Nasa katanghaliang tapat na nuon nang maisipin ng prinsipe na lumabas ng kanyang silid upang tumungo sa halamanan at duon ay mag palipas ng oras. May ilang araw narin ang lumipas mula ng matanggap ng prinsipe ang gintong palamuti na nuoy ipinag kaloob sa kanya ng mahal na Hari. At mula pa nung araw na yon ay hindi pa siya nakakapag pasya ng maayos, dahil maraming mga bagay na bumabagabag sa kanya at isa na dito ay; Una, iniisip niya ang kanyang tiyuhin na si Haggan, sapagkat siya ang ikalawang anak ng Hari. Kaya naman, kung may taong dapat na iluklok ang Hari sa trono, ay walang iba kundi ang kanyang tiyuhin, subalit naging taliwas ang mga pangyayari at ito ang labis nyang pinag aalala sapagkat hindi niya maisip kung anu ang mararamdaman ng kanyang tiyuhin sa kanya. Pangalawa, nung mga sandaling makausap niya ang mahal na Hari ay may naramdaman syang kakaiba dito. Sapagkat bukod sa batid niyang malakas pa ang pangangatawan nito, ay nagugulumihanan din siya sa
Huling Na-update : 2021-06-04 Magbasa pa