Hindi na gumana pa muli ang phone ko mula sa pagkasira nito mula sa pagkahulog namin sa bangin.
Mabuti na lamang at may mababait na taga-ospital na hinayaan kami na makatawag at makakunekta sa aking trabaho upang ipaalam ang aksidente sa akin at maaprubahan ang aking dagdag na pagkawala muna sa trabaho. Awa ng Dios, pumayag sila.
Nagdaan ang maghapon hanggang sumapit ang gabi, wala ni isa sa Maynila ang aming nakausap mula sa ilang beses naming pangungulit. Wala kaming maisip na dahilan bakit hindi sila sumasagot. Nagriring naman ang kanilang mga telepono subalit wala ang tumugon.
"Ano kaya ang problema at wala yata silang pakialam na makibalita sa atin?," pagtataka ko matapos ang ilang ulit na pagdial ko sa numero ni Jing-Jing at kung sino pa sa pinsan ko.
"Baka naman kasi tiwala sila na pauwi tayo ngayon kaya hindi nila iniintindi mga tawag natin?," hinala ni Kuya Bobby.
"Kahit na po. Gabi na pero hindi man lang sila nagtataka o nag-aalala n
Isang L300 Van ang aming sasakyan pabalik ng Maynila. Laking pagkagitla ko nang sa aking pagsampa sa bandang likuran ng sasakyan ay naroon na si Tatay Bong sa pinakalikod ng magmamaneho at kausap ang kaluluwa ni Brix at ng Mommy nito. Alam ko na noon pa ang ganitong kakayahan ni Tatay Bong na makipag-usap sa mga kaluluwa at ngayong nagkaroon na rin ako ng parehong abilidad, hindi ko akalain na ganito kanatural ang kanilang magiging presensiya na tila tulad lang ng isang buhay at normal na tao. Sa totoo lang, sobrang naninibago ako dahil sa pasilyo pa lang ng ospital, marami na akong nakita. Sa pakiwari ko nga, nasa warzone ako na napakaraming sugatan akong nakasalubong. Kung sa ganitong ospital, napakarami na nilang galang kaluluwa, ano pa kaya sa sementeryo? Natutunan ko na magkakaiba pa rin pala ang mga kaluluwang ito. Mayroong kayang hawakan ka at tabigin. Mayroong magpaparamdam sa'yo na parang kaya niyang pumasok sa katawan mo at itulak palabas an
Nadala ako ng takot sa babala ni Brix sa maaaring iakto ng kanyang pamilya sa oras na magtagal pa kami doon at alamin ang detalye ng mga nangyari. Hindi ko nais na maging bastos ang dating ng aming mabilis na paglisan sa punerarya para sa pamilya ng aking bagong kaibigan ngunit nakahinga ako ng maluwag na hindi ko muna kailangan magpaliwanag para doon. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang makita muli ang kapatid kong si Chadie na nakaalpas na mula sa paggamit sa katawan niya ng mga kaluluwang ligaw. Sa dami ng mga masasamang nangyari sa loob lamang ng isang linggo, nais ko naman makita ang magandang resulta na napala ko sa pagbalik ng Bagac. Halos buong biyahe namin, tahimik si Tatay Bong. Tangi kong natatandaan na umimik siya ay noong kausap niya si Brix at ang Mommy nito. " 'Tay, okay lang po ba kayo?," pabulong kong usisa sa kanyang pananahimik sa sulok. "Okey lang naman ako. Napagod lang siguro ako sa biyahe natin...," aniya. "Sige, 'Tay
Pakiramdam ko nanlaki ang ulo ko sa pamamanhid. Para bang nanigas ang buo kong katawan at nagsimula akong mahirapan sa pagluwa ng hangin. Hindi pa man nila sinasabi kung sino ang nakahiga sa kabaong, alam ko na na isang malapit na tao ang naroroon. Naulinigan na marahil ng mga taong nasa harap ng aming bahay ang kumosyon na nasa aming panig. Nagtayuan silang lahat hanggang sa matakpan na ang pagkasipat ko sa ataul. Isa-isa silang lumingon. At inisa-isa ko rin sila ng tingin upang malaman kung sino ang wala at maaaring nasa kabaong. Si Chyna at isang matandang babae na marahil ay ang kanyang ina. Ang mga pinsan kong si Kat at Carey. Si Tito Ato. Ang mga kapatid kong si Emong at si Chadie. Si Eloisa at ang papalapit na sa aking si Jing-Jing. Tulala ako at di makagalaw nang umabot sa aking braso na lumuluha ang aking kasintahan. "Bhy, ano'ng nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang kayo? Bakit may benda ka sa ulo?," sa dami ng tanong na isinalubong ni
Sa tulong ng dating kapitan lang ngunit pinalad na maabot ang pagiging alkalde na kumpare ni Mang Salde, halos wala ng kinailangan pang bayaran o nagastos si Marissa sa aming pagkakaospital. Lubhang malaki ang naitulong ni Mang Salde marahil sa kinatatayuan nito ngayon kaya ganoon na lamang ang amor nito sa kumpare. Walang sinuman ang nakaalam na bago pa maembalsamo ang bangkay ni Mang Salde ay natagpuan pa ito sa ibabaw ng hubad na katawan ng Mommy ni Brix. Kung namatay man siya muli bunga ng kawalan ng hangin dahil sa pagkahigpit na yapos ng babae, siya namang napakadali siyang naalis ng mga nakakita sa kanya sa posisyong iyon. Naging katawa-tawa ito para sa mga nagembalsamo sa parehong katawan. Ang oras ng aming pagdatal sa Maynila ay siya ring oras na dumating ang bangkay ni Mang Salde sa bahay ni Marissa. Labis-labis pa rin ang hinagpis nito sa pagkawala ng kanyang Tatay. Naroon din ang kanyang galit na nararamdaman para sa Mangyan na bagaman may
Nagkulong sa kanyang silid si Marissa at magdamag na inihagulgol ang paglapastangan sa katawan ng kanyang ama na si Mang Salde. Sa ilang oras na iyon, nasa sala lamang sina Aling Mercy, Aling Helen, Mang Rodrigo, ang aking pinsang si Ian at si Pete. Nasa seryoso silang talakayan sa pagitan ng mga timplang kapeng nasa baso. "Napakawalanghiya talaga ng Hamin na 'yun! Sariling mga kumpadre niya, hindi iginalang ang burol!," galaiti pa ring bigkas ni Aling Helen. "Mawalang galang na po pero hindi na po iyon si Mang Hamin....," pagkontra ni Pete sa Ninang ni Marissa. "Paano mo naman nasabi 'yan, Hijo? eh nakita nating pare-pareho ang hitsura ni Hamin?," takang bahagi ni Aling Mercy sa usapan. "Maaari nga pong mukha ni Mang Hamin ang nakita nating pare-pareho. Pero wala naman pong kapangyarihan na magsabuhangin o mang-abo ng bangkay si Mang Hamin. Ginamit lang ng kung anong elemento ang katawan at katauhan ni Mang Hamin para po makapaghiganti lang..
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan