CHAPTER FIVE:
NAMIMILOG ang mga mata ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. Mistulang musmos siya na bagu-bago pa lamang nakakakita ng maraming bagay sa mundo.
"Ay!" dahil hindi nakatingin sa dinaraanan, muntik nang sumubsob si Natasha nang matalapid.
Maagap na umalalay si Reymart. "Kaunting ingat, Natasha. Ako na ang magdadala n'yan." kinuha ng nobyo ang pulang cosmetics case.
"Ingatan mo lang, Reymart." awtomatiko ang paalalang numulas sa mga labi, matapos ipaubaya ang munting bagahe.
"Bakit?" taka ng lalaki. Inakalang mga pangkolorete ang laman ng magandang sisidlang kaya palaging dala ni Natasha kahit saan.
"Nandiyan ang mga alahas at ang cash." Bahagyang inilapit ni Natasha ang bibig sa teynga ng nobyo para ibulong ang napakahalagang impormasyon.
Kapuna-puna ang pagkislap ng mga mata ni Reymart. "Talaga?" Yumapos ang isang bisig nito sa beywang ni Natasha.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Nag-alala pa naman ako na baka magkulang sa atin ang dala kong pera."
Napamaang si Natasha. Saglit na naisantabi ang interes sa bagong paligid.
"Sorry, Reymart. Hindi ko na sinabi dahil napag-usapan na natin ang tungkol d'yan nung huling pagkikita natin, hindi ba? Nawala pati sa isip ko dahil sa sobrang excitement."
Isang halik ang iginawad ni Reymart sa noo ni Natasha. "Hindi bale, sweetheart, nandito na tayo. At tumupad ka naman sa usapan natin. I'm sorry din kung nasumbatan agad kita. Nag-aalala lang kasi ako nang husto dahil kaunti lang ang savings ko--kumpara sa naipon mo. Unang-una, mas malaki ang sinasahod mo at kaunti lang ang mga gastusin dahil nasa poder ka ng iyong mga magulang."
May himig-pasumbat pa rin ang mga pananalita ni Reymart kahit nag-apologize na, kaya napapamaang pa rin si Natasha.
"Reymart, magiging mag-asawa na tayo kaya hindi na mahalaga kung sino ang mas malaki ang sinasahod at kaunti ang ginagastos. Ang mahalaga na lang ngayon ay magkasama na tayo. Importante sa akin ang pagtatagumpay ng pagtatanan natin. Ibig sabihin, kaya ko nang umalis sa poder ng mga magulang ko."
Nagkaroon ng bahid-panunuya ang ngiti ni Reymart.
"Baka naman kapag dumaranas ka na ng hirap sa poder ko---iwanan mo na lang akong bigla para bumalik sa mansion ng Mama at Papa mo?" pambubuska nito. Parang may himig ng pagkainggit.
Napakunot-noo si Natasha. Napatitig muna sa maputing mukha ng nobyo.
"Bakit ganyan kang magsalita, Reymart? May ikinagagalit ka ba?"
Agad na umiling si Reymart.
"Walang kuwenta ang mga sinasabi ko, Natasha. Pasensiya ka na. Naiinggit lang siguro ako dahil mayaman ka--at mahirap lang ako. Kailanman, hindi mo naging problema ang pera."
Agad na ngumiti si Natasha. Tinanggap agad ang apology ng nobyo upang hindi na humaba ang hindi magandang paksa na tungkol sa hindi pantay na estado nila sa buhay.
"Reymart, magmula ngayon---kung ano ang meron ako ay iyo na rin. Huwag kang mahihiyang magsabi ng pangangailangan tungkol sa pera. Marami akong dala. Lahat ng savings. Basta mag-ingat lang tayo sa paggastos, hindi agad-agad mauubos ang malaking naipon ko."
"Isi-share mo rin ba sa akin?" tanong ni Reymart, sa tonong nanunubok.
"Oo naman. 'Lika na. Balik na tayo sa kuwarto natin. Gusto ko nang magpahinga. Hindi ako masyadong nakakatulog buhat ng bumiyahe tayo."
Naisip ni Natasha na yayain nang magpahinga ang nobyo para matapos na ang diskusyon tungkol sa pera. Ang gusto niyang pag-usapan ay ang tungkol sa pagpapakasal nila, ngayong nakapagtanan na.
"Ano'ng oras ba natin puwedeng kausapin ang Kapitan ng barko?" tanong niya habang naglalakad sa makipot na koridor, patungo sa kinaroroonan ng kanilang kabino.
"Ikaw na lang muna ang magpahinga, Natasha. Ako na lang ang bahalang makipag-usap sa Kapitan ng barko," tugon ni Reymart.
Malumanay na uli. Masuyong nakaakbay ang isang kamay sa balikat ni Natasha.
"Pero--teka, hindi ba't kailangan pa nating kumuha ng lisensiya bago magpakasal?" napahinto sa paglalakad si Natasha nang maalala ang isang importanteng detalye sa panibagong kabanata ng buhay.
Hinaplos ni Reymart ang isang pisngi ni Natasha bago tumugon.
"'Wag mo nang alalahanin ang mga bagay na 'yon, sweetheart. Nakaayos na ang lahat. Ang kailangan mo na lang gawin ay magbihis at magpaganda--pero magpapahinga ka muna, siyempre. Baka puwede na si Kapitan dahil umusad na ang barko."
Agad na bumukal ang kaligayahan sa dibdib ni Natasha. Matutupad na ang pangarap niyang makapag-asawa!
"Salamat, Reymart," sambit ni Natasha. Halos mapaluha na sa matinding kasiyahan. "Napaka-thoughtful mo!"
"Pumasok ka na, Natasha. Mag-beauty rest ka na," wika ni Reymart nang mabuksan ng dalang susi ang makitid na pintuan ng kabino.
Nasa second-class section sila kaya maliit lang ang ispasyo ng tulugan at gayundin ang banyo.
Di hamak na mas malaki pa ang linen closet ng kuwarto ni Natasha sa mansiyon ng mga Villanueva.
Pero balewala kay Natasha ang mga malalaking pagkakaibang napupuna.
Dapat na siyang magsanay na wala na ang karangyaang naging kakambal buhat nang isilang.
"Okey, Reymart," sang-ayon ng dalaga. "Matutulog ako ng mga dalawang oras, pagkatapos ay maliligo at magbibihis na ako."
"Gawin mo 'yan, Natasha. In the meantime, sa labas na muna ako. Aabangan ko ang bakanteng oras ng Kapitan."
Tatalikod na sana si Reymart nang mapuna ni Natasha ang bitbit nitong pulang cosmetics case.
"Sweetheart, iwanan mo na 'yan," pahabol niya. "Baka makaligtaan mo pa 'yan sa pupuntahan mo."
"Naku, sorry. Nakalimutan kong bitbit ko pa rin pala 'yan." Bumalik uli si Reymart sa loob ng kabino. Binitawan sa ibabaw ng lamesa ang cosmetics case, malayo sa kinaroroonan ng katreng pandalawahan.
Humingi ng dispensa si Reymart ngunit aywan kung bakit ang nakuhang impresyon ni Natasha ay parang nayayamot ito.
Paano'y ni hindi na sumulyap sa gawi niya ang katipan hanggang sa makalabas at maisara na nito uli ang pinto.
Napa-buntonghininga na lamang ang dalaga. Unti-unti na niyang nararamdaman ang mga munting hirap ng pakikisama sa isang lalaking makakasama habambuhay.
Pero hindi natitigatig si Natasha. Nakahanda siyang magtiyaga para maging matagumpay at matiwasay ang kanilang pagsasama ni Reymart.
Sa kabila ng pagka-sumpungin paminsan-minsan, humahanga siya sa pagka-maginoo ng nobyo.
Nakahandang maghintay ng kasal bago sumiping sa kanya. Bihirang lalaki ang marunong magtimpi.
Ang mga positibong isipin lamang ang ibinaon ni Natasha nang matulog. Determinado na siyang isugal ang sariling kinabukasan alang-alang sa lalaking piniling pakasalan.
Magaan na magaan na ang pakiramdam ng dalaga, nang magising uli makalipas ang dalawang oras at kalahati.
Parang nakalutang siya nang magtungo sa banyo upang mag-shower.
Gayon pa rin kasigla at kasaya ang sumpong ni Natasha habang nagbibihis at nag-aayos ng mukha at mahabang buhok.
Katatapos lang suklayin sa ikatlong beses ang itiman at medyo kulot na buhok na hanggang balikat, nang pumihit ang seradura ng pinto.
Si Reymart ang nalingunan niyang marahan at maingat na pumapasok.
Nakatutok ang paningin nito sa cosmetics case matapos ang pahapyaw na sulyap sa katre.
Hindi napansin na nasa harapan ng tokador na nakadikit sa isang sulok si Natasha.
"Reymart?"
Kitang-kita ni Natasha ang pagkagitla ng nobyo. Bahagya pa ngang namutla nang mamataan siya. Para bang isang musmos na nahuling nagtatangkang mang-umit...
"K-kanina ka pa ba gising?" Pautal ang pagtatanong ni Reymart.
"Medyo." Isinenyas ng mga kamay ang kabuuan, partikular na ang puting bestida na animo isang gala dress.
"Ayos na ba para sa 'yo ang kasuotan ko? O gusto mong magpalit ako ng ibang damit?"
Mabilis at sunud-sunod ang pagtango ni Reymart, matapos ang maliksing paghagod ng paningin sa kabuuan ni Natasha.
"Ayos na 'yan." kalmado na uli. "Siyanga pala, may magandang balita ako sa 'yo," dagdag pa. Maluwang ang ngiting nasa maninipis na labi.
"Ano 'yon?" Humakbang si Natasha palapit sa kinatatayuan ng lalaki.
Gusto sana niyang yumakap pero napunang umatras at humakbang palihis sa direksiyon niya, kaya nagkasya na lamang sa pagngiti nang matamis.
"Nakausap mo na ba ang Kapitan ng barkong ito?"
"Higit pa d'on, Natasha," sang-ayon ni Reymart. Abot-teynga pa rin ang ngiti.
"Romantiko ding katulad natin si Kapitan Cuesta. Tuwang-tuwa siya dahil tayo ang unang pareha na humiling na ikasal sa kanyang barko. Bilang wedding present, si Kapitan Cuesta na mismo ang pupunta dito para ikasal tayo. Wala na raw mas romantiko pa sa isang very private at very intimate wedding ceremony, ayon sa kanya."
"Oh, Reymart! Napakaligaya ko ngayon!" Napabulalas sa matinding kaligayahan si Natasha.
"Salamat!" Nagpasalamat siya dahil tinupad ng nobyo ang matagal nang pangarap.
At sinira ang matagal nang bangungot. Kinatatakutan niya nang lubos ang maging isang matandang dalaga na lamang habambuhay. Sabik na sabik na siyang magkaroon ng sariling pamilya. Gustung-gusto na niyang magkaanak.
CHAPTER SIX:"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer."Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay.Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas.Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas."Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango."Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang
CHAPTER SEVEN:"SUWERTE mo, bosing. Hindi pa umaalis ang M/V Carmina II. Isa 'yan sa mga barkong bumibiyahe patungong Zamboanga," ang masiglang pahayag ng taxi driver habang maliksing nagmamaniobra sa mga nakakalat na kumpol ng mga pasaherong naghihintay sa palibot ng malawak na piyer."Salamat, 'dre. Heto'ng bayad ko. 'Wag mo ng suklian." Iniabot ni Jake ang dalawang malutong na tigli-limang daan."Salamat din, bosing! Gusto mong samahan kitang bumili ng tiket?""'Wag na. Alam ko na ang bilihan ng tiket." Nakangiti si Jake nang tumanggi."Ituloy mo na ang pamamasada para makarami ng iuuwi sa pamilya," dugtong niya, bilang paalam."Saludo ako sa bait mo, bosing! Sana'y makita mo na ang hinahanap mo." Sumaludo ang tsuper bago isinara ang pinto."Sana nga," wika ni Jake sa sarili.Isinukbit niya sa isang balikat ang malaking travelling bag na kulay itim bago humakbang sa direksiyon ng ticket booth.*****SAMANTALA,
CHAPTER EIGHT:NANG humupa ang unos ng paghihinagpis ni Natasha, nakahiga na naman siya sa ibabaw ng magulong kama.Nakatagilid at nakabaluktot.Nakayakap sa sarili at bahagyang yumuyugyog.Sa sandali ng matinding sakit na dinaranas, kusang naghahanap ng paraan ang katawan upang maalo ang kalooban. Nagmistulang bata siyang inihehele sa duyan.Humihikbi na lang si Natasha nang makatulog, pero mugtung-mugto at basa pa rin ang mga mata nang magising makalipas ang maraming minuto.Hindi siya bumangon. Walang dahilan para kumilos.Kung puwede lang na huminto na ang kanyang paghinga...May kumatok na naman sa pinto ng kabino. Ngunit hindi man lang natinag si Natasha. Ni kaunting igtad. Nanatiling nakatitig sa kawalan ang mag matang binlangko ng matinding disilusyon.Naulit ang mga katok. Mas malakas. Mas imperatibo.Umiral ang pagka-masunurin, napilitang bumangon si Natasha. Mistulang robot na hindi na
CHAPTER NINE:ANG pangakong iyon ay imposibleng tuparin, lalupa't ang kinaroroonan ay punum-puno ng mga tagapagpaalala.Kahit saan bumaling si Natasha, naaalala niya si Reymart. Nakatatak na yata sa lahat ng sulok ng kabino ang mapag-imbot na personalidad ng dating nobyo at huwad na asawa!Hindi niya kayang tagalan ang manatili sa kabino kaya hiniling niya sa steward na nakatoka doon na ilipat siya sa ibang accomodation."Pasensiya na po, ma’am. Wala nang bakanteng kabino. Napuno agad ng mga pasahero ang barko.""Kahit saang lugar ay maaari mo akong dalhin. Puwede nang ibigay sa ibang pasahero ang kabino.""Sandali po, ma’am.” Muling kinunsulta ang record book. “May bakante po sa third class, bunk section.”"Okey na doon. Sige, ilipat mo na ako agad.”Ilang sandaling nagsulat ang steward sa record book. Inayos naman ni Natasha ang mga personal na gamit habang naghihintay.“Halina
CHAPTER TEN:"BAKIT papunta ka sa Maniog?"Parang imposibleng magsinungaling sa mga matang bilugan at tila napakainosente pa kahit may bahid na ng panggigipuspos."Hinahanap ko ang asawa ko," pagtatapat ni Jake. Mababa at seryoso ang baritonong tinig.Isang mapait na ngiti ang unti-unting sumilay sa mag labing mapusyaw."Iniwan ka rin pala ng mahal mo," ang malungkot na sambit ni Natasha.Napamaang si Jake. "Hindi ako iniwan ni Celia," pagtatama niya. "Binawi siya ng mga biyenan ko. Itinakas at itinago sa akin pero hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita uli."Lumamlam ang mga matang nakakalunod. "Ang suwerte ni Celia.""Ikaw? Iniwan ka ba ng mahal mo?"Marahang tumango si Natasha. Humugot ng isang maikling buntong-hininga bago tumugon."Oo." Pabulong. Para bang hiyang-hiya. Bumawi pa ng ng tingin at yumuko. “Umalis siya ng walang paalam sa akin... Iniwan niya ako dito sa barko na para
CHAPTER ELEVEN:"HINDI ko alam kung pagmamahal ang namagitan sa amin," ang alanganing tugon niya."Ngayong nalaman ko na ang tutoong kulay ni Reymart, hindi ko na alam kung minahal ko ba siya talaga--o ginagamit lang.""Paano mo ginamit--?"Nakarating na sila sa bukana ng maluwang na kapeterya. Wala pang gaanong kustomer pero lumapit agad ang isang weyter kaya hindi na nasagot ni Natasha ang kuryosong katanungan ni Jake."Marami pong bakante sa deck, ma'am, sir."Luminga si Natasha kay Jake. Nasa gawing likuran lang niya ito.Mas matangkad ang lalaki kaya sa bibig lang umabot ang pantay na paningin niya.Napatitig si Natasha sa mga labing pirmi ang pagkakahubog pero parang may nakatagong lambot.Mamula-mula rin. Pantay ang kulay at walang bahid ng mantsa ng nikotina.Walang bisyong paninigarilyo si Jake. Hindi katulad ni Reymart na patago ang paghitit ng usok..."Mas maganda ang view
CHAPTER TWELVE:HINDI na rin umimik si Jake nang tumahimik si Natasha. Nakuntento na siya sa panonood sa paunti-unting pagkain nito sa isang hiwa ng kalamay sa latik."Ano'ng paborito mong ulam?" Walang abug-abog ang pagtatanong ni Natasha."Sinigang. Kahit na ano, basta't maraming gulay at tama lang sa asim at alat.""Pareho kayo ng Papa ko," wika ni Natasha. Bahagya na namang umaliwalas ang ekspresyon. "Kahit na ano rin 'yon pero ang pinakagusto niya ay sinigang na tiyan ng bangus.""Ako naman ay espesyal na sa akin ang sinigang na buntot ng baboy. Marunong ka bang magluto ng sinigang, Natasha?""Marunong din. Tinuruan ako ni Mama.""Mahilig ka siguro magluto?"Tumango si Natasha. "Isa sa mga libangan ko ang pagluluto.""Anu-ano ang iba pa?""Paghahalaman, pag-aayos ng bahay, pananahi. Pulos pambahay lang. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas sa amin kapag walang pasok.""Ano'ng trabaho mo?""Ako a
CHAPTER THIRTEEN:SAKA lang pinahulagpos ang pigil-pigil na paghinga nang matanaw ang matangkad na hugis ni Jake sa tabi ng mga balustraheng bakal na puti.Nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa at seryosong nakatanaw sa malayo.Luminga ito nang maulinigan ang paglapit ng magagaan na yabag ni Natasha. Huminto siya nang may dalawang dipa na lang ang layo sa kinatatayuan ng lalaki.Nagtagis ang kanilang mga mata. May mga piping mensaheng sumagitsit sa hangin ngunit tanging ang katawan lamang ni Natasha ang nakaunawa.Parang tuyong yagit na nagdikit at naglagablab agad.Bahagyang bumuka ang mga labi ni Natasha nang maubusan ng oksihena ang mga baga, dahil sa sobrang init na nadarama.Lalong nag-alab ang pakiramdam ni Natasha nang lumipat sa kanyang bibig ang paningin ni Jake. Para na rin kasing inangkin ng nagbabagang halik.Lumahad ang isang palad na magaspang.Hindi nagdalawang-isip si Nat
The Contract Husband - Chapter 21“Yes, my sweet.” He kissed her lips quickly but passionately.“I love you, Franchesca. I adore you, I lust after you. I want you, I need you. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang kaligayahan ko. I love you so much!”“Y-you love me…?” Franchesca was stupefied. “B-baka naaawa ka lang sa akin—““No!” Mariin ang pagtutol ni Carlo. “I never pitied you. Admiration, yes. Ang tapang mo kasi. And you’re so charismatic. Napatiklop mo si Carlota. Napaamo mo ang lahat ng mga relatives ko.”Namula ang mga pisngi ni Franchesca. Ngayon lang siya pinuri nang husto ni Carlo.“Thank you…”“But you still don’t believe that I love you,” salo ng lalaki.Bumuntonghininga muna bago nagpatuloy.“Hindi ko dapat pinairal ang loyalty ko sa company ni Lolo. Dapat ay pinili ko na lang ang merg
The Contract Husband - Chapter 20Maraming araw na ang lumipas matapos ang tagpong iyon.At ngayong kaharap niya si Carlo, wala pa rin siyang naiisip na paraan kung paano uumpisahan ang bagong proposal.Ano ba ang puwede niyang ialok na maaaring magustuhan ni Carlo?Walang halaga ang kayamanan niya. Ilang ulit nang tumangging maging tagapagmana niya ang asawa.“Hindi gaanong nagtagal ang pag-uusap namin ni Doc.” Tinugon ni Carlo ang tanong ni Franchesca matapos tumitig nang ilang sandali sa kanya. Para bang may hinahanap.Dahil may itinatago, umiwas siya nang tingin. Kunwa’y luminga sa gawi ng mga ibong nakadapo sa mga sanga ng mga punongkahoy na nasa hardin.Sinapo ng mga daliri ni Carlo ang baba niya at masuyong ibinaling ang kanyang mukha upang muli silang magkaharap. Hindi siya nakailag nang arukin ng titig ang kanyang mga mata.“I can’t believe it.” Pabulong ang pagsasalita ng lalaki hab
The Contract Husband - Chapter 19"Humiling ka na ng iba, Franchesca--huwag lang ang iwanan ka," ang mariing pahayag nito nang muntik nang maubusan ng pasensiya kagabi.Nangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa tuwa. "I don't deserve to have you, Carlo. You're so wonderful," she said in a broken voice."God, I'm sorry," bulalas naman ni Carlo nang makitang naiiyak na siya. "I made you cry. Oh, darling, forgive me. Hindi ko gustong paiyakin ka.""N-naiiyak ako sa galak, Carlo," pagtatama niya. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo. You gave me hope. Binigyan mo ako ng bagong dahilan para mabuhay pa."Ginawaran ng masusuyo at mapagmahal na halik ang mga labi ni Franchesca. Pati ang kanyang mga mata upang mabura ang kanyang mga luha."Ikaw rin, sweetheart. Ibinigay mo ang lahat ng mga kailangan ko para makalampas sa mga problemang nakaharang sa akin. Thank you very much, even though I don't deserve you."Mistula silang ma
The Contract Husband - Chapter 18"You're the sweetest woman I've ever known, Franchesca. Especially when you show your need so candidly." He sighed with satisfaction. "I feel strong and wonderful whenever you say you need me, darling."And if I said I love you...?Ang sikretong iyon na lamang ang natitirang hadlang sa lubos na kaligayahang tinatamasa ni Franchesca.At madalas na ipinapayo ng bagong doktor niya ang tungkol sa paglalabas ng lahat ng mga itinatago niyang damdamin.Ang doktor na personal na inirekomenda ni Carlo sa kanya ay isa rin palang psychiatrist."Kumuha ako ng kursong psychiatry dahil malaki ang paniniwala ko na may kuneksiyon sa pagitan ng pisikal na karamdaman at ang paghihirap ng isipan. Kapag inisip ng isang tao na dapat siyang magkasakit at mamatay dahil iyon ang nararapat, nagagawang maging tutoo iyon ng utak. Masyadong makapangyarihan ang utak ng tao, lalo na kung pinapabayaan ng walang kontrol," ang maha
The Contract Husband - Chapter 17Tanging ang brassiere lamang ang naisuot niya dahil nasa harapan ang hook. Isinuksok na lamang niya ang lace panty sa bulsa ng slacks.She was combing her trembling fingers into her rumpled hair and running perspiring palms over her disheveled clothes when Carlo spoke again."I'll go crazy if I didn't have you soon," he informed her in a gravelly voice. “We'll go to someone who'll help us.”Tumango si Franchesca bilang pahiwatig na payag siyang ipagpatuloy ang maalab na tagpo sa ibang lugar.Hindi siya makapagsalita dahil mistulang bikig sa lalamunan niya ang sexual tension na hindi naibsan.Sinindihan ni Carlo ang overhead light para matagpuan ang handbag.She combed her hair and tried to repair her make-up but her hands were trembling so bad. She was just able to apply some powder to on her nose and cheeks.“You don’t need any lipstick, Franchesca,” ang masuyong
The Contract Husband - Chapter 16The skimming caresses of his palm on the inner curve of her thighs brought a wave of heat to moisten her skin.She quivered and writhed involuntarily when his fingers gently probed her wet silkiness.The heat of his lean flesh as it sought her inner warmth was like a flame seeking to ignite her.But it was hard, too, and insistent.She felt her inner muscles tensing, just when she wanted to relax. She felt Carlo tensing, too.The sinewy muscles of his legs bunched suddenly and grazed the smoothness of her thighs."Darling," he sighed against the soft curves of her breasts, as he thrust himself into her.Her breath escaped on a sharp gasp. And when his flesh tore the tender membrane of virginity aside, she had jerked back from him. A sob had risen in her throat.Tinangka niyang pigilin iyon ngunit nabigo siya. Isang pahagulgol na ungol ang humulagpos sa kanyang lalamunan.He stoppe
The Contract Husband - Chapter 15“Bakit?” Napamaang si Franchesca.“Para kasing ninenerbiyos ako.” Pero walang bakas ng nerbiyos ang mga malalagkit na sulyap ni Carlo sa kanya.“B-bakit naman?” Dagling bumilis ang pagtibok ng puso niya habang pigil-hiningang hinihintay ang isasagot ni Carlo."I am very much afraid that I couldn't give you happiness. I hope to God that I can make you very happy, Franchesca.""Oh, Carlo," she breathed tremulously. "Ang makasama ka lang at makausap ng ganito katulad ngayon at nitong mga nagdaang araw ay sobra-sobrang kaligayahan na ang naibibigay sa akin.""You're so sweet, Franchesca. Bakit ba ngayon lang tayo nagkatagpo? Disinsana, magkakaroon tayo ng mas mahaba-habang panahong magkasama." He pulled himself together with a shake of his dark head. "Forgive me for being so thoughtless. Gusto kong mapasaya ka pero malungkot ang paksa ko.""It's the truth, Carlo,”
The Contract Husband - Chapter 14Hinayang na hinayang si Francesca dahil sigurado siyang napakahalaga ng sasabihin sana ni Carlo.Lalo tuloy bumigat ang loob niya sa mayabang na pinsan ng lalaking mapapangasawa. Ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti kahit medyo pormal."Good evening rin sa 'yo, Leynard," Carlo mocked the younger man. "Where is your lovely companion? Got tired of her already?"Parang inilipad sa hangin ang kumpiyansa ng matangkad ring lalaki. "N-nakita mo na kami?""Kaninang pumasok kami dito. Ikaw? Ngayon mo lang ba kami nakita?""Well, itinuro kayo sa akin ni, er, ng kasama ko."Ayaw niyang mapanood ang pagkapahiya ni Leynard kaya humingi ng dispensa si Franchesca para magpunta sa restroom.Hindi niya akalain na naghihintay naman sa kanya doon si Carlota."So, we meet personally--at last!" The heavily made-up and overly jewelled older woman greeted her with fake enthusiasm. "Ako si Carlota Delos Santos
The Contract Husband - Chapter 13Nasa ikatlong kanto ang bagong bukas na restaurant. Dahil bago pa, halos puno na ang maluwang na parking space na nasa harapan at tagiliran."Sana, mayroon pang table," sambit ng lalaki habang pumapasok sila sa maluwang na pintuang salamin.Sinalubong sila ng head waiter. "Good evening, sir, ma'am. Welcome to our place. Please, follow me--we have a perfect table for a beautiful pair!"Ginagap ni Carlo ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Ngunit seryoso ito nang mag-angat siya ng tingin."Bakit?" she asked with instant anxiety."Nandito si Carlota.""Nasaan?" Natagpuan na ng kanyang mga mata ang tinukoy ni Carlo, bago pa siya nakapagtanong.At agad niyang naintindihan ang dahilan ng pagka-disgusto nito.Magkasama sa iisang lamesa sina Carlota at Leynard Sanvictores. Tila nagkakamabutihan na."Gusto mo bang lumipat na lang tayo sa iba?" she suggested reluctantly.