Home / All / The Borrowed Husband Collection / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Borrowed Husband Collection: Chapter 11 - Chapter 20

77 Chapters

The Borrowed Husband - Chapter 11

CHAPTER ELEVEN:"HINDI ko alam kung pagmamahal ang namagitan sa amin," ang alanganing tugon niya. "Ngayong nalaman ko na ang tutoong kulay ni Reymart, hindi ko na alam kung minahal ko ba siya talaga--o ginagamit lang.""Paano mo ginamit--?"Nakarating na sila sa bukana ng maluwang na kapeterya. Wala pang gaanong kustomer pero lumapit agad ang isang weyter kaya hindi na nasagot ni Natasha ang kuryosong katanungan ni Jake."Marami pong bakante sa deck, ma'am, sir."Luminga si Natasha kay Jake. Nasa gawing likuran lang niya ito.Mas matangkad ang lalaki kaya sa bibig lang umabot ang pantay na paningin niya. Napatitig si Natasha sa mga labing pirmi ang pagkakahubog pero parang may nakatagong lambot. Mamula-mula rin. Pantay ang kulay at walang bahid ng mantsa ng nikotina. Walang bisyong paninigarilyo si Jake. Hindi katulad ni Reymart na patago ang paghitit ng usok..."Mas maganda ang view
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 12

CHAPTER TWELVE:HINDI na rin umimik si Jake nang tumahimik si Natasha. Nakuntento na siya sa panonood sa paunti-unting pagkain nito sa isang hiwa ng kalamay sa latik."Ano'ng paborito mong ulam?" Walang abug-abog ang pagtatanong ni Natasha."Sinigang. Kahit na ano, basta't maraming gulay at tama lang sa asim at alat.""Pareho kayo ng Papa ko," wika ni Natasha. Bahagya na namang umaliwalas ang ekspresyon. "Kahit na ano rin 'yon pero ang pinakagusto niya ay sinigang na tiyan ng bangus.""Ako naman ay espesyal na sa akin ang sinigang na buntot ng baboy. Marunong ka bang magluto ng sinigang, Natasha?""Marunong din. Tinuruan ako ni Mama.""Mahilig ka siguro magluto?"Tumango si Natasha. "Isa sa mga libangan ko ang pagluluto.""Anu-ano ang iba pa?""Paghahalaman, pag-aayos ng bahay, pananahi. Pulos pambahay lang. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas sa amin kapag walang pasok.""Ano'ng trabaho mo?""Ako a
last updateLast Updated : 2021-03-20
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 13

CHAPTER THIRTEEN: SAKA lang pinahulagpos ang pigil-pigil na paghinga nang matanaw ang matangkad na hugis ni Jake sa tabi ng mga balustraheng bakal na puti. Nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa at seryosong nakatanaw sa malayo.Luminga ito nang maulinigan ang paglapit ng magagaan na yabag ni Natasha. Huminto siya nang may dalawang dipa na lang ang layo sa kinatatayuan ng lalaki.Nagtagis ang kanilang mga mata. May mga piping mensaheng sumagitsit sa hangin ngunit tanging ang katawan lamang ni Natasha ang nakaunawa.Parang tuyong yagit na nagdikit at naglagablab agad.Bahagyang bumuka ang mga labi ni Natasha nang maubusan ng oksihena ang mga baga, dahil sa sobrang init na nadarama.Lalong nag-alab ang pakiramdam ni Natasha nang lumipat sa kanyang bibig ang paningin ni Jake. Para na rin kasing inangkin ng nagbabagang halik.Lumahad ang isang palad na magaspang. Hindi nagdalawang-isip si Nat
last updateLast Updated : 2021-06-02
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 14

CHAPTER FOURTEEN: DAGLING pumutok ang bula ng mahikang ibinalibol ni Jake sa kanya.Itinulak niya ito at bumangon upang tumakbo patungo sa banyo. Ini-lock ang pinto.Sumalubong sa kanya ang repleksiyon sa salamin. Ang kanyang buhok ay nawala na sa pagkakatali. Ang kanyang mga pisngi ay pulam-pula. Pati na ang kanyang mga labi.At ang kanyang mga mata ay tila ba sa mailap na hayop.Hindi na niya makilala ang sarili.Pumikit siya. Huminga nang malalim. Ilang ulit hanggang sa unti-unting magbalik sa normal.Binuksan niya ang tubig sa lababo at naghilamos. Mainit ang mukha niya.Pati ang buong katawan.Tumapat siya sa pinong bugso ng tubig. Dali-daling sinabon ang buhok at ang katawan. Paano’y parang mga haplos ni Jake ang daloy ng maligamgam na tubig.Ni hindi siya naginhawahan. Parang inaapuyan pa rin ang pakiramdam niya.‘I’m on fire…’ Um
last updateLast Updated : 2021-06-03
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 15

CHAPTER FIFTEEN: HINDI muna nagtungo si Natasha sa pantalan ng ferry boat. Natanaw kasi niya si Jake.Matangkad sa karamihan ang lalaki. Aristokratiko ang hubog ng mukha kaya madali makilala.Nang matiyak na nakaalis na ang tatlong bangka, saka lang siya nagtungo sa pantalan.Saka siya tumawag sa bahay nila. Sasalubungin daw siya ng ina.“Kuu, madalang ang pasahero sa Mane-ug ngayon. Buti pa si Pareng Imo, naarkila.”Luminga siya sa paligid. Tatlo nga lang sila. Siya ang pinakamalapit.Napuna pati niya ang pagkabigkas sa pangalan ng isla. Mane-ug.Kaya marahil hindi matagpuan ni Jake ang lugar ay dahil ‘Maniog’ ang ipinagtatanong at pinaghahanap.“Akalain mo ba naman anak ni Pareng Islaw ang sadya. Kapitbahay ni Pareng Imo. Ayun, inarkila siya. Ka swerte!”Bumaon ang mga kuko niya sa mga palad. Nagkokontrol ng emosyon.Magkikita na sina Jake at--at ang asawa
last updateLast Updated : 2021-06-04
Read more

The Borrowed Husband - Chapter 16

CHAPTER SIXTEEN: “I love you.”Hindi nila alam kung sino ang unang nagtapat ng pag-ibig. Marahil ay sabay sila sa pagsambit sa matatamis na kataga.Inulit ni Natasha. Walang pag-aalinlangan.“Mahal kita, Jake.”“Oh, Natasha! Mahal na mahal din kita!”Nang yakapin siya ng lalaki, yumapos din siya nang mahigpit. Nasa gayong ayos lang sila nang maraming sandali.Kaipala’y kapwa nabasa ng luha ang kanilang mga mata…“Nagpunta ako ngayon dahil natanggap ko na ang sagot—hindi ako kasal kay Celia.”“Peke rin ang kasal ninyo?”“Ikinasal kami sa huwes. Baka hindi lang nairehistro o baka ginawa ng mga magulang niya ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal namin.”“K-kumusta si Celia…?”Matagal bago nakasagot si Jake. “Hindi naging maganda ang kapalaran niya, Natasha.” Isinalay
last updateLast Updated : 2021-06-05
Read more

The Wily Husband - Chapter 1

The Wily Husband SYNOPSIS Kolektor ng mga alahas na bihira at mamahalin si Ysrael. Ang pinakamimithi niyang hiyas sa lahat ay nasa pag-aari ni Lorelei. Sa malas, ninasa ni Ysrael na angkinin ang dalaga at ang pambihirang hiyas. Ngunit hindi basta-bastang babae si Lorelei. Namumuhi siya sa mga lalaki. Wala siyang interes sa atensiyon na iniuukol ni Ysrael. Sa unang pagkakataon, hindi umepekto ang karisma ng binata... *     *     * CHAPTER ONE: Puno ng mga panauhin ang malawak na bulwagan ng Ravago Castle, ang pamosong kastilyo na pag-aari ni Ysrael Ravago. Na isa namang plamboyante at kilalang kulektor ng mga rare art items. Ng mga mamahaling antigo at sikat na alahas. At ng mga babaeng magaganda at sosyal... "Pare ko! Kumusta ka na?" ang eksaheradong bati ni Billie sabay tapik sa likod ng binata. Abot-teynga ang pekeng ngiti nito, habang kinakarkula sa tingin ang presyo ng
last updateLast Updated : 2021-06-06
Read more

The Wily Husband - Chapter 2

CHAPTER TWO:Inilapag ni Lorelei ang dalang basket na puno ng mga puting rosas sa ibabaw ng lamesang mahaba ng kusina."Nana Desta, nandito na po ako," wika niya sa malakas na boses, habang palinga-linga sa maluwang na palibot. "Nana? Nasaan kayo?" ulit niya.Lalabas na sana siya sa pinto na patungo sa kabahayan nang maulinigan ang tinig ng matandang yaya mula sa laundry room."Nandito ako, Lei," anang pagaw na boses. "Bakit?" tanong nito nang makalabas na."Pupunta na po ako sa planta, Nana. Magpapaalam lang po ako.""Tamang-tama, naihanda ko na ang baon mo. Heto'ng basket.""Ang Nana talaga. Inunahan n'yo na naman po pala ako." Hinagkan niya sa pisngi ang matandang malakas pa kahit na edad sitenta y singko na. "Huwag naman kayong masyadong magpapagod dito. Baka sumpungin na naman kayo ng rayuma kapag nababad kayo nang husto sa tubig.""Oo, sabi. Tapos na nga ako sa ginagawa ko. Kinusot ko lang ang kaunting basahan para hindi
last updateLast Updated : 2021-06-07
Read more

The Wily Husband - Chapter 3

CHAPTER THREE:NAMUMUTLA si Dionisio.Kaya naningkit ang mga mata ni Ysrael. "Ano'ng problema, Dionisio?""W-walang nakalistang 'Lorelei Cortez' sa guests' book, senyorito," anito.Sumulak ang pagkayamot niya. Ngunit nagpakalumanay pa rin siya. "Ano'ng ibig mong sabihin, Dionisio?" umpisa niya. "May nakapasok na tao sa kastilyo nang hindi nalalaman ng mga guwardiya?" Tumango ang head butler. Nakayuko ito. Sising-sisi ang hitsura."Paano nangyari 'yon?" aniya, medyo pasinghal na."K-kasama siguro siya ng isa sa mga imbitadong panauhin, senyorito. Kaya hindi na napa-pirma sa guests' book."Sumingasing si Ysrael. Gusto na niyang magwala, pero kailangan niyang magpigil. "Dalhan mo ako ng kape, Dionisio," utos na lang niya.Nang mapag-isa, minasahe niya ang magkabilang sentido."You're an elusive woman, Lorelei!" bulong niya sa sarili.Nakatitig ang mga mata niya sa kisame, ngunit hindi ang mga kupidong na
last updateLast Updated : 2021-06-08
Read more

The Wily Husband - Chapter 4

CHAPTER FOUR: "AALIS ako, Dionisio," pahayag niya sa butler, matapos ibagsak ang receiver nang padaskol. Sinuklay ng mga daliri niya ang maikli at medyo kulot na buhok. "Pupunta ka sa Ifugao Province, senyorito?" Tumango siya. "Pupuntahan ko na lang siya." "Ano'ng sasakyan ang ipapahanda ko, senyorito?" "Ang helikopter." Yumukod ang butler upang sundin ang ibig niya. "Ipa-impake mo na rin ang mga dadalhin ko," pahabol niya. "Masusunod, senyorito." Napatitig si Ysrael sa telepono nang mapag-isa na siya. Ilang araw siyang nagmatigas. O natotorpe na siya? pambubuska ng isang sarili niya. "I'm too conceited," pag-amin niya. "That's the problem with me!" Pabagsak siyang naupo. Hindi pa niya naranasang magpakahirap para makuha ang isang babae. Ang mga panliligaw niya ay pulos pahapyaw lang. Pakunwari. Para lang maisalba ang feminine ego. Ayaw din naman niya ng babaeng easy-to-get. Maingat siyang pumili
last updateLast Updated : 2021-06-08
Read more
PREV
123456
...
8
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status