All Chapters of LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow): Chapter 21 - Chapter 30

49 Chapters

HINALA

Malapit na nuon lumubog ang araw kaya naman pailan ilan nalamang ang mga taong nakikita sa loob ng palasyo. At dahil sa mahigpit ang pag babantay sa paligid ng palasyo ay kahit umaga at gabi’y marami paring mga nag babantay sa paligid dahil nga sa hindi parin nahuhuli kung sino ang may sala sa pag dukot sa prinsessa. Samantala,dahil sa pag kabagot ay naisipan ni prinsessa Damina na mag lakad lakad sa labas ng kanyang dampa upang lumanghap ng sariwang hangin dahil nga sa tila ilang araw na syang nakakulong at tuwiran nga siyang naninibago sa mga nangyayari, sapagkat sanay at lumaki siya sa malayang pamamaraan ng pamumuhay tulad nuong isang prinsessa pa lamang siya at hindi itinakdang Reyna. Maya-maya pa habang palabas siya ng tarangkahan ay nasulyapan naman niya ang punong maestro na nag uutos sa kanyang mga tauhan. Kaya naman ninais nya na sana nuong lumapit subalit napahinto siya ng biglang may lumapit sa maestro at dahil duon ay bahagya siyang napa kubli sa malalag
last updateLast Updated : 2021-07-24
Read more

PAKANA 1

Nuong araw ng pamangkaw ay abalang-abala ang tagapag-ingat ng palasyo dahil bahagi ng kanyang tungkulin ang ritwal at pagdiriwang. Kung saan ay sa kanya dumadaan ang lahat ng pag kilatis sa mga pagkain, sa mga gamit na gagamiting palamuti,mga tela at kabuuang pag-aayos sa bulwagan ng ritwal. Bukod pa duon ay kinailangan pa nuong tumungo sa kaban ng palasyo ang tagapag-ingat upang mag labas ng mga ginto at pilak ng saganun ay makabili sila sa pamilihan ng mga alay para sa ritwal dahil nga si Lady Gania ang tagapangasiwa sa kaban ng buong Bayan ng Virgania. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit natagalan siyang makapag ayos sa sarili upang makahabol sa pamamangkaw ng prinsessa at prinsipe. Nang matapos ang pag hahanda ay nag simula na nga ang nasabing pamamangkaw, Kaya ang tagapag-ingat ay nag madaling tumungo sa kanyang Dampa upang makapag palit ng kasuotan at dahil iba ang kasuotang ginagamit niya bilang isang tagapag-ingat ay kinailangan niyang palitan ang lahat ng kanyang
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

GALIT

*****SA DAMPA NI PRINSIPE HAGGAN*****   “Kamahalan naririto po si ministro menggue” Ang abiso ng tagapag bantay ni prinsipe Haggan mula sa labas ng kanyang silid. May ilang araw naring walang ginagawang pag kilos ang prinsipe mula ng dukutin sa pamamangkaw ang prinsessang si Damina. “Papasukin mo” Ang tugon ni Haggan. Nakaupo siya nuon sa maliit na mesa habang tahimik na nag babasa kaya ng malaman na nasa labas ng kanyang silid ang ministro ay iniligpit na niya ang kanyang mga aklat atsaka siya lumipat sa malaking mesa na nasa tapat lang ng kanyang tarangka. Hindi naman ganun kalaki ang Dampa ng prinsipe, subalit hindi rin ito maliit. Ang totooy katamtaman lamang ang kabuuang luwag ng kanyang Dampa para ihanay ito sa tatlong bahagi. Ang una ay ang balkonaheng nasa kanlurang bahagi ng palasyo, na kung saan ay maaaring tumanggap ng tatlo hanggang anim na panauhin, Ang ikalawa ay ang silid na pinag lalagyan ng kagamitan ng kanyang na
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

PAG BINTANG 1

Matapos ang isang maigting na galit ay tila ba wala sa sariling nag lalakad ang tagapag-ingat palabas ng pasilyo mula sa Dampa ni prinsipe Haggan. Gayunpaman, habang binabaybay ang daan pabalik sa kanyang Dampa, at bago pa siya makarating ay hinarang at pinaligiran na siya ng mga kawal ng palasyo. “Lady Gania, bilang pag tugon sa utos ng Hari ay dinadakip ka namin sa salang pakikipag sabwatan sa mga Libanag upang dukutin ang itinakdang Reyna ng Virgania.” Ang wika ng pinaka mataas na kawal habang naka palibot ang mga ito sa kanya. Pagkatapos mag salita ng kawal ay bahagyang napa yuko si Lady Gania, napahawak siya ng mahigpit sa kanyang kasuotan atsaka na pahinga ng malalim, ang totooy hindi niya alam kung anong gagawin. Tatakas ba siya, makikipag laban o susunod nalang ng maayos sa mga kawal. May ilang taon narin siyang na ninilbihan sa palasyo bilang isang pinuno ng mga kawal at mula pa nuon hanggang sa mga araw na ito ay iniisip niyang ni kahit minsay hindi
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

HATOL

Makalipas ang tatlong araw pag katapos dakpin ang tagapag-ingat na si Lady Gania ay nag patawag naman ng pag pupulong sa unang bulwagan upang duon ay itakda ang huling pag lilitis. At dahil sa isang tagapamahala ng kaban ng palasyo si Lady Gania at isa rin sya sa kinikilalang pinuno ng sandatahan at tagapag sanay ng mga mandirigma, kaya naman, nag padala ng pa anyaya ang palasyo sa kagawaran ng digmaan at sa mga ministro upang mag karoon ng pormal na pag hatol sa tagapag-ingat.   Nasa ikatlo ng hapon nuon nang simulan ng patnugot ang pormal napag basa sa nilagdaang hatol ng Hari para sapag pataw ng parusa. Halos walang lakas na nakatayo nuon si Lady Gania sa harap ng kapulungan habang tinitikis ang mga sugat sa kanyang katawan dahil sa isang daang pag hampas sa kanya bilang unang parusa. Sa kabila nitoy, makikita rin ang tuwiran niyang paghihirap dahil sa hindi na nito magawang tumayo ng maayos upang mag bigay ng pag galang sa mga opisyal ng palasyo. Bukod pa du
last updateLast Updated : 2021-11-11
Read more

PANGAMBA

Tatlong araw pag lipas ng  kautusang pag papatapon sa tagapag ingat na si Lady Gania, ay muling nag patawag ng pag pupulong ang Hari at duon ay ipinanukala niya sa lahat ang kasal na magaganap pag lipas ng dalawang araw.   At dahil nga sa pag kawala ng taga pag ingat ay napilitan ang angkan ng Hari na humalili sa tungkulin ni Lady Gania, mula sa pag luluto, pag dedesenyo at pag hahanda. Sapagkat, ang mga bagay na ito ay tanging si Lady Gania lamang ang gumagawa kaya naman na gawian na ng lahat sa palasyo na hindi mag alala, subalit sa pag kakataong iyon ay kinailangan nilang gumawa ng paraan upang maidaos ng maayos ang pag hahanda sa kasal.   Sa kabilang banda naman ay nag bigay ng panukala ang Reyna sa Hari na tanging ang mga nasa sagradong angkan lamang ang mag papatakbo ng lahat, at kahit na may pag aalinlangan ang Hari ay pumayag parin ito upang m
last updateLast Updated : 2022-01-29
Read more

PANAGINIP

  Matapos ang mga gawain ng Punong maestro sa pag pataw ng parusa sa tagapag ingat na si Lady Gania ay pansamantala naman siyang inutosan ng Hari na asikasuhin ang naiwang tungkulin ng tagapag ingat sa kabisera. At duon ay namangha ang Punong Maestro sa pagiging tapat ni Lady Gania sa kanyang tungkulin. Sapagkat ang lahat ng gastusin at pag iimbentaryo ng mga pananim at mga buwis ay nakatala ng maayos ang eksaktong bilang ng mga ito mula sa talaan ng palasyo, kabisera, lalawigan sa mga tao hanggang sa mga salaping pumapasok sa kaban ng tapat, maharlika at sagradong angkan. Tunay nga na matapat ang tagapag ingat sa kanyang mga tungkulin sa palasyo.   Ang totooy humah
last updateLast Updated : 2022-01-30
Read more

SAGRADONG KASALAN 1

Pag sapit ng bukang liway way ay tumunog ng malakas at talong beses ang Dambana ng Palasyo, kasabay nito ay ang pagpapa lipad ng mga parol.   " Mag sipag diwang kayo oh! mamamayan ng Virgania, sapagkat ang araw na ito ay ang pag iisang dibdib ng ating bagong Reyna at Hari na mag dadala ng bagong liwanag at pag asa para sa ating Lahat."     At ito ang mensahe na nuoy inilagay sa mga parol upang ipalipad para sa taong bayan. At bilang tradisyon ng bayan ng Virgania, ang lahat ng mamamayan ay nag diwang sa kanilang mga tahanan kasabay ang payak na handaan upang mag bigay galang at makiisa sa sagradong kasalan.   Kaya naman, tuwiran na kung papasukin ang tahanan ng bawat pamilya ay tiyak na mabubusog ang mga panauhin, sapagkat ibat ibang putahi ng pagkain ang nakahain sa kanilang mesa, dahil
last updateLast Updated : 2022-02-02
Read more

KASALAN AT ANG BAGONG HARI

PRINSIPE SHATTU'S POV       Tumunog na nuon ang dambana ng palasyo, isang hudyat upang ipabatid sa buong bayan ng virgania ang patungkol sa sagradong kasalan, kasabay nito ay pumasok naman sa aking silid sina Ama, Ina at ang lahat ng tagapag silbi upang mag simula sa pag hahanda. Nakatayo ako nuon sa isang malabong salamin habang binibihisan ng pambalabal na yari sa koton , samantala iniabot naman ni Ina ang gintong kulindang na ipinagkaloob ng Hari upang maging sagisag ng aking pagiging susunod na Hari. Inilabas naman ng mga tagapag silbi ang panyapak na kinalakal pa mula sa ibang lalawigan, ito ay dahil ang panyapak ang pinaka mahalaga sa Hari, sapagkat ito ang sumisimbilo sa kapalarang tatahakin ng isang bagong hirang na Hari. Sa kabilang banda naman ay isinuot sa ak
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more

DALAMHATI

"  Kamahalan!!" "Ang mahal na Hari""Tumawag kayo ng mang gagamot""Tumawag kayo ng mang gagamot.""KAMAHALAN!!!!!!"            Ang natarantang sigawan naman ng pamilya ng dating Hari at ng mga ministro dahil sa biglaan nitong pag bagsak matapos hirangin ang prinsipeng si shattu sa trono.Samantala, habang nag kakagulo ang lahat ay nakatulala naman habang nakatingin at tila na pako sa kanyang pag kaka upo ang inang Reyna, dahil narin sa labis na pag kagulat.Sa kabilang banda naman ay dumating narin ang manggagamot ng dating Hari atsaka ito pinulsuhan, pag katapos ay ipinag utos nito na dalhin ang Hari sa kanyang silid upang duon ay masuri niya ito ng mabuti dahil naaabal ang kanyang konsentrasyon sa ingay na lumalaganap dahil sa nasaksihan ng buong kapulungan ang biglaang pag ka himatay ng kanilang dating Hari.
last updateLast Updated : 2022-03-08
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status