Tumaas ang kilay ni Ambrose, naawa siya kay Fane dahil totoo ang sinabi ni Zeph. Kahit nandiyan pa o wala si Fane, walang magbabago sa Dual Sovereign Pavilion. Si Zeph rin ang may pinakamalaking kapangyarihang magdesisyon sa Dual Sovereign Pavilion. Si Fane ay isa lamang kandidato para sa pagsusulit at wala siyang kapangyarihan para kontrahin ang desisyon ni Zeph. Gustong magsalita ni Ambrose para kay Fane ngunit ayaw niyang sumugal dahil baka totoo ang sinasabi ni Zeph na espiya si Fane at ituturing siyang isang traydor dahil sa pagtulong niya kay Fane. Kaya, nanahimik siya at pinagmasdan ang pangyayari. Lalong naging seryoso ang mukha ni Fane sa sandaling iyon. Napagtanto na niyang hindi madaling maaayos ang bagay na ito. Lumapit sa kanya si Zeph nang nakataas ang kilay at bumulong sa taenga ni Fane, "Sumuko ka na, bata. Bilang isang officer ng Dual Sovereign Pavilion, kapag sinabi kong hindi ka pwedeng kumuha ng pagsusulit, hindi talaga pwede. Ito ang napapala mo sa pagbangga sa
"Kalokohan. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lamang hamak na fighter na nasa initial stage ng innate level. Akala mo ba talaga mahihigitan mo ang dalawang henyo sa harap mo at masisindihan mo ang ika-limang ilaw ng obsidian?" Nagtinginan si Ambrose at Elder Lee. Pareho sila ng nasa isip—na lalong magiging nakakagulat ang mga pangyayari. Sa ibaba ng entablado, muling nag-usap ang mga tao. Marami sa kanila ang iniisip na baka may problema sa pag-iisip si Fane. Ang kapal naman ng mukha niyang ideklarang siya ang makakakuha ng unang pwesto? "Nahihibang ka na kung tingin mo kaya mong sindihan ang limang ilaw at makuha ang sengen pill. Tingin mo ba talaga isa kang henyo? Kung totoo, bakit hindi pa kita naririnig noon?" "Tama! Dapat mag-isip ka naman ng mas kapani-paniwala kumpara dito! Hindi ka mukhang kayang magpasindi ng limang ilaw. Maswerte ka na kung mapailaw mo ang ikatlong ilaw sa loob ng limang segundo." "Alam kong hindi mahirap magsinungaling pero sobra na ito. Siya ang pinak
Ngunit si Fane ay ibang-iba. Hindi siya nagmula sa isang mayamang pamilya at hindi rin mataas ang kanyang cultivation level kaya syempre iinsultuhin siya ng mga ito. Tinikom nang maigi ni Zeph ang kanyang kamao. Pinatahimik na sana niya si Fane gamit ng kanyang kamao kung hindi lang siya pinipigilan ng kanyang isip. Naging isa siyang katatawanan at gagawin niya ang lahat para pigilan si Fane na gumawa ng mas malala pang usapan. "Tingin mo ba mababaligtad mo ang lahat sa pamamagitan ng paninira sa akin? Nasaan ang pruweba mo?" Ngumiti nang bahagya si Fane at tumayo siya nang diretso. "Ikaw rin. Nasaan ang pruweba mo? Sabi mo nakatanggap ka ng balitang espiya ako mula sa mga disipulo mo. Edi papuntahin mo sila dito para kastiguhin! Gusto kong malaman kung saan ako nakipagkita sa mga tao ng Muddled Origin Clan." Huminga nang malalim si Zeph at para bang may kuryente sa mga mata niya. May napagtanto siya—ang mga tsismis ay ginamit lamang para dito. Napahanga siya sa talas ng isip ni
Kanina pa nakatayo si Morton sa tabi ni Zeph. Napangiti siya nang mapanghamak sa sinabi ni Fane. "Hindi ako makapaniwalang sinusubukan ng taong itong sagipin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghuhukay ng sarili niyang libingan. Siguro may problema siya sa pag-iisip kung talagang naniniwala siyang kaya niyang sindihan ang limang ilaw at kunin ang sengen pill. Kalokohan!" "Oo, siguro nabagok ang ulo niya noong sanggol pa siya. Hindi ba siya pwedeng gumamit ng normal na paraan para patunayang wala siyang sala? Tingin ba niya kaya niyang maging first-place winner? Sus! Ang tanga!" sigaw ng madla. Hanggang ngayon, hindi pa rin pinapansin ni Fane ang sinasabi nila at nanatiling kalmado habang nakatitig sa kanya si Ambrose at Elder Lee nang kakaiba ang ekspresyon. Kahit na si Elder Lee ang may pinakamataas na posisyon, siya rin ang pinakatahimik. Pinili niyang pagmasdan nang tahimik ang nangyayari para bang labas siya sa bagay na ito. Nagtaka si Fane sa inasal nito ngunit may mas imp
Ang tunog ng mga insulto ay umalingawngaw sa paligid. Lahat sila ay nakatingin kay Zeph ng may panlilibak sa kanilang mga mata. Ng bigla, isang sigaw ang kanilang narinig sa kalagitnaan ng mga tao. Kaagad silang natahimik dahil alam nilang lahat na isang bagay lang ang makakapagbigay ng ganitong klas ng reaksyon.“Diyos ko, namamalikmata lang ba ako. Talaga bang-talaga bang umilaw ang ika-limang ilaw? Hindi to tama!”“Malay ko! Pinaglalaruan lang ata ng ating mga mata. Imposibleng mangyari ang ganung kahirap na bagay.”Ang buong lugar ay nagsimulang umalingawngaw sa tunog ng gulat at karamihan sa kanila ay napanganga. Talagang nagawa nga ni Fane—talagang napailaw niya ang ika-limang ilaw ng malaking pgitan. Tahimik silang nagbilang ng segundo sa kanilang mga isipan. “Isang segundo, dalawang segundo… walong segundo. Umiilaw pa din ito! Siyam na segundo!”Sa wakas, namatay na din ang ika-limang ilaw makalipas ang siyam na segundo. Nabigla ang lahat sa naging resulta. Hindi lang napai
Walang masabi si Ambrose sa ebalwasyon ni Elder Lee kay Fane. subalit, hindi ito kagaya ng kay Zeph. Hindi siya naniniwala na patatawarin siya ni Fane dahil sa ginawa niya dito ngayong araw na to. Huminga siya ng malalim pero ang kanyang ekspresyon ay nanatiling malagim. Alam naman ng lahat na may bahid na ang dugo ang mga kamay ng mga fighters na nadito. Ang pananahimik ni Ambrose ay napalitan ng galak nung nakita niya ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Zeph. Lagi silang hindi magkasundo at araw-araw ay hinihiling ni Ambrose na mawala na sa landas niya si Zeph. Masigla siyang napangiti nang makita niya itong ganito.Nilapitan niya si Fane at tinapik ito sa balikat para batiin. “Hindi basta-basta nagbibigay ng papuri si Elder Lee. Ang pangalan mo ay Fane Woods, tama? Baka mahigitan mo pa nga ako sa hinaharap,” biro ni ambrose. Ang ingay ng mga tao ay muling nagsimula nang marinig nila ang sinabi ni Ambrose. Ang lahat ng mga kukuha ng pagsubok ay napuno ng hindi mapawing inggit.
Hindi lang makakatanggap ng sengen pill si Fane, pati na din isang single residence, at limampung contribution points. “Bwisit siya! Patay siya sa akin dahil sa pagnanakaw niya sa dapat ay sa akin!”sigaw ni Morton. Nagliliyab siya sa inggit at gustong patayin si Fane doon ngunit wala siyang lakas para gawin ito. Hindi nagpaapekto si Fane sa sinigaw ni Morton. Nakahinga na siya ng maluwag dahil ang isa sa kanyang mga katanungan—kung kaya ba niyang pailawin ang ika-limang ilaw—ay nasagot kaya naman wala na siyang pakialam sa opinyon ng iba. Masaya din siya dahil ang kanyang ‘Destroying the Void’ skill ay talaga namang napakalakas kaysa sa iba pang kumuha ng pagsubok, may mas mahalaga pa siyang bagay na kailangan asikasuhin.Malamig na nilingon ni Fane si Zeph at isang ngiti ang lumitaw sa mukha nito. “Office Griffin, napatunayan ko na ang aking abilidad na nangangahulugan na nagsasabi ako ng totoo. Dapat ay aminin mo na din ang iyong pagkakamali.”Natauhan si Zeph nang marinig niya
Hindi na mapigilan ni Fane ang kanyang tawa. “Kung totoo ang sinabi mo, kung ganun ay ang Muddled Origin Clan ay talagang pinag-isipan ang bagay na ito ng maigi dahil, sa totoo lang, mas mabuti pa na miawan sa headquarters ang pinakamagaling nila. Bakit naman nila ipapadala ako sa inyo? Sinusumpa ko na inosente ako. Kung ayaw niyong maniwala, tingnan mo na lang. Hihintayin kita.”Ang ginagawa niya ay ang pinakamagandang paraan para patunayan na inosente siya. Walang sinuman ang magiging ganito kabait kung isa siyang espiya. Magiging mahirap para sa kanya na baliktaran pa ang bagay na ito kung hindi niya makukuha ang atensyon ng mga nakakataas ng Dual sovereign Pavilion sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang lakas ay magagwa ni Zeph anumang gusto niya sa aknya ng walang nakakaalam kung ano ang totoo. Subalit, iba na ngayon. Napatunayan niya ang kanyang halaga kaya naman ang mga nakakataas ng Dual Sovereign Pavilion ay tiyak na mangingialam sa bagay na ito. Bukod dito, tiyak siya na
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin