***RITWAL***Umaga na nuon ng matapos ang palasyo sa pag hahanda para sa gagawing ritwal. Nakaupo nuon sa bandang unahan ang mag anak ng Hari habang naka suot ng kulay itim na balabal na abot hanggang sakong, habang may telang puti namang naka hulma sa kani-kanilang bewang. Samantala, ang Bagong Hari at ang Reyna ay nakasuot naman nuon ng telang yari sa balat ng hayop, ito ay kulay puting may mahabang sukat na umaabot sa kanilang sakong, habang may kulindang na kulay itim na nakasayad lamang sa sa sahig.Ang mga Waya na nuoy nakaupo sa kaliwang bahagi ng Dampa ay nakasuot naman ng purong itim na balabal, at duon ay nag sasagawa ng isang tradisyunal na ritwal, upang mapanatili ang kadalisayan ng pag kamatay ng Hari.Samantala, ang mga ministro ay nakatayo habang nakayuko't nakahilera sa bandang kanan ng dampa, sa may bandang unahan, malapit sa pinag lalagyan ng mga alay. At tulad ng mga Waya ay nakasuot din ang mga ito ng kulay itim na balabal na umaabot din hanggang sa
Last Updated : 2022-03-14 Read more