Home / Paranormal / BAGAC / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng BAGAC: Kabanata 81 - Kabanata 90

108 Kabanata

Chapter 80

Sa ilang shortcuts lang, mula simbahan, narating na nila ang sementeryo. Isa itong pampubliko at ordinaryong sementeryo na ang ayos ng mga puntod ay istilong apartment. Pagpasok nila mula sa gate nito, gumimbal sa kanila sa bandang kaliwa ang ilang sako ng mga buto ng tao na inaayos ng sepulturero. Ito iyong mga bangkay na inaalis sa kani-kanilang puntod pagkatapos ng limang taong kontrata. Marahil hindi nabayaran ng mga kaanak ng mga bangkay na ito ang extension ng upa sa puntod kaya pinagsasama-sama nila at ibabaon sa iisang hukay. Marami ang ganitong kalakarang kasunduan sa mga ordinaryong palibingan mula noon, lalo sa mga limitado lamang ang budget. Pinakaapektadong nanghilakbot na makakita ng mga buto ng patay na tao ang mag-inang c Mommy Divina at Chyna. Hangga't maari ay gusto nila na sila ang napapaligiran ng mga kasama kaysa nahuhuli o nasa bandang nakabungad sa paglakad. Kung sa mga tulad nila na sanay sa mga sementeryong ala
Magbasa pa

Chapter 81

Sa pagkakataong iyon, walang sinuman ang nanaising makita ang mga namamalas ng mga mata ni Emong. Ang bawat nitso na nakapaloob sa mga apartment ay nagmukhang piitan at ang mga nagdudukwangang mga kamay ay tila pilit inaabot si Emong upang hingian ng tulong. Sa mga ganitong sitwasyon din ang pinangingilagan ni Pete. Ayaw niya sa mga lugar na pinamamahayan ng maraming kaluluwa sapagkat alam niyang hindi matatahimik ang mga ito kapag alam nilang mayroong nakakakita at nakakarinig sa kanila. Ang ingay na ginagawa ng mga ito ay parang mga alulong sa kulob na kabahayan. Nakakatorete at nanunuot sa pinakaloob ng pandinig na parang bumabasag sa kanyang eardrum. Dahil sa baguhan pa lang nadiskubre ni Emong ang kanyang kakayahan makipagtalastasan sa mga ganitong di matahimik na mga nilalang, hindi niya inaasahan ang ganitong eksena sa sementeryo kaya kumaripas siya ng takbo palabas ng naturang pook. Labis na ikinagulat ng mga kababaihang kasama niya ang pagkar
Magbasa pa

Chapter 82

"Hello, 'Tay? Nasaan na po kayo?," bati ni Marissa sa kanyang ama mula sa kumunektang tawag. "O, 'Nak... nandito na ako sa bahay ni Pareng Lindo. Tumulong na ako mag-ayos para pagdating ng bangkay ni Kumpare eh maluwag na dito...," tugon ni Mang Salde mula sa kabilang linya. "Sige po 'Tay, tutuloy na lang po kami diyan...," pagsunod ni Marissa sa plano nilang makilamay rito. "Oo, mabuti pa nga at baka kailanganin ka rin ng Ninang mo dito na taga-asikaso sa kusina...," pagsang-ayon ng matanda. "Sige po,'Tay...," walang pagtutol na winika ng dalaga. "Ahhhh Isang!...," pabiglang tinig ni Mang Salde nang tila pag-awat nito na ibaba ng anak ang tawag. "Bakit po, 'Tay?," muli niyang pagdikit ng telepono sa kanyang tainga nang maulinigan ang ama. "Pakidalhan mo na rin ako ng mga pamalit na baro at panloob ha... dito na lang ako sa kapit-bahay makikiligo...,' pahabol na bilin nito. "Ah yun lang pala, 'Tay eh... sige po..," nang
Magbasa pa

Chapter 83

"Ang buong akala ko, tubong Bagac talaga si Mang Lindo...," pagtataka ni Ian. "Si Manang Helen ang tubong Bagac. Dito sila nagkakilala. Dito kasi nakabili ng lupang matitirhan ang magulang ni Manong kaya kahit noon nakakapunta na siya rito. Nananatili na lang sila dito sa Bagac nang lumala na ang sitwasyon sa Rizal...," paglalahad pa rin ni Rodrigo na ngayo'y nakaupo na sa patalikod na posisyon ng bangko. Nakasaklay ang kanyang braso sa pinakasandalan ng monoblock. "Paano po ba'ng naging mainit si Mang Lindo sa mga engkanto?," panghihingi pa ng detalye ni Pete sa lalake. "Si Manong kasi ang nagmana sa kakayahan ng ama niya sa pakikipagtagisan sa mga engkanto. Nang mapatay ng mga engkanto ang Tatay niya, si Manong Lindo ang nagpatuloy sa gawain niya. Siguro para makaganti na rin para sa ginawa sa ama niya pero hindi akalain na madadamay pati ang pamilya niya. Noong hindi na niya makaya ang mga engkanto sa Rizal, doon na sila nagdesisyon ni Manang Helen na magb
Magbasa pa

Chapter 84

Halos mugto ang aming mga mata nang makarating kami sa bahay ni Marissa. Lubhang mabigat ang aming mga naging paghakbang dala ng panghihinayang sa buhay ng isang mabuting tao. Subalit malaking bagay ang ipinarinig sa aming tinig ni Mang Lindo na nagtuldok sa kung ano ba ang dapat naming sunod na gawin.Ngayon, wala na kaming dapat pang ibang ipangamba. Bukas, maaari na kaming umuwi pabalik sa aming mga pamilya.Tahimik kaming nakakalat sa kanya kanyang puwesto sa sala nang ilang minuto pa lamang ay tumunog at makatanggap muli ng tawag si Marissa."Nakauwi na ba kayo, Isang?," bungad ni Mang Salde sa kanyang tawag."Opo, 'Tay... Kamusta na po si Ninang?," pag-usyoso nito sa lagay ni Aling Helen."Tahimik na lang siya pero umiiyak pa rin. Pakisabi na lang sa mga kaibigan mo na pasensiya na kamo at alam n'yo naman, mabigat lang talaga isipin ni Mareng Helen dahil mag-isa na lang siya ngayon...," paghingi ng paumanhin ng ama nito.'Tay, i-loud s
Magbasa pa

Chapter 85

Lumabas na lamang si Tito Ato dahil sa pang-aabala na nagawa ng umiilaw na medalyon. "Ano'ng nangyari?," pagsunod sa kanya ni Tatay Bong sa bungad ng bahay. "Hindi ko nga malaman eh. Noong iabot sa akin ito ng nagpamana, yun lang ang unang sandali na nakita kong kuminang ng ganito kaliwanag ang medalyon na 'to.... ngayon lang naulit makalipas ang ilang taon," litong pagpapaliwanag ng aking tiyuhin. "Ano kaya ang ibig sabihin niyan? May panganib o swerte?...," kumukulit na tanong sa isip ng Tatay ko. "Hindi ko rin alam, Kuya... pero kailangan natin maging alerto. Baka babala ito sa mas matindi pang mangyayari...," pagkawalang kasiguraduhan ni Tito Ato habang patuloy na sinisiyasat ang harap at likod ng medalyong suot. "Hangga't hindi pa nakakauwi sila Hardy, hindi ako mapapalagay sa kaligtasan nating lahat. Masyadong malakas itong nagambala nilang elemento at marami na nadadamay...," pangambang hain ng aking ama. "Tatay Bong?," pagdunga
Magbasa pa

Chapter 86

Nagkaroon ng maayos na tulog ang lahat. Katabing natulog ni Nanay Belsa si Jing-Jing at Eloisa. Sa kabilang kwarto naman ay sila Emong at Chadie habang si Tatay Bong ang nasa isang folding bed sa sala. Kina Kat naman natulog sina Mommy Divina at Chyna habang nasa kanya-kanyang bahay nagsi-pahinga ang iba. Hindi naman kasi maituturing na magkakalayo ang bahay naming magkakamag-anak dahil ilang agwat lamang ang pagitan. Kung tatayo ka nga sa bubong ng bawat tahanan namin, magkikita agad, maliban sa bahay ni Tito Ato na nasa kabilang barrio. Waring maganda ang gising ni Tatay Bong ng umagang ito. Kahit na tulog pa ang mga kasama niya sa bahay nang umagang iyon, marami na siyang naasikaso. Nakapaghanda na nga siya noon ng almusal na hindi nakakagawa ng ingay para magambala ang mga naghihilik pa. Nakakatuwa kung iisipin. Excited siya ngayon. At isa lang ang dahilan. Alam niyang ito ang araw ng pag-uwi ko mula sa Bagac. At masaya siya na makakauwi k
Magbasa pa

Chapter 87

"Hardy... Hardy... bangon!," mga salitang paulit-ulit na umalingangaw sa aking pandinig habang para sa akin ay madilim pa ang paligid.Napakahirap dumilat. May kung anong sumugat sa aking uluhan. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko na para bang dinaig ang pagkabugbog sa suntukan."Hardy.... Hardy... bumangon ka na diyan... hindi kayo pwedeng padaig!," muling panghihikayat sa akin ng isang pamilyar na tinig.Sa pagkakataong ito, pinilit kong imulat ang aking mata. Lubhang malabo. Yun tipong paggising mo na maraming muta ang iyong mata. Mahapdi ang dumilat ngunit nais kong tugunin ang tinig ng nangungusap. Nang mapaglinawan na ang aking naaaninag, naramdaman kong maliligtas na ako." 'Tay!... Tatay, tulungan mo ako!,"Hindi ko alam bakit naroroon si Tatay Bong ngunit laking ginhawa sa pakiramdam na naroon siya at naroon lagi ang itinuring kong Superhero ng pamilya namin."Kaya mo 'yan, Hardy! Bangon!," makulit na pamimilit ni Tatay Bong.
Magbasa pa

Chapter 88

"Hardy...,"  Sa tingin ko ay ngayon lang ulit ako nakagawa ng pinakamahabang tulog ko mula ng magsimula ang aming pagbabakasyon. Pakiramdam ko, naibawi ko na ang ilang araw na kakulangan sa pahinga, tagtag sa biyahe, at walang katapusan na stress na idinulot ng lahat ng naganap. Ito ang naramdaman kong positibong nagawa sa akin ng aksidenteng ito. Pero ilang oras na nga ba akong nakatulog at ginigising na ako ngayon? Magaaan kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung sino ang nagtangkang manggambala sa aking pagtulog. Laking gaan ng pakiramdam ko nang masilayan ko ang aking mahal na ama na siyang nakatindig sa gilid ng aking hinihigaan. Matiyagang naghihintay sa aking pag-ige. " 'Tay, okey lang po ba kayo?," maagap kong pangangamusta sa kanya. "Oo naman, tignan mo, okey na okey ako...," masigla niyang gawi na nagpaikot-ikot pa't nakangiti. Maaliwalas man ang pinapakita ni Tatay Bong na mukha sa aki
Magbasa pa

Chapter 89

Alam ko na ngayon kung bakit tahimik ang mga kasama ko nang pumasok sila sa silid. Tulad nila, nahirapan ako iproseso sa utak ko na nawalan kami ng isang kaibigan. Labis na hiya ang naramdaman namin sa pagpanaw ni Mang Lindo dahil sa wala kami ng mga oras na siya ang nangangailangan ng tulong. Pero iba itong mismong kasamahan na namin ang tuluyang napahamak dulot ng mga naganap na kababalaghan. Mag-iisang linggo pa lamang kaming magkakilala pero ibinigay niya ang lahat ng suporta at tulong na makakaya niya. At ngayon, ibinigay niya pati ang buhay niya para sa walang kasiguraduhang laban namin. Paano namin ito ipapaliwanag sa kanyang pamilya? Paano ito tatanggapin ni Kat? Paano ko ipaparating ang balitang ito kung kahit ako ay nasasaktan sa pagkawala niya? Wala akong mabitawang salita. Wala akong nagawa kundi ang tumulala. Nakakapanlumo. "Kaano-ano n'yo ang biktima?," pawang wala ako sa sarili kaya hindi ko naisip na paulit-ulit na pala sumesen
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status