Hindi lang makakatanggap ng sengen pill si Fane, pati na din isang single residence, at limampung contribution points. “Bwisit siya! Patay siya sa akin dahil sa pagnanakaw niya sa dapat ay sa akin!”sigaw ni Morton. Nagliliyab siya sa inggit at gustong patayin si Fane doon ngunit wala siyang lakas para gawin ito. Hindi nagpaapekto si Fane sa sinigaw ni Morton. Nakahinga na siya ng maluwag dahil ang isa sa kanyang mga katanungan—kung kaya ba niyang pailawin ang ika-limang ilaw—ay nasagot kaya naman wala na siyang pakialam sa opinyon ng iba. Masaya din siya dahil ang kanyang ‘Destroying the Void’ skill ay talaga namang napakalakas kaysa sa iba pang kumuha ng pagsubok, may mas mahalaga pa siyang bagay na kailangan asikasuhin.Malamig na nilingon ni Fane si Zeph at isang ngiti ang lumitaw sa mukha nito. “Office Griffin, napatunayan ko na ang aking abilidad na nangangahulugan na nagsasabi ako ng totoo. Dapat ay aminin mo na din ang iyong pagkakamali.”Natauhan si Zeph nang marinig niya
Hindi na mapigilan ni Fane ang kanyang tawa. “Kung totoo ang sinabi mo, kung ganun ay ang Muddled Origin Clan ay talagang pinag-isipan ang bagay na ito ng maigi dahil, sa totoo lang, mas mabuti pa na miawan sa headquarters ang pinakamagaling nila. Bakit naman nila ipapadala ako sa inyo? Sinusumpa ko na inosente ako. Kung ayaw niyong maniwala, tingnan mo na lang. Hihintayin kita.”Ang ginagawa niya ay ang pinakamagandang paraan para patunayan na inosente siya. Walang sinuman ang magiging ganito kabait kung isa siyang espiya. Magiging mahirap para sa kanya na baliktaran pa ang bagay na ito kung hindi niya makukuha ang atensyon ng mga nakakataas ng Dual sovereign Pavilion sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang lakas ay magagwa ni Zeph anumang gusto niya sa aknya ng walang nakakaalam kung ano ang totoo. Subalit, iba na ngayon. Napatunayan niya ang kanyang halaga kaya naman ang mga nakakataas ng Dual Sovereign Pavilion ay tiyak na mangingialam sa bagay na ito. Bukod dito, tiyak siya na
Malamig na tumawa si Fane, hindi inatrasan ang hamon nito. “Sino ba ang kayang hulaan kung ano ang mangyayari sa hinaharap? Alam ko na hindi ko kaya. Gayunpaman, ang masasabi ko lang ay tiyak na nakita naman ng lahat kung paano ka nabigong pailawin ang ika-limang ilaw pagkatapos ng lahat ng pagyayabang mo. ang dating pa nga ay parang naiinggit ka lang sa akin. Pero ano ba ang silbi ng inggit? Wala kang karapatan na kausapin ako ng ganyan matapos kang mabigo na pailawin ang ika-limang ilaw. Ang sengen pill, ang contribution points, ang single residence—nakuha ko ang lahat ng iyon gamit ng sarili kong kapangyarihan.”Lalong dumilim ang mukha ni Morton na para bang napilitan siyang kumain ng tae. Walang sinuman ang nagsalita sa kanya ng ganito. Kahit na kailan. Bawat salita na sinabi ni Fane ay parang kutsilyo na sumaksak sa kanyang puso. Nanginginig ang buo niyang katawan at ang mga kanto ng kanyang labi ay nagsimulang ngumiwi. Pinanlisikan pa niya ng husto si Fane. Subalit, naatiling
Tumigil sandali si Ambrose bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, “Ang totoo, kayong lahat ay mas malakas lang ng konti sa mga runner disciples. Sa loob ng ilang oras, kapag hindi tumaas ang lebel niyo o kaya naman ay maabot ang kinakailangan na kota para sa inyong contribution points, kaagad kayong ituturing na basura at gagawing mga runner disciple. Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin kapag naging mga runner disciple kayo? Bakit? Sila ay mga alipin lamang ng Dual Sovereign Pavilion. Sa mga oras na iyon, ang lugar na ito ay magiging masyado nang magarbo para sa inyo!” Nang matapos sabihin ni Ambrose ang bagay na to, bukod sa ilang mga disipulo na kampante sa kanilang abilidad, karamihan sa iba pang mga disipulo ay nagsimula nang mataranta. Alam nila na kakompitensya nila ang iba pa. Magiging malaking dagok sa kanilang mga ego kapag naging mga runner disciples sila. “Tanging si Fane lang ang nakakuha ng sarili niyang kwarto. Ang iba sa inyo ay magsasama sa iisang kwarto. Ayon sa p
Nakalista sa jade identification card ang lahat ng patakaran sa Dual Sovereign Pavilion na may detalyadong paliwanag. Makikita din dito ang mga mahalagang bagay na dapat tandaan. Ang kahat ng kailangan ni fane na malaman ay nasa loob nito. Halimbawa, gusto niyang malaman kung paano maging isang formal disciple mula sa pagiging isang informal disciple at nalaman niya na kailangan lang niyang umangat sa initial stage ng acquired level para magawa iyon. Akala niya ay kailangan niyang dumaan sa isang mahirap at mahabang pagsubok para maging isang formal disciple.“Ang kailangan ko lang gawin ay makarating sa initial stage ng acquired level para lang maging isang formal disciple? Hindi ba’t masyado naman ata itong madali?” bulong ni Fane sa kanyang sarili. Lalo na, ang intial stage ng acquired level ay dalawang maliit na lebel lang ang layo mula sa initial stage ng innate level. Dalawang maliit na lebel sa loob ng isang malaking lebel, iyon lang ang naghihiwalay sa isang informal disciple
Mukhang tamang umalis siya ng Cathysia World dahil mananatili siyang isang mahirap kung hindi siya nagpunta dito. Tumingin si Nash kay Fane at sinabi, “Sinasabi dito na maraming mga informal disciple na nasa initial stage ng intermediate level na naging formal disciple. Atsaka, pwede mong ipalit ang posisyon mo sa isang formal disciple na nasa initial stage ng acquired level kapag natalo mo ito sa isang laban. Ang matatalo ay makakakuha ng posisyon ng isang informal disciple at ang mananalo ang makakakuha ng posisyon ng isang formal disciple. Ah, kaya pala maraming labang nagaganap sa Dual Sovereign Pavilion.” Naranasan ito mismo ni Fane nang matuklasan niyang si Officer Briggs, Elder Lee, at ang iba ay nananahimik lamang pagdating sa mga alitan at labanang naganap sa pagsusulit. Pagdating sa laban, lagi silang bibigyan ng kalayaan ng mga nakatataas, nagpapatunay na ayos lang sa kanila ang magkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Clan association. Para bang kapag mas mabagsik ang laban
Sinabi niya habang nagsusulat, “Ang mundong ito ay iba sa dating pinuntahan natin. Nagbigay pa sila ng isang lugar upang mapabilis ang pagsasanay ng isang tao para mabilis nilang matapos ang isang martial skill. Ang mga nagsasanay ng mga martial skill na may wood attribute ay pwedeng magsanay sa Wooden Spirit Hall. Ang mga nagsasanay ng martial skill na may gold attribute ay pwedeng magsanay sa Golden Spirit Hall! Oo nga pala, ang martial skill nasinasanay mo ay may soul attribute. Ano kayang lugar ang itinayo ng pavilion para sa soul attribute?” Napangiti sa galak si Fane nang marinig niya ito. Ito ang lugar na kailangan niya sa ngayon. Higit sa lahat, hindi siya makausad pagkatapos niyang makabuo ng unang Soul Sword. Dahil dito kaya nagduda si Fane sa kanyang kakayahan at nagtataka siya kung nagkamali ba siya. Ngunit ang Dual Sovereign Pavilion ay may ganitong lugar. “Wala bang Soul Hall sa jade strips? Ang lugar na iyon ay kung saan pwedeng magsanay ng martial skill ang isang
Dinampot ni Nash ang mga jade strip sa lamesa. Tiningnan niya ito nang maigi at hindi niya maitago ang kanyang pagkabigla habang nagsasalita. “Kahit sa pagkolekta ng mga spirited herb ay pwede kang makakuha ng pavilion contribution points. Hindi ba trabaho ito ng mga manggagawa at tagapagsilbi?” Maraming paraan upang kumita ng pavilion contribution point. Pwede silang mangaso ng monster beast sa ancient forest at kumuha ng mga spirited core mula sa mga ito. Pwede nilang ipalit ang mga spirited core at ibang bahagi ng mga monster beast na maibebenta para sa pera o contribution point sa parehong halaga.Pwede rin nilang tulungan ang mga elder ng pavilion na gumawa ng mga bagay na hindi magagawa ng karaniwang tao. Halimbawa, pwede silang tumulong sa paggawa ng gamot o mga sandata gamit ng kanilang aura. Mayroon ring mga gawaing magagamit nila upang makakuha ng pavilion contribution point.Maging ang pagkuha ng mga spirited grass at flower mula sa kabundukan ay magagamit upang kumita n