Tirik na ang araw.Kahit pa excited na kami makauwi, nakahanap kami ng pagkakataon na makatulog pang muli. Ngunit dahil na rin marahil sa ngawit ng pagkakahigang siksikan sa kama, hindi na kami naging kumportable sa matagal na pagkakahiga.Paglabas ko ng silid ay nasipat ko na mula sa bintana si Kuya Bobby na nililinis ang kanyang van. Dumungaw ako at tinawag ang kanyang atensyon."Good morning, Kuya... nagkape ka na po?," napalingon siya sa pagsigaw kong iyon."Naku, hindi pa...," agad niyang tugon."Sige, Kuya... ipagtimpla ko kayo...","Salamat, Hardy...," huli niyang banggit bago ako lumoob muli patungo sa kusina ng bahay.Nadatnan ko si Brix na naghihilamos sa palikuran sa labas ng bahay. Hinayaan ko siya at dumirekta akong kumuha ng baso at thermos. Apat na baso na ang aking sabay-sabay na tinimplahan. Idinawit ko na ang lahat ng kasama ko sa kwarto.Sa gitna ng aking pagtitimpla, lumitaw si Pete mula sa aking likod."Anong
Read more