Home / All / The Borrowed Husband Collection / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Borrowed Husband Collection: Chapter 1 - Chapter 10

77 Chapters

The Borrowed Husband - Chapter 1

The Borrowed HusbandNatasha was stranded when her fiance faked their marriage and ran off with her money.Jake was looking for his lost wife of ten years. Their fates were similar but with different circumstances. Natasha wanted to have a child and she chose a good man.Jake could not say ‘no’ to her. Maybe because she was the first woman to awaken his desire, since his wife?*     *     *CHAPTER ONE:"NATATAKOT ako, Jake.""Huwag kang matakot, Celia." Hinaplos ng isang palad ni Jake ang isang braso ng kasintahan bago kinawit ang maliit na beywang para mapasandal ang malambot na pisngi sa malapad na dibdib."Hindi kita pababayaan.""H-hindi ako mapapatawad nina Mama at Papa." Tumukod ang mga palad kaya nakakawala si Celia buhat sa maluwang na pagkakayapos ni Jake."Pakakasalan kita, Celia. Mahal na mahal kita.""A-alam ko, pero ayaw nila sa 'yo. Tu
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 2

CHAPTER TWO:ILANG minuto lang ang ginugol ni Jake sa pagpapaalam sa kasera at sa pagtanggap ng maingay na pagbati ng mga dating kasambahay. Kaya gayon na lang ang pagtataka niya nang matuklasang naglahong parang bula ang taksing pinag-iwanan kay Celia. Bitbit ang isang travelling bag, lumapit siya sa katapat na tindahan para magtanong."Manang, nakita n'yo ba 'yung taksing nakaparada d'yan kanina?""Oo. Kaaalis-alis lang n'un, a?""Umalis? Kasama 'yung nakasakay na babae?" Hindi makapaniwala si Jake."Hindi. Maraming nakasakay d'on.""Ilan ho?""Kundi ako nagkakamali, dalawang lalaki at isang babae ang nakasakay sa taksing 'yon. Pawang may mga edad. Parang kinagagalitan nga 'yung dalaga.""Ano'ng hitsura ng dalaga?" Parang nanlalaki na ang ulo ni Jake."Mahaba ang buhok. Maganda. Nakasuot ng puting bestida."Si Celia nga!"Sige ho, salamat ho!" Humangos si Jake, patungo sa labasan
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 3

CHAPTER THREE:"MASASABI mo ba sa akin na ni minsan ay hindi nanukat at nangmata ng kapwa ang mga magulang mo, Natasha?" bawi ni Reymart. "Kahit nga ikaw, namimili ka rin ng mga kakaibiganin, hindi ba? Kung naging gusgusing kargador ba ako sa palengke--kakausapin mo kaya ako nung maglakas-loob na makipagkilala sa 'yo noon?"Walang maisagot si Natasha. Paano'y may katotohanan ang mga sinabi ng nobyo. Wala siyang nagawa kundi ang mamutla at ilahad ang mga palad bilang pahiwatig ng pagsuko sa argumento."Pasensiya ka na." Si Reymart uli ang nagsalita. Mababa na uli ang tono. "Ayokong idamay ka, Natasha, pero kailangan kong ipaintindi sa 'yo na imposible ang gusto mo."Humugot ng isang mahabang buntonghininga si Natasha. Nalilito pa rin siya."P-p'ano kapag kasal na tayo? Hindi ka pa rin papasok sa bahay namin?"Nagkibit ng mga balikat si Reymart. Para bang ni minsan ay hindi pumasok sa isip nito ang pagpasok sa loob ng
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 4

CHAPTER FOUR:MAKALIPAS ang tatlong oras, nasa loob na ng isang kulay pulang cosmetics case na yari sa matigas na plastic/leather at may sariling kandado ang lahat ng ari-ariang naipon ni Natasha sa loob ng maraming taon. "We hope to serve you again, Miss Villanueva." Halos hindi maitago ng bank manager ang kuryosidad. At ang panghihinayang dahil nawala siya sa listahan ng masusugid na depositor. Mas mahalaga lang marahil ang trabaho kaya napairal pa din ang prupesyonalismo."Of course, Mr. Romano. I always prefer your services because your bank is known for its confidentiality," ang makahulugang pahayag ni Natasha."Inaasahan kong mananatiling confidential ang lahat ng serbisyong idinulot n'yo sa akin ngayon, sir," dagdag pa niya para maging klarung-klaro ang mensahe."Of course, Miss Villanueva," agap ng manedyer. "Walang problema tungkol sa bagay na 'yan. Hindi pa kami nasisira sa aming mga kliyente.""Mabuti. Have a go
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 5

CHAPTER FIVE:NAMIMILOG ang mga mata ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. Mistulang musmos siya na bagu-bago pa lamang nakakakita ng maraming bagay sa mundo."Ay!" dahil hindi nakatingin sa dinaraanan, muntik nang sumubsob si Natasha nang matalapid.Maagap na umalalay si Reymart. "Kaunting ingat, Natasha. Ako na ang magdadala n'yan." kinuha ng nobyo ang pulang cosmetics case."Ingatan mo lang, Reymart." awtomatiko ang paalalang numulas sa mga labi, matapos ipaubaya ang munting bagahe."Bakit?" taka ng lalaki. Inakalang mga pangkolorete ang laman ng magandang sisidlang kaya palaging dala ni Natasha kahit saan."Nandiyan ang mga alahas at ang cash." Bahagyang inilapit ni Natasha ang bibig sa teynga ng nobyo para ibulong ang napakahalagang impormasyon.Kapuna-puna ang pagkislap ng mga mata ni Reymart. "Talaga?" Yumapos ang isang bisig nito sa beywang ni Natasha."Bakit hindi mo sinabi agad? Nag-alala pa naman ako na baka ma
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 6

CHAPTER SIX:"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer."Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay. Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas. Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas. "Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango."Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 7

CHAPTER SEVEN:"SUWERTE mo, bosing. Hindi pa umaalis ang M/V Carmina II. Isa 'yan sa mga barkong bumibiyahe patungong Zamboanga," ang masiglang pahayag ng taxi driver habang maliksing nagmamaniobra sa mga nakakalat na kumpol ng mga pasaherong naghihintay sa palibot ng malawak na piyer."Salamat, 'dre. Heto'ng bayad ko. 'Wag mo ng suklian." Iniabot ni Jake ang dalawang malutong na tigli-limang daan."Salamat din, bosing! Gusto mong samahan kitang bumili ng tiket?""'Wag na. Alam ko na ang bilihan ng tiket." Nakangiti si Jake nang tumanggi."Ituloy mo na ang pamamasada para makarami ng iuuwi sa pamilya," dugtong niya, bilang paalam."Saludo ako sa bait mo, bosing! Sana'y makita mo na ang hinahanap mo." Sumaludo ang tsuper bago isinara ang pinto."Sana nga," wika ni Jake sa sarili.Isinukbit niya sa isang balikat ang malaking travelling bag na kulay itim bago humakbang sa direksiyon ng ticket booth.*****SAMANTALA,
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 8

CHAPTER EIGHT:NANG humupa ang unos ng paghihinagpis ni Natasha, nakahiga na naman siya sa ibabaw ng magulong kama. Nakatagilid at nakabaluktot. Nakayakap sa sarili at bahagyang yumuyugyog. Sa sandali ng matinding sakit na dinaranas, kusang naghahanap ng paraan ang katawan upang maalo ang kalooban. Nagmistulang bata siyang inihehele sa duyan.Humihikbi na lang si Natasha nang makatulog, pero mugtung-mugto at basa pa rin ang mga mata nang magising makalipas ang maraming minuto.Hindi siya bumangon. Walang dahilan para kumilos.Kung puwede lang na huminto na ang kanyang paghinga...May kumatok na naman sa pinto ng kabino. Ngunit hindi man lang natinag si Natasha. Ni kaunting igtad. Nanatiling nakatitig sa kawalan ang mag matang binlangko ng matinding disilusyon.Naulit ang mga katok. Mas malakas. Mas imperatibo.Umiral ang pagka-masunurin, napilitang bumangon si Natasha. Mistulang robot na hindi na
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 9

CHAPTER NINE:ANG pangakong iyon ay imposibleng tuparin, lalupa't ang kinaroroonan ay punum-puno ng mga tagapagpaalala.Kahit saan bumaling si Natasha, naaalala niya si Reymart. Nakatatak na yata sa lahat ng sulok ng kabino ang mapag-imbot na personalidad ng dating nobyo at huwad na asawa!Hindi niya kayang tagalan ang manatili sa kabino kaya hiniling niya sa steward na nakatoka doon na ilipat siya sa ibang accomodation."Pasensiya na po, ma’am. Wala nang bakanteng kabino. Napuno agad ng mga pasahero ang barko.""Kahit saang lugar ay maaari mo akong dalhin. Puwede nang ibigay sa ibang pasahero ang kabino.""Sandali po, ma’am.” Muling kinunsulta ang record book. “May bakante po sa third class, bunk section.”"Okey na doon. Sige, ilipat mo na ako agad.”Ilang sandaling nagsulat ang steward sa record book. Inayos naman ni Natasha ang mga personal na gamit habang naghihintay.“Halina
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 10

CHAPTER TEN:"BAKIT papunta ka sa Maniog?"Parang imposibleng magsinungaling sa mga matang bilugan at tila napakainosente pa kahit may bahid na ng panggigipuspos. "Hinahanap ko ang asawa ko," pagtatapat ni Jake. Mababa at seryoso ang baritonong tinig.Isang mapait na ngiti ang unti-unting sumilay sa mag labing mapusyaw."Iniwan ka rin pala ng mahal mo," ang malungkot na sambit ni Natasha.Napamaang si Jake. "Hindi ako iniwan ni Celia," pagtatama niya. "Binawi siya ng mga biyenan ko. Itinakas at itinago sa akin pero hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita uli."Lumamlam ang mga matang nakakalunod. "Ang suwerte ni Celia.""Ikaw? Iniwan ka ba ng mahal mo?"Marahang tumango si Natasha. Humugot ng isang maikling buntong-hininga bago tumugon. "Oo." Pabulong. Para bang hiyang-hiya. Bumawi pa ng ng tingin at yumuko. “Umalis siya ng walang paalam sa akin... Iniwan niya ako dito sa barko na para
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more
PREV
123456
...
8
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status