The Borrowed Husband
Natasha was stranded when her fiance faked their marriage and ran off with her money.
Jake was looking for his lost wife of ten years.
Their fates were similar but with different circumstances.
Natasha wanted to have a child and she chose a good man.
Jake could not say ‘no’ to her. Maybe because she was the first woman to awaken his desire, since his wife?
* * *
CHAPTER ONE:
"NATATAKOT ako, Jake."
"Huwag kang matakot, Celia." Hinaplos ng isang palad ni Jake ang isang braso ng kasintahan bago kinawit ang maliit na beywang para mapasandal ang malambot na pisngi sa malapad na dibdib.
"Hindi kita pababayaan."
"H-hindi ako mapapatawad nina Mama at Papa." Tumukod ang mga palad kaya nakakawala si Celia buhat sa maluwang na pagkakayapos ni Jake.
"Pakakasalan kita, Celia. Mahal na mahal kita."
"A-alam ko, pero ayaw nila sa 'yo. Tutol sila sa pagmamahalan natin, Jake."
"Wala na silang magagawa kung kasal na tayo, Celia."
"H-hindi nila kikilalanin ang kasal natin, Jake."
"Legal ang huwes na magkakasal sa atin, Celia. Pareho tayong nasa hustong edad." Beinte singko si Jake at beinte dos si Celia. Wala nang makakapigil sa kanilang pagpapakasal.
"P-pero--"
"Oh, Celia, huwag mong sabihing magbabago pa ang isip mo?" Muling niyapos ni Jake ang kasintahan.
"Mahal na mahal kita!" Ginawaran ng masusuyong halik ang mga mata at ilong bago inangkin ng buong alab ang mga labi.
"M-mahal na mahal din kita, Jake--pero natatakot ako sa mga magulang ko!" ang pabulalas na pahayag ni Celia makalipas ang maraming mahahabang sandali.
"Wala kang dapat ikatakot, mahal ko. Hinding-hindi kita pababayaan, Celia."
"B-baka mapatay ka nina Itay, Jake. Nag-aalala ako sa kapakanan mo."
"Hindi nila magagawa 'yon sa ama ng magiging apo nila." Sinadyang bahiran ng himig-pabiro ang tono ni Jake upang gumaan ang atmospera.
"Huwag ka nang mag-alala nang husto, Celia. Hihingi ako ng tawad sa kanila para sa ating dalawa. Lahat ng hilingin nila ay gagawin ko para mapatawad nila tayo."
"Talaga? Oh, Jake! Ngayon ako naniniwalang mahal mo nga ako!" Sumiksik sa tagiliran ng leeg ni Jake ang mukha ng katipan.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala hanggang ngayon?" Buong paglalambing na hinaplos ng mga daliri ni Jake ang mahahabang hibla ng buhok.
"Ikaw ang buhay ko, Celia. Ikaw ang inspirasyon ko para matupad ang maraming pangarap ko sa buhay."
"Aalis ka pa rin ba? Iiwanan mo ako?"
"Oo, Celia. Kailangan kong umalis para makaipon agad tayo. Sandali lang naman ang dalawang taon."
"Pero ayaw kong maiwanang mag-isa, Jake. Baka kung ano ang gawin sa akin nina Itay." Muling bumadha ang matinding takot sa magandang mukha ng kasintahan.
"Hindi ka nila sasaktan, Celia. Ako ang bahala. Kakausapin ko sila. Ipagtatanggol kita sa kanila. Isa pa, wala na silang karapatan sa 'yo sa sandaling maging asawa na kita," ang mahabang pahayag ni Jake.
"Ipagtatanggol mo ako?" paniniyak ni Celia. Nakatingala habang nakatitig sa mukha ni Jake.
"Ipagtatanggol kita kahit na kanino, Celia. Ganyan kalaki ang pagmamahal ko sa 'yo."
"Oh, Jake, salamat! Mahal na mahal din kita!" Muling humigpit ang pagkakayapos ni Celia.
"Ano'ng oras nga pala tayo magpapakasal?" Medyo ngamol ang boses dahil nakadikit ang bibig sa balat ni Jake nang magsalita.
Gumanti ng yakap si Jake habang sumusulyap ang mga mata sa labas ng munting kuwadradong bintana.
Iniayos niya ang posisyon ng katipan. Marahang inihiga mula sa pagkakasandal sa pinagpatung-patong na unan.
"Matulog ka na muna, Celia. Mamayang ala una pa ang appointment natin sa huwes," ang masuyong bulong ni Jake habang hinahagkan ang isang teynga.
"Huwag mo akong iiwan, ha?" anas ni Celia. Halatang nag-aagaw-antok na ang ngamol na tinig.
"Oo, mahal. Hindi kita iiwan," pangako ni Jake.
Isang mumurahing motel ang pinuntahan ng magnobyo kagabi. Doon sila nagpalipas ng magdamag matapos magtanan.
Isang makitid na katreng may bukul-bukol na kutson ang naging saksi sa pagsasalo ng dalawa sa mainit na pag-ibig.
At isang payak na entresuwelo sa Vasco naman ang magiging pansamantalang pugad nila kapag nakasal na.
Mananatili muna doon si Celia habang bumubuno ng dalawang taon sa Dubai si Jake, bilang engineer.
Kung tutuusin, hindi naman kahiya-hiya ang katayuan ni Jake. Isang lisensiyadong civil engineer at may naghihintay na magandang posisyon sa isang Dubai-based construction firm.
Ngunit minamaliit siya ng mga magulang ni Celia dahil ang kumakaribal ay isang mayamang negosyante ng kopra sa probinsiya.
Ang iniregalo ay bahay at lupa, puhunan sa tindahan, at mga mamahaling manok na pansabong.
Samantalang si Jake ay maghihintay pa ng dalawang taon bago makabili ng bahay at lupa.
Kailangan pang mag-renew ng isa pang two-year contract para makapagpundar ng sariling negosyo.
At malamang na hindi magkaroon ni isang manok na pansabong dahil walang kahilig-hilig sa pagsasabong.
Kaya nga itinanan na lamang ni Jake ang nobya. Siguradong matatalo siya sa paligsahan ng paramihan at pagarahan ng regalo!
Nakatulugan ni Jake ang pag-iisip. Nagising siya nang may kumatok sa plywood na pinto.
"Tapos na ang shorttime! Magdadagdag na kayo ng bayad!" Naulit ang hiyaw na iyon nang kumatok sa iba pang pintuan.
"Unggh, ano daw?" Naalimpungatan si Celia mula sa pagkakahimbing.
"Ssh, wala 'yon. Matulog ka pa. Maaga pa," bulong ni Jake.
"Ano'ng oras na ba?" Bumago ng posisyon si Celia habang paungol na nagtatanong.
"Alas..." Marahang hinila ni Jake ang kaliwang braso. Namanhid na ang biyas dahil nakayapos sa babae habang natutulog. Sinulyapan niya ang relong panggalang.
"Nuwebe. Alas nuwebe diyes pa lang."
"Ano? Tanghali na pala!" Biglang bumalikwas ng bangon si Celia. Natatarantang dinampot ang mga damit na nakatiklop sa ibabaw ng silya. Nagbihis agad. "Bakit hindi mo ako ginising agad?"
"Bakit? May pupuntahan ka ba ngayon?" taka naman ni Jake.
"Papasok ako sa trabaho." Tumayo si Celia para maibutones ang pantalong maong. Tapos na agad isuot ang mga underwears.
"Hindi ba't naka-leave ka ngayon? Magpapakasal tayo mamayang hapon," paalala ni Jake.
Biglang napahinto si Celia. Nanlalaki ang mga mata nang humarap sa kanya.
"O-oo nga pala!" Pabulalas. "Sorry, Jake. Nakalimutan ko!"
Napamaang si Jake. "Nakalimutan mo na agad?!"
"I'm sorry talaga," ulit ni Celia. Pabagsak na naupo sa katre. "Ano'ng oras ba tayo magpapakasal?"
"Ala una pa." Sinimulan na ni Jake ang pagbibihis. "Pero puwede na tayong lumabas ngayon--para makakain muna tayo bago magpunta sa city hall."
"Sige." Ipinagpatuloy ni Celia ang pag-aayos sa sarili. Ginamit na panghilamos ang isang panyong isinawsaw sa pitsel na may lamang tubig.
Isang puting bimpo naman ang ginamit ni Jake. Binasa ang isang dulo para ipamunas sa mukha, batok at leeg.
Makalipas ang labinlimang minutong katahimikan, kapwa na sila nakabihis at nakaayos.
"Ganito na lang ba tayo pupunta sa huwes?" usisa ni Celia. "Hindi na ba tayo magpapalit ng damit?"
"Siyempre, hindi." Ngumiti si Jake bago ginawaran ng magaan na halik ang makinis na pisngi ni Celia.
"Dadaan tayo sa isang department store pagkatapos nating kumain ng almusal."
"Ibibili mo ako ng bestida?" Namimilog ang mga mata ng katipan. Parang musmos na bibigyan ng regalo.
"Oo."
"Akala ko ba, naubos na ang pera mo sa pagbabayad ng placement fee?"
"May nakalaan para sa pagpapakasal natin, Celia," paliwanag ni Jake. "'Lika na, baka tanghaliin na nga tayo."
"Naglaan ka rin ba ng pera para sa wedding rings natin?"
"Oo naman."
Lumuwang ang ngiti ni Celia. "Wala na talagang atrasan, ha?"
"Wala na, Celia. Magpapakasal na talaga tayo."
"Tiyak na magagalit sina Itay." Muling nabawasan ang kasiyahan ni Celia nang maalala ang mga magulang. "Nakakatakot silang magalit, Jake."
"Wala kang dapat ikatakot sa kanila. Nandito lang ako."
"Pipilitin kong huwag matakot, Jake," pangako ni Celia, pero nanginginig ang boses.
"Magpakatatag ka lang. Palagi mong iisipin ang pag-ibig ko para sa 'yo." Pinagdaop ni Jake ang mga palad nila.
"Magpakatapang ka para sa atin, Celia. Dalawang taon lang akong mawawala."
"Oo, Jake. Pipilitin ko."
"Salamat, Celia." Buong pagsuyong hinalikan ni Jake ang mga labi ni Celia.
Makaraan ang mahigit tatlong oras, isa na namang masuyong halik ang iginagawad ni Jake sa sulok ng bibig ni Celia.
Nasa harapan na sila ng isang nakangiting huwes na nagkasal sa kanilang dalawa.
"Maligayang bati sa inyo, Mr. and Mrs. Jake Cruz!" ang masiglang bati ni Judge Luna. Mahigit sisenta anyos na pero malinaw pa rin ang paningin at ang memorya.
"Maraming salamat po, Judge." Kinamayan ni Jake ang matandang huwes.
"Nawa'y maging maligaya ang inyong pagsasama, mga bata." Binendisyunan pa sila na animo isang pari. "Alagaan n'yo ang isa't isa sa inyo, ha?"
"Opo, Judge Luna."
Magkahawak-kamay sina Jake at Celia nang lumabas buhat sa cityhall. Magaan at maliksi ang mga hakbang. Mainit ang mga ngiti at sulyap na ibinibigay sa isa't isa.
Kinawayan ni Jake ang isang dumaraan na taksi nang makarating sa bangketa.
Magkayakap silang nakaupo sa likuran ng taksi. At nagbulungan ng mga katagang puno ng pagmamahal.
"Bakit dito?" taka ni Celia nang makita ang lumang boarding house na tinutuluyan ni Jake. "Hindi ba't nakalipat ka na 'kamo ng tirahan?"
"Oo. Kukunin ko lang ang ilang gamit na naiwan," paliwanag ni Jake. "Sandali lang ako, 'dre," aniya sa taksi drayber.
"Okey lang, bosing."
"Sandali lang ako, mahal." Inulit ni Jake ang paalam kay Celia. Hinagkan pa muna sa noo at bibig bago umibis.
At kumaway pa muna sa bagong kabiyak bago tumalikod at pumasok sa pinto ng boarding house.
Para bang iyon na ang huling pagkikita...
CHAPTER TWO:ILANG minuto lang ang ginugol ni Jake sa pagpapaalam sa kasera at sa pagtanggap ng maingay na pagbati ng mga dating kasambahay.Kaya gayon na lang ang pagtataka niya nang matuklasang naglahong parang bula ang taksing pinag-iwanan kay Celia.Bitbit ang isang travelling bag, lumapit siya sa katapat na tindahan para magtanong."Manang, nakita n'yo ba 'yung taksing nakaparada d'yan kanina?""Oo. Kaaalis-alis lang n'un, a?""Umalis? Kasama 'yung nakasakay na babae?" Hindi makapaniwala si Jake."Hindi. Maraming nakasakay d'on.""Ilan ho?""Kundi ako nagkakamali, dalawang lalaki at isang babae ang nakasakay sa taksing 'yon. Pawang may mga edad. Parang kinagagalitan nga 'yung dalaga.""Ano'ng hitsura ng dalaga?" Parang nanlalaki na ang ulo ni Jake."Mahaba ang buhok. Maganda. Nakasuot ng puting bestida."Si Celia nga!"Sige ho, salamat ho!" Humangos si Jake, patungo sa labasan
CHAPTER THREE:"MASASABI mo ba sa akin na ni minsan ay hindi nanukat at nangmata ng kapwa ang mga magulang mo, Natasha?" bawi ni Reymart."Kahit nga ikaw, namimili ka rin ng mga kakaibiganin, hindi ba? Kung naging gusgusing kargador ba ako sa palengke--kakausapin mo kaya ako nung maglakas-loob na makipagkilala sa 'yo noon?"Walang maisagot si Natasha. Paano'y may katotohanan ang mga sinabi ng nobyo.Wala siyang nagawa kundi ang mamutla at ilahad ang mga palad bilang pahiwatig ng pagsuko sa argumento."Pasensiya ka na." Si Reymart uli ang nagsalita. Mababa na uli ang tono. "Ayokong idamay ka, Natasha, pero kailangan kong ipaintindi sa 'yo na imposible ang gusto mo."Humugot ng isang mahabang buntonghininga si Natasha. Nalilito pa rin siya."P-p'ano kapag kasal na tayo? Hindi ka pa rin papasok sa bahay namin?"Nagkibit ng mga balikat si Reymart. Para bang ni minsan ay hindi pumasok sa isip nito ang pagpasok sa loob ng
CHAPTER FOUR:MAKALIPAS ang tatlong oras, nasa loob na ng isang kulay pulang cosmetics case na yari sa matigas na plastic/leather at may sariling kandado ang lahat ng ari-ariang naipon ni Natasha sa loob ng maraming taon."We hope to serve you again, Miss Villanueva." Halos hindi maitago ng bank manager ang kuryosidad.At ang panghihinayang dahil nawala siya sa listahan ng masusugid na depositor. Mas mahalaga lang marahil ang trabaho kaya napairal pa din ang prupesyonalismo."Of course, Mr. Romano. I always prefer your services because your bank is known for its confidentiality," ang makahulugang pahayag ni Natasha."Inaasahan kong mananatiling confidential ang lahat ng serbisyong idinulot n'yo sa akin ngayon, sir," dagdag pa niya para maging klarung-klaro ang mensahe."Of course, Miss Villanueva," agap ng manedyer. "Walang problema tungkol sa bagay na 'yan. Hindi pa kami nasisira sa aming mga kliyente.""Mabuti. Have a go
CHAPTER FIVE:NAMIMILOG ang mga mata ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. Mistulang musmos siya na bagu-bago pa lamang nakakakita ng maraming bagay sa mundo."Ay!" dahil hindi nakatingin sa dinaraanan, muntik nang sumubsob si Natasha nang matalapid.Maagap na umalalay si Reymart. "Kaunting ingat, Natasha. Ako na ang magdadala n'yan." kinuha ng nobyo ang pulang cosmetics case."Ingatan mo lang, Reymart." awtomatiko ang paalalang numulas sa mga labi, matapos ipaubaya ang munting bagahe."Bakit?" taka ng lalaki. Inakalang mga pangkolorete ang laman ng magandang sisidlang kaya palaging dala ni Natasha kahit saan."Nandiyan ang mga alahas at ang cash." Bahagyang inilapit ni Natasha ang bibig sa teynga ng nobyo para ibulong ang napakahalagang impormasyon.Kapuna-puna ang pagkislap ng mga mata ni Reymart. "Talaga?" Yumapos ang isang bisig nito sa beywang ni Natasha."Bakit hindi mo sinabi agad? Nag-alala pa naman ako na baka ma
CHAPTER SIX:"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer."Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay.Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas.Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas."Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango."Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang
CHAPTER SEVEN:"SUWERTE mo, bosing. Hindi pa umaalis ang M/V Carmina II. Isa 'yan sa mga barkong bumibiyahe patungong Zamboanga," ang masiglang pahayag ng taxi driver habang maliksing nagmamaniobra sa mga nakakalat na kumpol ng mga pasaherong naghihintay sa palibot ng malawak na piyer."Salamat, 'dre. Heto'ng bayad ko. 'Wag mo ng suklian." Iniabot ni Jake ang dalawang malutong na tigli-limang daan."Salamat din, bosing! Gusto mong samahan kitang bumili ng tiket?""'Wag na. Alam ko na ang bilihan ng tiket." Nakangiti si Jake nang tumanggi."Ituloy mo na ang pamamasada para makarami ng iuuwi sa pamilya," dugtong niya, bilang paalam."Saludo ako sa bait mo, bosing! Sana'y makita mo na ang hinahanap mo." Sumaludo ang tsuper bago isinara ang pinto."Sana nga," wika ni Jake sa sarili.Isinukbit niya sa isang balikat ang malaking travelling bag na kulay itim bago humakbang sa direksiyon ng ticket booth.*****SAMANTALA,
CHAPTER EIGHT:NANG humupa ang unos ng paghihinagpis ni Natasha, nakahiga na naman siya sa ibabaw ng magulong kama.Nakatagilid at nakabaluktot.Nakayakap sa sarili at bahagyang yumuyugyog.Sa sandali ng matinding sakit na dinaranas, kusang naghahanap ng paraan ang katawan upang maalo ang kalooban. Nagmistulang bata siyang inihehele sa duyan.Humihikbi na lang si Natasha nang makatulog, pero mugtung-mugto at basa pa rin ang mga mata nang magising makalipas ang maraming minuto.Hindi siya bumangon. Walang dahilan para kumilos.Kung puwede lang na huminto na ang kanyang paghinga...May kumatok na naman sa pinto ng kabino. Ngunit hindi man lang natinag si Natasha. Ni kaunting igtad. Nanatiling nakatitig sa kawalan ang mag matang binlangko ng matinding disilusyon.Naulit ang mga katok. Mas malakas. Mas imperatibo.Umiral ang pagka-masunurin, napilitang bumangon si Natasha. Mistulang robot na hindi na
CHAPTER NINE:ANG pangakong iyon ay imposibleng tuparin, lalupa't ang kinaroroonan ay punum-puno ng mga tagapagpaalala.Kahit saan bumaling si Natasha, naaalala niya si Reymart. Nakatatak na yata sa lahat ng sulok ng kabino ang mapag-imbot na personalidad ng dating nobyo at huwad na asawa!Hindi niya kayang tagalan ang manatili sa kabino kaya hiniling niya sa steward na nakatoka doon na ilipat siya sa ibang accomodation."Pasensiya na po, ma’am. Wala nang bakanteng kabino. Napuno agad ng mga pasahero ang barko.""Kahit saang lugar ay maaari mo akong dalhin. Puwede nang ibigay sa ibang pasahero ang kabino.""Sandali po, ma’am.” Muling kinunsulta ang record book. “May bakante po sa third class, bunk section.”"Okey na doon. Sige, ilipat mo na ako agad.”Ilang sandaling nagsulat ang steward sa record book. Inayos naman ni Natasha ang mga personal na gamit habang naghihintay.“Halina
The Contract Husband - Chapter 21“Yes, my sweet.” He kissed her lips quickly but passionately.“I love you, Franchesca. I adore you, I lust after you. I want you, I need you. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang kaligayahan ko. I love you so much!”“Y-you love me…?” Franchesca was stupefied. “B-baka naaawa ka lang sa akin—““No!” Mariin ang pagtutol ni Carlo. “I never pitied you. Admiration, yes. Ang tapang mo kasi. And you’re so charismatic. Napatiklop mo si Carlota. Napaamo mo ang lahat ng mga relatives ko.”Namula ang mga pisngi ni Franchesca. Ngayon lang siya pinuri nang husto ni Carlo.“Thank you…”“But you still don’t believe that I love you,” salo ng lalaki.Bumuntonghininga muna bago nagpatuloy.“Hindi ko dapat pinairal ang loyalty ko sa company ni Lolo. Dapat ay pinili ko na lang ang merg
The Contract Husband - Chapter 20Maraming araw na ang lumipas matapos ang tagpong iyon.At ngayong kaharap niya si Carlo, wala pa rin siyang naiisip na paraan kung paano uumpisahan ang bagong proposal.Ano ba ang puwede niyang ialok na maaaring magustuhan ni Carlo?Walang halaga ang kayamanan niya. Ilang ulit nang tumangging maging tagapagmana niya ang asawa.“Hindi gaanong nagtagal ang pag-uusap namin ni Doc.” Tinugon ni Carlo ang tanong ni Franchesca matapos tumitig nang ilang sandali sa kanya. Para bang may hinahanap.Dahil may itinatago, umiwas siya nang tingin. Kunwa’y luminga sa gawi ng mga ibong nakadapo sa mga sanga ng mga punongkahoy na nasa hardin.Sinapo ng mga daliri ni Carlo ang baba niya at masuyong ibinaling ang kanyang mukha upang muli silang magkaharap. Hindi siya nakailag nang arukin ng titig ang kanyang mga mata.“I can’t believe it.” Pabulong ang pagsasalita ng lalaki hab
The Contract Husband - Chapter 19"Humiling ka na ng iba, Franchesca--huwag lang ang iwanan ka," ang mariing pahayag nito nang muntik nang maubusan ng pasensiya kagabi.Nangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa tuwa. "I don't deserve to have you, Carlo. You're so wonderful," she said in a broken voice."God, I'm sorry," bulalas naman ni Carlo nang makitang naiiyak na siya. "I made you cry. Oh, darling, forgive me. Hindi ko gustong paiyakin ka.""N-naiiyak ako sa galak, Carlo," pagtatama niya. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo. You gave me hope. Binigyan mo ako ng bagong dahilan para mabuhay pa."Ginawaran ng masusuyo at mapagmahal na halik ang mga labi ni Franchesca. Pati ang kanyang mga mata upang mabura ang kanyang mga luha."Ikaw rin, sweetheart. Ibinigay mo ang lahat ng mga kailangan ko para makalampas sa mga problemang nakaharang sa akin. Thank you very much, even though I don't deserve you."Mistula silang ma
The Contract Husband - Chapter 18"You're the sweetest woman I've ever known, Franchesca. Especially when you show your need so candidly." He sighed with satisfaction. "I feel strong and wonderful whenever you say you need me, darling."And if I said I love you...?Ang sikretong iyon na lamang ang natitirang hadlang sa lubos na kaligayahang tinatamasa ni Franchesca.At madalas na ipinapayo ng bagong doktor niya ang tungkol sa paglalabas ng lahat ng mga itinatago niyang damdamin.Ang doktor na personal na inirekomenda ni Carlo sa kanya ay isa rin palang psychiatrist."Kumuha ako ng kursong psychiatry dahil malaki ang paniniwala ko na may kuneksiyon sa pagitan ng pisikal na karamdaman at ang paghihirap ng isipan. Kapag inisip ng isang tao na dapat siyang magkasakit at mamatay dahil iyon ang nararapat, nagagawang maging tutoo iyon ng utak. Masyadong makapangyarihan ang utak ng tao, lalo na kung pinapabayaan ng walang kontrol," ang maha
The Contract Husband - Chapter 17Tanging ang brassiere lamang ang naisuot niya dahil nasa harapan ang hook. Isinuksok na lamang niya ang lace panty sa bulsa ng slacks.She was combing her trembling fingers into her rumpled hair and running perspiring palms over her disheveled clothes when Carlo spoke again."I'll go crazy if I didn't have you soon," he informed her in a gravelly voice. “We'll go to someone who'll help us.”Tumango si Franchesca bilang pahiwatig na payag siyang ipagpatuloy ang maalab na tagpo sa ibang lugar.Hindi siya makapagsalita dahil mistulang bikig sa lalamunan niya ang sexual tension na hindi naibsan.Sinindihan ni Carlo ang overhead light para matagpuan ang handbag.She combed her hair and tried to repair her make-up but her hands were trembling so bad. She was just able to apply some powder to on her nose and cheeks.“You don’t need any lipstick, Franchesca,” ang masuyong
The Contract Husband - Chapter 16The skimming caresses of his palm on the inner curve of her thighs brought a wave of heat to moisten her skin.She quivered and writhed involuntarily when his fingers gently probed her wet silkiness.The heat of his lean flesh as it sought her inner warmth was like a flame seeking to ignite her.But it was hard, too, and insistent.She felt her inner muscles tensing, just when she wanted to relax. She felt Carlo tensing, too.The sinewy muscles of his legs bunched suddenly and grazed the smoothness of her thighs."Darling," he sighed against the soft curves of her breasts, as he thrust himself into her.Her breath escaped on a sharp gasp. And when his flesh tore the tender membrane of virginity aside, she had jerked back from him. A sob had risen in her throat.Tinangka niyang pigilin iyon ngunit nabigo siya. Isang pahagulgol na ungol ang humulagpos sa kanyang lalamunan.He stoppe
The Contract Husband - Chapter 15“Bakit?” Napamaang si Franchesca.“Para kasing ninenerbiyos ako.” Pero walang bakas ng nerbiyos ang mga malalagkit na sulyap ni Carlo sa kanya.“B-bakit naman?” Dagling bumilis ang pagtibok ng puso niya habang pigil-hiningang hinihintay ang isasagot ni Carlo."I am very much afraid that I couldn't give you happiness. I hope to God that I can make you very happy, Franchesca.""Oh, Carlo," she breathed tremulously. "Ang makasama ka lang at makausap ng ganito katulad ngayon at nitong mga nagdaang araw ay sobra-sobrang kaligayahan na ang naibibigay sa akin.""You're so sweet, Franchesca. Bakit ba ngayon lang tayo nagkatagpo? Disinsana, magkakaroon tayo ng mas mahaba-habang panahong magkasama." He pulled himself together with a shake of his dark head. "Forgive me for being so thoughtless. Gusto kong mapasaya ka pero malungkot ang paksa ko.""It's the truth, Carlo,”
The Contract Husband - Chapter 14Hinayang na hinayang si Francesca dahil sigurado siyang napakahalaga ng sasabihin sana ni Carlo.Lalo tuloy bumigat ang loob niya sa mayabang na pinsan ng lalaking mapapangasawa. Ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti kahit medyo pormal."Good evening rin sa 'yo, Leynard," Carlo mocked the younger man. "Where is your lovely companion? Got tired of her already?"Parang inilipad sa hangin ang kumpiyansa ng matangkad ring lalaki. "N-nakita mo na kami?""Kaninang pumasok kami dito. Ikaw? Ngayon mo lang ba kami nakita?""Well, itinuro kayo sa akin ni, er, ng kasama ko."Ayaw niyang mapanood ang pagkapahiya ni Leynard kaya humingi ng dispensa si Franchesca para magpunta sa restroom.Hindi niya akalain na naghihintay naman sa kanya doon si Carlota."So, we meet personally--at last!" The heavily made-up and overly jewelled older woman greeted her with fake enthusiasm. "Ako si Carlota Delos Santos
The Contract Husband - Chapter 13Nasa ikatlong kanto ang bagong bukas na restaurant. Dahil bago pa, halos puno na ang maluwang na parking space na nasa harapan at tagiliran."Sana, mayroon pang table," sambit ng lalaki habang pumapasok sila sa maluwang na pintuang salamin.Sinalubong sila ng head waiter. "Good evening, sir, ma'am. Welcome to our place. Please, follow me--we have a perfect table for a beautiful pair!"Ginagap ni Carlo ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Ngunit seryoso ito nang mag-angat siya ng tingin."Bakit?" she asked with instant anxiety."Nandito si Carlota.""Nasaan?" Natagpuan na ng kanyang mga mata ang tinukoy ni Carlo, bago pa siya nakapagtanong.At agad niyang naintindihan ang dahilan ng pagka-disgusto nito.Magkasama sa iisang lamesa sina Carlota at Leynard Sanvictores. Tila nagkakamabutihan na."Gusto mo bang lumipat na lang tayo sa iba?" she suggested reluctantly.