Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2011 - Chapter 2020

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2011 - Chapter 2020

2505 Chapters

Kabanata 2011

"Ang kapal ng mukha mong ipahiya ako ulit kahit na puro kabutihan ang pinapakita ko sa'yo?!" sigaw ni Wesley. Tinitigan nang seryoso ni Fane ang lalaking matulis ang mata at si Wesley. "Kayo ang laging nagpapahiya sa akin! At klaruhin ko lang, hindi sa gusto kitang ipahiya pero nilagay mo ang sarili mo sa posisyon kung saan mapapahiya kita! Hindi sana ganito ang nangyayari kung hindi mo ako pinilit na ibigay sa'yo ang kwartong napanalunan ko noong araw na iyon!" Tuloy-tuloy si Fane. Totoo ang sinasabi niya pero tulad ng kasabihan, masakit ang katotohanan. Nagsalita na naman ang mga tao sa paligid nila. "Nababaliw na ba si Fane? O tingin niya wala nang mawawala sa kanya dahil maraming beses na niyang ginalit si Wesley?" "Oo tingin ko ganyan nga. Mabuti pang ipahiya niya pa lalo si Wesley dahil alam niyang matatalo siya sa laban." Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang suminghal at umiling. "Oo, talagang baliw na siya. Lalo lang maiinis si Wesley sa sinasabi niya. Walang dudang
Read more

Kabanata 2012

Mabilis na naglakad patungo kay Fane ang lalaking matukis ang mata at tinitigan si Fane na parang kakainin niya ito. "Alam ko ang binabalak mo!" 'Anong binabalak ko?' nagtatakang tanong ni Fane. Suminghal ang lalaking matulis ang mata at tinuro si Fane. "Sinusubukan mong tumakas sa laban niyo ni Wesley!" Kaagad na tumikom ang bibig ni Fane. Nakatingin siya sa lalaking matulis ang mata na para bang nakatakas ito ng ospital ng mga baliw. "Pwede bang sabihin mo sa akin kung anong sinabi ko para maisip mo 'yan? Bakit ako manghihingi ng taya sa kanya kung ayaw kong makipaglaban sa kanya?" Umiling ang lalaking matulis ang mata, suminghal, at habang kinukumpas ang kanyang kamay, sinabi niya nang malakas, "Sabu mo hindi ka makikipaglaban kay Brother Wesley kapag hindi siya nagbigay ng taya. Iyan ang payunay na ayaw mong makipaglaban sa kanya dahil alam mong si Brother Wesley ay mapagmataas at kapag nagbigay siya ng taya ay nangangahulugan itong may pag-asa kang manalo. Kinamumuhian ka
Read more

Kabanata 2013

Imposibleng basta na lang palalagpasin ni Wesley si Fane sa init ng ulo nito. Kahit ang pagbugbog dito ay hindi sapat para alisin ang galit niya. Ngunit hindi talaga masyadong malapit sa isa't isa si Fane at Deacon Ambrose kaya hindi niya pinagtanggol si Fane at patuloy lang siyang nanood sa tabi. Patuloy na dumaan sa tainga niya ang komento ng mga tao at wala siyang masabi sa mga hula nito. Kahit ayaw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, wala siyang magawa kundi magsalita para hindi magpatuloy ang ganito. "Pwede bang tumahimik ka muna? Nagwawala ka na," sinabi niya sa lalaking matuliw ang mata. Pagkatapos, ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Wesley na nakatingin sa kanya nang nakataas ang kilay at nakangiti. Wala talagang pakialam si Fane kung anong iniisip ni Wesley. "Tatanungin kita ulit—anong taya mo?" Naningkit ang mata ni Wesley. Sumang ayon siya sa sinabi ng lalaking matulis ang mata; ang pagbibigay ng taya ay nangangahulugang tingin niya may pag-asang manalo si Fa
Read more

Kabanata 2014

Nanlaki ang mata ng lahat nang marinig nila ito. Bukod sa resulta ng laban, ang taya pa lang na hiningi ni Fane kay Wesley ay nakakabigla na sa nakararami. Kahit sino pa ang gumawa ng taya, hindi sila pwedeng tumaya ng higit 150 pavilion contribution points at ibig-sabihin nito na humihingi si Fane kay Wesley ng pinakamataas na contribution points. Kasama ng dalawang soul-penetrating pills, muling tumaas ang taya dahil ang mga soul-penetrating pill ay isa sa pinakamamahaling pill sa mga fifth-grade pill. Sa katotohanan, ang paggawa ng mga soul-penetrating pill ay nangangailangan ng napakamamahaling sangkap. Dahil sa halaga ng mga sangkap nito, ang presyo ng soul-penetrating pill ay maikukumpara sa mga sixth-grade pill. Sa Dual Sovereign Pavilion, ang presyo ng bawat soul-penetrating pill ay 150 pavilion contribution point at ang dalawang soul-penetrating pill ay nasa 300 pavilion contribution point ang halaga. Kasama ng 150 pavilion contribution point na taya nila nitong nakaraan
Read more

Kabanata 2015

Natawa nang bahagya si Fane nang marinig niya ito at sinabi, "Hindi na natin kailangang maghintay na matapos ang buwan dahil pwede naman tayong maglaban ngayon na. Dahil pumayag ka sa mga alok ko, hindi na kailangang maghintay pa." Ang sinabi ni Fane ay parang pagbabagsak ng isang napakabigat na bato sa isang kalmadong lawa. Maraming tao ang kaagad na nagtaka kung nananaginip ba sila. Anong sinabi ni Fane? Nagmamadali na ba siyang mamatay nang sabihin niyang gusto niyang pumasok sa battle arena ngayon na at kasama si Wesley? O sumuko na siya at tuluyan na siyang nabaliw? Maging si Noel at Brook ay nagtinginan nang tulala nang marinig nila ang sinabi ni Fane. Nanatili silang nakanganga at hindi makapagsalita habang nakatingin sila sa likuran ni Fane. Binalewala ni Fane ang lahat ng iniisip ng mga nanonood sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad at pumunta sa harap ni Ambrose. Tulala rin si Ambrose habang nakatingin kay Fane. Hindi niya maintindihan kung anong binabalak na gawin ni F
Read more

Kabanata 2016

Sa katunayan, hindi na kayang pigilan ni Fane ang kanyang sarili dahil sa panggugulo sa kanya ng lalaking may tatsulok na mga mata. Laking gulat ng lahat, biglang lumingon si Fane at malamig na tinitigan ang lalaking may tatsulok na mga mata. Pasinghal nitong sinabi, “Mapaghiganti pa naman akong tao, kaya dapat mong tandaan ang aking mga salita.”Pagkatapos niyang magsalita, umikot si Fane at naglakad papunta sa battle arena sa gitna. Sa mga sandaling ito, nakatayo na si Wesley sa may silangang bahagi ng battle area, at nakatayo naman si Fane sa kabilang panig nito. Tiningnan nila ang isa’t isa, isa sa kanila ay walang ekspresyon habang ang isa naman ay mukhang nanghahamak. Tiningnan ni Wesley si Fane na para bang isa itong tanga o isang bobo, pero nanatiling walang imik si Fane sa kalagitnaan ng lahat ng ito. Mukhang kahit na anong ekspresyon ang meron si Wesley sa kanyang mukha, hindi ito maaapektuhan si Fane. Ang tunog ng mga taong pinag-uusapan kung ano ang mangyayari sa ibaba n
Read more

Kabanata 2017

Pagkatapos ng kanyang babala, hindi na nag-abala pa si Wesley na magsabi ng ano pa nang nilabas niya ang kanyang espada na may tatlong talampakan ang haba mula sa kanyang storage ring, habang hawak ito ng mahigpit sa hawakan nito. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay, at ang espada ay muling umilaw ng kulay pilak na liwanag. Ang lahat ay nakatingin habang ang maliliit na liwanag ay nagkumpol-kumpol at naging isang maliit ngunit maliwanag na bituin sa loob ng kulay pilak na liwanag ng espada. Hindi kailangan gumamit ni Wesley ng gaanong lakas sa laban niya kay Fane. Bumuo siya ng dalawang bituin nang nilabannan niya si Dale, pero kailangan lang niya ng isa para patalsikin si Fane. Nagtaas ng kilay si Fane. Nang nakaupo pa siya kasama ng mga manonood, napansin niya na ginamit ni Wesley ang Seven Stars Meteor Cloud, pero ngayong nakatayo na siya sa harapan ni Wesley, malinaw niyang nararamdaman ang malakas na pwersa ng Seven Stars Meteor Cloud. Kung isa lang siyang pangkaraniwang mart
Read more

Kabanata 2018

Kahit na anong malakas na martial skill ay may kasamang malakas na power motion kapag pinakawalan ito. Subalit, wala sa mga manonood na nakaupo ang nakaramdam ng anumang power motion mula sa itim na liwanag nang ginamit ni Fane ang kanyang martila skill. Ang reaksyon ng mga manonood ay kapareho ng mga taong nakamasid sa laban sa pagitan nila Fane at Warren. Narinig ng lahat ang kalansing ng mga sandata ng tumam ito sa isa’t isa. Ang itim na patalim at ang pilak na espada na hawak ni Wesley ay nagsalpukan.Kumislap ng matindi ang pilak na espada, at isang kampanteng ngisi ang lumitaw sa mukha ni Wesley. Para sa kanya, ang itim na patalim ni Fane ay isa lamang basura na kaya niyang patalsikin sa ere…ngunit ang ngiti sa kanyang mukha ay kaagad din naglaho makalipas ang ilang segundo dahil nakaramdam siya ng pwersa na palapit sa kanan niyang kamay, ang kamay na may hawak ng espada. Ang partikular na pwersa na ito ay gumulantang kay Wesley sandali bago siya umatras. Sa sumunod na sad
Read more

Kabanata 2019

Napanganga ang mga tagasunod ni Wesley ng husto ay muntik nang malaglag ang mga panga nito, lalo na ang lalaking may tatsulok na mga mata, na natulala sa kanyang kinatatayuan. Nakanganga siya ng husto nakikita sa mukha nito na hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya lubos na inaasahan na ganun kalakas si Fane. ang kanto ng kanyang bibig ay bahagyang kumibot-kibot habang sinisigaw niya, “Imposible! Hindi to totoo! Paano nagkaroon ng ganitong lakas ang taong yun?!” Ang taong pinaka nagulat sa lahat ng mga taong nandoon ay si wesley, na kalaban ni Fane. Hinawakan ng mahigpit ni Wesley ang espada sa kanyang kanang kamay. Kung titingnan nila ito ng maigi, makikita nila ang mga ugat na bumubukol sa kanang kamay nito dahil binubuhos na nito ang kanyang lakas. Kahit na sinubukan ni Wesley na pigilan ang kanyang pagkabigla sa kanyang mga mata, nabigo pa din siya na gawin ito. Huminga siya ng malalim, tumingin na para bang nawala na siya sa sarili habang bakas ang kabaliwan sa kany
Read more

Kabanata 2020

Tiningnan ni Fane ang maliit na mga bituin na mabilis na umiikot sa talong talampakan ang haba na espada ni Wesley. Mukhang kalmado lang si Fane, kahit na mabilis na umiikot ang mga bituin at bumuo na ang ipo=ipo ng enerhiya. Nang sumabog na ang mga bituin at pinakawalan ang lakas ng mga ito, hindi magagawang salagin ng mga pangkaraniwang tao ang matinding kapangyarihan nito. Muli naman niyang ginawa ang seal gamit ng kanyang kamay at gumawa ng pangalawang soul sword, na mas madilim pa kaysa sa naunang soul sword. Sa sandaling iyon, may matibay na kontrol si Fane sa soul sword na kaya niyang kontrolin ang parehong soul sword para umatake ng malaya o kaya pagsamahin ang mga ito. Naningkit ang mga mata ni Fane nang muli niyang pinasok ang soul sword sa itim na patalim. Ang itim na patalim ay muling nagpakawala ng matingkad na itim na ilaw. Nang tiningnan nila ito ng maigi, ang itim na patalim na lumulutang ay naglalabas ng kulay itim na hamog. Mukha itong nakakabighani at mukhang may
Read more
PREV
1
...
200201202203204
...
251
DMCA.com Protection Status