(Yuki POV)“Dahil riyan sa sinabi mo Mr. Owen, alam mo ang gusto ko ang maging best seller na manunulat sa buong mundo. At yun ay buong mundo, Mr. Owen. Ayokong may mas sikat pa sa akin. Dapat na maging top one publisher muna kayo diba? Kaya kung hindi niyo magagawang maging top one publisher sa mundo, aalis na ako sa inyo. Tss. Magpapatayo na lang ako ng sariling publisher. Tsk. Ngunit hindi sa ngayon Mr. Owen, nais ko kayong bigyan ng pagkakataon patunayan na magiging top one kayo. Napakabait ko sa bagay na yan.”Hindi makapagsalita si Mr. Owen.“Saka nais ko munang magsulat kesa nga mag-manage ng mga tauhan. Baka kasi marami pa ako niyan mapatay dahil sa kapalpakan nila, o yung mga nangangahas na kalabanin ako. Hindi exceptional ang kompanya niyo, Mr. Owen.” Ngayon Mr. Owen sabihin mo sa akin kung sino ang baliw? Tsk.Mahangin ang hardin, ngunit bigla siyang pinagpawisan. Sa hindi naman ako nagbibiro sa sinabi ko. si Miss Owen.“Ang brutal diba? Isang masaklap na massacre para sa
(Yuki POV)Naglakad-lakad ako sa hardin habang ang mga katulong abalang iligpit ang pinatay kong aso. Nang hindi ko talaga maikalma ang aking sarili bumalik ako sa kanilang harapan.“Tawagan niyo ngayon din si Cedrick. Wala akong pakialam kung ano man ang ginagawa niya ngayon, ang nais ko makausap ang aking kapatid.”“Ngunit Miss Yuki, ipinagbilin ng inyong kapatid na kapag ganitong oras, dapat hindi natin sila gimbalain.”“Alam ko. Ngunit ang nirerespeto ko lang ay si Kuya Kai. Narinig niyo naman ang sinabi ko diba? Si Cedrick ang tatawagan niyo. Hindi naman ang kapatid ko.” Napayuko bigla ang butler. Nagdadalawang isip man pero walang magagawa kundi tawagan si Cedrick.Nang sinagot ni Cedrick ang tawag hindi na ako makapaghintay na agawin ang phone sa kamay ng butler.“Cedrick, ako ito. Sino ka upang hindi sagutin ang tawag ng assistant ko?”“Miss Yuki.” Nakilala niya kaagad ako at puno ng pangungutya ang kanyang boses. “Sabihin mo sa akin nasaan si Kuya Kai? Kasama mo ba siya?”“
(Yuki POV)“Napakatigas din talaga ng ulo mo, Miss Yuki. Priority ng Grand Alpha, yan ang pinagyayabang mo. Ngunit hindi ka nag-aalala na isa ka lang namang normal na tao? Baka nakakalimutan mong sampid ka lang sa pamilyang Carter.” Hindi ko inaasahan na babangitin niya ang mga salitang yun sa harapan ng mga kalahi niya. Biglang napangisi ang mga babaing haliparot.Hinarap ko siya. “Hinahamon kita Cedrick, wag kang duwag na bangitin ang mga salitang yan sa harapan ng kapatid ko!”“Balang araw Miss Yuki magigising din sa katotohanan si Master Kai na ang isang kagaya mong mahina ay walang maitutulong na maganda. Hindi ka ba natatakot?” Walang bakas na takot ang mukha niya, kundi ibinalik ang hamon sa akin.Paano nga ba kung talikuran ako ni Kuya Kai… Anong gagawin ko?“Kung ako sayo yan ang aalalahanin ko. Ngunit kung ngayon nais mong puntahan ang Grand Alpha, yun ay baka nais mong maging buluntaryo na maging pananghalian ng mga taong-lobo. Gutom na gutom na sila. Lahat nang naroroon sa
(Yuki POV)“Hay naku, mabuti nga nakuha ko pa ito, kahit may damage na. Ang sabi nila napakaganda daw ng nobelang ito.” Narinig ko, at ng lumingon ako sa nagsasalita, palabas na ito sa bookstore, dala-dala ng babae ang isang libro na kagaya ng librong ipinadala ni Mr. Owen sa akin. Yun ang libro na ang may akda ay ako, pero hindi naman ako ang nagsulat.Tss. Talagang bumenta sa publiko.“Ubos kaagad ang stock ng ibang bookstore, kagaya ng dito. Talagang pinag-aagawan.” Huling narinig ko bago nakalabas ang dalawang babae.“Sayang naman, hindi tayo nakaabot.” Muling may dumaan sa akin. “Ang sabi, yang si Miss Yuki, muling gumaling na naman sa pagsusulat. Nakita mo naman ubos kaagad yung stock. Sa laki ng demand, ang mahal ng libro, pero ubos kaagad. Napakaganda ata talaga ng librong yun.”“Ako sis, medyo hindi kumbinsado. Kasi yung latest niyang libro hindi maganda. Kailangan pa bayaran yung mambabasa para basahin yun. Hindi kaya yang librong tinatangkilik ngayon ay binili lang niya sa
(Yuki POV)“Hindi ito maari, pati synopsis… At ang pangalan ng mga karacter sa kwento ay pareho.” Angal niya. Dismayado ang mukha niya.“Bakit hindi mo basahin ang nilalaman? Baka coincidence lang.”Hindi niya ako sinagot kundi kinuha ang gamit niya, at aktong aalis ng bigla kong pinigilan ang braso niya. Napalingon siya sa akin. Ngumisi ako.“Baka nais mo munang mag-usap tayong dalawa.” Saka ko inalis ang salamin, at ngumiti sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Dahlia.“Ikaw si…”“Shhhh.” Mahina kong alo sa kanya. Linapit ko ang aking labi sa kanyang labi at binulong ang pangalan na nais niyang kumpirmahin kung sino ba talaga ako.“Alexandra Steel. Ang paborito mong manunulat, hindi ba?”At saka ko ibinalik ang aking salamin bago pa man may makakilala sa akin.“So, gusto mo bang basahin yan, habang nagkakape tayong dalawa?”(Dahlia POV)Hindi impossibleng sumakit ang binti ko dahil sa maghapon na tinignan ko ang kondisyon ng mga halaman. Sa laki pa naman ng gusali nang kompanya, talagan
(Dahlia POV)'“Willing naman si Master Dryzen na matikman ang mga paborito mong pagkain, kaya ipagluto mo na lang siya ng mga paborito mo.”Nakatitig ako sa suitcase ni Sir Venal kung nasaan ang libro.“Yang libro, kailangan kong basahin yan ngayon. Wag mag-alala ako parin ang maghahatid sayo pauwi mamaya.”Nais ko magsalita, kung maaring hiramin ko ang isang kopya ng libro, pero sinarhan na ni Sir Venal ang case, at napangunahan na ako ng hiya.Nang nasa kusina na ako, talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa librong yun. Ang tanong nasaan na nga ba ang manuscript ko?Sa tingin ko kailangan ko tangihan ang kagustuhan ni Master Dryzen na saluhan ko siya sa hapunan. At habangWala pa si Sir Venal, minadali ko ang pagluluto ko. Dalawa sa mga paborito kong putahe.Pasensya na talaga Sir Venal, ang hapunan kasama si Master Dryzen ay hindi ngayon ang aking priority. Talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa libro at hindi matatahimik ang loob ko nito.Hindi na nga ako makak
(Dahlia POV)Para makatakas sa kanya… Sa kumulo kaagad ang aking dugo dito…“Andito si Miss Yuki Carter!” Sigaw ko at itinuro ko ang babaing nasa harapan ko. Kaagad ko naman nakuha ang attention ng karamihan, kaya naman kaagad na sinugod siya.Lumayo naman ako, at ang mga mata ni Yuki ay naiinis sa ginawa ko.Tss. Isa siyang magnanakaw kung sakaling tama ang hinala ko.Nakita ko ang biglang pagdagsa ng mga lalaking naka-uniporming itim. Hindi ko makakalimutan ang gabing yun na ang uniporme nila ay katulad sa mga tauhan ni Kai Carter.Tumakbo ako palayo, at napadpad ako sa isang parke. Parke na may malalaking fountain at sinasabayan ng mga makukulay na ilaw.Napabuntong-hininga ako na napaupo… Ipinikit ang mga mata. Sumasakit ang tiyan ko. Senyales na hindi ako natutuwa sa natuklasan ko. Darating ba sa punto na makikipagtalo ako sa paborito kong manunulat? Na isa siyang magnanakaw? Ninakaw niya ang manuscript ko at inilathala sa pangalan niya?Nilakasan ko ang aking loob na kunin ang
(Secretary Venal POV)Tahimik na kumain si Master Dryzen, tipong ninanamnam niya bawat subo. Talagang nagugustuhan niya ang niluluto ni Miss Dahlia. Hangang sa hindi ko namalayan, naubos niya ang lahat na nakahandang pagkain. Napapunas ito ng bibig, at napasandal ng likuran sa upuan. Tinitigan ako, na kaagad ko naman ikinayuko.Muli siyang napangisi.Sa totoo lang kinakabahan ako kapag ganito siya.At sa pagbukas ng kanyang bibig, hindi ko inaasahan na nakarating na sa kanya ang isang maselan na impormasyon. “The One Who Own the Deadly Gazed, sa tingin ko nabasa mo na ang laman ng librong yan.”“Master Dryzen…” May gulat sa aking boses, at ang puso ko biglang bumilis ang pagtibok.“Nais kong makilala ng personal ang nagsulat ng librong yan.”Napapikit muna ako, bago ko inangat ang paningin ko sa kanya.“Gumagawa na ako ng paraan Master Dryzen. Kaya lamang kumplikado ang lahat. Ang nagsulat ng libro ay ang kapatid ng Grand Alpha. Hindi ko kaagad maihaharap sa inyo ang nagsulat ng kw
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen