot. Natural lang na hindi niya alam kung paano ang mga patakaran sa parte ng mundong ito, lalo na, ang soul fragment na nakuha niya ay hindi galing sa isang tao na mula sa Hestia Continent.Haabang nakatingin sa ekspresyon ni Fane, nakuha na ni Noel ang kanyang sagot. “Nagdududa na ako tuloy ngayon na matagal ka nang nabubuhay sa ilalim ng bato. Paano nangyaring hindi mo alam ang lahat ng mga ito?” sabi ni Noel ng may pagsuko sa tono nito.Bahagyang
Read more

Kabanata 2006

Ang mga nagliliyab na mga ibon ay lumipad sa buong lugar na nag-iwan ng bakas saan man ito magpunta. Bawat isa sa mga ibon ay gawa sa apoy, at kahit ang mga balahibo ay umiikot habang binubuo ang disenyo ng apoy.“Ito marahil ang pinaka malakas na skill na ginamit ni Dale. kung tama ang pagkakatanda ko, ang Divine Sky Crows ay isa ding intermediate red level skill. Subalit, mahirap sabihin sa unang tingin kung aling cultivation level na siya dito. Marahil nasa pareho siyang lebel ng kay Wesley.” Ang kulay ng matingkad na pula ang pumuno sa buong battle platform na makikita sa mga mata ng mga manonood. Nilabas na ni Dale ang kanyang alas—ang fire attribute skill na kung saan siya magaling. Alam niya na malalagay lang siya sa alanganin kapag nagpatuloy siya dahil napagtanto niya na wala siyang laban kay Wesley.Habang sumisigaw, binato niya pareho ang namumula niyang mga patalim sa ere. Kaya niyang kontrolin ang mga patalim gamit ng kanyang isipan. Kaagad na sumanib ang mga patalim s
Read more

Kabanata 2007

Ang mga nagliliyab na mga ibon ay ang condensation ng enerhiya ni Dale at bumalik na sa orihinal na kulay pulang mga liwanag, at tuluyang naglaho sa paligid nung tinamaan ng espada ni Wesley. Ang bilis ni Wesley sa pag-atake ay sobrang bilis na kahit na patuloy is Dale sa pagpapalabas ng mga nagliliyab na mga ibon gamit ng kanyang true energy, may malaki pa ding butas sa pulutong nito. Sinugod Wesley ng butas nang sapat na ang laki nito para makadaan siya at kaagad na lunitaw sa harapan ni Dale. Nanigas ang kanto ng bibig ni Dale, hindi niya inaasahan na makakalagpas si Wesley sa kanyang pulutong.Walang laban ang mga nagliliyab na ibon kay Wesley. Suminghal lang si Wesley at naglabas ng nakakasilaw na liwanag ang tatlong talampakan na espada. Ang dalawang maliit na bituin na umiikot sa paligid ng kanyang espada, ay nagkalamat at ang liwanag nito ay lumipat sa espada, na naging dahilan para maging kasing liwanag ito ng kalawakan.Nang makita ito, lumamig ang batok ni Dale. Muli si
Read more

Kabanata 2008

Isang runner disciple ang pumasok sa laban para dalhin si Dale pagkatapos patayin ni Deacon Ambrose ang protective formation. Namumutla sa sakit ang mukha ni Dale at nakatitig siya nang masama kay Wesley, na salungat nito, ay walang emosyon. Kaagad itong umalis sa labanan nang hindi man lang tumitingin kay Dale pagkatapos ibalita ni Deacon Amrbose ang resulta. Isang ingay na parang limang daang patong sumisigaw ang narinig pagkatapos ng laban. "Walang laban si Brother Dale kay Brother Wesley. Makikita na ito simula pa lang kaya hindi nakakapagtakang si Brother Wesley ang nanalo." "Sa totoo lang, tingin ko dapat mas mataas ang ranggo ni Brother Wesley kumpara sa dati niyang ranggo. Ang tanging dahilan kung bakit nakarating si Brother Dale ng rank 143rd ay mas matagal na siya sa Academy. Sa husay, siguradong mas malakas si Brother Wesley. Wala akong dudang kapag nabigyan ng oras, marami pang disipulo ang malalagpasan ni Brother Wesley!" Kahit na mas mataas ang ranggo ni Dale kay
Read more

Kabanata 2009

Kahit siya ay hindi matukoy kung ang lakas ng loob ba ni Fane ay dahil may magandang plano ito o kung nagpapanggap lang ba ito. Halos lahat ay iniisip na nagpapanggap lang si Fane at kinamuhian siya ng lahat dahil dito. Kanina pa nakatitig si Wesley sa kanya mula noong bumaba ito sa labanan. Inaasahan niyang matatakot nang sobra si Fane at nagalit siya nang sobra nang hindi ito mangyari. "Siguro nagpapanggap lang siyang hindi siya natatakot! Imposibleng hindi siya natatakot. Talagang mas magaling siyang umarte kaysa lumaban." Hindi niya hininaan ang boses niya ngunit sa halip ay sinabi niya ito nang napakalakas at pinatingin niya ang iba kay Fane nang nagtataka. Hindi sila nagdudang nagpapanggap lang si Fane dahil sa pagiging kalmado nito. Nang hindi inaalala kung anong magiging tingin nito sa kanila, nagsimula silang magsalita. "Hay, naiinis ako kapag nakikita ko siyang kalmado! Maiintindihan ko kung kalmado siya kapag hindi niya pa nakikita ang kakayahan ni Brother Wesley. Hind
Read more

Kabanata 2010

Natulala si Noel sa dalawang salitang iyon. Tinitigan nila ni Brook si Fane, hindi alam ang sasabihin. Mula sa sagot ni Fane, mukhang talagang hindi siya natatakot pero imposible ito! Sigurado silang nagpapanggap lang itong kalmado. Kumirot rin ang labi ni Brook. Napakalakas na ni Wesley sa isang runner disciple na tulad niya. Imposibleng mananalo siya lavan dito sa loob ng isang milyong taon at talagang nag-aalala siya para kay Fane. Marami sa mga manonood ang nagsimulang mag-isip kung anong mangyayari sa laban ni Wesley at Fane. Tatalsik ba si Fane sa isang atake ng spada? Baka gawin ni Wesley ang makakaya niya para ipahiya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng markang 'X' sa mukha ni Fane. Hindi lamang mapapahiya dito si Fane ngunit masisiguro rin nitong hindi siya magkakaroon ng pagkakataong magkamit ng malaking bagay sa buong buhay niya. Ayon sa ugali ni Wesley, alam nilang malaki ang posibilidad na mangyari ito. Higit sa lahat, may suporta si Wesley ng maraming makapangyariha
Read more
PREV
1
...
199200201202203
...
251
DMCA.com Protection Status