Home / YA / TEEN / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Fulfilled Duties (Tagalog): Chapter 21 - Chapter 30

43 Chapters

Chapter 21

DEBORAH’S POV“Sandali lang, Deborah! Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Einon matapos ko silang talikuran ni Watt.“Dito lang sa tabi-tabi,” tugon ko saka nagpatuloy sa aking paglalakad.Nakayuko akong naglakad paalis matapos kong marinig sa bibig ni Einon na kasama ni Byeongyun si Soobin.May ilang nakatabig sa akin dahil hindi rin talaga ako nakatingin sa daan.“Aba! Bakit ba ako malungkot? Ano namang pakialam ko kung magkasama sila? Ayos nga iyon para wala ng manggugulo sa akin!” wala sa sariling sigaw ko kaya’t napalingon sa akin iyong mga nakakasalubong ko sa hallway.Pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin tapos ang mga kaganapan sa loob ng gym. Maingay pa rin doon at puno ng mga estudyante at mga bisita.Nang masipat ng aking mga mata ang isang bakanteng upuan sa may garden malapit sa Engineering’s Department ay naupo ako roon.&ldqu
last updateLast Updated : 2020-09-07
Read more

Chapter 22

DEBORAH’S POV“E-Einon?” gulat na sambit ko.Makailang beses akong napakurap dahil nakita ko kung gaano kaseryoso ang hitsura ni Einon ngayon habang nakatingin kay Bavi.“Who are you?” nakangiting tanong naman ni Bavi.Nang hindi magsalita si Einon ay sumabat na ako sa kanilang dalawa.“Ah Bavi... si Einon nga pala. Kaklase ko siya saka kaibigan... kaibigan ni Byeongyun,” sabi ko saka tiningan si Bavi.“Oh, nice to meet you,” bati naman ni Bavi.Lumingon ako kay Einon saka ko sinabing, “Siya si Bavi, CPE President.”Matapos ng ginawa ko ay bigla naman akong naguluhan. Bakit ko nga ba sila ipinagkikilala?Nang mapansin ko pang pareho pa rin silang nakahawak sa magkabilang braso ko ay agad ko iyong hinigit mula sa kanila.“Sandali nga! May mga braso naman kayo, iyon na lang ang higitin ninyo!” sabi ko saka binalingan ng ti
last updateLast Updated : 2020-09-11
Read more

Chapter 23

BYEONGYUN’S POVPagkatapos kong maihatid pauwi si Soobin, na wala naman talaga dapat sa aking plano ay umuwi na ako sa bahay.Wala na rin naman akong ibang gagawin maliban sa mag-impake ng aking mga gamit para sa pagpunta sa bahay ni Ate Jiyun bukas.Pabagsak akong napahiga sa kama matapos kong isara ang isang malaking bag na may lamang mga damit.“Are you leaving?”Lumingon ako sa aking gilid at doon ay nakita ko si Uno habang patay-sindi ang ilaw sa nagsisilbi niyang mga mata. Para siyang kumukurap.Napangisi ako.“Are you trying to look cute in front of me, Uno?”“Can I—”“Yes, I’m leaving tomorrow, but you can’t come with me,” pagputol ko sa kaniyang sasabihin.“Okay,” aniya sabay alis sa aking harapan.Bumangon ako’t naupo sa ibabaw ng aking kama habang pinapanood si Uno. Para kasi siyang batang nagtatampo.“You have to stay in the house for me, Uno. No one’s going to take care of it when I’m away,” sigaw ko saka napangiti.Muli akong nahiga makaraan ang ilang segundo. Bumuntong-h
last updateLast Updated : 2020-09-28
Read more

Chapter 24

BYEONGYUN’S POVNaupo ako at pumangalumbaba sa mesa sa may kusina habang nakapanood kay Ate Jiyun na halos isang oras at kalahati ng tahimik habang nagluluto ng dumplings.Napagod na ako.Kahit ano’ng gawing suyo ko kasi sa kaniya kanina ay hindi talaga niya ako pinapansin o kinakausap. Dahil doon ay bahagya akong kinabahan lalo pa nang makita ko kung gaano kadaming dumplings ang niluluto niya.“Yoon Jiyun noona, naege malhae! Jebal!” Please talk to me! sabi ko ngunit hindi man lamang niya ako nilingon.“Yes, I’m hungry, but that’s too much! It’s 56 pieces of dumplings already for God’s sake! It’s only the two of us here. Aren’t you done?”Muli akong walang napalang sagot mula sa kaniya. Para siyang bingi. Isa pa, natatakot na ako sa ginagawa niya dahil mukhang may mauulit na namang pangyayari noon.“Until when will you ignore your handsome brother?” sambit ko pa.Sa wakas ay tiningnan niya ako. Ngunit isa iyong matalim na tingin haban
last updateLast Updated : 2020-09-28
Read more

Chapter 25

DEBORAH’S POVHalos sampung minuto na rin akong naglalakad patungong school. Mainit at sobrang nakakapawis. Mas makakamura kasi ako sa pamasahe kung sa kabayanan lang ako magpapababa at lalakarin na lang hanggang school.Oo, ganito ako katipid ngayon. Tatlumpung piso kasi ang pamasahe mula sa bahay hanggang sa school at kung maglalakad ako pagbaba sa bayan ay makakatipid ako ng sampung piso.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko gagawin ito. Kailangan kong maglakad kahit sobrang kainitan. Wala na kasi akong iba pang aasahan maliban sa pagpupursigi ko sa pag-aaral.Tatlong araw na kasi simula nang mabatak ang hinuhulugang tricycle ni Tatay. Noong gabi kasing nagalit ako dahil sa pangungutang ng pera ni Tatay kay Byeongyun ay nalaman kong tatlong buwan na pala iyong hindi nahuhulugan.Hindi siya makapamasada at wala siyang trabaho ngayon. Wala rin namang pinagkukuhanan ng pera si Mama. May apat pa akong kapatid na nag-aaral din at mas naging mahirap ngayo
last updateLast Updated : 2020-09-29
Read more

Chapter 26

BAVI’S POVI pursed my lips, trying to hide the smile because of her sweet voice.“When are you coming here? I miss you, Bavi,” the woman said on the other line.A smile automatically lit up my face. I couldn’t hide it any longer.“I miss you, too. Don’t worry, I’m coming home in 3 days, okay? I love you,” I said, assuring her. A little more of sweet words then she ended the call.Keeping my phone inside my pocket, I stretched my arms that gave me a little relieved at my back.It was another tiring day lalo na as a Department’s President.“Bavi!”Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa aking pangalan.Napangiti ako nang makita ko siyang tumatakbo na parang sabik na sabik sa akin. Namulsa ako habang pinanonood ko siyang makalapit sa akin.“You can just walk towards me, Ssaya,” I uttered and gave her a loo
last updateLast Updated : 2020-09-30
Read more

Chapter 27

BYEONGYUN’S POV I have been staring at the ceiling for awhile now. Finally after staying at Jiyun noona’s house for three straight days ay nakauwi na rin ako. Ni hindi man lamang niya ako inihatid pauwi kahit alam niyang masama ang aking pakiramdam kahapon. I got addicted to dumplings kaya nanibago siguro ang tiyan ko. Wala naman kasi akong ibang ginawa sa bahay niya kung hindi ang kumain nang kumain, manood ng movie, maglaro ng online games at... “Noona! I told you na ayaw ko sa blind date! Ayaw ko! Bakit ba tuwang-tuwa kang ibugaw ako? Mukha ba akong langaw?” asik ko kay Ate ngunit hindi niya ako pinansin. Napasapo ako sa aking noo bago ko tinitigan ang repleksyon niya sa salamin. Nakaupo kasi siya sa harap ng isang malaking salamin sa kaniyang kuwarto habang may nakatutok na ring light sa kaniya. “Look, hi
last updateLast Updated : 2020-10-03
Read more

Chapter 28

DEBORAH’S POVMukhang masama ang panahon ngunit hindi ko na puwedeng ipagpaliban pa ito.Kinakabahan ako.Mas kinakabahan pa ako kumpara sa nakaraang pagsali sa mga wriing contests.King ina. Hindi ko na kaya. Masyado na akong kinakain ng konsenya ko.“Narito na ako e, uurong pa ba ako?” reklamo ko sa aking sarili.Sayang ang ipinamasahe ko papunta rito kung uuwi lang ako agad. Pasalamat na lang ako kay Bavi dahil inihatid niya ako pauwi kahapon kaya hindi nagalaw ang singkuwenta pesos at ilang barya na natitira sa aking wallet. Wala pa rin naman akong mahihingi sa mga magulang ko dahil pareho silang walang trabaho. Sa katunayan ay ngayon pa lang ay mukhang babaon na kami sa utang.Ilang minuto na akong nakatitig sa doorbell ng pinto ni Byeongyun.“Pipindutin ko na ba?” Mariin akong napapikit sabay pindot sa doorbell.
last updateLast Updated : 2020-10-09
Read more

Chapter 29

DEBORAH’S POVAbot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.“Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!”Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.“Byeongyun, ano ba?”Nang makarating kami sa isang kuwarto ay agad niya akong itinulak sa kama dahilan para mapaupo ako.“Zero, mun jamgeuseyo,” Zero, lock the door, utos niya sa kung sino habang masama ang tingin sa akin.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isa talagang malaking pagkakamali na pumunta ako rito!“Anong lock? Hoy, sino’ng kausap mo?” bulyaw ko nang may biglang nagsalita na rinig sa buong bahay.“The door was locked successfully,” ani ng boses ng isang babaeng robot.Doon ko lang napagtantong isa siya sa robot ni Byeongyun.“Teka, Byeongy
last updateLast Updated : 2020-10-09
Read more

Chapter 30

BYEONGYUN’S POV“Alam mo, naniniwala na ako. Naniniwala na ako na... na ikaw na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw Byeongyun. Ikaw...”Halos malagutan ako ng hininga dahil sa narinig ko. Pinilit kong huwag gumalaw sa puwesto ko kahit ngalay na ang leeg ko.Pakiramdam ko ay hindi maganda sa puso ko ang kaniyang sinabi dahil bigla akong kinabahan.My heart... my heart is beating like hell!Nagpanggap pa rin akong tulog kahit hindi ko na siya narinig pang nagsalita ulit. Ramdam ko pa rin ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking ulo.Dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata. Doon ay tumambad sa akin si Deborah na nakapikit.“Are you... sleeping?” mahinang tanong ko.Maingat kong inalis ang kamay niya sa ulo saka ako humiga nang maayos.“Are you really sleeping? Hahalikan kita kapag nagpapanggap ka lang?” banta ko
last updateLast Updated : 2020-10-09
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status