Home / All / Nine Months [Tagalog] / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Nine Months [Tagalog]: Chapter 61 - Chapter 70

107 Chapters

Chapter 59

(Secretary Venal POV)Nang bumukas ang executive floor, inunahan ko na si Miss Dahlia sa paglabas at sumunod sa akin. Makakasalubong namin si Lilith s hallway at mayroon pa ngang distansya kami sa pagitan niya, parang kilala na niya ang kasama ko. Naningkit ang kanyang mga mata at may inis sa kanyang mukha.“Heto ang mahirap sa baguhan, hindi mapagsabihan. Hindi ba sinabi ko sayo Dahlia na ang gagamitin mong elevator ay yung—.”“Good Morning Lilith.” Putol ko sa kanyang sinasabi. “Maganda ang umaga upang ang kilay tumaas kaagad. Kasama ko si Miss Dahlia dahil kanina lamang nakatangap ako ng utos galing sa executive office. Kagustuhan itong mangyari ni Master Dryzen, kung mayroon kang problema kausapin natin siya tungkol sa bagay na ito. Anong sa tingin mo Lilith?”“Tss. Wag mong sabihin ang utos mo na maghanda ako ng agahan, para yun sa babaing yan?”Titig lamang ang isinagot ko sa kanya. At para bang gumuho ang sigla ni Lilith sa kanyang narinig. Nagising rin siya ng maaga para lang
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 60

(Secretary Venal POV)“Ayoko na.” Iling niya sa akin ni Miss Dahlia. “Magreresign na ako sa aking trabaho. Ngayon din. Hindi ko hahayaan na bastusin lamang ako ng taong yun! Porque ba siya ang may ari ng kompanya maari na niyang gawin ang gusto niya? Mga bastos, yan ang klase ng mga taong ayoko, Sir Venal.” Matapang niyang sinabi sa akin. “Hindi ako magtatagal sa kompanyang ito kung ganyang klaseng mga tao ang nakapaligid sa akin. Mga walang respeto.”Tao? Hindi basta-bastang tao lamang Miss Dahlia si Master Dryzen, yun kung alam niyo lang.“Sino ba siya para hawakan ang labi ko? Wala siyang karapatan na ga—.” Natigilan siya sa kanyang sinabi. Siguro naalala niya ang gabing kung saan sila unang pinagtagpo ng tadhana. Ang oras na siyang dahilan kung bakit napisil siya na maging asawa ni Master Dryzen. Na higit pa sa daliri ni Master Dryzen ang dumampi sa labi niya.Miss Dahlia, ang aksidenteng yun, yun ang dahilan kung bakit tumatak ka sa isipan ng isang dragon.“Kahit na. Magreresign
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 61

(Secretary Venal POV)“Hindi niyo kailangan mahiya Miss Dahlia. Inihanda ang pagkain na ito para sa inyo.”“Tinatangihan ko Sir Venal.” Matatag niyang sinabi sa akin. Nanatili lamang siyang nakatayo at nakatitig sa aking mga mata. Alam ko ang isang katulad niyang babae ay palaban. “Hindi ba talaga ako maaring umalis sa kompanyang ito?”“Ikinakalungkot ko Miss Dahlia, ngunit hindi mo kayang panagutan ang compensation na ilalatag namin sa inyo kapag ipinagpatuloy niyo ito. Saka sasabihin ko na ito sa inyo Miss Dahlia, hindi namin hahayaan na makaalis kayo sa kompanyang ito.” Nakakatakot man pakingan pero wala na akong magagawa. Kailangan ko na siyang idaan sa maayos na usapan.“Hindi niyo ako hahayaan na—.”“Maayos niyong narinig Miss Dahlia. Ang tanging mangyayari lamang sa inyo sa kompanyang ito, ay ma-promote kayo sa special na trabahong inaalok namin sa inyo.”“Sir Venal…” Naguguluhan ang titig na ibinigay ni Miss Dahlia sa akin. Habang si Lilith napalingon nga sa amin.“Alam kong n
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 62

(Dahlia POV)Hindi ko aakalain na mga demonyo ang makikilala ko ngayong mga nagdaang araw. Hindi biro ang mga pananakot na nilalatag nila sa akin. Halos lahat sila ay may pagkakapareho. Mga demonyo.Si Kai Carter, na binili at niloko ng pekeng pera ang aking grandma.Si Cedrick Ma, na pinagtatangkahan ang buhay ko kapag nangulo pa ako sa kanila.At ngayon sa harapan ko, ang pinakamayabang na nakilala ko si Roz Louis Cadmuz. Hindi pa gaano lumalabas ang kulay niya ngunit inaasahan ko na siya ang pinakamalala sa lahat.Ang hindi ko lang inaasahan na pati si Sir Venal ay kabilang din sa kanila. Hindi rin siya nagbibiro na itapon sa akin ang isang wild card upang iblackmail ako. Alam kong hindi ako makakalabas ng basta-basta lamang kaya hindi na ako nangahas pang magpumilit na lumayo sa kanilang harapan.Nakangising lumapit si Master Dryzen sa akin. Mga mata niya pinaglalaruan ako. At ng makalapit sa akin kaagad naman siyang nagsalita para kay Sir Venal, ng hindi dito nakatitig dahil nan
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 63

(Secretary Venal POV)Nang makalabas si Miss Dahlia, biglang humalakhak si Master Dryzen. Napayuko ako at lahat ng kasamahan ko sa loob.“Alam mo Venal, sa tingin ko napakahaba ng dalawang linggo na ibinigay sayo. Parang mauubusan ako ng pasensya sa babaing yun. Sa mga naging asawa ko dito sa mundo, siya lang yung binibigyan ako ng kakaibang attitude. Palaban ngunit obvious naman na mahina. Hangang kailan niya tatangihan ang nais kong mangyari?”Hindi maganda ang kanyang sinasabi. Sana naman hindi niya tangkahin na madaliin ang lahat. Ang dalawang linggo ay hindi sapat para sa akin na kumbinsihin si Miss Dahlia na makipag-usap sa akin.“Siguraduhin mo lamang na hindi ako mabagot, at marami akong gagawin sa ibinigay kong bilang ng araw sayo. Tss.” Bahagyang umangat ang paningin ko sa aking tauhan at sinenyasan ang kasama kong assistant na ibigay sa akin ang tablet na hawak nito. Lumapit sa akin at ibinigay nito. Naroroon lahat ang schedule sa buong araw ni Master Dryzen.“Gagawin ko a
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 64

(Dahlia POV)Hindi ko namalayan, nagdaan ang isang linggo na walang tigil sa pangungulit si Sir Venal na tangapin ko ang special na trabaho. Agad naman ako tumatangi. Sa boung linggo naglilinis ako at nangyaring tagapagluto na ni Master Dryzen. Natatakot na nga akong tignan ang laman ng ATM Card ko dahil sinabi naman sa akin ni Sir Venal na may additional fee na binibigay sa akin dahil sa ginagawa ko sa kusina. Natatakot akong tignan ang Card ay dahil baka ibalik ko lang yung pera kung sakaling sobra yun para sa akin. Ngunit alam ko balang araw maipon ko din yung perang hindi binigay ni Kai Carter kay grandma.Hatid sundo din ang ginagawa ni Sir Venal, kahit tumatangi na nga ako at sinusubukan kong takasan siya. Malimit palaging nakaabang ito sa akin. Noong isang araw nga, nakasakay na ako ng taxi, pero pinahinto niya ito at binayaran ang driver para lang siya ang magdrive ng taxi at ihatid ako nito sa amin.Haist. Nakakaloka.Ginagawa ito ni Sir Venal dahil sa utos ng nababaliw na at
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 65

(Yuki POV)“Dahil riyan sa sinabi mo Mr. Owen, alam mo ang gusto ko ang maging best seller na manunulat sa buong mundo. At yun ay buong mundo, Mr. Owen. Ayokong may mas sikat pa sa akin. Dapat na maging top one publisher muna kayo diba? Kaya kung hindi niyo magagawang maging top one publisher sa mundo, aalis na ako sa inyo. Tss. Magpapatayo na lang ako ng sariling publisher. Tsk. Ngunit hindi sa ngayon Mr. Owen, nais ko kayong bigyan ng pagkakataon patunayan na magiging top one kayo. Napakabait ko sa bagay na yan.”Hindi makapagsalita si Mr. Owen.“Saka nais ko munang magsulat kesa nga mag-manage ng mga tauhan. Baka kasi marami pa ako niyan mapatay dahil sa kapalpakan nila, o yung mga nangangahas na kalabanin ako. Hindi exceptional ang kompanya niyo, Mr. Owen.” Ngayon Mr. Owen sabihin mo sa akin kung sino ang baliw? Tsk.Mahangin ang hardin, ngunit bigla siyang pinagpawisan. Sa hindi naman ako nagbibiro sa sinabi ko. si Miss Owen.“Ang brutal diba? Isang masaklap na massacre para sa
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 66

(Yuki POV)Naglakad-lakad ako sa hardin habang ang mga katulong abalang iligpit ang pinatay kong aso. Nang hindi ko talaga maikalma ang aking sarili bumalik ako sa kanilang harapan.“Tawagan niyo ngayon din si Cedrick. Wala akong pakialam kung ano man ang ginagawa niya ngayon, ang nais ko makausap ang aking kapatid.”“Ngunit Miss Yuki, ipinagbilin ng inyong kapatid na kapag ganitong oras, dapat hindi natin sila gimbalain.”“Alam ko. Ngunit ang nirerespeto ko lang ay si Kuya Kai. Narinig niyo naman ang sinabi ko diba? Si Cedrick ang tatawagan niyo. Hindi naman ang kapatid ko.” Napayuko bigla ang butler. Nagdadalawang isip man pero walang magagawa kundi tawagan si Cedrick.Nang sinagot ni Cedrick ang tawag hindi na ako makapaghintay na agawin ang phone sa kamay ng butler.“Cedrick, ako ito. Sino ka upang hindi sagutin ang tawag ng assistant ko?”“Miss Yuki.” Nakilala niya kaagad ako at puno ng pangungutya ang kanyang boses. “Sabihin mo sa akin nasaan si Kuya Kai? Kasama mo ba siya?”“
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 67

(Yuki POV)“Napakatigas din talaga ng ulo mo, Miss Yuki. Priority ng Grand Alpha, yan ang pinagyayabang mo. Ngunit hindi ka nag-aalala na isa ka lang namang normal na tao? Baka nakakalimutan mong sampid ka lang sa pamilyang Carter.” Hindi ko inaasahan na babangitin niya ang mga salitang yun sa harapan ng mga kalahi niya. Biglang napangisi ang mga babaing haliparot.Hinarap ko siya. “Hinahamon kita Cedrick, wag kang duwag na bangitin ang mga salitang yan sa harapan ng kapatid ko!”“Balang araw Miss Yuki magigising din sa katotohanan si Master Kai na ang isang kagaya mong mahina ay walang maitutulong na maganda. Hindi ka ba natatakot?” Walang bakas na takot ang mukha niya, kundi ibinalik ang hamon sa akin.Paano nga ba kung talikuran ako ni Kuya Kai… Anong gagawin ko?“Kung ako sayo yan ang aalalahanin ko. Ngunit kung ngayon nais mong puntahan ang Grand Alpha, yun ay baka nais mong maging buluntaryo na maging pananghalian ng mga taong-lobo. Gutom na gutom na sila. Lahat nang naroroon sa
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 68

(Yuki POV)“Hay naku, mabuti nga nakuha ko pa ito, kahit may damage na. Ang sabi nila napakaganda daw ng nobelang ito.” Narinig ko, at ng lumingon ako sa nagsasalita, palabas na ito sa bookstore, dala-dala ng babae ang isang libro na kagaya ng librong ipinadala ni Mr. Owen sa akin. Yun ang libro na ang may akda ay ako, pero hindi naman ako ang nagsulat.Tss. Talagang bumenta sa publiko.“Ubos kaagad ang stock ng ibang bookstore, kagaya ng dito. Talagang pinag-aagawan.” Huling narinig ko bago nakalabas ang dalawang babae.“Sayang naman, hindi tayo nakaabot.” Muling may dumaan sa akin. “Ang sabi, yang si Miss Yuki, muling gumaling na naman sa pagsusulat. Nakita mo naman ubos kaagad yung stock. Sa laki ng demand, ang mahal ng libro, pero ubos kaagad. Napakaganda ata talaga ng librong yun.”“Ako sis, medyo hindi kumbinsado. Kasi yung latest niyang libro hindi maganda. Kailangan pa bayaran yung mambabasa para basahin yun. Hindi kaya yang librong tinatangkilik ngayon ay binili lang niya sa
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status