Share

BADHA

last update Huling Na-update: 2021-07-23 18:47:38

Nuong gabing matapos ang pamamangkaw ay nakarating naman sa Mahal na Hari ang patungkol sa pagtatangka sa Prinsessa. Kaya naman, kinabukasan matapos ang pamamangkaw ay nag patawag ang Mahal na Hari ng isang pagpupulong sa unang bulwagan upang gumawa ng masugid na pagsisiyasat. Samantala matapos ang gabing iyon ay hindi na muling pinayagan ang Prinsessa ng kanyang Ama at ng  punong maestro na lumantad sa labas ng palasyo. At mula din nuon ay mas hinigpitan pa ang pag babantay sakanya.

Samantala,habang nagsisiyasat ang maestro at prinsipe sa labas ng palasyo ay hindi parin mawala ang pangamba ng Hari na maaaring pag pinatagal pa niya ang pagtatakda sa prinsipe bilang bagong  Hari ay manganganib ang rin ang buhay nito at ang  trono. Kaya naman, muling nag labas ng isang utos ang kaharian , Kung saan ay itinala, na dalawang araw mula nuon ay gaganapin ang sagradong kasalan.

At dahil ditoy nag padala ang palasyo ng mga taga pag lingkod sa Dampa ni prin

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   HINALA

    Malapit na nuon lumubog ang araw kaya naman pailan ilan nalamang ang mga taong nakikita sa loob ng palasyo. At dahil sa mahigpit ang pag babantay sa paligid ng palasyo ay kahit umaga at gabi’y marami paring mga nag babantay sa paligid dahil nga sa hindi parin nahuhuli kung sino ang may sala sa pag dukot sa prinsessa. Samantala,dahil sa pag kabagot ay naisipan ni prinsessa Damina na mag lakad lakad sa labas ng kanyang dampa upang lumanghap ng sariwang hangin dahil nga sa tila ilang araw na syang nakakulong at tuwiran nga siyang naninibago sa mga nangyayari, sapagkat sanay at lumaki siya sa malayang pamamaraan ng pamumuhay tulad nuong isang prinsessa pa lamang siya at hindi itinakdang Reyna. Maya-maya pa habang palabas siya ng tarangkahan ay nasulyapan naman niya ang punong maestro na nag uutos sa kanyang mga tauhan. Kaya naman ninais nya na sana nuong lumapit subalit napahinto siya ng biglang may lumapit sa maestro at dahil duon ay bahagya siyang napa kubli sa malalag

    Huling Na-update : 2021-07-24
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PAKANA 1

    Nuong araw ng pamangkaw ay abalang-abala ang tagapag-ingat ng palasyo dahil bahagi ng kanyang tungkulin ang ritwal at pagdiriwang. Kung saan ay sa kanya dumadaan ang lahat ng pag kilatis sa mga pagkain, sa mga gamit na gagamiting palamuti,mga tela at kabuuang pag-aayos sa bulwagan ng ritwal. Bukod pa duon ay kinailangan pa nuong tumungo sa kaban ng palasyo ang tagapag-ingat upang mag labas ng mga ginto at pilak ng saganun ay makabili sila sa pamilihan ng mga alay para sa ritwal dahil nga si Lady Gania ang tagapangasiwa sa kaban ng buong Bayan ng Virgania. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit natagalan siyang makapag ayos sa sarili upang makahabol sa pamamangkaw ng prinsessa at prinsipe. Nang matapos ang pag hahanda ay nag simula na nga ang nasabing pamamangkaw, Kaya ang tagapag-ingat ay nag madaling tumungo sa kanyang Dampa upang makapag palit ng kasuotan at dahil iba ang kasuotang ginagamit niya bilang isang tagapag-ingat ay kinailangan niyang palitan ang lahat ng kanyang

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   GALIT

    *****SA DAMPA NI PRINSIPE HAGGAN***** “Kamahalan naririto po si ministro menggue” Ang abiso ng tagapag bantay ni prinsipe Haggan mula sa labas ng kanyang silid. May ilang araw naring walang ginagawang pag kilos ang prinsipe mula ng dukutin sa pamamangkaw ang prinsessang si Damina. “Papasukin mo” Ang tugon ni Haggan. Nakaupo siya nuon sa maliit na mesa habang tahimik na nag babasa kaya ng malaman na nasa labas ng kanyang silid ang ministro ay iniligpit na niya ang kanyang mga aklat atsaka siya lumipat sa malaking mesa na nasa tapat lang ng kanyang tarangka. Hindi naman ganun kalaki ang Dampa ng prinsipe, subalit hindi rin ito maliit. Ang totooy katamtaman lamang ang kabuuang luwag ng kanyang Dampa para ihanay ito sa tatlong bahagi. Ang una ay ang balkonaheng nasa kanlurang bahagi ng palasyo, na kung saan ay maaaring tumanggap ng tatlo hanggang anim na panauhin, Ang ikalawa ay ang silid na pinag lalagyan ng kagamitan ng kanyang na

    Huling Na-update : 2021-07-30
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PAG BINTANG 1

    Matapos ang isang maigting na galit ay tila ba wala sa sariling nag lalakad ang tagapag-ingat palabas ng pasilyo mula sa Dampa ni prinsipe Haggan. Gayunpaman, habang binabaybay ang daan pabalik sa kanyang Dampa, at bago pa siya makarating ay hinarang at pinaligiran na siya ng mga kawal ng palasyo. “Lady Gania, bilang pag tugon sa utos ng Hari ay dinadakip ka namin sa salang pakikipag sabwatan sa mga Libanag upang dukutin ang itinakdang Reyna ng Virgania.” Ang wika ng pinaka mataas na kawal habang naka palibot ang mga ito sa kanya. Pagkatapos mag salita ng kawal ay bahagyang napa yuko si Lady Gania, napahawak siya ng mahigpit sa kanyang kasuotan atsaka na pahinga ng malalim, ang totooy hindi niya alam kung anong gagawin. Tatakas ba siya, makikipag laban o susunod nalang ng maayos sa mga kawal. May ilang taon narin siyang na ninilbihan sa palasyo bilang isang pinuno ng mga kawal at mula pa nuon hanggang sa mga araw na ito ay iniisip niyang ni kahit minsay hindi

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   HATOL

    Makalipas ang tatlong araw pag katapos dakpin ang tagapag-ingat na si Lady Gania ay nag patawag naman ng pag pupulong sa unang bulwagan upang duon ay itakda ang huling pag lilitis. At dahil sa isang tagapamahala ng kaban ng palasyo si Lady Gania at isa rin sya sa kinikilalang pinuno ng sandatahan at tagapag sanay ng mga mandirigma, kaya naman, nag padala ng pa anyaya ang palasyo sa kagawaran ng digmaan at sa mga ministro upang mag karoon ng pormal na pag hatol sa tagapag-ingat. Nasa ikatlo ng hapon nuon nang simulan ng patnugot ang pormal napag basa sa nilagdaang hatol ng Hari para sapag pataw ng parusa. Halos walang lakas na nakatayo nuon si Lady Gania sa harap ng kapulungan habang tinitikis ang mga sugat sa kanyang katawan dahil sa isang daang pag hampas sa kanya bilang unang parusa. Sa kabila nitoy, makikita rin ang tuwiran niyang paghihirap dahil sa hindi na nito magawang tumayo ng maayos upang mag bigay ng pag galang sa mga opisyal ng palasyo. Bukod pa du

    Huling Na-update : 2021-11-11
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PANGAMBA

    Tatlong araw pag lipas ng kautusang pag papatapon sa tagapag ingat na si Lady Gania, ay muling nag patawag ng pag pupulong ang Hari at duon ay ipinanukala niya sa lahat ang kasal na magaganap pag lipas ng dalawang araw. At dahil nga sa pag kawala ng taga pag ingat ay napilitan ang angkan ng Hari na humalili sa tungkulin ni Lady Gania, mula sa pag luluto, pag dedesenyo at pag hahanda. Sapagkat, ang mga bagay na ito ay tanging si Lady Gania lamang ang gumagawa kaya naman na gawian na ng lahat sa palasyo na hindi mag alala, subalit sa pag kakataong iyon ay kinailangan nilang gumawa ng paraan upang maidaos ng maayos ang pag hahanda sa kasal. Sa kabilang banda naman ay nag bigay ng panukala ang Reyna sa Hari na tanging ang mga nasa sagradong angkan lamang ang mag papatakbo ng lahat, at kahit na may pag aalinlangan ang Hari ay pumayag parin ito upang m

    Huling Na-update : 2022-01-29
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PANAGINIP

    Matapos ang mga gawain ng Punong maestro sa pag pataw ng parusa sa tagapag ingat na si Lady Gania ay pansamantala naman siyang inutosan ng Hari na asikasuhin ang naiwang tungkulin ng tagapag ingat sa kabisera. At duon ay namangha ang Punong Maestro sa pagiging tapat ni Lady Gania sa kanyang tungkulin. Sapagkat ang lahat ng gastusin at pag iimbentaryo ng mga pananim at mga buwis ay nakatala ng maayos ang eksaktong bilang ng mga ito mula sa talaan ng palasyo, kabisera, lalawigan sa mga tao hanggang sa mga salaping pumapasok sa kaban ng tapat, maharlika at sagradong angkan. Tunay nga na matapat ang tagapag ingat sa kanyang mga tungkulin sa palasyo. Ang totooy humah

    Huling Na-update : 2022-01-30
  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGRADONG KASALAN 1

    Pag sapit ng bukang liway way ay tumunog ng malakas at talong beses ang Dambana ng Palasyo, kasabay nito ay ang pagpapa lipad ng mga parol. " Mag sipag diwang kayo oh! mamamayan ng Virgania, sapagkat ang araw na ito ay ang pag iisang dibdib ng ating bagong Reyna at Hari na mag dadala ng bagong liwanag at pag asa para sa ating Lahat." At ito ang mensahe na nuoy inilagay sa mga parol upang ipalipad para sa taong bayan. At bilang tradisyon ng bayan ng Virgania, ang lahat ng mamamayan ay nag diwang sa kanilang mga tahanan kasabay ang payak na handaan upang mag bigay galang at makiisa sa sagradong kasalan. Kaya naman, tuwiran na kung papasukin ang tahanan ng bawat pamilya ay tiyak na mabubusog ang mga panauhin, sapagkat ibat ibang putahi ng pagkain ang nakahain sa kanilang mesa, dahil

    Huling Na-update : 2022-02-02

Pinakabagong kabanata

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   ANG UNANG HIMIG

    Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PALIGSAHAN

    KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   MAKALIPAS ANG DALAWAMPUNG TAON

    EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KALAGUYO

    KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 3

    Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 2

    Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP

    Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   BABELONIA

    Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KASABWAT

    Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status