CHAPTER FOUR:
MAKALIPAS ang tatlong oras, nasa loob na ng isang kulay pulang cosmetics case na yari sa matigas na plastic/leather at may sariling kandado ang lahat ng ari-ariang naipon ni Natasha sa loob ng maraming taon.
"We hope to serve you again, Miss Villanueva." Halos hindi maitago ng bank manager ang kuryosidad.
At ang panghihinayang dahil nawala siya sa listahan ng masusugid na depositor. Mas mahalaga lang marahil ang trabaho kaya napairal pa din ang prupesyonalismo.
"Of course, Mr. Romano. I always prefer your services because your bank is known for its confidentiality," ang makahulugang pahayag ni Natasha.
"Inaasahan kong mananatiling confidential ang lahat ng serbisyong idinulot n'yo sa akin ngayon, sir," dagdag pa niya para maging klarung-klaro ang mensahe.
"Of course, Miss Villanueva," agap ng manedyer. "Walang problema tungkol sa bagay na 'yan. Hindi pa kami nasisira sa aming mga kliyente."
"Mabuti. Have a good day." Kinamayan ni Natasha ang kausap.
"Yes, ma'am. Hope to see you again soon. Have a good day yourself." Inihatid ng manedyer ang dalaga hanggang sa may parking lot. Para bang ayaw pa siyang pakawalan.
Mula sa bangko, nagtuloy si Natasha sa opisina. Nag-file siya ng indefinite leave of absence.
"Uy, mag-aasawa na si Ma'am!" panunukso ng ilang kasamahan nang malaman ang paghingi niya ng bakasyon.
"Hindi," agap ni Natasha, pero nagba-blush na agad. "Magbabakasyon lang ako."
"Saan po kayo pupunta, ma'am?"
"Sa Maynila lang."
"Naku, magsa-shopping siguro si Ma'am! Kakainggit!"
Ngumiti na lang si Natasha. Hindi na kinontra ang mga haka-haka ng mga ka-opisina. Nagpaalam na lang siya.
"Pasalubong namin, ha, ma'am?" pahabol ng mga ito.
"Okey!" ang masiglang tugon ni Natasha habang papalabas sa munisipyo.
Bitbit pa rin nang mahigpit sa isang kamay ang pulang cosmetics case. Walang kamalay-malay na iyon na ang huling araw na mahahawakan niya ang munti ngunit napakahalagang bagahe.
******
NANINGKIT ang mga mata ni Engr. Jake Cruz nang masilaw sa liwanag ng araw matapos tumanaw sa matataas na buildings na sumalubong sa kanyang paglabas sa NAIA international airport.
Sa loob ng nagdaang sampung taon, limang beses lamang nakauwi sa sariling bayan si Jake.
At sa tuwing uuwi siya, palaging may sorpresang naghihintay sa iba't ibang sulok ng Maynila.
Mga nagtatayugang gusali, mga sopistikadong istruktura, at mga modernong arkitektura.
Hindi nagpapahuli ang Pilipinas sa pagpapaunlad. Kali-kaliwa na ang mga shopping malls at condominiums. Sanga-sanga na ang mga pagbabago.
Tanging ang saloobin at misyon na lamang ni Jake sa buhay ang wala pa ring pagbabago.
Hinahanap pa rin niya si Celia, ang nawawalang kabiyak...
Gayunman, nitong mga huling taon, nagtatanong na si Jake sa sarili.
Hindi na ba siya titigil sa kakahanap sa isang panaginip na naging bangungunot nang dahil sa materyalismo?
Sinira ng pagkaganid sa salapi ng mga magulang ni Celia ang kaligayahang sinimulan ng kanilang pag-ibig noon.
At ang patuloy na pag-asam niyang madudugtungan pa ang naudlot na kahapon ay nagsisilbi namang sagabal upang makatagpo pa siya ng isang panibagong kinabukasan.
"Pare, naniniwala ka ba talagang 'kayo' pa rin ni Celia hanggang ngayon? E, sa pagkakakuwento mo tungkol sa mga magulang ng es-mi mo--tiyak na hindi titigil ang mga 'yon hanggang hindi nakakapag-asawa ng mayaman ang anak nila!"
Ganito ang malimit na ikumento ng mga nagiging roommates ni Jake sa Dubai Construction Company, kapag naririnig na ang kuwento ng buhay niya.
"Ang mabuti pa, maghanap-hanap ka na lang dine sa Dubai. Marami kang makikitang mga babaeng available sa tabi-tabi. Tatanda ka lang na nakatunganga, pare ko. Hindi na uso ang mga sentimental at romantiko sa panahon ngayon. Tiyak na may sarili ng pamilya si Celia mo!"
"Nangako ako kay Celia na susundan at hahanapin ko siya. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko natutupad ang pangakong 'yon. Alam kong naghihintay pa rin siya sa akin," ang matatag na pagtatanggol naman ni Jake.
"Hay, bahala ka na nga, pare ko. Buhay mo 'yan. Sayangin mo hanggang gusto mo.”
Sinasayang nga ba niya ang kanyang buhay? tanong ni Jake sa sarili habang kumakaway sa isang nakapilang taksi sa di-kalayuan.
Pero hindi rin naman nasayang ang sampung taon na ginugol ni Jake sa pagtatrabaho bilang OFW.
Dahil sa ipinakikitang kasipagan, taun-taon ay napo-promote siya. Tumataas ang sinasahod at dumarami ang mga benepisyo.
Ngayon nga ay senior foreman na siya bago kumuha ng bakasyon. Iyon ang paraan ng mga among Arabo para masigurong babalik si Jake mula sa pagbabakasyon ng dalawang buwan.
Ulilang lubos at walang pamilyang tinutustusan, ang ipon ni Jake sa bangko ay umaabot na sa kung ilang milyon.
Puweding-puwede nang huminto sa pagpapakakuba sa ilalim ng nagbabagang araw ng Dubai.
Ngunit hindi niya magawang iwanan ang nakakasunog na propesyon dahil wala pang Celiang natatagpuan.
A, sana'y suwertihin na siya ngayon! hiling ni Jake habang nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan.
Gusto na niyang makabuo ng sariling pamilya. Treinta'y singko na siya. Dapat ay may tatlong anak nang pinaglalaanan ng lahat ng mga bunga ng kanyang pagsisikap at pagtitiyaga.
'Celia, Celia, nasaan ka ba?' bulong ni Jake sa hangin habang pumipikit nang mariin.
Kailangan pa niyang ibuhos ang konsentrasyon upang mabuo sa loob ng isipan ang kumpletong larawan ni Celia.
Nitong mga huling taon kasi, nagiging malabung-malabo na ang mga alaalang kaytagal nang nakaimbak sa kanyang memorya.
Halos wala na ngang mawawaan kung minsan.
Nakakatakot isiping nalilimutan na nga niya ang tanging babaeng mahalaga sa buhay niya.
'Asawa ko si Celia! Hindi ko siya dapat makalimutan!' ang paulit-ulit na wika ni Jake sa loob ng utak.
"Bosing, saan ba tayo pupunta?" biglang nagsalita ang drayber.
Dali-daling dumilat si Jake. Dagling bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan.
"Sa--piyer. Ihatid mo ako sa piyer, manong," tugon niya, matapos ang mabilisang pag-iisip.
"Okey, bosing." maliksing tumalima ang drayber sa iniutos ni Jake. Ilang sandali lang, tinutugpa na ng puting taksi ang direksiyon patungo sa piyer.
"Alam mo ba ang Maniog Island?" inumpisahan na ni Jake ang pag-uusisa nang makitang maalwan ang trapiko.
Kapag napapatapat na masikip at buhul-buhol ang mga kalsada, inaaya niyang magkape muna ang tsuper upang makapagtanong.
"Maniog Island?" ulit ng tinanong habang matamang nag-iisip nang husto. "Parang ngayon ko lang narinig 'yan, bosing. Saan daw ba parte ng Pilipinas 'yang lugar na 'yan?"
"Hindi ko alam, pero ang barkong sinakyan ng mga kaibigan ko ay papuntang Zamboanga."
"Malamang na malapit lang doon ang Maniog Island. Sinubukan n'yo na bang maghanap sa gawing 'yon?"
"Oo, pero wala akong natagpuang Maniog Island," pag-amin ni Jake.
"Sinubukan n'yo na rin bang tumingin sa mapa?"
"Maraming klaseng mapa na ang natingnan ko."
"Baka naman wala hong lugar na ang tawag kay Maniog Island?"
"Meron," giit ni Jake. Ayaw niyang isiping niloko siya ni Celia.
Ayaw din niyang isiping nagkamali ng pandinig ang mga teynga.
Nagkibit ng mga balikat ang tsuper. "Magtanung-tanong na lang siguro kayo sa iba pang taga-Zamboanga, bosing. Bakasakaling matagpuan n'yo ang Maniog Island," pagtatapos nito.
"'Yon nga ang gagawin ko," sang-ayon ni Jake. "Salamat na lang, manong."
"Walang anuman. Wala rin naman akong naitulong sa 'yo, bosing."
"Ayos lang. Pakihatid mo na lang ako sa barkong patungong Zamboanga."
Sumandal si Jake sa likuran ng taksi. Hinayaang mapahinga ang likod at mga mata, habang bumibiyahe mula airport hanggang piyer.
Saka na makukumpleto ang tulog niya kapag nakasakay na sa barko.
'Celia, ituro mo sa akin ang daan patungo sa kinaroroonan mo,' usal niya. Taimtim na taimtim. 'Hirap na hirap na ako...!'
CHAPTER FIVE:NAMIMILOG ang mga mata ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. Mistulang musmos siya na bagu-bago pa lamang nakakakita ng maraming bagay sa mundo."Ay!" dahil hindi nakatingin sa dinaraanan, muntik nang sumubsob si Natasha nang matalapid.Maagap na umalalay si Reymart. "Kaunting ingat, Natasha. Ako na ang magdadala n'yan." kinuha ng nobyo ang pulang cosmetics case."Ingatan mo lang, Reymart." awtomatiko ang paalalang numulas sa mga labi, matapos ipaubaya ang munting bagahe."Bakit?" taka ng lalaki. Inakalang mga pangkolorete ang laman ng magandang sisidlang kaya palaging dala ni Natasha kahit saan."Nandiyan ang mga alahas at ang cash." Bahagyang inilapit ni Natasha ang bibig sa teynga ng nobyo para ibulong ang napakahalagang impormasyon.Kapuna-puna ang pagkislap ng mga mata ni Reymart. "Talaga?" Yumapos ang isang bisig nito sa beywang ni Natasha."Bakit hindi mo sinabi agad? Nag-alala pa naman ako na baka ma
CHAPTER SIX:"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer."Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay.Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas.Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas."Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango."Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang
CHAPTER SEVEN:"SUWERTE mo, bosing. Hindi pa umaalis ang M/V Carmina II. Isa 'yan sa mga barkong bumibiyahe patungong Zamboanga," ang masiglang pahayag ng taxi driver habang maliksing nagmamaniobra sa mga nakakalat na kumpol ng mga pasaherong naghihintay sa palibot ng malawak na piyer."Salamat, 'dre. Heto'ng bayad ko. 'Wag mo ng suklian." Iniabot ni Jake ang dalawang malutong na tigli-limang daan."Salamat din, bosing! Gusto mong samahan kitang bumili ng tiket?""'Wag na. Alam ko na ang bilihan ng tiket." Nakangiti si Jake nang tumanggi."Ituloy mo na ang pamamasada para makarami ng iuuwi sa pamilya," dugtong niya, bilang paalam."Saludo ako sa bait mo, bosing! Sana'y makita mo na ang hinahanap mo." Sumaludo ang tsuper bago isinara ang pinto."Sana nga," wika ni Jake sa sarili.Isinukbit niya sa isang balikat ang malaking travelling bag na kulay itim bago humakbang sa direksiyon ng ticket booth.*****SAMANTALA,
CHAPTER EIGHT:NANG humupa ang unos ng paghihinagpis ni Natasha, nakahiga na naman siya sa ibabaw ng magulong kama.Nakatagilid at nakabaluktot.Nakayakap sa sarili at bahagyang yumuyugyog.Sa sandali ng matinding sakit na dinaranas, kusang naghahanap ng paraan ang katawan upang maalo ang kalooban. Nagmistulang bata siyang inihehele sa duyan.Humihikbi na lang si Natasha nang makatulog, pero mugtung-mugto at basa pa rin ang mga mata nang magising makalipas ang maraming minuto.Hindi siya bumangon. Walang dahilan para kumilos.Kung puwede lang na huminto na ang kanyang paghinga...May kumatok na naman sa pinto ng kabino. Ngunit hindi man lang natinag si Natasha. Ni kaunting igtad. Nanatiling nakatitig sa kawalan ang mag matang binlangko ng matinding disilusyon.Naulit ang mga katok. Mas malakas. Mas imperatibo.Umiral ang pagka-masunurin, napilitang bumangon si Natasha. Mistulang robot na hindi na
CHAPTER NINE:ANG pangakong iyon ay imposibleng tuparin, lalupa't ang kinaroroonan ay punum-puno ng mga tagapagpaalala.Kahit saan bumaling si Natasha, naaalala niya si Reymart. Nakatatak na yata sa lahat ng sulok ng kabino ang mapag-imbot na personalidad ng dating nobyo at huwad na asawa!Hindi niya kayang tagalan ang manatili sa kabino kaya hiniling niya sa steward na nakatoka doon na ilipat siya sa ibang accomodation."Pasensiya na po, ma’am. Wala nang bakanteng kabino. Napuno agad ng mga pasahero ang barko.""Kahit saang lugar ay maaari mo akong dalhin. Puwede nang ibigay sa ibang pasahero ang kabino.""Sandali po, ma’am.” Muling kinunsulta ang record book. “May bakante po sa third class, bunk section.”"Okey na doon. Sige, ilipat mo na ako agad.”Ilang sandaling nagsulat ang steward sa record book. Inayos naman ni Natasha ang mga personal na gamit habang naghihintay.“Halina
CHAPTER TEN:"BAKIT papunta ka sa Maniog?"Parang imposibleng magsinungaling sa mga matang bilugan at tila napakainosente pa kahit may bahid na ng panggigipuspos."Hinahanap ko ang asawa ko," pagtatapat ni Jake. Mababa at seryoso ang baritonong tinig.Isang mapait na ngiti ang unti-unting sumilay sa mag labing mapusyaw."Iniwan ka rin pala ng mahal mo," ang malungkot na sambit ni Natasha.Napamaang si Jake. "Hindi ako iniwan ni Celia," pagtatama niya. "Binawi siya ng mga biyenan ko. Itinakas at itinago sa akin pero hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita uli."Lumamlam ang mga matang nakakalunod. "Ang suwerte ni Celia.""Ikaw? Iniwan ka ba ng mahal mo?"Marahang tumango si Natasha. Humugot ng isang maikling buntong-hininga bago tumugon."Oo." Pabulong. Para bang hiyang-hiya. Bumawi pa ng ng tingin at yumuko. “Umalis siya ng walang paalam sa akin... Iniwan niya ako dito sa barko na para
CHAPTER ELEVEN:"HINDI ko alam kung pagmamahal ang namagitan sa amin," ang alanganing tugon niya."Ngayong nalaman ko na ang tutoong kulay ni Reymart, hindi ko na alam kung minahal ko ba siya talaga--o ginagamit lang.""Paano mo ginamit--?"Nakarating na sila sa bukana ng maluwang na kapeterya. Wala pang gaanong kustomer pero lumapit agad ang isang weyter kaya hindi na nasagot ni Natasha ang kuryosong katanungan ni Jake."Marami pong bakante sa deck, ma'am, sir."Luminga si Natasha kay Jake. Nasa gawing likuran lang niya ito.Mas matangkad ang lalaki kaya sa bibig lang umabot ang pantay na paningin niya.Napatitig si Natasha sa mga labing pirmi ang pagkakahubog pero parang may nakatagong lambot.Mamula-mula rin. Pantay ang kulay at walang bahid ng mantsa ng nikotina.Walang bisyong paninigarilyo si Jake. Hindi katulad ni Reymart na patago ang paghitit ng usok..."Mas maganda ang view
CHAPTER TWELVE:HINDI na rin umimik si Jake nang tumahimik si Natasha. Nakuntento na siya sa panonood sa paunti-unting pagkain nito sa isang hiwa ng kalamay sa latik."Ano'ng paborito mong ulam?" Walang abug-abog ang pagtatanong ni Natasha."Sinigang. Kahit na ano, basta't maraming gulay at tama lang sa asim at alat.""Pareho kayo ng Papa ko," wika ni Natasha. Bahagya na namang umaliwalas ang ekspresyon. "Kahit na ano rin 'yon pero ang pinakagusto niya ay sinigang na tiyan ng bangus.""Ako naman ay espesyal na sa akin ang sinigang na buntot ng baboy. Marunong ka bang magluto ng sinigang, Natasha?""Marunong din. Tinuruan ako ni Mama.""Mahilig ka siguro magluto?"Tumango si Natasha. "Isa sa mga libangan ko ang pagluluto.""Anu-ano ang iba pa?""Paghahalaman, pag-aayos ng bahay, pananahi. Pulos pambahay lang. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas sa amin kapag walang pasok.""Ano'ng trabaho mo?""Ako a
The Contract Husband - Chapter 21“Yes, my sweet.” He kissed her lips quickly but passionately.“I love you, Franchesca. I adore you, I lust after you. I want you, I need you. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang kaligayahan ko. I love you so much!”“Y-you love me…?” Franchesca was stupefied. “B-baka naaawa ka lang sa akin—““No!” Mariin ang pagtutol ni Carlo. “I never pitied you. Admiration, yes. Ang tapang mo kasi. And you’re so charismatic. Napatiklop mo si Carlota. Napaamo mo ang lahat ng mga relatives ko.”Namula ang mga pisngi ni Franchesca. Ngayon lang siya pinuri nang husto ni Carlo.“Thank you…”“But you still don’t believe that I love you,” salo ng lalaki.Bumuntonghininga muna bago nagpatuloy.“Hindi ko dapat pinairal ang loyalty ko sa company ni Lolo. Dapat ay pinili ko na lang ang merg
The Contract Husband - Chapter 20Maraming araw na ang lumipas matapos ang tagpong iyon.At ngayong kaharap niya si Carlo, wala pa rin siyang naiisip na paraan kung paano uumpisahan ang bagong proposal.Ano ba ang puwede niyang ialok na maaaring magustuhan ni Carlo?Walang halaga ang kayamanan niya. Ilang ulit nang tumangging maging tagapagmana niya ang asawa.“Hindi gaanong nagtagal ang pag-uusap namin ni Doc.” Tinugon ni Carlo ang tanong ni Franchesca matapos tumitig nang ilang sandali sa kanya. Para bang may hinahanap.Dahil may itinatago, umiwas siya nang tingin. Kunwa’y luminga sa gawi ng mga ibong nakadapo sa mga sanga ng mga punongkahoy na nasa hardin.Sinapo ng mga daliri ni Carlo ang baba niya at masuyong ibinaling ang kanyang mukha upang muli silang magkaharap. Hindi siya nakailag nang arukin ng titig ang kanyang mga mata.“I can’t believe it.” Pabulong ang pagsasalita ng lalaki hab
The Contract Husband - Chapter 19"Humiling ka na ng iba, Franchesca--huwag lang ang iwanan ka," ang mariing pahayag nito nang muntik nang maubusan ng pasensiya kagabi.Nangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa tuwa. "I don't deserve to have you, Carlo. You're so wonderful," she said in a broken voice."God, I'm sorry," bulalas naman ni Carlo nang makitang naiiyak na siya. "I made you cry. Oh, darling, forgive me. Hindi ko gustong paiyakin ka.""N-naiiyak ako sa galak, Carlo," pagtatama niya. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo. You gave me hope. Binigyan mo ako ng bagong dahilan para mabuhay pa."Ginawaran ng masusuyo at mapagmahal na halik ang mga labi ni Franchesca. Pati ang kanyang mga mata upang mabura ang kanyang mga luha."Ikaw rin, sweetheart. Ibinigay mo ang lahat ng mga kailangan ko para makalampas sa mga problemang nakaharang sa akin. Thank you very much, even though I don't deserve you."Mistula silang ma
The Contract Husband - Chapter 18"You're the sweetest woman I've ever known, Franchesca. Especially when you show your need so candidly." He sighed with satisfaction. "I feel strong and wonderful whenever you say you need me, darling."And if I said I love you...?Ang sikretong iyon na lamang ang natitirang hadlang sa lubos na kaligayahang tinatamasa ni Franchesca.At madalas na ipinapayo ng bagong doktor niya ang tungkol sa paglalabas ng lahat ng mga itinatago niyang damdamin.Ang doktor na personal na inirekomenda ni Carlo sa kanya ay isa rin palang psychiatrist."Kumuha ako ng kursong psychiatry dahil malaki ang paniniwala ko na may kuneksiyon sa pagitan ng pisikal na karamdaman at ang paghihirap ng isipan. Kapag inisip ng isang tao na dapat siyang magkasakit at mamatay dahil iyon ang nararapat, nagagawang maging tutoo iyon ng utak. Masyadong makapangyarihan ang utak ng tao, lalo na kung pinapabayaan ng walang kontrol," ang maha
The Contract Husband - Chapter 17Tanging ang brassiere lamang ang naisuot niya dahil nasa harapan ang hook. Isinuksok na lamang niya ang lace panty sa bulsa ng slacks.She was combing her trembling fingers into her rumpled hair and running perspiring palms over her disheveled clothes when Carlo spoke again."I'll go crazy if I didn't have you soon," he informed her in a gravelly voice. “We'll go to someone who'll help us.”Tumango si Franchesca bilang pahiwatig na payag siyang ipagpatuloy ang maalab na tagpo sa ibang lugar.Hindi siya makapagsalita dahil mistulang bikig sa lalamunan niya ang sexual tension na hindi naibsan.Sinindihan ni Carlo ang overhead light para matagpuan ang handbag.She combed her hair and tried to repair her make-up but her hands were trembling so bad. She was just able to apply some powder to on her nose and cheeks.“You don’t need any lipstick, Franchesca,” ang masuyong
The Contract Husband - Chapter 16The skimming caresses of his palm on the inner curve of her thighs brought a wave of heat to moisten her skin.She quivered and writhed involuntarily when his fingers gently probed her wet silkiness.The heat of his lean flesh as it sought her inner warmth was like a flame seeking to ignite her.But it was hard, too, and insistent.She felt her inner muscles tensing, just when she wanted to relax. She felt Carlo tensing, too.The sinewy muscles of his legs bunched suddenly and grazed the smoothness of her thighs."Darling," he sighed against the soft curves of her breasts, as he thrust himself into her.Her breath escaped on a sharp gasp. And when his flesh tore the tender membrane of virginity aside, she had jerked back from him. A sob had risen in her throat.Tinangka niyang pigilin iyon ngunit nabigo siya. Isang pahagulgol na ungol ang humulagpos sa kanyang lalamunan.He stoppe
The Contract Husband - Chapter 15“Bakit?” Napamaang si Franchesca.“Para kasing ninenerbiyos ako.” Pero walang bakas ng nerbiyos ang mga malalagkit na sulyap ni Carlo sa kanya.“B-bakit naman?” Dagling bumilis ang pagtibok ng puso niya habang pigil-hiningang hinihintay ang isasagot ni Carlo."I am very much afraid that I couldn't give you happiness. I hope to God that I can make you very happy, Franchesca.""Oh, Carlo," she breathed tremulously. "Ang makasama ka lang at makausap ng ganito katulad ngayon at nitong mga nagdaang araw ay sobra-sobrang kaligayahan na ang naibibigay sa akin.""You're so sweet, Franchesca. Bakit ba ngayon lang tayo nagkatagpo? Disinsana, magkakaroon tayo ng mas mahaba-habang panahong magkasama." He pulled himself together with a shake of his dark head. "Forgive me for being so thoughtless. Gusto kong mapasaya ka pero malungkot ang paksa ko.""It's the truth, Carlo,”
The Contract Husband - Chapter 14Hinayang na hinayang si Francesca dahil sigurado siyang napakahalaga ng sasabihin sana ni Carlo.Lalo tuloy bumigat ang loob niya sa mayabang na pinsan ng lalaking mapapangasawa. Ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti kahit medyo pormal."Good evening rin sa 'yo, Leynard," Carlo mocked the younger man. "Where is your lovely companion? Got tired of her already?"Parang inilipad sa hangin ang kumpiyansa ng matangkad ring lalaki. "N-nakita mo na kami?""Kaninang pumasok kami dito. Ikaw? Ngayon mo lang ba kami nakita?""Well, itinuro kayo sa akin ni, er, ng kasama ko."Ayaw niyang mapanood ang pagkapahiya ni Leynard kaya humingi ng dispensa si Franchesca para magpunta sa restroom.Hindi niya akalain na naghihintay naman sa kanya doon si Carlota."So, we meet personally--at last!" The heavily made-up and overly jewelled older woman greeted her with fake enthusiasm. "Ako si Carlota Delos Santos
The Contract Husband - Chapter 13Nasa ikatlong kanto ang bagong bukas na restaurant. Dahil bago pa, halos puno na ang maluwang na parking space na nasa harapan at tagiliran."Sana, mayroon pang table," sambit ng lalaki habang pumapasok sila sa maluwang na pintuang salamin.Sinalubong sila ng head waiter. "Good evening, sir, ma'am. Welcome to our place. Please, follow me--we have a perfect table for a beautiful pair!"Ginagap ni Carlo ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Ngunit seryoso ito nang mag-angat siya ng tingin."Bakit?" she asked with instant anxiety."Nandito si Carlota.""Nasaan?" Natagpuan na ng kanyang mga mata ang tinukoy ni Carlo, bago pa siya nakapagtanong.At agad niyang naintindihan ang dahilan ng pagka-disgusto nito.Magkasama sa iisang lamesa sina Carlota at Leynard Sanvictores. Tila nagkakamabutihan na."Gusto mo bang lumipat na lang tayo sa iba?" she suggested reluctantly.