Home / All / Nine Months [Tagalog] / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Nine Months [Tagalog]: Chapter 41 - Chapter 50

107 Chapters

Chapter 40 Unregister Number

(Dahlia POV)Biglang napakamot si Grandma. “Ah, oo nga pala bulag ako. Mauupo na lang ako sa labas. Presko pa ang hangin kesa sa loob ng bahay, na di ko man lang alam kung kanino bang amoy ang naamoy ko.” At tuluyan na nga siyang nakalabas. Napa-iling na lamang ako.Sinubukan kong tawagan si Karen par ikumpirma ang nangyari, ngunit out of coverage siya. Di ko ito makontact. Sinubukan ko din si Auntie Esmeralda, di rin matawagan. At nagmadali akong umakyat sa silid ko para nga kunin yung contact number ng hospital kung nasaan si Carlo. Isa din na di matawagan. Busy yung linya. Kinuha ko yung jacket ko at hinubad ang damit na di naman taga-rito sa bahay. Isinubsub ko sa isang paperbag, at nagbihis para umalis. Sa di ko kasi maintindihan kung bakit nangyayari to. At isa lang ang alam kong may kagagawan nito. Si Kai. Paglabas ko dala ang paperbag, nagulat ako kasi… nandidilig si Grandma.&
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter 41 Prepare everything

 (Venal POV) Pinuntahan ko si Kevin upang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa pa ng matanda sa pamamahay nito. Di niya alam ang isasagot sa akin, nang dumating ang report, tinakasan sila ng matanda.“At paano nangyari?” Napa-iling si Kevin. Di niya alam at di ko rin ma-isip kung paano nakatakas ang matanda sa sasakyan sa kabila nang impossibleng makatakas ang kahit sino man. Kahit taong lobo walang nagagagawa sa ganoong klaseng sasakyan.Yung matanda lang ang nakatakas, habang yung mga kapamilya niya, mahimbing pa nga ang tulog. Sinabi nila sa akin na handa ngang tangapin ng pamilya ni Miss Dahlia ang alok, ngunit ang matanda tumangi. Hangang sa nagtanong yung dalagita, kung paraan saan daw upang gawin namin yun. Nang di kaagad ang mga tauhan ko makasagot, naghinala na sila. Magkakaroon sana ng kaguluhan, ng agad pinatulog ang mga ito. Kaya ang nangyari, talagang sapilitan ang lahat. 
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Chapter 42 For Interview

 (Dahlia POV) “Is this Miss Dahlia Amelia Ofemia I am talking to?” “Yes?” “Good Morning, Miss Dahlia, we would like to congratulate you for passing the first phase of application here in Storm Corporation.” “Storm Corporation?” At umangat ang aking paningin sa napakataas na gusali. Kahit malayo ito sa kinakatayuan ko, kitang-kita parin ito. “Yes, you heard it clearly Ma’am. And we would like to interview you today’s afternoon, 2PM.” Saka naalala ko ang sinabi ni Karen na ipinasa niya yung resume ko sa isang malaking kompanya, at walang iba kundi ang Storm Corporation. Napatitig din ako sa card na hawak ko. At pakiramdam ko noong tinagap ko ito, parang ibenenta ko ang kalayaan na i-reklamo ang mga kagagawan nila sa amin.Kailangan ko ng pera para sa pang-araw-araw namin, ib
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Chapter 43 See You Later

(Dahlia POV)Pag-akyat ko sa bus, puno na. Yun lang. Kaya nakatayo ako at kumapit na lang sa hawakan, habang yakap ko yung folder na naroroon yung ilang mahahalagang dukomento tungkol sa akin. Kapag may nakikita akong lalaki na kung makatitig sa akin mula paa hangang ulo, sinasadya kong isalubong sa kanya ang mga titig ko, kaya naman napapatitig sa malayo. Bwisit lang dahil kalalaking tao, naka-upo, habang yung matandang babae nakatayo sa tapat niya. Nagiging gentleman lang ba ang mga lalaki sa mga magaganda at bata pang babae? Mga sira ulo. Kaya sa inis ko, inapakan ko ang isang paa ng lalaki. Ako na ang amasona. Medyo nagulat siya. “Tayo.” Nang makita niya mukha ko. Ngumiti ako dito.  “I-ikaw ba ang uupo Miss?” Nanatili lang akong nakangiti. Parang mala-anghel ang ngiti ko kapag sapilitan lang at may binabalak. Kala mo naman kung sinong inosente. Tumayo ang lalaki at willing talaga ibiga
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Chapter 44 Mr. Venal

(Dahlia POV)Talagang malawak ang bakuran nila, at hindi lang yun, napakaganda, malinis at halos makita mo kulay berde. Nature lover ata ang may-ari ng kompanya. Medyo kinakabahan na ako lalo na ng binuksan na ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Di ko na nagawang i-angat ang paningin ko sa kalangitan dahil sumunod na ako sa dalawang babae na yung isa nagsilbing driver nito. Pagpasok ko, ang laki ng bulwagan at may distansya din ang reception desk na napakahaba. Ngunit marami din namang mga receptionist. Sobrang presko sa loob, dahil nga di biro ang pagka-istraktura ng gusali. Sa gitna ng bulwagan, naroroon ang isang dragon na gawa sa isang parang diamante. Ang mga mata nitong hinulma, feeling ko matagal ko na itong nakita… Hindi ko lang maalala kung kailan at saan. “Miss… We don’t have time.” Dahil bigla akong natigilan. Saka since nga pinasundo na lang ako, kailangan ko sumunod kaagad sa kanila.
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Chapter Risked: Taming The Dangerous CEO

Taming the Dangerous CEOBy Death Wish Y.O.U. M.I.G.H.T L.I.K.E ((( Julius POV’s )))Nagising ako. Dahil ramdam ko napakalamig pero umiinit ako. Di ko maintindihan ang sarili ko. Nakaswitch-off ang ilaw. Tss.Naka-roba ako. Tsk. Di talaga ako mapakali sa nararamdaman ko. Anong klaseng alak ba yun? Tss.Inis kong kinapa ang lamp-shade ng bigla akong mahulog. Tss...Nasindihan ko ang lampshade ngunit ng mahiga na ulit ako. Natigilan ako, may babae sa kama ko! Gumalaw at napaharap sa akin. Tulog siya. Sa mukha ng babaeng yun, naalala ko si Janine.Napatitig ako ng husto. Na lalong nagpainit sa katawan ko.Di ko namalayan. Titig na titig ako sa labi nito. Hangang sa di ko napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko siya at hinalikan.Na tuluyang di ko na talaga nakontrol ang sarili ko. Tumugon ang babaeng yun. Kaya
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 45 The invitation of Signing the Contract

(Dahlia POV)“Dahlia Amelia Ofemia po.” Saka ngumiti na din ako sa kanya. At agad naman niya binitiwan ang kamay ko.“Have a seat.” Naupo ako ulit. Ngunit di ko talaga mapigilang manlamig. Sana naman hindi manginig ang boses ko kapag tinanong na niya ako. I mean… kailangan niya ipaliwanag kung bakit ako naririto at di ganitong klaseng interview ang aking inaasahan. Mag-isa lang ako? Saka familiar siya sa akin.“Nakikilala mo pa ba ako?” Ngumiti ako sa kanya. Napatango.“Ikaw yung Mamang tumulong sa amin.”“At kailangan kita maka-usap sa oras na yun.”“Kaya ba andito ako? Hindi ba trabaho ang pinunta ko dito, kundi kausapin ka?”“Hindi.” Nanatiling nakadikit sa labi niya ang kanyang ngiti. “Uhmmm. Sabihin na nating kung gugustuhin mo makukuha mo talaga ang trabaho Miss Dahlia.”“Dahlia. Alisin mo na ang M
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more

Chapter 46 Top Priority Applicant

(Venal POV) Dahil di nga kasama si Miss Dahlia ngayong umaga para ma-interview, marami ang agad na pinakaladkad palabas ni Master Dryzen kahit nga sinala na ito ng naunang interviewer panel. may mga nakapasok, ngunit mas pinili niyang ilagay sa mababang posisyon kahit napaka-overqualified nga ng credential ng applikante. Di pa nga natatapos, bigla na lang tumayo si Master Dryzen, at sumunod kaagad ako sa kanya ng lumabas ito. Kaya naiwan na naman si Lilith para nga ipasok ang mga ayon sa panglasa niya. Bago ako umalis, mga mata ni Lilith nanunuya, sinasabing sinayang ko lang ang oras ni Master Dryzen sa walang kwentang mga applikante na sa totoo naman talaga, mas marami ang pinakaladkad na applikante niya kesa sa akin. “I want to start the board meeting right now, Venal.” Utos niya na alam kong wala akong magagawa sa kagustuhan niya. “I will prepare everything Master Dryzen.&rdquo
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more

Chapter 47 Who is Yuki

(Yuki POV)My brother Kai, never disappoint me. Kahit anong gustuhin ko, gagawin niya ang lahat para makuha at ibigay sa akin. Kagaya na lang nitong café. Aksidente lang naman kasi kaming napadaan dito ni Kuya at uhaw ako noong mga araw na yun. Pumasok kami, at di ko inaasahan na magugusutuhan ko ang iseserve nilang Milktea. Hindi ko ito inaasahan sa isang pangkaraniwang café, habang sa mga malalaking restaurant kapag di namin nagustuhan, agad gagawa ng paraan si Kuya Kai para ipasara ang tindahan.Di ko sana pag-iinitan ang tindahang ‘to kung may nasusulat pa nga akong maayos. Kahit saan-saan ako pumupunta para lang mapukaw ulit ang imahinasyon ko, wala parin. At dahil isang hapon sa pagdalaw ni Editor Owen sa bahay namin, umuwi si Kuya na may dalang inumin. At naalala ko nga ang lugar na ito. Nagbabakasakali na mahanap ko ulit ang aking sarili sa pagsusulat. Bakit ng ba kinahiligan ko ang magsulat? Sisihin niy
last updateLast Updated : 2021-11-16
Read more

Chapter 48 Who is Yuki? (2)

(Yuki POV)Ngunit dahil sa ginawa ko, biglang nawalan ako ng masisilungan. Naging masama ang paningin sa akin ng lipunan. May bahay-ampunan na tumangap sa akin. Pilit nilang ikinukubli ang krimen na ginawa ko, ngunit may mga labi akong naririnig na patuloy parin ako kinukundena sa aking ginawa. Pero dahil nga sa ginawa ko, nagustuhan ko bigla ang binigay na prihibeliyo sa akin. Walang batang gustong makipaglaro sa akin, kaya muli ko na naman natagpuan ang aking sarili, mag-isa at nagsusulat ng kwentong magpapalaya ng kalooban ko.Sa tuwina kasi di ko rin mapigilang sabihin sa sarili ko na isa akong mamatay tao. Pinatay ko ang sarili kong ama. Ang mga sinusulat ko, walang sino man ang nakakapagbasa noon dahil itinatago ko ng husto. Di ko gustong mabasa nila ang aking likha. Nang isang araw may dalawang bata akong naabutan na binabasa nila ang sinusulat ko. Kagagaling ko lang sa kusina para hugasan ang pinagkainan namin at yun ang tu
last updateLast Updated : 2021-11-16
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status