DEBORAH’S POV
Halos sampung minuto na rin akong naglalakad patungong school. Mainit at sobrang nakakapawis. Mas makakamura kasi ako sa pamasahe kung sa kabayanan lang ako magpapababa at lalakarin na lang hanggang school.
Oo, ganito ako katipid ngayon. Tatlumpung piso kasi ang pamasahe mula sa bahay hanggang sa school at kung maglalakad ako pagbaba sa bayan ay makakatipid ako ng sampung piso.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko gagawin ito. Kailangan kong maglakad kahit sobrang kainitan. Wala na kasi akong iba pang aasahan maliban sa pagpupursigi ko sa pag-aaral.
Tatlong araw na kasi simula nang mabatak ang hinuhulugang tricycle ni Tatay. Noong gabi kasing nagalit ako dahil sa pangungutang ng pera ni Tatay kay Byeongyun ay nalaman kong tatlong buwan na pala iyong hindi nahuhulugan.
Hindi siya makapamasada at wala siyang trabaho ngayon. Wala rin namang pinagkukuhanan ng pera si Mama. May apat pa akong kapatid na nag-aaral din at mas naging mahirap ngayo
BAVI’S POVI pursed my lips, trying to hide the smile because of her sweet voice.“When are you coming here? I miss you, Bavi,” the woman said on the other line.A smile automatically lit up my face. I couldn’t hide it any longer.“I miss you, too. Don’t worry, I’m coming home in 3 days, okay? I love you,” I said, assuring her. A little more of sweet words then she ended the call.Keeping my phone inside my pocket, I stretched my arms that gave me a little relieved at my back.It was another tiring day lalo na as a Department’s President.“Bavi!”Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa aking pangalan.Napangiti ako nang makita ko siyang tumatakbo na parang sabik na sabik sa akin. Namulsa ako habang pinanonood ko siyang makalapit sa akin.“You can just walk towards me, Ssaya,” I uttered and gave her a loo
BYEONGYUN’S POVI have been staring at the ceiling for awhile now. Finally after staying at Jiyun noona’s house for three straight days ay nakauwi na rin ako. Ni hindi man lamang niya ako inihatid pauwi kahit alam niyang masama ang aking pakiramdam kahapon.I got addicted to dumplings kaya nanibago siguro ang tiyan ko.Wala naman kasi akong ibang ginawa sa bahay niya kung hindi ang kumain nang kumain, manood ng movie, maglaro ng online games at...“Noona! I told you na ayaw ko sa blind date! Ayaw ko! Bakit ba tuwang-tuwa kang ibugaw ako? Mukha ba akong langaw?” asik ko kay Ate ngunit hindi niya ako pinansin.Napasapo ako sa aking noo bago ko tinitigan ang repleksyon niya sa salamin.Nakaupo kasi siya sa harap ng isang malaking salamin sa kaniyang kuwarto habang may nakatutok na ring light sa kaniya.“Look, hi
DEBORAH’S POVMukhang masama ang panahon ngunit hindi ko na puwedeng ipagpaliban pa ito.Kinakabahan ako.Mas kinakabahan pa ako kumpara sa nakaraang pagsali sa mga wriing contests.King ina. Hindi ko na kaya. Masyado na akong kinakain ng konsenya ko.“Narito na ako e, uurong pa ba ako?” reklamo ko sa aking sarili.Sayang ang ipinamasahe ko papunta rito kung uuwi lang ako agad. Pasalamat na lang ako kay Bavi dahil inihatid niya ako pauwi kahapon kaya hindi nagalaw ang singkuwenta pesos at ilang barya na natitira sa aking wallet.Wala pa rin naman akong mahihingi sa mga magulang ko dahil pareho silang walang trabaho. Sa katunayan ay ngayon pa lang ay mukhang babaon na kami sa utang.Ilang minuto na akong nakatitig sa doorbell ng pinto ni Byeongyun.“Pipindutin ko na ba?” Mariin akong napapikit sabay pindot sa doorbell.
DEBORAH’S POVAbot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.“Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!”Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.“Byeongyun, ano ba?”Nang makarating kami sa isang kuwarto ay agad niya akong itinulak sa kama dahilan para mapaupo ako.“Zero, mun jamgeuseyo,” Zero, lock the door, utos niya sa kung sino habang masama ang tingin sa akin.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isa talagang malaking pagkakamali na pumunta ako rito!“Anong lock? Hoy, sino’ng kausap mo?” bulyaw ko nang may biglang nagsalita na rinig sa buong bahay.“The door was locked successfully,” ani ng boses ng isang babaeng robot.Doon ko lang napagtantong isa siya sa robot ni Byeongyun.“Teka, Byeongy
BYEONGYUN’S POV“Alam mo, naniniwala na ako. Naniniwala na ako na... na ikaw na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw Byeongyun. Ikaw...”Halos malagutan ako ng hininga dahil sa narinig ko. Pinilit kong huwag gumalaw sa puwesto ko kahit ngalay na ang leeg ko.Pakiramdam ko ay hindi maganda sa puso ko ang kaniyang sinabi dahil bigla akong kinabahan.My heart... my heart is beating like hell!Nagpanggap pa rin akong tulog kahit hindi ko na siya narinig pang nagsalita ulit. Ramdam ko pa rin ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking ulo.Dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata. Doon ay tumambad sa akin si Deborah na nakapikit.“Are you... sleeping?” mahinang tanong ko.Maingat kong inalis ang kamay niya sa ulo saka ako humiga nang maayos.“Are you really sleeping? Hahalikan kita kapag nagpapanggap ka lang?” banta ko
DEBORAH’S POV“Coffee?”Napalingon ako kay Byeongyun na nakatayo ngayon sa aking harapan habang dala ang dalawang kapeng kaniyang tinimpla.Iniaabot niya sa akin iyong isa.“Salamat,” tugon ko sabay abot niyon mula sa kaniya. Muli akong tumingin sa bintana.Alas otso na ng gabi at hindi ko akalaing mai-stranded ako sa bahay ni Byeongyun.Ang lakas ng ulan at hangin sa labas.Nag-aalala ako dahil bukod sa takot ako sa bagyo ay natatakot ako para sa pamilya ko. Hindi ganoong katibay ang bahay namin para sa signal number 2 na bagyo.Napabuntong-hininga ako bago ako humigop ng kape.“You okay?” tanong ni Byeongyun nang mapansin niya ang paghinga ko nang malalim.Tumango naman ako.Kanina pa kaming parehong nakatambay sa kaniyang sala habang patay ang karamihan sa mga ilaw. Kaunting liwanag lang ang nagsisilbi nami
DEBORAH’S POV“I was jealous, midget.”Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react pagkatapos kong marinig iyon.Seryoso ba ito o panaginip?“Nagseselos ka? Paano? Bakit?” nauutal kong tanong sa kaniya.Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang kumalas sa yakap at pinadapuan ako ng isang pitik sa aking noo. Agad na nagsalubong ang aking kilay.“King ina, Byeongyun, ano iyon? Bakit ka namimitik? Masakit ha!” asik ko sa kaniya habang hinihimas ang aking noo.“Masakit?” sarkastiko niyang tanong pabalik.Magsasalita na sana ako nang muli niya akong pitikin sa aking noo.“King ina—”“Shut up, midget! Ubos na ang pasensya ko! Hoy, babaeng ipinaglihi sa kabute! Nasaktan ako, nawalan ako ng malay at nagkaroon ako ng apat na tahi sa ulo ko! Apat, Deborah!” sigaw niya sabay pakita sa akin ng bahagi ng kan
BYEONGYUN’S POV“May isa pa pala akong dapat sabihin, Byeongyun. About Bavi,” aniya.“Bavi?”“The guy you saw in the library with me.”Napakamot ako sa ilong nang wala sa oras bago ako tumango.“So? What is it? Boyfriend mo na?” seryoso kong tanong.Nang umiling siya’y nakahinga ako nang maluwag.Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit dapat pa naming pag-usapan ang lalaking iyon. Wala naman talaga dapat akong pakialam ngayong alam kong hindi naman niya iyon boyfriend.“Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko si Bavi. Remember noong pumunta tayo sa restaurant ng ate mo? He’s the guy we saw na sinabi kong guwapo. Iyong kamukha ni Bright—”I interrupted her the moment I realized na kailangan pa pala talaga namin siyang pag-usapan.How c