Pag sapit ng bukang liway way ay tumunog ng malakas at talong beses ang Dambana ng Palasyo, kasabay nito ay ang pagpapa lipad ng mga parol.
PRINSIPE SHATTU'S POV Tumunog na nuon ang dambana ng palasyo, isang hudyat upang ipabatid sa buong bayan ng virgania ang patungkol sa sagradong kasalan, kasabay nito ay pumasok naman sa aking silid sina Ama, Ina at ang lahat ng tagapag silbi upang mag simula sa pag hahanda.Nakatayo ako nuon sa isang malabong salamin habang binibihisan ng pambalabal na yari sa koton , samantala iniabot naman ni Ina ang gintong kulindang na ipinagkaloob ng Hari upang maging sagisag ng aking pagiging susunod na Hari.Inilabas naman ng mga tagapag silbi ang panyapak na kinalakal pa mula sa ibang lalawigan, ito ay dahil ang panyapak ang pinaka mahalaga sa Hari, sapagkat ito ang sumisimbilo sa kapalarang tatahakin ng isang bagong hirang na Hari.Sa kabilang banda naman ay isinuot sa ak
" Kamahalan!!" "Ang mahal na Hari""Tumawag kayo ng mang gagamot""Tumawag kayo ng mang gagamot.""KAMAHALAN!!!!!!" Ang natarantang sigawan naman ng pamilya ng dating Hari at ng mga ministro dahil sa biglaan nitong pag bagsak matapos hirangin ang prinsipeng si shattu sa trono.Samantala, habang nag kakagulo ang lahat ay nakatulala naman habang nakatingin at tila na pako sa kanyang pag kaka upo ang inang Reyna, dahil narin sa labis na pag kagulat.Sa kabilang banda naman ay dumating narin ang manggagamot ng dating Hari atsaka ito pinulsuhan, pag katapos ay ipinag utos nito na dalhin ang Hari sa kanyang silid upang duon ay masuri niya ito ng mabuti dahil naaabal ang kanyang konsentrasyon sa ingay na lumalaganap dahil sa nasaksihan ng buong kapulungan ang biglaang pag ka himatay ng kanilang dating Hari.
***RITWAL***Umaga na nuon ng matapos ang palasyo sa pag hahanda para sa gagawing ritwal. Nakaupo nuon sa bandang unahan ang mag anak ng Hari habang naka suot ng kulay itim na balabal na abot hanggang sakong, habang may telang puti namang naka hulma sa kani-kanilang bewang. Samantala, ang Bagong Hari at ang Reyna ay nakasuot naman nuon ng telang yari sa balat ng hayop, ito ay kulay puting may mahabang sukat na umaabot sa kanilang sakong, habang may kulindang na kulay itim na nakasayad lamang sa sa sahig.Ang mga Waya na nuoy nakaupo sa kaliwang bahagi ng Dampa ay nakasuot naman ng purong itim na balabal, at duon ay nag sasagawa ng isang tradisyunal na ritwal, upang mapanatili ang kadalisayan ng pag kamatay ng Hari.Samantala, ang mga ministro ay nakatayo habang nakayuko't nakahilera sa bandang kanan ng dampa, sa may bandang unahan, malapit sa pinag lalagyan ng mga alay. At tulad ng mga Waya ay nakasuot din ang mga ito ng kulay itim na balabal na umaabot din hanggang sa
Pasapit na nuon ang pag lubog ng araw, subalit naroon parin sa may Hardin ang bagong Reyna habang nagkikipag panayam sa kanyang sarili.May dalawang buwan narin nuon ang nakalipas ng mamatay ang dating Hari. Kaya naman, dahil narin sa biglaang pangyayari ay naging abala si Shattu sa kanyang tungkulin bilang bagong hinirang sa trono, sapagkat ang lahat ng naiwan ng dating Hari ay kanyang inasikaso matapos ang labing-apat na araw ng pag luluksa ng kanilang angkan at ng buong bayan . Dahilan kung bakit may isang buwan naring hindi nakakasama ng Reyna ang kanyang asawa. Kaya nga, nung mga panahong iyon ay palaging mag-isa ang reyna sa tuwing kumakain at natutulog, kaya naman ganun nalang din kabilis ang pag bagsak kanyang katawan dahil sa pag kalungkot na palagi siyang mag-isa sa kanyang dampa, kung saan tanging mga tagapag lingkod lamang at tagapag bantay ang kanyang nakakasama mula umaga hanggang gabi. Bukod pa duon ay labis ang kanyang mga pag aalala at pangamba, at it
Kaya naman, nuong gabing malaman ang kalagayan ng Reyna ay nag pasya ang Hari na ipag paliban ang kanyang mga gawain at sa halip ay naroon siya sa kanyang asawa upang samahan ito at bantayan.Samantala, kinabukasan ay agad namang nag pahanda ang Hari ng isang pag diriwang at dahil nga sa kamamatay lang nuon ng dating Hari at napakarami parin nuong mga dapat na isaalang-alang sa palasyo ay naging payak lamang ang naging pag hahanda.Nakaupo nuon ang Reyna sa kanyang taburete habang nakaharap sa malabong salamin. Tinitignan niya ang kanyang sarili habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nuong mga sandaling iyon ay tila ba nakaramdam siya ng biglaang pag aalinlangan sa kanyang sarili dahil sa iniisip niya kung magiging isa ba siyang mabuting Ina sa kanyang magiging anak.Batid ng Reyna na walang dudang magiging mabuting Ama ang kanyang asawa para sa kanilang anak, gayunpaman, hindi siya sigurado sa kanyang sarili sapagkat nung mga sandaling iyon ay napakaram
"Mag bigay pugay sa Mahal na Hari!"Sabi nuon ng patnugot sa pag diriwang.Kaya naman, ang lahat ay napabalikwas ng tingin sa harap at duon ay nag sipag yuko ito upang mag bigay galang at mag pugay."Kamahalan! nais namin kayong batiin ng mahal na Hari" Bungad ng punong ministro habang nakayuko ito at may hawak na kopa ng inumin."Binabati po namin kayo kamhalan"'Binabati namin kayo kamahalan"Ang sabay-sabay na sabi ng mga panauhin nuon habang kitang kita naman ang labis na kagalakan. Samantala, napalapit nuon ang prinsipeng si Haggan at duon ay nag alay ito ng isang mamahaling mga tela para sa sanggol at sa Reyna.Isa itong tradisyong ginagawa ng palasyo sa tuwing mag kakaroon ng unang supling ang bagong takdang Hari at Reyna sa trono. Kaya nga, kasunod nila ay tumungo narin ang lahat sa harap ng kanilang kamahalan at duon ay nag sipag bigay ng kanilang mga handog upang ipag diwang ang pagb dadalang tao ng Reyna."Nagagalak ako! dahil sa inyong mai
Nakaupo nuon ang reyna sa harap ng hardin habang tinitignan ang mga bulaklak sa paligid, at namangha siya sa pisikal na anyo nito na syang nag bibigay ng ibat-ibang halimuyak at ganda sa buong palasyo. "kamahalan, naririto lamang po pala kayo."Ang tugon nuon ng isang babae na nakasuot ng mamahaling kasuotang hinabi gamit ang telang enkahe na abot hanggang sakong.Nung mga sandaling iyon ay napangiti ang reyna, sapagkat nasa harap nya nuon ang isang taong nag papasaya at nag papalakas sa kanya na tulad ng mga bulaklak sa kapaligiran na nag bibigay ng kapayapaan. Abot hanggang langit ang kagalakang kanyang nararamdaman nang mga sandalinng iyon, sapagkat batid niyang ang pag mamahal na kanyang nararamdaman ay higit pa sa kaibigan o kapatid kaya naman nag pasya siyang katulad ng kanyang asawa ay Iibigin niya ang taong ito anuman ang mangyari."Nag papahangin lamang ako lady gania."Tugon nuon ng reyna habang tangan ang kanyang matatamis na ngiti. "Halikat samahan mo ako" Punong utos
Nakaupo nuon ang Hari sa harap ng maliit na mesa habang abalang abala sa kanyang mga gawain nang ipag bigay alam nito ang pag dating ng tagapag lingkod. Dahilan upang mapukaw ang buong pansin ng hari, kaya naman, napatigil ito sa kanyang ginagawa atsaka pinahintulutan ang tagapag lingkod na makapasok sa loob.At nang makapasok nga ang tagapag lingkod ay agad naman itong lumuhod upang mag bigay ng pag galang atsaka nag salita patungkol sa kanyang pakay."Paumahin sa abala kamahalan, subalit mahalaga pong malaman ninyo na ngayon na po ang araw na mag sisilang ang reyna."Nang sandaling marinig ito ng hari ay agad itong napatayo mula sa kanyang pag kakaupo, na tila ba hindi na ito agad mapakali."Sabihin mo nasaan dinala ngayon ang reyna"Sagot nito habang tangan ang halo-halong emosyon ng galak at kaba sa kanyang mga mata. Ang totooy, halos ilang linggo narin siyang nakakulong sa kanyang silid at ang buo niyang mag hapon ay nakatuon lamang sa mga gawain niya para sa palasyo.Ito din ang
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit
Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na
Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng
Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l
Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b
Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga