DEBORAH’S POVHabang nakaharap ako sa salamin at inaayos ang aking kurbata ay bigla kong naisip ang maaari na namang mangyari sa akin sa school.“Anak, may nakuhang sideline ang papa ngayon. Sabi niya, malaki naman ang bayad kaya ibibigay ko na muna itong isandaang piso sa iyo. Pasensya ka na, wala pa talaga tayo ngayon,” sabi ni Mama na nakasilip sa aking kuwarto.Inabot ko iyon mula sa kaniya saka nagpasalamat.Dagdag pa niya, “Noong nagpaalam ka sa akin na pupunta ka sa bahay ni Byeongyun, pumayag ako para makapag-usap na rin kayo. Ilang araw kitang napansin na matamlay at narinig din kitang bumubulong na hindi pumapasok si Byeongyun dahil nag-away kayo sa school. Alam ko, may pinagsamahan na kayong dalawa kaya naiintindihan ko kung nagalit ka sa papa mo tungkol sa... sa pera. Masaya ako na maayos na kayo ni Byeongyun ngayon at hindi na rin masama ang loob mo sa papa mo.”“Mama, magsisikap ako
Magbasa pa