Share

Chapter 67

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2023-03-29 14:22:11

(Yuki POV)

“Napakatigas din talaga ng ulo mo, Miss Yuki. Priority ng Grand Alpha, yan ang pinagyayabang mo. Ngunit hindi ka nag-aalala na isa ka lang namang normal na tao? Baka nakakalimutan mong sampid ka lang sa pamilyang Carter.” Hindi ko inaasahan na babangitin niya ang mga salitang yun sa harapan ng mga kalahi niya. Biglang napangisi ang mga babaing haliparot.

Hinarap ko siya. “Hinahamon kita Cedrick, wag kang duwag na bangitin ang mga salitang yan sa harapan ng kapatid ko!”

“Balang araw Miss Yuki magigising din sa katotohanan si Master Kai na ang isang kagaya mong mahina ay walang maitutulong na maganda. Hindi ka ba natatakot?” Walang bakas na takot ang mukha niya, kundi ibinalik ang hamon sa akin.

Paano nga ba kung talikuran ako ni Kuya Kai… Anong gagawin ko?

“Kung ako sayo yan ang aalalahanin ko. Ngunit kung ngayon nais mong puntahan ang Grand Alpha, yun ay baka nais mong maging buluntaryo na maging pananghalian ng mga taong-lobo. Gutom na gutom na sila. Lahat nang naroroon sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 68

    (Yuki POV)“Hay naku, mabuti nga nakuha ko pa ito, kahit may damage na. Ang sabi nila napakaganda daw ng nobelang ito.” Narinig ko, at ng lumingon ako sa nagsasalita, palabas na ito sa bookstore, dala-dala ng babae ang isang libro na kagaya ng librong ipinadala ni Mr. Owen sa akin. Yun ang libro na ang may akda ay ako, pero hindi naman ako ang nagsulat.Tss. Talagang bumenta sa publiko.“Ubos kaagad ang stock ng ibang bookstore, kagaya ng dito. Talagang pinag-aagawan.” Huling narinig ko bago nakalabas ang dalawang babae.“Sayang naman, hindi tayo nakaabot.” Muling may dumaan sa akin. “Ang sabi, yang si Miss Yuki, muling gumaling na naman sa pagsusulat. Nakita mo naman ubos kaagad yung stock. Sa laki ng demand, ang mahal ng libro, pero ubos kaagad. Napakaganda ata talaga ng librong yun.”“Ako sis, medyo hindi kumbinsado. Kasi yung latest niyang libro hindi maganda. Kailangan pa bayaran yung mambabasa para basahin yun. Hindi kaya yang librong tinatangkilik ngayon ay binili lang niya sa

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 69

    (Yuki POV)“Hindi ito maari, pati synopsis… At ang pangalan ng mga karacter sa kwento ay pareho.” Angal niya. Dismayado ang mukha niya.“Bakit hindi mo basahin ang nilalaman? Baka coincidence lang.”Hindi niya ako sinagot kundi kinuha ang gamit niya, at aktong aalis ng bigla kong pinigilan ang braso niya. Napalingon siya sa akin. Ngumisi ako.“Baka nais mo munang mag-usap tayong dalawa.” Saka ko inalis ang salamin, at ngumiti sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Dahlia.“Ikaw si…”“Shhhh.” Mahina kong alo sa kanya. Linapit ko ang aking labi sa kanyang labi at binulong ang pangalan na nais niyang kumpirmahin kung sino ba talaga ako.“Alexandra Steel. Ang paborito mong manunulat, hindi ba?”At saka ko ibinalik ang aking salamin bago pa man may makakilala sa akin.“So, gusto mo bang basahin yan, habang nagkakape tayong dalawa?”(Dahlia POV)Hindi impossibleng sumakit ang binti ko dahil sa maghapon na tinignan ko ang kondisyon ng mga halaman. Sa laki pa naman ng gusali nang kompanya, talagan

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 70

    (Dahlia POV)'“Willing naman si Master Dryzen na matikman ang mga paborito mong pagkain, kaya ipagluto mo na lang siya ng mga paborito mo.”Nakatitig ako sa suitcase ni Sir Venal kung nasaan ang libro.“Yang libro, kailangan kong basahin yan ngayon. Wag mag-alala ako parin ang maghahatid sayo pauwi mamaya.”Nais ko magsalita, kung maaring hiramin ko ang isang kopya ng libro, pero sinarhan na ni Sir Venal ang case, at napangunahan na ako ng hiya.Nang nasa kusina na ako, talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa librong yun. Ang tanong nasaan na nga ba ang manuscript ko?Sa tingin ko kailangan ko tangihan ang kagustuhan ni Master Dryzen na saluhan ko siya sa hapunan. At habangWala pa si Sir Venal, minadali ko ang pagluluto ko. Dalawa sa mga paborito kong putahe.Pasensya na talaga Sir Venal, ang hapunan kasama si Master Dryzen ay hindi ngayon ang aking priority. Talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa libro at hindi matatahimik ang loob ko nito.Hindi na nga ako makak

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 71

    (Dahlia POV)Para makatakas sa kanya… Sa kumulo kaagad ang aking dugo dito…“Andito si Miss Yuki Carter!” Sigaw ko at itinuro ko ang babaing nasa harapan ko. Kaagad ko naman nakuha ang attention ng karamihan, kaya naman kaagad na sinugod siya.Lumayo naman ako, at ang mga mata ni Yuki ay naiinis sa ginawa ko.Tss. Isa siyang magnanakaw kung sakaling tama ang hinala ko.Nakita ko ang biglang pagdagsa ng mga lalaking naka-uniporming itim. Hindi ko makakalimutan ang gabing yun na ang uniporme nila ay katulad sa mga tauhan ni Kai Carter.Tumakbo ako palayo, at napadpad ako sa isang parke. Parke na may malalaking fountain at sinasabayan ng mga makukulay na ilaw.Napabuntong-hininga ako na napaupo… Ipinikit ang mga mata. Sumasakit ang tiyan ko. Senyales na hindi ako natutuwa sa natuklasan ko. Darating ba sa punto na makikipagtalo ako sa paborito kong manunulat? Na isa siyang magnanakaw? Ninakaw niya ang manuscript ko at inilathala sa pangalan niya?Nilakasan ko ang aking loob na kunin ang

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 72

    (Secretary Venal POV)Tahimik na kumain si Master Dryzen, tipong ninanamnam niya bawat subo. Talagang nagugustuhan niya ang niluluto ni Miss Dahlia. Hangang sa hindi ko namalayan, naubos niya ang lahat na nakahandang pagkain. Napapunas ito ng bibig, at napasandal ng likuran sa upuan. Tinitigan ako, na kaagad ko naman ikinayuko.Muli siyang napangisi.Sa totoo lang kinakabahan ako kapag ganito siya.At sa pagbukas ng kanyang bibig, hindi ko inaasahan na nakarating na sa kanya ang isang maselan na impormasyon. “The One Who Own the Deadly Gazed, sa tingin ko nabasa mo na ang laman ng librong yan.”“Master Dryzen…” May gulat sa aking boses, at ang puso ko biglang bumilis ang pagtibok.“Nais kong makilala ng personal ang nagsulat ng librong yan.”Napapikit muna ako, bago ko inangat ang paningin ko sa kanya.“Gumagawa na ako ng paraan Master Dryzen. Kaya lamang kumplikado ang lahat. Ang nagsulat ng libro ay ang kapatid ng Grand Alpha. Hindi ko kaagad maihaharap sa inyo ang nagsulat ng kw

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 73

    (Dahlia POV)“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakamataas na autoridad ay walang kalaban-laban kay Master Kai. Ngayon ko lang napagtanto, wala ka talagang ideya kung sino ang kinakalaban mo.”Ako na ang biglang ngumisi, at hinila ang collar ng damit ni Cedrick since di ako natutuwa sa ginagawa niya.“Oo, alam ko. A

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 74

    (Dahlia POV)“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala nakatago ang kanyang sungay, halimaw na hindi mo aakalain. Isa pala siyang magnanakaw.“Ayan, mauupo ka lang din pala, pinahirapan mo pa ako.” Pangiti niyang sabi at nanatili ang dalawang katulong sa may likuran ko. “Sa t

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 75

    (Dahlia POV)“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang maayos pa akong nakikipag-usap sayo. Ikulong niyo ang babaing yan! Hindi siya bibigyan ng pagkain o inumin sa loob ng tatlong araw!”“Krimen ang gagawin mo.”“Anong paki ko? Sa tingin mo ba may hustisya ang isang kagaya mo sa lipunang ito? Wala. Iku—.” “Aking kapatid, anong problema ni Miss Dahlia sayo?” Sabat ng isang boses na matikas, ngunit pami

    Last Updated : 2023-03-29

Latest chapter

  • Nine Months [Tagalog]   Finale

    (Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 104

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 103

    (Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 102

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 101

    (Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 100

    (Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 99

    (Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 98

    (Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 97

    (Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen

DMCA.com Protection Status