Nakaupo nuon ang Hari sa harap ng maliit na mesa habang abalang abala sa kanyang mga gawain nang ipag bigay alam nito ang pag dating ng tagapag lingkod. Dahilan upang mapukaw ang buong pansin ng hari, kaya naman, napatigil ito sa kanyang ginagawa atsaka pinahintulutan ang tagapag lingkod na makapasok sa loob.At nang makapasok nga ang tagapag lingkod ay agad naman itong lumuhod upang mag bigay ng pag galang atsaka nag salita patungkol sa kanyang pakay."Paumahin sa abala kamahalan, subalit mahalaga pong malaman ninyo na ngayon na po ang araw na mag sisilang ang reyna."Nang sandaling marinig ito ng hari ay agad itong napatayo mula sa kanyang pag kakaupo, na tila ba hindi na ito agad mapakali."Sabihin mo nasaan dinala ngayon ang reyna"Sagot nito habang tangan ang halo-halong emosyon ng galak at kaba sa kanyang mga mata. Ang totooy, halos ilang linggo narin siyang nakakulong sa kanyang silid at ang buo niyang mag hapon ay nakatuon lamang sa mga gawain niya para sa palasyo.Ito din ang
Habang ginagawa nuon ang pag babasbas sa prinsipe ay bigla namang dumating sa silid ng reyna si binibining Namie na anak ng dating panganay na prinsipeng si Na-il. Humahangos ito dahil sa labis na pag mamadaling mapuntahan agad ang reyna sa kanyang silid."Mahal na Reyna, kailangan po nating makaalis sa dampa ngayon."Sabi nito, sabay ng pag punit sa mamahaling tela na nuoy naka tabing sa higaan kung saan nakahiga ang reyna at nag papahinga, ginagamit ito upang ipang takip. Nung mga sandaling iyon ay bahagyang napaangat ng katawan ang reyna sa kanyanag higaan habang tangan ang labis na pag tataka sa kung anong nangyayari."Subalit bakit kailangan nating umalis?"Tanong naman ng reyna habang sinusundan ng tingin si Namie na nuoy paroo't parito na tila ba hindi mapakali habang nag lalagay ng kaunting pagkain sa bayong na kanyang hawak. Maya-maya pa, ay tumungo na nga ito sa reyna upang alalayan ito ng dahan dahan pababa ng kanyang higaan."Mamaya ko nalang ipapaliwanag kamahalan, kailan
"Sabihin mo sino ito? nababatid mo ba?"Tanong nuon ng reyna pag katapos nitong uminom ng tubig. Nung mga sandaling iyon ay binalot ng katahimikan ang paligid na kung saan binalikan ng binibini ang kanyang mga nasaksihan.*****FLASHBACK*****Nakaupo nuon ang binibining si Namie habang nag babasa ng aklat sa kanyang balkonahe, at habang tahimik itong nakatuon sa aklat ay bigla nalamang niyang naramdaman ang pagkati ng kanyang batok. Nung mga sandaling iyon ay napaisip siya dahil madalas iyong nangyayari kapag may hindi magandang bagay na magaganap, tila ba isa itong senyales sa kanya ng isang paparating na kamalasan at suliranin, samantala ng mapansin nya ang bagay na ito ay bigla nalamang pumasok sa kanyang isipan ang mahal na reyna. Dahilan upang sumang-ayon ang kanyang mga paa na lumakad at bisitahin ito.Kaya naman, dahil sa malakas na pag udyok ng kanyang sarili ay nag madali siyang mag palit ng kasuotan, batid niyang hindi dapat niya balewalain ang mga bagay tulad ng kung ano ang
Habang pawis na pawis at habol hininga nuon na nakaupo sa isang madilim na sulok ng balon ang reyna ay tahimik itong napapainda dahil sa labis napag hilab ng kanyang tiyan. Napapaulos siya at napapasipa ng kanyang binti dahil sa sakit na kanyang naramdaman. Maya-maya pa nang ipinosisyon na nuon ng reyna ang kanyang katawan upang ihanda ang sarili sapag labas ng bata, ay bigla namang dumilim ang paligid kung saan tinakpan ng araw ang liwanag ng buwan at kasabay nito ay ang pag labas ng ikalawa niyang anak na prinsessa.Mula sa isang basket na inihulog ng binibining si Namie bago ito umalis ay kinuha ng reyna ang isang tela upang gamitin itong pambalot sa bata. Pagkatapos ay naupo ito sa bandang kanang sulok ng balon habang karga karga nito ang kanyang anak.Ninais sana nuon ng reyna na sumigaw upang maka hingi ng saklolo nang saganun ay makalabas sila sa balon, subalit nag aalangan ito na maaaring nariyan pa ang mga tumutugis sa kanila. Nuong mga sandalling iyon ay napapaisip siya na k
“Mag bigay pugay sa bagong Prinsipe ng Virgania” Ang sabi nuon ng hari habang iniaangat ang prinsipe upang tanda ng pag tanggap.“ Mabuhay ang bagong prinsipe ng Virgania!”Tugon ng mga tao sa kapulungan habang nakayuko ang mga ito bilang tanda ng pag galang at pag bubunyi.“Kamahalan!”“Mahal na Hari!”Ang pag hahangos ng punong tagapagbantay ng hari, dahilan upang matigilan ang lahat. Kaya naman, napalingon nuon ang hari sa kanya habang tangan ang pag kainis dahil sa bigla nitong pang abala sapag diriwang ng pag tanggap"Paumanhin sa abala kamahalan, subalit nawawala po ang mahal na reyna!"Tugon ng tagapag bantay habang nakayuko ito at nag bibigay ng pag galang. Kaya naman, agad na ipinasa ng hari ang prinsipeng sanggol sa tagapangalaga nito at inutusang bumalik sa silid nito kasabay din ng pag tatalaga ng mga kawal na mag babantay dito. Samantala, ang hari naman ay tumungo pabalik sa silid kung saan nag silang ang reyna.Habang nag lalakad pabalik ay inuusisa ng hari sa tagapag ba
Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga
Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b
Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit
Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na
Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng