Home / All / The Borrowed Husband Collection / The Borrowed Husband - Chapter 3

Share

The Borrowed Husband - Chapter 3

last update Last Updated: 2021-03-20 21:11:29

CHAPTER THREE:

"MASASABI mo ba sa akin na ni minsan ay hindi nanukat at nangmata ng kapwa ang mga magulang mo, Natasha?" bawi ni Reymart. 

"Kahit nga ikaw, namimili ka rin ng mga kakaibiganin, hindi ba? Kung naging gusgusing kargador ba ako sa palengke--kakausapin mo kaya ako nung maglakas-loob na makipagkilala sa 'yo noon?"

Walang maisagot si Natasha. Paano'y may katotohanan ang mga sinabi ng nobyo.

 Wala siyang nagawa kundi ang mamutla at ilahad ang mga palad bilang pahiwatig ng pagsuko sa argumento.

"Pasensiya ka na." Si Reymart uli ang nagsalita. Mababa na uli ang tono. "Ayokong idamay ka, Natasha, pero kailangan kong ipaintindi sa 'yo na imposible ang gusto mo."

Humugot ng isang mahabang buntonghininga si Natasha. Nalilito pa rin siya.

"P-p'ano kapag kasal na tayo? Hindi ka pa rin papasok sa bahay namin?"

Nagkibit ng mga balikat si Reymart. Para bang ni minsan ay hindi pumasok sa isip nito ang pagpasok sa loob ng Villanueva Mansion.

"Saka na natin pag-uusapan ang bagay na 'yan kapag nakakatiyak na akong hindi na nila susuriin ang pagkatao ko."

"That's perverted snobbery, Reymart!" bulalas ni Natasha. "Ayaw mong makihalubilo sa kanila dahil iba ang tingin mo sa kanila."

"I'm being realistic, my dear Natasha," salo ni Reymart. "And I'm just using a natural defense mechanism. Bakit hahayaan kong masaktan ang kalooban ko kung puwede rin lang maiwasan?"

Napailing si Natasha. "Mali ang ganyang pananaw, Reymart."

"Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan, Natasha. Ang sagutin mo ay ang tanong ko: sasama ka bang magtanan o hindi?"

Muling bumuntonghininga si Natasha. Nalilito pa talaga siya. "R-reymart--"

"Oo o hindi lang, Natasha. Kung hindi ka sasama--tapusin na lang natin ang relasyong ito," pakli ni Reymart. Mariin ang paghahayag ng ultimatum.

"Reymart naman. Bakit pabigla-bigla ka naman?"

"Pabigla-bigla? Pareho na tayong treinta anyos, Natasha. Isang taon na lang, wala na tayo sa kalendaryo."

"Alam ko, pero--"

"Kung hindi ka sasama, magpapaalam na ako. Goodbye, Natasha."

"No!" Napabulalas si Natasha nang akmang tatalikod na ang nobyo. 

"H-huwag mo akong iwan, Reymart." Bumahid sa tinig niya ang takot. 

Ayaw niyang manatiling dalaga habang buhay. Desperada na nga siyang magka-asawa kaya sinagot na agad si Reymart kahit hindi pa man pormal na nakakapanligaw.

Kapwa sila nagtatrabaho sa kapitolyo. 

Nagpapalipad-hangin lamang ang binatang junior clerk sa tuwing nagdaraan siya sa tapat ng office desk nito papasok sa sarili niyang opisina. 

Head Accountant naman si Natasha.

"Payag ka na?" Lumahad ang isang palad ni Reymart. Nagsusumamo ang mga matang malamlam at mapungay.

Halos pikit-mata, humawak si Natasha sa kamay ng nobyo. 

"S-sige na nga," ang hesitanteng sambit niya. "K-kailan...?"

"Sa makalawa. Dadalhin ko na ang lahat ng savings at mahahalagang gamit ko. Sana gan'on ka rin. Baka matagalan tayo sa pagbalik. Susubukan muna nating makahanap ng magandang kapalaran sa Maynila," ang mahabang tugon ni Reymart.

"O-oo. Magwi-withdraw na ako bukas."

"Makakatulong din ang mga alahas mo, Natasha," dagdag ni Reymart. "Kung okey lang sa 'yo," ang maagap na dugtong.

"O-okey lang. Dadalhin ko na rin ang lahat ng mahahalagang gamit ko." Hindi maikubli ni Natasha ang pangamba dahil iyon ang unang pagkakataong gagawa siya ng salungat sa mga sariling paniniwala.

Istrikto ang pagpapalaki ng mag-asawang Juan at Nellie Villanueva sa kanilang apat na magkakapatid. Pero mas higit sa bunso at kaisa-isang babae, si Natasha nga.

Pero hindi naman ganoon kahigpit para makaisip na magrebelde ang sinuman. 

Sa katunayan, ang mga manliligaw ay malugod na tatanggapin sa mansiyon. 

Medyo pihikan nga lang ang nag-iisang dalaga. At matindi naman ang inferiority complex ng mga kabinataan sa kanilang lugar.

Kaya umabot si Natasha sa edad na liyebo tres na 'very-much-single-and-available' pa rin.

Si Reymart Santos na lang ang tanging pag-asa para magkaasawa siya. Isang buwan pa lamang silang magnobyo.

Kung hindi siya sasamang magtanan, mawawalan na siya ng kasintahan. Tiyak na wala nang manliligaw sa kanya!

"Good girl," papuri ni Reymart kay Natasha. Isang magaan na halik ang iginawad sa pisngi ng dalaga.

"Promise me, wala kang pagsasabihan sa sikreto natin." Puno ng paglalambing ang utos.

Bumuti ang pakiramdam ni Natasha sa papuring tinamo mula sa kasintahan. Gustung-gusto niya kapag naglalambing na ang binata. 

"Oo, Reymart. Sikreto lang natin," pangako niya.

"Salamat. Pinasaya mo ako. Ang akala ko'y hindi mo ako mahal." Ikinulong siya sa maluwang na pagyakap at lalo pang nilambing-lambing.

"Mahal kita, Reymart. Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa 'yo. Sasama na akong magtanan, hindi ba?" Parang kinukumbinsi pa ni Natasha ang kasintahan sa mga salitang tinuran.

Kung susuriin kasing maigi ang kalooban niya, nandoon pa rin ang pag-aalinlangan. Ang likas na takot sa mga magulang.

At hindi pa man nangyayari ang pagtatanan, kabang-kaba na ang dalaga dahil ngayon lang makakagawa ng kasalanan sa mga magulang sa buong buhay niya!

Tila nababasa ni Reymart ang paghahamok ng puso at ng kunsensiya ni Natasha. 

Humigpit ang pagkakayapos ng mga bisig sa dalaga pero nanatiling magaan ang mga halik at masuyo ang mga salita.

"Natasha, huwag mo sana akong bibiguin. Ikaw lang ang tanging pag-asa ko para makamtan ang ligayang kaytagal na inaasam," ang seryosong sambit ni Reymart.

"Kapag nawala ka pa sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano ang mabuhay, Natasha."

Labis-labis na ang pagkabulag na dinaranas ni Natasha. Paniwalang-paniwala siya sa matatamis na salitang naririnig. 

Ni hindi sumagi sa utak niya na kanina lamang ay nagpaalam na ang nobyo. 

At tinakot pa nga siyang iiwanan na kung hindi sasamang magtanan.

"Don't worry, Reymart. Darating ako sa tipanan natin. Hindi kita bibiguin."

"Salamat, Natasha." Isang maikli at magaan na halik ang inihandog ni Reymart sa bibig ni Natasha. 

"Magkita na lang tayo sa Sabado ng gabi. Linggo tayo tutulak na pa-Maynila. Puwede tayong ikasal ng Kapitan ng barkong sasakyan natin. Hindi ba't kakaiba 'yon? Napaka-romantiko pa! Sino sa mga kakilala natin ang nakaisip ng gan'on?"

Nangislap ang mga mata ni Natasha. Napukaw ang excitement niya. 

"Talaga? Puwede ba 'yon? Baka hindi legal?"

"Maniwala ka, Natasha. Puwede 'yon. At legal na legal."

"P'ano mo nalaman ang tungkol sa gan'on?"

"Nabasa ko sa isang magasin. 'Wag mo ng itanong kungsaan dahil nakalimutan ko na. Para makasigurado, itanong natin kapag nasa barko na tayo."

"Oo nga." Kuntentong sumiksik sa dibdib ng katipan si Natasha. 

Sinamyo niya ang malinis na amoy ng pabangong nakadikit sa balingkinitang katawan ni Reymart.

Maraming katangiang ipinagkapareho ang magnobyo. Kapwa maputi at makinis ang balat.

Gayundin ang pagka-slim ng pangangatawan. Hindi gaanong matangkad si Reymart kaya halos pumantay na si Natasha. 

Parehong matangos ang ilong at mapungay ang mga mata. Makipot at mapupula rin ang mga labi. 

Sa biglang-tingin nga ay parang magkapatid sila dahil halos magkamukha na.

Mas mahaba nga lang ang hanggang balikat na buhok ni Natasha. Hanggang batok naman ang kay Reymart.

"Gusto mo bang samahan kita sa bangko bukas?"

"Huwag na. Baka maabala ka pa."

"Hindi ka abala sa akin kailanman, Natasha."

"Mag-iimpake ka rin, hindi ba?"

"Madali lang namang iimpake ang mga gamit ko. Nag-aalala lang ako dahil may dala kang malaking halaga ng pera."

"Walang problema d'on. Baka ipalipat ko na lang sa ATM card ang savings na nasa bankbook."

"Gan'on ba? Matalino talaga 'tong mahal ko." Hinagkan siya sa noo bago marahang itinulak palayo. "Pero mas maigi kung cash ang dala natin, mahal. Halika, ihahatid na kita sa parking lot. Baka gabihin ka sa daan. Mag-iingat ka sa pagmamaneho."

"Oo, Reymart." Ngayong lubos nang nakumbinsi na magtanan, parang nakalutang na sa alapaap si Natasha. 

"Darating ako sa tipanan natin sa takdang alas sais sa Sabado."

"Alas singko pa lang ay nag-aabang na ako doon, mahal ko. Goodnight."

"Goodnight, sweetheart." Mula sa tabing-dagat, magtatakipsilim na nang makarating sila sa parking area.

"Ingat, darling." Kumaway si Reymart habang nagmamaniobra siya. Inihatid ng tingin ang kotse bago tumalikod para lumakad patungo sa jeepney stop.

Hanggang sa makauwi, nasa langit pa rin ang pakiramdam ni Natasha. Masayang-masaya siya habang nangangarap ng gising. 

Malimit matagpuan ang sariling humuhuni ng mga love songs. Sa kanyang paningin, naging makulay ang daigdig. 

Wala siyang nakikitang madilim at pangit. Ang lahat ay marikit at maganda.

Masigla pa rin ang sumpong ni Natasha hanggang kinabukasang nagtungo sa bangko. 

Magaan sa loob niya ang paglimas sa lahat ng laman ng savings account na inipon sa loob ng sampung taon. Ipinalabas na rin niya ang mga mamahaling alahas na ilang taon na ring ipinatatago sa bank safety box.

Related chapters

  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 4

    CHAPTER FOUR:MAKALIPAS ang tatlong oras, nasa loob na ng isang kulay pulang cosmetics case na yari sa matigas na plastic/leather at may sariling kandado ang lahat ng ari-ariang naipon ni Natasha sa loob ng maraming taon."We hope to serve you again, Miss Villanueva." Halos hindi maitago ng bank manager ang kuryosidad.At ang panghihinayang dahil nawala siya sa listahan ng masusugid na depositor. Mas mahalaga lang marahil ang trabaho kaya napairal pa din ang prupesyonalismo."Of course, Mr. Romano. I always prefer your services because your bank is known for its confidentiality," ang makahulugang pahayag ni Natasha."Inaasahan kong mananatiling confidential ang lahat ng serbisyong idinulot n'yo sa akin ngayon, sir," dagdag pa niya para maging klarung-klaro ang mensahe."Of course, Miss Villanueva," agap ng manedyer. "Walang problema tungkol sa bagay na 'yan. Hindi pa kami nasisira sa aming mga kliyente.""Mabuti. Have a go

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 5

    CHAPTER FIVE:NAMIMILOG ang mga mata ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. Mistulang musmos siya na bagu-bago pa lamang nakakakita ng maraming bagay sa mundo."Ay!" dahil hindi nakatingin sa dinaraanan, muntik nang sumubsob si Natasha nang matalapid.Maagap na umalalay si Reymart. "Kaunting ingat, Natasha. Ako na ang magdadala n'yan." kinuha ng nobyo ang pulang cosmetics case."Ingatan mo lang, Reymart." awtomatiko ang paalalang numulas sa mga labi, matapos ipaubaya ang munting bagahe."Bakit?" taka ng lalaki. Inakalang mga pangkolorete ang laman ng magandang sisidlang kaya palaging dala ni Natasha kahit saan."Nandiyan ang mga alahas at ang cash." Bahagyang inilapit ni Natasha ang bibig sa teynga ng nobyo para ibulong ang napakahalagang impormasyon.Kapuna-puna ang pagkislap ng mga mata ni Reymart. "Talaga?" Yumapos ang isang bisig nito sa beywang ni Natasha."Bakit hindi mo sinabi agad? Nag-alala pa naman ako na baka ma

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 6

    CHAPTER SIX:"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer."Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay.Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas.Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas."Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango."Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 7

    CHAPTER SEVEN:"SUWERTE mo, bosing. Hindi pa umaalis ang M/V Carmina II. Isa 'yan sa mga barkong bumibiyahe patungong Zamboanga," ang masiglang pahayag ng taxi driver habang maliksing nagmamaniobra sa mga nakakalat na kumpol ng mga pasaherong naghihintay sa palibot ng malawak na piyer."Salamat, 'dre. Heto'ng bayad ko. 'Wag mo ng suklian." Iniabot ni Jake ang dalawang malutong na tigli-limang daan."Salamat din, bosing! Gusto mong samahan kitang bumili ng tiket?""'Wag na. Alam ko na ang bilihan ng tiket." Nakangiti si Jake nang tumanggi."Ituloy mo na ang pamamasada para makarami ng iuuwi sa pamilya," dugtong niya, bilang paalam."Saludo ako sa bait mo, bosing! Sana'y makita mo na ang hinahanap mo." Sumaludo ang tsuper bago isinara ang pinto."Sana nga," wika ni Jake sa sarili.Isinukbit niya sa isang balikat ang malaking travelling bag na kulay itim bago humakbang sa direksiyon ng ticket booth.*****SAMANTALA,

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 8

    CHAPTER EIGHT:NANG humupa ang unos ng paghihinagpis ni Natasha, nakahiga na naman siya sa ibabaw ng magulong kama.Nakatagilid at nakabaluktot.Nakayakap sa sarili at bahagyang yumuyugyog.Sa sandali ng matinding sakit na dinaranas, kusang naghahanap ng paraan ang katawan upang maalo ang kalooban. Nagmistulang bata siyang inihehele sa duyan.Humihikbi na lang si Natasha nang makatulog, pero mugtung-mugto at basa pa rin ang mga mata nang magising makalipas ang maraming minuto.Hindi siya bumangon. Walang dahilan para kumilos.Kung puwede lang na huminto na ang kanyang paghinga...May kumatok na naman sa pinto ng kabino. Ngunit hindi man lang natinag si Natasha. Ni kaunting igtad. Nanatiling nakatitig sa kawalan ang mag matang binlangko ng matinding disilusyon.Naulit ang mga katok. Mas malakas. Mas imperatibo.Umiral ang pagka-masunurin, napilitang bumangon si Natasha. Mistulang robot na hindi na

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 9

    CHAPTER NINE:ANG pangakong iyon ay imposibleng tuparin, lalupa't ang kinaroroonan ay punum-puno ng mga tagapagpaalala.Kahit saan bumaling si Natasha, naaalala niya si Reymart. Nakatatak na yata sa lahat ng sulok ng kabino ang mapag-imbot na personalidad ng dating nobyo at huwad na asawa!Hindi niya kayang tagalan ang manatili sa kabino kaya hiniling niya sa steward na nakatoka doon na ilipat siya sa ibang accomodation."Pasensiya na po, ma’am. Wala nang bakanteng kabino. Napuno agad ng mga pasahero ang barko.""Kahit saang lugar ay maaari mo akong dalhin. Puwede nang ibigay sa ibang pasahero ang kabino.""Sandali po, ma’am.” Muling kinunsulta ang record book. “May bakante po sa third class, bunk section.”"Okey na doon. Sige, ilipat mo na ako agad.”Ilang sandaling nagsulat ang steward sa record book. Inayos naman ni Natasha ang mga personal na gamit habang naghihintay.“Halina

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 10

    CHAPTER TEN:"BAKIT papunta ka sa Maniog?"Parang imposibleng magsinungaling sa mga matang bilugan at tila napakainosente pa kahit may bahid na ng panggigipuspos."Hinahanap ko ang asawa ko," pagtatapat ni Jake. Mababa at seryoso ang baritonong tinig.Isang mapait na ngiti ang unti-unting sumilay sa mag labing mapusyaw."Iniwan ka rin pala ng mahal mo," ang malungkot na sambit ni Natasha.Napamaang si Jake. "Hindi ako iniwan ni Celia," pagtatama niya. "Binawi siya ng mga biyenan ko. Itinakas at itinago sa akin pero hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita uli."Lumamlam ang mga matang nakakalunod. "Ang suwerte ni Celia.""Ikaw? Iniwan ka ba ng mahal mo?"Marahang tumango si Natasha. Humugot ng isang maikling buntong-hininga bago tumugon."Oo." Pabulong. Para bang hiyang-hiya. Bumawi pa ng ng tingin at yumuko. “Umalis siya ng walang paalam sa akin... Iniwan niya ako dito sa barko na para

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Borrowed Husband Collection   The Borrowed Husband - Chapter 11

    CHAPTER ELEVEN:"HINDI ko alam kung pagmamahal ang namagitan sa amin," ang alanganing tugon niya."Ngayong nalaman ko na ang tutoong kulay ni Reymart, hindi ko na alam kung minahal ko ba siya talaga--o ginagamit lang.""Paano mo ginamit--?"Nakarating na sila sa bukana ng maluwang na kapeterya. Wala pang gaanong kustomer pero lumapit agad ang isang weyter kaya hindi na nasagot ni Natasha ang kuryosong katanungan ni Jake."Marami pong bakante sa deck, ma'am, sir."Luminga si Natasha kay Jake. Nasa gawing likuran lang niya ito.Mas matangkad ang lalaki kaya sa bibig lang umabot ang pantay na paningin niya.Napatitig si Natasha sa mga labing pirmi ang pagkakahubog pero parang may nakatagong lambot.Mamula-mula rin. Pantay ang kulay at walang bahid ng mantsa ng nikotina.Walang bisyong paninigarilyo si Jake. Hindi katulad ni Reymart na patago ang paghitit ng usok..."Mas maganda ang view

    Last Updated : 2021-03-20

Latest chapter

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 21

    The Contract Husband - Chapter 21“Yes, my sweet.” He kissed her lips quickly but passionately.“I love you, Franchesca. I adore you, I lust after you. I want you, I need you. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang kaligayahan ko. I love you so much!”“Y-you love me…?” Franchesca was stupefied. “B-baka naaawa ka lang sa akin—““No!” Mariin ang pagtutol ni Carlo. “I never pitied you. Admiration, yes. Ang tapang mo kasi. And you’re so charismatic. Napatiklop mo si Carlota. Napaamo mo ang lahat ng mga relatives ko.”Namula ang mga pisngi ni Franchesca. Ngayon lang siya pinuri nang husto ni Carlo.“Thank you…”“But you still don’t believe that I love you,” salo ng lalaki.Bumuntonghininga muna bago nagpatuloy.“Hindi ko dapat pinairal ang loyalty ko sa company ni Lolo. Dapat ay pinili ko na lang ang merg

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 20

    The Contract Husband - Chapter 20Maraming araw na ang lumipas matapos ang tagpong iyon.At ngayong kaharap niya si Carlo, wala pa rin siyang naiisip na paraan kung paano uumpisahan ang bagong proposal.Ano ba ang puwede niyang ialok na maaaring magustuhan ni Carlo?Walang halaga ang kayamanan niya. Ilang ulit nang tumangging maging tagapagmana niya ang asawa.“Hindi gaanong nagtagal ang pag-uusap namin ni Doc.” Tinugon ni Carlo ang tanong ni Franchesca matapos tumitig nang ilang sandali sa kanya. Para bang may hinahanap.Dahil may itinatago, umiwas siya nang tingin. Kunwa’y luminga sa gawi ng mga ibong nakadapo sa mga sanga ng mga punongkahoy na nasa hardin.Sinapo ng mga daliri ni Carlo ang baba niya at masuyong ibinaling ang kanyang mukha upang muli silang magkaharap. Hindi siya nakailag nang arukin ng titig ang kanyang mga mata.“I can’t believe it.” Pabulong ang pagsasalita ng lalaki hab

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 19

    The Contract Husband - Chapter 19"Humiling ka na ng iba, Franchesca--huwag lang ang iwanan ka," ang mariing pahayag nito nang muntik nang maubusan ng pasensiya kagabi.Nangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa tuwa. "I don't deserve to have you, Carlo. You're so wonderful," she said in a broken voice."God, I'm sorry," bulalas naman ni Carlo nang makitang naiiyak na siya. "I made you cry. Oh, darling, forgive me. Hindi ko gustong paiyakin ka.""N-naiiyak ako sa galak, Carlo," pagtatama niya. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo. You gave me hope. Binigyan mo ako ng bagong dahilan para mabuhay pa."Ginawaran ng masusuyo at mapagmahal na halik ang mga labi ni Franchesca. Pati ang kanyang mga mata upang mabura ang kanyang mga luha."Ikaw rin, sweetheart. Ibinigay mo ang lahat ng mga kailangan ko para makalampas sa mga problemang nakaharang sa akin. Thank you very much, even though I don't deserve you."Mistula silang ma

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 18

    The Contract Husband - Chapter 18"You're the sweetest woman I've ever known, Franchesca. Especially when you show your need so candidly." He sighed with satisfaction. "I feel strong and wonderful whenever you say you need me, darling."And if I said I love you...?Ang sikretong iyon na lamang ang natitirang hadlang sa lubos na kaligayahang tinatamasa ni Franchesca.At madalas na ipinapayo ng bagong doktor niya ang tungkol sa paglalabas ng lahat ng mga itinatago niyang damdamin.Ang doktor na personal na inirekomenda ni Carlo sa kanya ay isa rin palang psychiatrist."Kumuha ako ng kursong psychiatry dahil malaki ang paniniwala ko na may kuneksiyon sa pagitan ng pisikal na karamdaman at ang paghihirap ng isipan. Kapag inisip ng isang tao na dapat siyang magkasakit at mamatay dahil iyon ang nararapat, nagagawang maging tutoo iyon ng utak. Masyadong makapangyarihan ang utak ng tao, lalo na kung pinapabayaan ng walang kontrol," ang maha

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 17

    The Contract Husband - Chapter 17Tanging ang brassiere lamang ang naisuot niya dahil nasa harapan ang hook. Isinuksok na lamang niya ang lace panty sa bulsa ng slacks.She was combing her trembling fingers into her rumpled hair and running perspiring palms over her disheveled clothes when Carlo spoke again."I'll go crazy if I didn't have you soon," he informed her in a gravelly voice. “We'll go to someone who'll help us.”Tumango si Franchesca bilang pahiwatig na payag siyang ipagpatuloy ang maalab na tagpo sa ibang lugar.Hindi siya makapagsalita dahil mistulang bikig sa lalamunan niya ang sexual tension na hindi naibsan.Sinindihan ni Carlo ang overhead light para matagpuan ang handbag.She combed her hair and tried to repair her make-up but her hands were trembling so bad. She was just able to apply some powder to on her nose and cheeks.“You don’t need any lipstick, Franchesca,” ang masuyong

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 16

    The Contract Husband - Chapter 16The skimming caresses of his palm on the inner curve of her thighs brought a wave of heat to moisten her skin.She quivered and writhed involuntarily when his fingers gently probed her wet silkiness.The heat of his lean flesh as it sought her inner warmth was like a flame seeking to ignite her.But it was hard, too, and insistent.She felt her inner muscles tensing, just when she wanted to relax. She felt Carlo tensing, too.The sinewy muscles of his legs bunched suddenly and grazed the smoothness of her thighs."Darling," he sighed against the soft curves of her breasts, as he thrust himself into her.Her breath escaped on a sharp gasp. And when his flesh tore the tender membrane of virginity aside, she had jerked back from him. A sob had risen in her throat.Tinangka niyang pigilin iyon ngunit nabigo siya. Isang pahagulgol na ungol ang humulagpos sa kanyang lalamunan.He stoppe

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 15

    The Contract Husband - Chapter 15“Bakit?” Napamaang si Franchesca.“Para kasing ninenerbiyos ako.” Pero walang bakas ng nerbiyos ang mga malalagkit na sulyap ni Carlo sa kanya.“B-bakit naman?” Dagling bumilis ang pagtibok ng puso niya habang pigil-hiningang hinihintay ang isasagot ni Carlo."I am very much afraid that I couldn't give you happiness. I hope to God that I can make you very happy, Franchesca.""Oh, Carlo," she breathed tremulously. "Ang makasama ka lang at makausap ng ganito katulad ngayon at nitong mga nagdaang araw ay sobra-sobrang kaligayahan na ang naibibigay sa akin.""You're so sweet, Franchesca. Bakit ba ngayon lang tayo nagkatagpo? Disinsana, magkakaroon tayo ng mas mahaba-habang panahong magkasama." He pulled himself together with a shake of his dark head. "Forgive me for being so thoughtless. Gusto kong mapasaya ka pero malungkot ang paksa ko.""It's the truth, Carlo,”

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 14

    The Contract Husband - Chapter 14Hinayang na hinayang si Francesca dahil sigurado siyang napakahalaga ng sasabihin sana ni Carlo.Lalo tuloy bumigat ang loob niya sa mayabang na pinsan ng lalaking mapapangasawa. Ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti kahit medyo pormal."Good evening rin sa 'yo, Leynard," Carlo mocked the younger man. "Where is your lovely companion? Got tired of her already?"Parang inilipad sa hangin ang kumpiyansa ng matangkad ring lalaki. "N-nakita mo na kami?""Kaninang pumasok kami dito. Ikaw? Ngayon mo lang ba kami nakita?""Well, itinuro kayo sa akin ni, er, ng kasama ko."Ayaw niyang mapanood ang pagkapahiya ni Leynard kaya humingi ng dispensa si Franchesca para magpunta sa restroom.Hindi niya akalain na naghihintay naman sa kanya doon si Carlota."So, we meet personally--at last!" The heavily made-up and overly jewelled older woman greeted her with fake enthusiasm. "Ako si Carlota Delos Santos

  • The Borrowed Husband Collection   The Contract Husband - Chapter 13

    The Contract Husband - Chapter 13Nasa ikatlong kanto ang bagong bukas na restaurant. Dahil bago pa, halos puno na ang maluwang na parking space na nasa harapan at tagiliran."Sana, mayroon pang table," sambit ng lalaki habang pumapasok sila sa maluwang na pintuang salamin.Sinalubong sila ng head waiter. "Good evening, sir, ma'am. Welcome to our place. Please, follow me--we have a perfect table for a beautiful pair!"Ginagap ni Carlo ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Ngunit seryoso ito nang mag-angat siya ng tingin."Bakit?" she asked with instant anxiety."Nandito si Carlota.""Nasaan?" Natagpuan na ng kanyang mga mata ang tinukoy ni Carlo, bago pa siya nakapagtanong.At agad niyang naintindihan ang dahilan ng pagka-disgusto nito.Magkasama sa iisang lamesa sina Carlota at Leynard Sanvictores. Tila nagkakamabutihan na."Gusto mo bang lumipat na lang tayo sa iba?" she suggested reluctantly.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status