Nagkaroon ng maayos na tulog ang lahat.
Katabing natulog ni Nanay Belsa si Jing-Jing at Eloisa. Sa kabilang kwarto naman ay sila Emong at Chadie habang si Tatay Bong ang nasa isang folding bed sa sala.
Kina Kat naman natulog sina Mommy Divina at Chyna habang nasa kanya-kanyang bahay nagsi-pahinga ang iba.
Hindi naman kasi maituturing na magkakalayo ang bahay naming magkakamag-anak dahil ilang agwat lamang ang pagitan. Kung tatayo ka nga sa bubong ng bawat tahanan namin, magkikita agad, maliban sa bahay ni Tito Ato na nasa kabilang barrio.
Waring maganda ang gising ni Tatay Bong ng umagang ito. Kahit na tulog pa ang mga kasama niya sa bahay nang umagang iyon, marami na siyang naasikaso. Nakapaghanda na nga siya noon ng almusal na hindi nakakagawa ng ingay para magambala ang mga naghihilik pa.
Nakakatuwa kung iisipin. Excited siya ngayon. At isa lang ang dahilan. Alam niyang ito ang araw ng pag-uwi ko mula sa Bagac. At masaya siya na makakauwi k
"Hardy... Hardy... bangon!," mga salitang paulit-ulit na umalingangaw sa aking pandinig habang para sa akin ay madilim pa ang paligid.Napakahirap dumilat. May kung anong sumugat sa aking uluhan. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko na para bang dinaig ang pagkabugbog sa suntukan."Hardy.... Hardy... bumangon ka na diyan... hindi kayo pwedeng padaig!," muling panghihikayat sa akin ng isang pamilyar na tinig.Sa pagkakataong ito, pinilit kong imulat ang aking mata. Lubhang malabo. Yun tipong paggising mo na maraming muta ang iyong mata. Mahapdi ang dumilat ngunit nais kong tugunin ang tinig ng nangungusap. Nang mapaglinawan na ang aking naaaninag, naramdaman kong maliligtas na ako." 'Tay!... Tatay, tulungan mo ako!,"Hindi ko alam bakit naroroon si Tatay Bong ngunit laking ginhawa sa pakiramdam na naroon siya at naroon lagi ang itinuring kong Superhero ng pamilya namin."Kaya mo 'yan, Hardy! Bangon!," makulit na pamimilit ni Tatay Bong.
"Hardy...," Sa tingin ko ay ngayon lang ulit ako nakagawa ng pinakamahabang tulog ko mula ng magsimula ang aming pagbabakasyon. Pakiramdam ko, naibawi ko na ang ilang araw na kakulangan sa pahinga, tagtag sa biyahe, at walang katapusan na stress na idinulot ng lahat ng naganap. Ito ang naramdaman kong positibong nagawa sa akin ng aksidenteng ito. Pero ilang oras na nga ba akong nakatulog at ginigising na ako ngayon? Magaaan kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung sino ang nagtangkang manggambala sa aking pagtulog. Laking gaan ng pakiramdam ko nang masilayan ko ang aking mahal na ama na siyang nakatindig sa gilid ng aking hinihigaan. Matiyagang naghihintay sa aking pag-ige. " 'Tay, okey lang po ba kayo?," maagap kong pangangamusta sa kanya. "Oo naman, tignan mo, okey na okey ako...," masigla niyang gawi na nagpaikot-ikot pa't nakangiti. Maaliwalas man ang pinapakita ni Tatay Bong na mukha sa aki
Alam ko na ngayon kung bakit tahimik ang mga kasama ko nang pumasok sila sa silid. Tulad nila, nahirapan ako iproseso sa utak ko na nawalan kami ng isang kaibigan. Labis na hiya ang naramdaman namin sa pagpanaw ni Mang Lindo dahil sa wala kami ng mga oras na siya ang nangangailangan ng tulong. Pero iba itong mismong kasamahan na namin ang tuluyang napahamak dulot ng mga naganap na kababalaghan. Mag-iisang linggo pa lamang kaming magkakilala pero ibinigay niya ang lahat ng suporta at tulong na makakaya niya. At ngayon, ibinigay niya pati ang buhay niya para sa walang kasiguraduhang laban namin. Paano namin ito ipapaliwanag sa kanyang pamilya? Paano ito tatanggapin ni Kat? Paano ko ipaparating ang balitang ito kung kahit ako ay nasasaktan sa pagkawala niya? Wala akong mabitawang salita. Wala akong nagawa kundi ang tumulala. Nakakapanlumo. "Kaano-ano n'yo ang biktima?," pawang wala ako sa sarili kaya hindi ko naisip na paulit-ulit na pala sumesen
Makailang sandali umalingawngaw ang pamilyar na halakhak na minsan na naming narinig nang kumawala ang nilalang na sumapi kay Kuya Bobby. Napakaraming kasagutan at pananong ang nilikha ng sandaling paramdam na iyon. Sa puntong iyon, hindi na magiging mahirap para sa amin na ipaliwanag ang mga kababalaghan na mga nagaganap sa panig ng Mommy ni Brix. Siya na mismo ang nakaranas ng isang kakaibang hilakbot. At walang duda na may kinalaman rin ang pananakot na iyon sa aksidenteng natapat sa amin. Subalit. Ano ang kaugnayan ni Mang Hamin at ng isang traydor sa itim na usok na may laging pantatangkang mang-agaw ng katawan ng iba? "Hardy?," duda at pananakang pansin sa akin ni Pete. "Bakit, Pete? Bakit ganyan ka makatingin?," puna ko sa kakaibang pagbabaling ng leeg niya na para bang sinisiyasat ang kabuuan ng aking noo. "May Third Eye ka na!," bulalas niyang ubod ng pagkamangha. "Paano'ng mangyayari 'yun?," taka ko ring pag-uusisa.
Hindi ko alam kung bakit sa loob-loob ko ay kampante ako at nakasisiguro na hindi makikigulo si Tatay Bong sa nagaganap sa loob ng silid na ito. Waring mas maigi ang aming kuneksyon ng aming pagkakaunawaan. Sa puntong iyon, mainit at nagpupuyos ang itim na awra sa katauhan ng Mangyan. Tila taglay nito ang ilang taon na sama ng loob. "Hindi ko ninais na maging masama. Hindi ako gumawa ng masama. Pero tinulak n'yo ako na gawin ito para sa sarili ko!!!," mabigat at maalingawngaw na tinig ng Mangyan sa katauhan ni Brix gayung hindi bumubuka ang kanyang mga bibig. "Wala kaming ginagawang masama sa'yo! Traydor ka!," higanting sagot ni Pete sa kanya. "Ikaw ang Traydor!," pahintuturong tukoy niya kay Pete gamit ang panig ng kamay na hawak ang gong bagaman hindi ito umaalis sa pagkayukod. "Binigyan ka ng biyaya na makakita at marinig ang mga tulad namin ngunit pinili mo kaming iwasan! Sinasayang mo ang kakayahang ipinagkatiwala sa'yo para matulun
Nang bumagsak ang katawan ni Brix na ginamit ng Mangyan para makaganti, para bang tumakbo na ang lahat sa slow motion. Kanina lamang, sa loob ng ilang minuto, dagdag na dalawang buhay ang nawala sa aming harapan. Una, ang aksidenteng pagkabaril sa ulo ng Mommy ni Brix na agad na kinasawi nito. At pangalawa, si Mang Salde na nagbayad sa kanyang ilang taong nilihim na kasalanan. Unti-unti ng nagpasukan ang mga nurse para rumesponde sa mga nasawi. Sinusubukan kung mayroon pa sa kanilang maisasalba. Tanging ang hagulgol ni Marissa ang lumalangitngit sa aming tainga ng mga sandaling iyon. Naging mabait sa amin si Mang Salde ngunit wala kaming nagawa sa naitakdang paglalabas ng poot ng taong nasawi rin dahil sa kanya ring kagagawan. Lumipas ang ilan pang minuto at opisyal na inanunsyo ng mga mga tumingin kay Mang Salde na wala na talaga itong buhay. Nauna na nailabas ang mga bangkay ni Brix at ng kanyang ina. Para sa amin, masama tal
Hindi na gumana pa muli ang phone ko mula sa pagkasira nito mula sa pagkahulog namin sa bangin. Mabuti na lamang at may mababait na taga-ospital na hinayaan kami na makatawag at makakunekta sa aking trabaho upang ipaalam ang aksidente sa akin at maaprubahan ang aking dagdag na pagkawala muna sa trabaho. Awa ng Dios, pumayag sila. Nagdaan ang maghapon hanggang sumapit ang gabi, wala ni isa sa Maynila ang aming nakausap mula sa ilang beses naming pangungulit. Wala kaming maisip na dahilan bakit hindi sila sumasagot. Nagriring naman ang kanilang mga telepono subalit wala ang tumugon. "Ano kaya ang problema at wala yata silang pakialam na makibalita sa atin?," pagtataka ko matapos ang ilang ulit na pagdial ko sa numero ni Jing-Jing at kung sino pa sa pinsan ko. "Baka naman kasi tiwala sila na pauwi tayo ngayon kaya hindi nila iniintindi mga tawag natin?," hinala ni Kuya Bobby. "Kahit na po. Gabi na pero hindi man lang sila nagtataka o nag-aalala n
Isang L300 Van ang aming sasakyan pabalik ng Maynila. Laking pagkagitla ko nang sa aking pagsampa sa bandang likuran ng sasakyan ay naroon na si Tatay Bong sa pinakalikod ng magmamaneho at kausap ang kaluluwa ni Brix at ng Mommy nito. Alam ko na noon pa ang ganitong kakayahan ni Tatay Bong na makipag-usap sa mga kaluluwa at ngayong nagkaroon na rin ako ng parehong abilidad, hindi ko akalain na ganito kanatural ang kanilang magiging presensiya na tila tulad lang ng isang buhay at normal na tao. Sa totoo lang, sobrang naninibago ako dahil sa pasilyo pa lang ng ospital, marami na akong nakita. Sa pakiwari ko nga, nasa warzone ako na napakaraming sugatan akong nakasalubong. Kung sa ganitong ospital, napakarami na nilang galang kaluluwa, ano pa kaya sa sementeryo? Natutunan ko na magkakaiba pa rin pala ang mga kaluluwang ito. Mayroong kayang hawakan ka at tabigin. Mayroong magpaparamdam sa'yo na parang kaya niyang pumasok sa katawan mo at itulak palabas an
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji