(Dahlia POV)“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang maayos pa akong nakikipag-usap sayo. Ikulong niyo ang babaing yan! Hindi siya bibigyan ng pagkain o inumin sa loob ng tatlong araw!”“Krimen ang gagawin mo.”“Anong paki ko? Sa tingin mo ba may hustisya ang isang kagaya mo sa lipunang ito? Wala. Iku—.” “Aking kapatid, anong problema ni Miss Dahlia sayo?” Sabat ng isang boses na matikas, ngunit pami
(Dahlia POV)“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangihan yung paghatid-sundo niya sa akin. Nakakahiya na kasi at parang dumagdag pa ako sa trabaho niyo. Promise, kaya ko na po ang aking sarili.”“Ipagpapatuloy ko parin Miss Dahlia ang utos ng boss natin sa akin. Ngunit sa ngayon, sakay na at ihahatid kita sa inyo.”Alam ko naman na hindi niya tatangapin ang pagtangi ko, kaya tahimik akong sumakay na lamang at nagpas
(Dahlia POV)Basang-basa na ang aking pisngi ng luha. Sa pagpara ko ng Taxi, at ng maupo ako, parang nais kong lumipad kaagad ito sa bahay.At ng malapit na kami, dinig ko nga ang malakas na sirena ng bombero. Nang maging malinaw na sa paningin ko ang nangyayari, malakas ang apoy. Nahihirapan ang bombero na maapula ito. Nilalamon na nito ang kabuhuan ng bahay namin.Sobra akong nanghihina, upang mapaupo na lamang ako sa tabi. Tahimik na napaluha. May nais makipag-usap sa akin, pero nanatili akong tahimik.Hangang sa naapula na nga ang apoy. Ano pa ba ang matitira sa bahay namin kung yari ito sa kahoy? Labis na nadudurog ang puso ko sa aking nakikita.“Kamuntikan na din maabot ang bahay namin sa sunog na yun Dahlia. Hay naku. Mabuti at wala kayo riyan ng grandma mo. Ngunit balita ko, sumabog na oven ang dahilan kung bakit nagkasunog sa inyo. Nakaligtaan mo ba na bulag ang Grandma mo at hayaan siyang maiwan mag-isa. Tsk. Kawawa namang matanda.” Galit na sinabi ng ale sa akin. Dahil nga
(Dahlia POV)Nang maimulat ko ang aking mga mata, may naririnig akong boses, at yun si Sir Venal. Luminga ako sa paligid at nasa isang silid ako. Hangang sa nakuha ng attention ko ang lalaking nakatayo sa may Veranda, at may kinakausap sa kabilang linya si Sir Venal.Maliwanag na sa labas, ibig sabihin umaga na.Napalingon sa akin si Sir Venal, at bago pa man ako makabangon sa higaan, kaagad siyang pumasok at nilapitan ako.“Miss Dahlia, magpahinga na muna kayo.” Pigil niya sa akin.“Anong nangyari?”“Nawalan kayo ng malay. Over fatigue kaya kailangan niyo na munang magpahinga.”“Si Grandma?”“Sa ngayon kailangan ko ng opinion niyo, kung hahayaan niyo na maidala ang iyong abuela sa mas maayos na hospital.”“Hindi parin siya nagkakamalay?” Malayong sagot ko sa sinabi niya.Napabuntong-hininga si Sir Venal. Napa-iling, ibig sabihin hindi pa nagigising si Grandma.“Kailangan ko puntahan si Grandma.” Susubukan ko sanang bumangon ulit ngunit pinigilan ako ni Sir Venal.“Hayaan niyo na mana
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)Nang magising ako, may nalaglag na kumot sa aking balikat. Napatitig pa nga ako. Kinuha ko ang kumot, at nais kong tanungin kung sino ang naglagay noon sa akin, pero di ko na ata kailangan magdalawang-isip. Natitiyak kong si Sir Venal ang may gawa noon.Bumukas ang pinto, at nakangiting lumapit ang dalawang assistant na may dalang paperbag.“Miss Dahlia, hetong mga damit ang nahanap namin para makapagpalit kayo. Baka kasi magkasakit kayo kapag hindi pa kayo nakapagpalit ng damit.”“Ah, nag-abala pa kayo. Ako na ang bahalang—.”“Tangapin mo na yan Dahlia.” Sabat ng pumasok, at si Madam Lilith. Kaagad akong napayuko dito. “Magpapalit ka ng damit o gusto mong magkasakit. Anong pipiliin mo? Asa ka namang may damit ka pa sa bahay ninyong nasunog. Magpalit ka na ng damit.”Wala akong nagawa kundi tangapin ang ilang paperbag na ang halos laman mga damit nga. “Maari ko bang tangapin yung pamalit ko lang ngayon?”“Aba, ang arte. Lahat yan branded, at wag kang mag-alala hindi ka na
(Secretary Venal POV)Napatango ako sa kanya at tinagap ang pasasalamat nito. Ngunit may mas higit pa siyang kailangan pasalamatan bukod sa akin.“Bukas, kailangan ko na po atang mag-report sa kompanya.” Dagdag niya. “Kailangan ko bumawi.”“Sa tingin ko nga Miss Dahlia. I assure you na magiging maayos lang dito ang iyong Grandma.”Napatango siya. At ako sang-ayon sa sinabi niya, dahil kapag nasa kompanya siya, malayong makasalamuha niya ang mga taong-lobo. Bagay na ayaw na ayaw ni Master Dryzen.“Dahil masyado na akong nahihiya Sir Venal, ngunit kailangan ko ito gawin… Maari po ba akong mag-advance? Alam ko po malaki na ang utang ko sa inyo, ngunit hayaan niyo babayaran ko po kayo. Susuklian ko rin ng maayos na serbisyo ang kabutihan ninyo Sir Venal.”Advance? Pera ang kailangan niya. Para saan?Ngunit hindi ba niya alam na walang limit ang hawak niyang Card?“Walang problema Miss Dahlia. Gamitin niyo lang ang Card na binigay ko sa inyo. Maaring bilhin niyo ang kahit anong ibigin ni
(Dahlia POV)Lumabas na ako ng silid ni Grandma. Sinalubong naman ako ng dalawang assistant.“Miss Dahlia?” Parang gusto nilang malaman kung saan ako pupunta. Ngumiti ako sa kanila.“Nais kumain ni Grandma, at itatanong ko sa doktor kung ano ang maari niyang kainin. Ako na ang bahala, wag na kayong mag-abala. Alam kong kailangan din ninyo magpahinga.”Nagkatinginan ang dalawang assistant.“Kung bibili man ako ng pagkain, natitiyak kong malapit lang dito sa hospital.”“Magpapahanda kami ng sasakyan Miss Dahlia.”“Ah wag na. Siguradong may malapit na mabibilhan ng pagkain dito.”“Sa tingin ko maaring mag-order na lang kayo Miss Dahlia. Free hassle at mas mabilis pa.”“May punto kayo. Ngunit hayaan niyo na pagsilbihan ko ng personal si Grandma.”“Kung yun ang nais niyo Miss Dahlia.” Napatango silang dalawa.“Kayo na muna ang bahala kay Grandma. Muli na naman siya nakatulog.”Nahanap ko ang aking sarili papunta sa information desk. Hindi ko kasi alam kung saan hahanapin ang mga doktor ni
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen