Nakasimangot ko siyang pinagmamasdan, kanina pa siya nakadekwatro at tulalang nakatanaw sa kawalan. Parang ang lalim - lalim ng iniisip niya, sa lalim hindi ko na masisid. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagin pero nakatanga lang siya at para bang hindi ako naririnig. Nagbuntong hininga ako at tumayo na. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik. Wala sa sarili siyang lumingon sa akin. Ang ulo lang nito ang ginalaw at pinanatili ang posisyon nito. "Senyorito!, kanina ka pa tinatawag eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin ngayon?" "Ewan," hindi sigurado nitong sagot. Agad akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi. "Hindi mo alam? eh bakit ka pa nagpunta dito kung hindi ka rin naman pala sigurado sa sasabihin mo." napairap ako. "May pa 'we'll discuss something' ka pang nalalaman." tumikhim ako at pinalalim ang boses para gayahin ang sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo.
Read more