Nagkulong sa kanyang silid si Marissa at magdamag na inihagulgol ang paglapastangan sa katawan ng kanyang ama na si Mang Salde. Sa ilang oras na iyon, nasa sala lamang sina Aling Mercy, Aling Helen, Mang Rodrigo, ang aking pinsang si Ian at si Pete. Nasa seryoso silang talakayan sa pagitan ng mga timplang kapeng nasa baso. "Napakawalanghiya talaga ng Hamin na 'yun! Sariling mga kumpadre niya, hindi iginalang ang burol!," galaiti pa ring bigkas ni Aling Helen. "Mawalang galang na po pero hindi na po iyon si Mang Hamin....," pagkontra ni Pete sa Ninang ni Marissa. "Paano mo naman nasabi 'yan, Hijo? eh nakita nating pare-pareho ang hitsura ni Hamin?," takang bahagi ni Aling Mercy sa usapan. "Maaari nga pong mukha ni Mang Hamin ang nakita nating pare-pareho. Pero wala naman pong kapangyarihan na magsabuhangin o mang-abo ng bangkay si Mang Hamin. Ginamit lang ng kung anong elemento ang katawan at katauhan ni Mang Hamin para po makapaghiganti lang..
Magbasa pa