BYEONGYUN’S POV
Naupo ako at pumangalumbaba sa mesa sa may kusina habang nakapanood kay Ate Jiyun na halos isang oras at kalahati ng tahimik habang nagluluto ng dumplings.
Napagod na ako.
Kahit ano’ng gawing suyo ko kasi sa kaniya kanina ay hindi talaga niya ako pinapansin o kinakausap. Dahil doon ay bahagya akong kinabahan lalo pa nang makita ko kung gaano kadaming dumplings ang niluluto niya.
“Yoon Jiyun noona, naege malhae! Jebal!” Please talk to me! sabi ko ngunit hindi man lamang niya ako nilingon.
“Yes, I’m hungry, but that’s too much! It’s 56 pieces of dumplings already for God’s sake! It’s only the two of us here. Aren’t you done?”
Muli akong walang napalang sagot mula sa kaniya. Para siyang bingi. Isa pa, natatakot na ako sa ginagawa niya dahil mukhang may mauulit na namang pangyayari noon.
“Until when will you ignore your handsome brother?” sambit ko pa.
Sa wakas ay tiningnan niya ako. Ngunit isa iyong matalim na tingin haban
DEBORAH’S POVHalos sampung minuto na rin akong naglalakad patungong school. Mainit at sobrang nakakapawis. Mas makakamura kasi ako sa pamasahe kung sa kabayanan lang ako magpapababa at lalakarin na lang hanggang school.Oo, ganito ako katipid ngayon. Tatlumpung piso kasi ang pamasahe mula sa bahay hanggang sa school at kung maglalakad ako pagbaba sa bayan ay makakatipid ako ng sampung piso.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko gagawin ito. Kailangan kong maglakad kahit sobrang kainitan. Wala na kasi akong iba pang aasahan maliban sa pagpupursigi ko sa pag-aaral.Tatlong araw na kasi simula nang mabatak ang hinuhulugang tricycle ni Tatay. Noong gabi kasing nagalit ako dahil sa pangungutang ng pera ni Tatay kay Byeongyun ay nalaman kong tatlong buwan na pala iyong hindi nahuhulugan.Hindi siya makapamasada at wala siyang trabaho ngayon. Wala rin namang pinagkukuhanan ng pera si Mama. May apat pa akong kapatid na nag-aaral din at mas naging mahirap ngayo
BAVI’S POVI pursed my lips, trying to hide the smile because of her sweet voice.“When are you coming here? I miss you, Bavi,” the woman said on the other line.A smile automatically lit up my face. I couldn’t hide it any longer.“I miss you, too. Don’t worry, I’m coming home in 3 days, okay? I love you,” I said, assuring her. A little more of sweet words then she ended the call.Keeping my phone inside my pocket, I stretched my arms that gave me a little relieved at my back.It was another tiring day lalo na as a Department’s President.“Bavi!”Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa aking pangalan.Napangiti ako nang makita ko siyang tumatakbo na parang sabik na sabik sa akin. Namulsa ako habang pinanonood ko siyang makalapit sa akin.“You can just walk towards me, Ssaya,” I uttered and gave her a loo
BYEONGYUN’S POVI have been staring at the ceiling for awhile now. Finally after staying at Jiyun noona’s house for three straight days ay nakauwi na rin ako. Ni hindi man lamang niya ako inihatid pauwi kahit alam niyang masama ang aking pakiramdam kahapon.I got addicted to dumplings kaya nanibago siguro ang tiyan ko.Wala naman kasi akong ibang ginawa sa bahay niya kung hindi ang kumain nang kumain, manood ng movie, maglaro ng online games at...“Noona! I told you na ayaw ko sa blind date! Ayaw ko! Bakit ba tuwang-tuwa kang ibugaw ako? Mukha ba akong langaw?” asik ko kay Ate ngunit hindi niya ako pinansin.Napasapo ako sa aking noo bago ko tinitigan ang repleksyon niya sa salamin.Nakaupo kasi siya sa harap ng isang malaking salamin sa kaniyang kuwarto habang may nakatutok na ring light sa kaniya.“Look, hi
DEBORAH’S POVMukhang masama ang panahon ngunit hindi ko na puwedeng ipagpaliban pa ito.Kinakabahan ako.Mas kinakabahan pa ako kumpara sa nakaraang pagsali sa mga wriing contests.King ina. Hindi ko na kaya. Masyado na akong kinakain ng konsenya ko.“Narito na ako e, uurong pa ba ako?” reklamo ko sa aking sarili.Sayang ang ipinamasahe ko papunta rito kung uuwi lang ako agad. Pasalamat na lang ako kay Bavi dahil inihatid niya ako pauwi kahapon kaya hindi nagalaw ang singkuwenta pesos at ilang barya na natitira sa aking wallet.Wala pa rin naman akong mahihingi sa mga magulang ko dahil pareho silang walang trabaho. Sa katunayan ay ngayon pa lang ay mukhang babaon na kami sa utang.Ilang minuto na akong nakatitig sa doorbell ng pinto ni Byeongyun.“Pipindutin ko na ba?” Mariin akong napapikit sabay pindot sa doorbell.
DEBORAH’S POVAbot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.“Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!”Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.“Byeongyun, ano ba?”Nang makarating kami sa isang kuwarto ay agad niya akong itinulak sa kama dahilan para mapaupo ako.“Zero, mun jamgeuseyo,” Zero, lock the door, utos niya sa kung sino habang masama ang tingin sa akin.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isa talagang malaking pagkakamali na pumunta ako rito!“Anong lock? Hoy, sino’ng kausap mo?” bulyaw ko nang may biglang nagsalita na rinig sa buong bahay.“The door was locked successfully,” ani ng boses ng isang babaeng robot.Doon ko lang napagtantong isa siya sa robot ni Byeongyun.“Teka, Byeongy
BYEONGYUN’S POV“Alam mo, naniniwala na ako. Naniniwala na ako na... na ikaw na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw Byeongyun. Ikaw...”Halos malagutan ako ng hininga dahil sa narinig ko. Pinilit kong huwag gumalaw sa puwesto ko kahit ngalay na ang leeg ko.Pakiramdam ko ay hindi maganda sa puso ko ang kaniyang sinabi dahil bigla akong kinabahan.My heart... my heart is beating like hell!Nagpanggap pa rin akong tulog kahit hindi ko na siya narinig pang nagsalita ulit. Ramdam ko pa rin ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking ulo.Dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata. Doon ay tumambad sa akin si Deborah na nakapikit.“Are you... sleeping?” mahinang tanong ko.Maingat kong inalis ang kamay niya sa ulo saka ako humiga nang maayos.“Are you really sleeping? Hahalikan kita kapag nagpapanggap ka lang?” banta ko
DEBORAH’S POV“Coffee?”Napalingon ako kay Byeongyun na nakatayo ngayon sa aking harapan habang dala ang dalawang kapeng kaniyang tinimpla.Iniaabot niya sa akin iyong isa.“Salamat,” tugon ko sabay abot niyon mula sa kaniya. Muli akong tumingin sa bintana.Alas otso na ng gabi at hindi ko akalaing mai-stranded ako sa bahay ni Byeongyun.Ang lakas ng ulan at hangin sa labas.Nag-aalala ako dahil bukod sa takot ako sa bagyo ay natatakot ako para sa pamilya ko. Hindi ganoong katibay ang bahay namin para sa signal number 2 na bagyo.Napabuntong-hininga ako bago ako humigop ng kape.“You okay?” tanong ni Byeongyun nang mapansin niya ang paghinga ko nang malalim.Tumango naman ako.Kanina pa kaming parehong nakatambay sa kaniyang sala habang patay ang karamihan sa mga ilaw. Kaunting liwanag lang ang nagsisilbi nami
DEBORAH’S POV“I was jealous, midget.”Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react pagkatapos kong marinig iyon.Seryoso ba ito o panaginip?“Nagseselos ka? Paano? Bakit?” nauutal kong tanong sa kaniya.Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang kumalas sa yakap at pinadapuan ako ng isang pitik sa aking noo. Agad na nagsalubong ang aking kilay.“King ina, Byeongyun, ano iyon? Bakit ka namimitik? Masakit ha!” asik ko sa kaniya habang hinihimas ang aking noo.“Masakit?” sarkastiko niyang tanong pabalik.Magsasalita na sana ako nang muli niya akong pitikin sa aking noo.“King ina—”“Shut up, midget! Ubos na ang pasensya ko! Hoy, babaeng ipinaglihi sa kabute! Nasaktan ako, nawalan ako ng malay at nagkaroon ako ng apat na tahi sa ulo ko! Apat, Deborah!” sigaw niya sabay pakita sa akin ng bahagi ng kan
DEBORAH’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin. “Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon. “Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji. “Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya. “Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?” “Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon. “Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya. “Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun. “Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?” “Nah.” “If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.
DEBORAH’S POVTumahimik ang buhay ko for the past few days. Walang nananakit sa akin o nangti-trip. Nakakahinga na ako nang maluwag na hindi iniisip kung may mangyayari na namang masama sa akin.“Pupunta ako sa canteen,” I announced, looking at the three boys. “Sasama ba kayo?”Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Byeongyun sa tabi ko. Tumayo na rin sina Einon at Watt habang tumatango.Sampung araw na rin ang nakakalipas matapos kaming ipatawag ng Board of Discipline. The penalty of expulsion of Choi Soobin with prior approval of the Secretary together with the supporting papers were forwarded to the Regional Office. Oo, mae-expel na si Soobin.Pagdating sa canteen ay bumili lang kami ng iced coffee saka naupo sa bakanteng table.“Threathening another with infliction of harm upon his person, destroying property belonging to any member inside the school, participating in brawls or inflicting physical injuries on others inside or outside the campus, physically assaulting any student,
DEBORAH’S POVI was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.“I won’t judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman,” nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. “Mahal kita pero hindi ako support, bro.”Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.“Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig,” nanunuksong dag
WATT’S POVSabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn’t help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.“Hindi ninyo pa rin ba makontak?” tan
BYEONGYUN’S POV It was just so tiring recently. Lalo pa ngayon na may hindi pa nagpapakilalang nagsasabi na si Soobin ang may kagagawan ng pagkawala ng drafts ni Deborah. “Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!” “See? It’s really her fault,” may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. “Are we done? Ugh! Such as waste of time!” “Hindi ko alam... bakit...” nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ng classroom si Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom. Agad akong kinutuban saka napailing. “This is a
DEBORAH’S POVHalos mabiyak na ang aking ulo sa kaiisip kung ano’ng nangyayari. Ang gulo. Hindi ko alam kung bakit may nagte-text sa amin na may nagnakaw ng draft ko sa essay gayong nakita rin ito sa mga gamit ko. Ang dami kong tanong ngunit parang ang hirap hanapan ng sagot.“Sino ba kasi iyan? Totoo pa ba iyan o ginugulo na lang tayo?” reklamo ni Watt makaraang malaman nila na may nagpadala rin ng text message sa akin.Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Byeongyun. Kita sa hitsura niya na napipikon na siya.“Hindi ko talaga alam na narito ang mga papel na pinagsulatan ko. Wala na akong matandaan,” sabi ko saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit na nakakalat sa lapag. Agad naman akong tinulungan ni Einon.“Kahit ako ay naguguluhan na rin,” sambit pa ni Einon saka niya iniabot sa akin ang aking bag.“Ayaw ko na talaga ng gulo. Hangga’t maaari, sana huwag na
BYEONGYUN’S POVIlang minuto na naming pinag-iisipan kung kanino maaaring nanggaling ang text ngunit ni isa sa amin ay walang ideya.“Hindi ko alam kung sino iyan pero sa tingin ko, nasa loob lang ng classroom na ito ang nakakita sa nagnakaw ng piece mo,” sambit ko.Panay ang buntong-hininga ni Deborah habang nakatingin sa aking telepono. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya.“Deborah?” tawag ko sa kaniya.Tumunghay siya ngunit hindi pa rin siya nagsalita matapos niyang makita ang text.“Hey, speak up,” untag ko pa sa kaniya pero nabaling lang ang aking atensyon nang magsalita sa aking likuran si Watt.“Sino naman kaya talaga ang nagnakaw ng draft mo?” tanong niya kay Deborah ngunit isang kibit-balikat ang isinagot nito rito.“Iisa lang naman ang puwedeng gumawa niyan.”Agad kaming napalingon kay Einon na naglakad palapit sa
DEBORAH’S POVPara akong nabunutan ng tinik kaya habang naglalakad ako patungo sa room habang nasa tabi ko si Byeongyun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Maayos na sila ni Bavi. Maayos na rin kaming dalawa. Magiging maayos na rin kaya ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito?“Bakit mo na naman ako iniisip?”Agad akong napalingon sa katabi kong kapre at halos mapunit na rin ang kaniyang labi sa lapad ng kaniyang ngisi.“Ano’ng sinasabi mo?”“I don’t need to ask kung sino ba ang crush mo kasi for sure, ako iyon. Saka ang mga ganiyang ngiti? Ngiti ng mga iniisip ang kanilang crush. In short, ako ang crush mo, ako ang iniisip mo kaya ganiyan ang ngiti mo.”Napasinghap ako sa kakapalan ng kaniyang mukha.“Hoy!” bulyaw ko sabay duro pa sa kaniya. “Kailan ka pa nagsimulang kumorni nang kumorni, ha? Ang kapal ng mukha mo. Nakangiti ako kasi ok
DEBORAH’S POV“The Korean guy... Byeongyun,” usal ni Bavi. “Okay, look, Byeongyun. It’s... it’s not what you think.”Sa pagitan ng mga hikbi ko’y muli kong tinawag ang pangalan ni Byeongyun.“Byeongyun...”Nang mapalingon siya sa paligid ay mas lalong kumunot ang noo niya. Doon niya lang rin siguro napansin kung ano’ng hitsura ko ngayon.Tumakbo na siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.“Bakit... bakit ka umiiyak? Bakit ang dumi mo? Ano’ng nangyari? Ha? Answer me, Deborah!” untag niya sa akin ngunit hindi ko nagawang sabihin kung bakit.Dahil doon ay nilingon niya si Bavi. Agad kong hinawakan ang mga braso niya nang maramdaman kong tensyonado na siya ngunit hindi iyon tumalab.“You!