"A-ako!?"
Ang pagtatakang tugon ng tagapag-ingat. Nung mga sandaling yon ay napansin ng prinsipe ang biglang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Lady Gania.
Tila ba namumula ang kanyang mga pisngi, napansin din niya ang pamumuo ng pawis sa mukha at mga kamay nito.
Kaya naman, naisip ng prinsipe na maaaring nabigla ang tagapag-ingat sa itinanong niya kaya ganito ang reaksyon nito sa kanya.
Ang totoo'y matagal na panahon na nga silang tatlo na mag kakasama, subalit ni minsan ay hindi nila nakita ni prinsessa Damina na nagkaroon na ng pagtatangi sa ginoo si Lady Gania. Kaya inisip ng prinsipe na ito nga ang dahilan kaya tila ba naiilang ang tagapag-ingat sa ganitong usapan. Kaya nga napatawa nalamang ang prinsipe dahil tila ba mali siya nang tinanungan, subalit napatingin naman sa kanya si Lady Gania kasabay ang pag tataka dahil sa pagtawa ng prinsipe.
"Ahhh...ba-bakit tila nata
Habang nakaupo sa isang silya ay naka dungaw ng bahagya sa durungawan nang kanyang silid ang prinsessa kung saan ay isang napaka aliwalas na kapaligiran ang pumupuno sa tanawing kanyang napagmamasdan. Nakaharap sa bundok ang durungawan ng prinsessa kaya naman walang dudang puro mga luntiang puno ang kanyang nakikita, sa kabila pa nitoy naririnig niya ang huni ng mga ibon na tila ba umaawit habang ang lamig naman na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang mukha. Ang totooy hindi makapaniwala ang prinsessa dahil sa bilis ng takbo ng oras, iniisip niya na parang kanina lang ay kasama niya si Lady Gania na tumungo sa balon ng kahilingan. May ilang araw narin na tila hindi nila nakikita ang prinsipe. Kaya nga napuno siya ng panghihinayang dahil hindi man lang nila nakasama ang prinsipe na humiling sa balon, na samantalang dati ay mag kasama pa silang tatlo na tumatakas sa pag sasanay upang makatungo lamang sa balon, mag hagis ng pila
Habang nakahilig sa Mesa ay bahagya nagising si Lady Gania ng bumungad sakanyang mukha ang sinag ng araw. Kaya naman, napatayo siya sa di mawaring reaksyon ng Makita ang napaka gulo nyang silid. "Tila nasobrahan ata ang aking pag ka lango" Ang sabi niya sa sarili atsaka na patingin siya sa kanyang kasuotan na nuoy gusot na gusot. Subalit bigla siyang napa hawak sa kanyang sintido ng maramdaman ang pag lagitik nito at dahil sa sobrang sakit ay napaupo siya saglit habang minamasahe ang kanyang noo. Ang totoo’y hindi talaga siya sanay uminom, sadyang napilitan lamang siya dahil sa isang bagay na hindi niya halos matanggap. Isang bagay na tila mas masakit pa na malaman ang kanyang buong pag katao. "May tao ba riyan sa labas??" Ang nuoy tawag niya mula sa loob ng silid at maya-maya pa ay pumasok naman ang isa sa mga tagapag lingkod. "ah-anu po iyon Lady Gania!?...........
Matapos ang gabi ng pag tatapat ng prinsipe ay tila ba naging isang panaginip ang mga pangyayari, at dahil ditoy hindi na muling naalis pa ang ngiti sa mga labi ng prinsessang si Damina. Gayunpaman, sa kabila ng kaligayahan ay nag dadalawang isip parin siya kung tama ba o hindi ang kanyang mga pag papasyang gagawin. Ang totoo'y labis ang kagalakan sakanyang puso dahil matagal na panahon nya ring inilihim ang pag tatangi niya kay Shattu sapagkat ang buong akala nito'y ang tagapag-ingat ang kanyang iniibig. Kaya naman, bilang pag tugon sa kanyang lihim na nararamdaman ay pinili niyang umiwas na mag bigay ng motibo o kahit na mag tapat sa tagapag-ingat o sa prinsipe dahil sa hindi niya ninais na ito ang maging simula ng kanilang hindi pag kakaintindihan, kaya nga mas pinili niyang manahimik nuon at sa halip ay gumagawa siya ng daan upang makapag usap ang tagapag-ingat at prinsipe ng sarilinan kahit pa masakit ito para sa kanya. Kaya naman,para sa kanya ang pag tatapat n
***LADY GANIA'S POV*** Ngayong araw nato ay sinasagawa ang unang anihan kaya naman bago pa sumikat ang araw ay tumungo kaagad ako sa kabisera upang magsagawa ng pag iimbentaryo, at bilang tagapag-ingat ay kasama sa aking tungkulin ang paniningil ng buwis. Subalit hindi lang dito natatapos ang lahat sapagkat halos lahat ng magsasakang nag aani ng trigo't bigas ay kailangang pantay ang buwis, gayunpaman ang porsyento ng buwis ay nakaugnay sa kong gaanu karami ang na aani sa bawat hektarya ng lupa ng bawat magsasaka. Kaya naman masasabing pantay pantay ang isinagawang paniningil ng buwis at kung mag kataon mang may mapinsala sa trigo't bigas na naani ay kailangang babaan ang porsyento ng buwis na ipapataw. Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos din ang aking pag iimbentaryo sa mga na aning trigo't bigas, at natapos narin nuon ang pag singil ng buwis sa bawat magsasaka, kaya naman kailangan naring isunod ang pag imbentaryo sa buwis na trigo't bigas na ipapasok n
Nuong gabing tanggapin ni prinsessa Daminaang gintong palamuti ay agaran namang nag pautos ang Mahal na Hari upang itakda ang araw ng pamamangkaw. Kaya naman itinala ang pagsagawa sa parehong buwan ng taon.***PRINSIPE SHATTU'S POV***Ayon sa kautusan ng palasyo kailangang maging pormal at dalisay ang isang lalaking aakyat ng pangangayaw. Kaya naman pasapit pa lamang nuon ang dapit hapon ay tumungo na sa silid ang aking mga tagapaglingkod."Kamahalan, naririto po kami upang ihanda kayo sa inyong pamamangkaw"Wika nuon ng isa sa mga tagapaglingkod,kaya naman akoy tumayo at tumungo sa kasilyas na nuoy nakaharap sa aking salamin, atsaka nila sinimulan ang paghahanda.Kapag ang isang ginoong mamamangkaw ay nag mula sa tapat na angkan ay nilalagyan siya ng mga pilak na palamuti at ito ay mula sakanyang panyapak hanggang sa kanyang buhok. kasabay din nitoy isinusuot sa kanya angabot sakong na puting kasuotan na may nakahabing bulaklak n
Pagkatapos nga ng tuwirang pag hahanda ay nagsimula naman ang ritwal subalit sa simula pa lamang ay nararamdaman na ng prinsipe ang pagbigat ng kanyang mga mata na nuoy pinipilit nya nalamang na idilat. Subalit ilan pang sandali habang nakatuon ang tingin ng prinsipe sa lampara na nuoy nakalagay sa mag kabilang gilid ng haligi ay tila ba dahan dahan nang pumipikit ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa hindi nya na ito napigilan pa kaya naman bahagya na nga siyang nahimbing. Ang totooy hindi siya sanay sa ganitong uri ng mga ritwal dahil simula pa nuong mag kagulang ay palagi na siyang nag sasanay na gumamit ng sandata upang ipag tanggol ang kanyang kaharian. Kaya naman, ang mga ganitong pag kakataon ay di pamilyar para sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay natapos naman ng maayos ang ritwal, Kaya naman ang lahat ay tumungo na sa pag diriwang ng pagpupugay. Sapagkat, sa kaharian ng Virgania ay may kaugalian ang pamamangkaw ng sagradong angkan na kapag
Sa labas ng palasyo ay binaybay ng punong maestro at prinsipe ang masukal na kagubatan at dahil sa sumapit na ang gabi kaya lubhang napaka dilim na ng paligid. At dahil ditoang punong maestro ay gumawa ng isang ilawan na yari sa kawayan at sa pamamagitan ng dalawang batong ikiniskis ay nakagawa nga siya ng sulo. At pagkatapos nito ay nag hiwalay sila ng landas ng prinsipe, subalit hindi naman ito masyadong kalayuan, nag iba lamang ng direksyon ang punong maestre upang mas mapadali ang kanilang pag hahanap. Makalipas pa ang ilang sandali ng paghahanap ay natuntun naman na ng prinsipe ang kakahuyan sa bandang hilaga ng palasyo. Ito ay ang lugar na madalas pinangangasuhan ng kanilang kaharian dahil napaka rami ditong iba’t-ibang mga uri ng hayop tulad nalang ng Usa, Baboy ramo, at kung minsan ay may mga naliligaw din ditong mababangis na hayop kaya naman ipinag babawal ditong pumunta ang mga hindi masyadong pamilyar sa lugar na ito dahil nga sa mapanganib para sa kanilang tumun
Nuong gabing matapos ang pamamangkaw ay nakarating naman sa Mahal na Hari ang patungkol sa pagtatangka sa Prinsessa. Kaya naman, kinabukasan matapos ang pamamangkaw ay nag patawag ang Mahal na Hari ng isang pagpupulong sa unang bulwagan upang gumawa ng masugid na pagsisiyasat.Samantala matapos ang gabing iyon ay hindi na muling pinayagan ang Prinsessa ng kanyang Ama at ng punong maestro na lumantad sa labas ng palasyo. At mula din nuon ay mas hinigpitan pa ang pag babantay sakanya. Samantala,habang nagsisiyasat ang maestro at prinsipe sa labas ng palasyo ay hindi parin mawala ang pangamba ng Hari na maaaring pag pinatagal pa niya ang pagtatakda sa prinsipe bilang bagong Hari ay manganganib ang rin ang buhay nito at ang trono. Kaya naman, muling nag labas ng isang utos ang kaharian , Kung saan ay itinala, na dalawang araw mula nuon ay gaganapin ang sagradong kasalan. At dahil ditoy nag padala ang palasyo ng mga taga pag lingkod sa Dampa ni prin
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit
Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na
Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng
Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l
Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b
Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga