Share

Chapter 7

Author: DarrenChen858950
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 7

Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan.

"Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.

Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.

"Bilisan niyo na. Wala tayong oras para sa ganiyan" sabi ni Klarence habang busy sa paglalagay ng mga cup noodles sa eco bag na dala-dala niya.

"Tingnan niyo muna ang expiration date para sigurado tayo." si Aiden.

Tumango ako habang kumukuha ng mga delata. May nakita pa akong mochi kaya kumuha na din ako. Limang eco bag naman ang dala-dala ko eh. Puro naman kasi chichiriya ying merienda dun sa bahay kaya nakakasawa din.

Malapit na kaming mautas. Humakbang papalapit sa akin si Klarence at nakita ko naman na nasa tabi ni Zach si Ben at busy ang dalawa sa paghanap ng pagkain. Alam ko namang merienda din ang hanap ni Ben. Parehas kami MWEHEHEHE.

"Ang sabi ko, Yung pwedeng iulam. Maiiulam ba yan ha?" tanong niya.

Nakakain din naman to ah. At saka, Nakakasawa din naman yung puro chichiriya lang yung merienda dun sa bahay noh!

"Nakakain din naman to ah," sabi ko habang kumukuha ng mochi.

Binuksan ko ang isang mochi pero syempre, Tiningnan ko muna yung expiration date at laking pasasalamat ko na sa next next next next month pa ang expired nito.

Kinain ko yon. Syempre, Anong gagawin ko dun kung hindi ko kakainin di'ba?

"Bakit?" nagtataka kong tanong kay Klarence nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin.

"Anong lasa?" tanong niya.

Naks! Sabihin mo na kasing may pagkahilig ka din sa Korea. K-pop ba o K-Drama?

"Ng alin? Lasa ng alin?" tanong ko bago buksan ang isa pang mochi.

Syempre, Tiningnan ko ulit yung expiration date. Ayaw ko pang ma-deds ngayon noh! Hindi ko pa nakikita ang pamilya ko, Huwag muna ngayon. Nope Nope Nope!

"Niyan." sabay turo sa mochi na kinagatan ko.

Nilunok ko muna yung mochi sa bibig ko bago magsalita.

"Masarap." sabi ko.

"Masarap? Baka kung ano lang yan," sabi niya saka kinuha ang mochi sa kamay ko.

Kinagatan niya ito! Hoy! Naman eh! Akin yan. Kumuha ka ng sa'yo. Huwag yung kukuhanin mo lang sa akin. Kayang-kaya mo pa namang kunuha tapos aagawin mo lang sa akin yan? Aba! Aba! Aba! Bawal yan utoy! Baka masuntok lang kita diyan.

"Ano ba? Sa akin yan eh. Ubos na tuloy," panghihinayang ko saka naghanap pa ulit kung meron pang mochi.

Hala, Wala ng mochi. Sa kabila. Wala talaga. Sa kanan, Wala din. Sa kaliwa, Wala din. Huhu. Baka ubos na ang mochi dito. Naubos ko pa naman yung nailagay ko sa eco bag ko. Pinagtitingnan ko na din kahit sa sulok.

Pero wala talaga!

Naghanap pa ako ng naghanap. Paborito ko yun eh. Palagi akong ibinibili ni Papa ng ganito kapag nakikita niya akong nanonood ng K-Drama o di kaya eh ng Takbo Bangtan HAHAHA. Ibinibilu din niya ako ng banana milk pero pinagbabawalan niya ako sa Soju, Bawala pa daw kasi yun.

Hanggang sa ngayon eh sobrang curious ko pa din kung anong lasa nung soju. Naghanap na din ako sa mga ref kung meron bang banana milk. Kaso, Wala na din. Ano ba naman yan?! Kung kailan naman kasi Wahhh! Kung alam ko lang na last bite ko na yon, Edi sana sinakmal ko na kaagad para hindi na niya maagaw sa akin.

"Hey. Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Klarence habang sinusundan ako.

Ngayon ko lang napansin na sinusundan pala niya ako. Hala! Bahala siya sa buhay niya, Sundan niya ako kung gusto niya. Matapos niyang ubusin ang mochi ko. Kinamalayan ko bang last bite ko na yon. Kainis naman eh.

"Hala, Ubos na talaga," halos pahina ng pahina kong sambit.

"Alin? Alin ang ubos na?" pakinig kong tanong niya mula sa likod ko.

Siyempre! Yung kinain mo! Ubos na. Ubos na yung mochi! Wala na. Ubos na lahat. Kasi kinain ko na. Kinain mo din. Last bite ko pa naman yon. Grabe Huhu. Gusto ko ng maiyak.

"Hoy, Babae. Kinakausap kita," sabi niya.

Hindi ko siya nilingon bagkus ay bumalik ako sa pwesto ko kanina kung saan ko kinakain yung mochi. Kung saan niya inubos yung last mochi ko. Hala, Ubos na si Baby Chim Chim HUHU!!!!

Hinanap ng paningin ko si Zach. Bahala na, Sa kaniya na lang ako magpapasama. Hahanap kami ng mochi. Kingina! Daig ko pa ang naglilihi dito!

"Zach."

"Oh. Bakit?" nakangiti niyang tanong.

Shet! Yung ngiti mga zer! Pati bakla, Magiging babae. Joke HAHA. Ang cute niya ngumiti.

"Ahh..." napakamot ako ng ulo "...Samahan mo'ko. Hahanap tayo ng mochi. Ubos na eh." sabi ko.

Nakita ko naman si Klarence na walang emosyong nakatitig sa amin. Kung nakakamatay lang yung titig, Nakaburol na kami ngayon. Nakakailang kaya na titigan. Shit naman ehh.

"Ubos na ba?" tanong niya sa akin.

Oo ubos na. Inubos ng tukmol niyong leader. Hindi humanap ng kaniya eh. Tumango naman ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko at hinila. Myghad! Magkahawak kami ng kamay uy!

Nakita kong dumating na sina Dan at pinipigilan lang ang tawa. Napatigil sila nang makita si Klarence na malamig na nakatitig sa aming dalawa ni Zach. Napalingon din sila sa amin. Tatanungin na sana siya ni Aiden nang maglakad si Klarence. Kala ko lalabas siya.

"Saan mo naman nalaman ang mochi?" tanong sa akin ni Zach.

"Sa mga K-Drama." sabi ko.

Busy siya sa paghahalungkat ng nga pagkain. May nakita daw kasi siya ditong babae nung wala pang zombie apocalypse na dito inilalagay yung mga Korean keme keme.

"Eto ba yon?" tanong niya sabay pakita sa akin ng isang box ng strawberry flavored na mochi.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko yung mochi. Wahh! May mochi na ulit ako. Thanks to you, Kabayan. HAHAHA. May mochi na me.

Kinuha niya yung dala-dala kong mga eco bag. Ang dami dami ko daw kasing dala-dalang eco bag eh kababae kong tao. Hindi daw magandang tingnan lalo na at mga lalaki ang kasama ko. Naglagay na din kami dun ng banana milk para daw sulit na yung pagiging korean vibes ko. Sabi pa nga niya kanina eh wala daw akong ambag sa Pilipinas.

Binigyan ko ng mochi at banana milk si Ben. Parehas kaming kumakain at umiinom ng mochi at banana milk. Nakaupo kami ngayon sa sahig ng supermarket na ito dahil nagpapahinga muna kami.

Minsan eh nahuhuli kong tumitingin sa akin si Klarence pero hindi ko siya pinapansin. Eh! Bahala siya sa bohai niya.

"Bukas na lang tayo uuwi. May bahay ako ditong alam. Malapit lang dito. Dun muna tayo magpapalipas ng gabi. Masyado kasi tayong gagabihin sa daan." sabi ni Caleb.

Napatango na lang kaming lahat pero busy pa din kami sa pagkain. Pagkain is layp!

Tumungo na kami sa kotse. Nakatulog na si Ben kaya kami na lang ni Klarence ang alive na alive. Tumitingin sa akin si Klarence paminsan-minsan pero hindi ko pa din siya pinapansin kasi nakatingin ako sa bintana. Pakipot muna nga dayz.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" tanong niya.

Hindi ko pa din siya pinansin. Gusto kong tumawa like HAHAHAHAHAHA.

"I see..." sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya.

"Eh bakit mo ba kasi inubos yung mochi ko?" sabi ko.

"Tinikman ko lang." sabi niya.

Huwaw! Tinikman lang daw. Eh naubos niya nga eh. Naks naman! Hanggaleng ah. Hindi ko na ulit siya sinagot. Gusto ko mang sumagot eh tinatamad ako. Eh sa tamad naman talaga ako eh. Tamad as in mga wantawsan. Ganung lebel.

Gusti ko lang humiga, Humilata, Gumala at kumain. Pa feeling reyna BWAHAHAHA.

Dumating na kami sa bahay na sinasabi ni Aiden kanina. Maganda din yung bahay at ang gate eh semento na may bubog sa itaas. Naks! Sino ba nakaisip nun? Aawardan ko lang HAHAHA.

"Guys. Dadalawa lang ang kwarto dito. Malaki nga tong bahay pero dadalwa lang yung kwarto. Medyo malaki yung sala at kusina kaya hindi kayo mahihirapang gumalaw." sabi ni Aiden.

"Si Ben, Klarence ,Bella at Zach dun sa unang kwarto and the rest, dun sa kabila." sabi pa ni Lukas.

Palagi ko talaga dapat kasama si Ben no! Ako lang kaya ang nag-iisang babae dito haler.

Pumasok na kami sa kwarto at napanganga ako sa design ng kwartong to. Para akong nasa lumang panahon kasi medyo brown brown yung mga gamit dito. Para kang nasa mansyon nung unang panahon. Ang ganda ng pagkakagawa ng bahay nato. Para kang bumalik sa panahon ng mga kastila. Kaso nakakapagtaka lang na wala masyadong pictures dito.

Nandito kami sa salas ni Klarence. Kami lang dalawa kasi natutulog na yung iba. Kakatamad naman talaga eh. Gusto ko ng matulog pero aayaw ng katawan ko. Aayaw makatulog.

"Bakit hindi kayo sa Safe Area pumunta?" tanong ko kay Klarence.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Kasi dun sa safe zone, Dun mas delikado" sabi pa niya.

Ha? Edi hindi safe?!

"Hindi porket safe eh kampante ka na, Na ligtas ka. Hindi mo ba napapansin? Patuloy pa din si Dr. Wilson na paggawa ng mga formula na magagawang maging zombie ang mga normal na tao."

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Kung nandun tayo sa safe zone,Hindi tayo makakagalaw ng malaya katulad ng ginagawa natin ngayon. Doon kasi ay mas dobleng kontrol sa sarili ang kailangan mong gawin. Dobleng pag-iingat at dobleng kaba." pagpapatuloy niya.

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.

"Alam ni Dr. Wilson na dun sa area na yun madaming normal na tao at posibleng yung area na yun ang pakay niya. Mas delikado dun kumbaga. Halimbawa na lang ng larong patintero. Si Dr. Wilson yung taya at ikaw at ang nandun sa safe zone ang lalampas sa kaniya. May mga pamilya na kinakabahan dahil baka mataya sila ni Dr. Wilson at maging zombie din sila. Kung kasali din dun ang mga sinasabi mong pumoprotekta sa iyo dun sa safe zone, Maaari din silang mataya ni Dr. Wilson,"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Shocks! Nakita ko na naman yung dimple niya.

"Sa tingin mo ba, Uunahin ka nilang iligtas gayong alam nila na pwede din silang mataya? Sa tingin mo ba eh, Porket magaling silang humawak ng armas ay sapat na ang kakayahan nila na mailigtas ang lahat ng nandun sa safe zone?"

Tanong niya sa akin pero nanatiling nakatikom ang bibig ko at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Syempre hindi, Hindi ba? Mas pipiliin nila ang sarili nila. Alam mo kung bakit? Kasi Tao din sila. Gusto din nilang mabuhay at maaaring may pamilya din silang mas gusto nilang unahing iligtas. Ang ibig-sabihin ko lamang ay, Tanging ang sarili mo ang magliligtas sayo."

Lumapit siya sakin at saka nilaro ang buhok ko.

"Tanging ang kakayahan mo, Ang galing mo at ang isip mo ang sandata at armas mo. But as long as i'm here., Handa akong isugal ang sarili kong buhay para sa inyo ni Ben. Remember that. Kung hindi man ako makaligtas, Alam ko sa sarili ko na nailigtas ko ang dalawang bituin sa buhay ko. Remember that." sabi pa niya bago ako hinalikan sa noo.

Wahh! Kinikilig ako mga day! Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Hala hala, Red alet. Kinikilig ako ngayon. Pumasok na kami sa loob. Kami ni Ben yung magkatabi at sila naman ni Zach sa kabilang tabi. Ang gwapo pa din ni Zach kahit tulog nung sulyapan ko siya.

Nagdasal na kami ni Klarence saka kami umidlip. Narinig ko pa siyang nag-goodnight at binati ko naman siya pabalik.

--

Kinabukasan, Maaga akong gumising para tumulong sa pagluluto. May nakuhang frozen meat kahapon sina Dan kaya't makakakain kami ngayon ng karne.

"Magluluto ka ng adobo?" tanong sa akin ni Dan.

"Oo," sabi ko habang hinahanda ang mga sangkap.

Maya-maya pa kami aalis dito. Siguro mga tanghali. Inilagay ko na ang iba pang mga sangkap. Si Dan ang pinaghalo ko ng karne nung medyo piniprito pa ito dahil ayokong matalsikan ng mantika.

Naupo ako sa upuan dito sa mesa habang kumakain ng mochi. Buti na lang talaga at may nakitang mochi si Zach kahapon. Pumunta sa kusina si Klarence na basa pa ang buhok at topless. Bakit ba ang hilig hilig niyang mag-topless?

Haler! May babae po dito.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Shocks, Akala ko yung adobo yung almusal namin ngayon, Yun palang pandesal ni Klarence. Arghhh!!! Pengeng palaman mga zer!

"Ang aga mo atang nagising." sabi niya bago kumuha ng mochi.

Eto na naman tayo. Baka ubusin na naman niya 'to. Sinamaan ko siya ng tingin para ipahiwatig na 'Atuhan mong ubusin yan, Papakain kita sa zombie'.

"Tss, Hindi ko uubusin 'to. Baka magalit ka na naman sa akin." sabi niya na medyo natatawa-tawa pa.

May nakakatawa ha?

Nagpaalam si Dan na lalabas muna daw siya para tawagin yung mga kasamahan namin. In short, Kaming dalawa lang ni Klarence ang nandito. Siya ang naglalagay ng adobo sa lalagyan habang ako naman ang naghahanda ng mga pagkakainan.

"Hoy! Maghintay ka." sabi ko nang kainin niya yung karne.

Makakapag-hintay siya. Parating na naman yung nga kasamahan niya.

"Tinikman ko lang." sabi niya.

"Ayan ka naman eh, Sasabihin mo titikman mo lang tapos maya-maya ubos na." sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang ulam sa kamay niya at inilagay ito sa lamesa. Sinunod naman niya ang kanin.

"Kainan na!" masayang saad ni Lukas.

Tumabi sa akin si Ben na mukhang inaantok pa habang katapat ko naman si Klarence. Nagdasal muna kami saka kami nagsimulang kumain.

"Hmm, Sarap ah." sabi ni Lukas.

Wala namang imik si Klarence. May mood swing siguro 'tong lalaking 'to.

"Masarap ba Ben?" tanong ko kay Ben.

Tumango naman siya. Busyng-busy siya sa pagkain.

Si Lukas at Zach na ang nag prisinta na maglilinis ng mga plato. Sinundan ko si Caleb na mukhang aasikasuhin ang tungkol sa formula niya. Gusto kong tingan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Caleb nang mapansin ang presensiya ko.

"Ahmm, Ano yan?" sabay turo ko dun sa device na hawak-hawak niya.

"Ah, Kapag tumunog 'tong device na 'to, Ibig-sabihin may papalapit na zombies. Mahalaga sa 'tin 'tong device na ito. Malalaman natin kung may papalapit na zombies." sabi niya sabay bukas sa laptop niya.

Naks! Apple! Yayamanin.

Related chapters

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 8

    Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 9

    Chapter 9Lukas's POV"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo."Sinabi ko naman sayong maligo ka!"Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww..."Maliligo ako

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 10

    Chapter 10"Galit ata si Klarence." sabi ko habang nagmamaneho si Zach.Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ang nasa passenger seat, Katabi niya. Si Lukas naman ay nasa likod at panay ang kain ng pagkaing kinuha namin.Feeling ko tuloy ngayon, Mga magnanakaw kami sa gitna ng pandemya. Kumukuha kami ng walang paalam. Kung sakali mang makulong kami dahil sa pagnanakaw kapag nasulusyonan na 'tong pandemyang 'to, Syempre, Ilalaban namin yung side namin.Aba! Eh alangan namang magpaalam kami sa mga zo

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 11

    Chapter 11Bella's POV"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa."Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip s

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 12

    Chapter 12Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo."Lukas! Ang icing na

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 13

    Chapter 13Bella's POVHalos magmura ang puso at utak ko kasi nagustuhan niya yung binake ko sa kaniyang cake. Ack! Nagustuhan niya. Nagustuhan niya."Ben, Dahan-dahan." sabi ko sa kaniya saka pinunasan ang mukha niya.Puno na ng icing ang mukha niya. Ang kalat niya masyadong kumain. Pinaghalong sauce ng spaghettie at icing ng cake ang bibig niya. Hay nako."Ang sarap po kasi Ate Bella."Hehe, Kalma, Ako lang kaya 'to.Huminga ng malalim si Klarence. Naging seryoso

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 14

    Chapter 14 Bella's POV Hindi tuloy ako mapakali dahil sa mga sinabi nila. Kabado isang libo. Baka magulat na lang kami, Nasa harapan na namin si Dr. Wilson. Kaya kailangan na talaga naming maghanda hangga't maaga pa. "Anong gagawin natin ngayon?" si Aiden. "Kailangan na nating maghanda." Sabi ni Klarence. Pagkatapos naming magkainan ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin. Medyo maraming hugasin ngayon dahil nga sa naghanda kami para sa birthday ni Klarence. "Anong regalo mo sa akin?"

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 15

    Chapter 15 Bella's POV "Bella, Si Ben ha." Paalala ni Klarence. Sabi niya kasi sa akin kanina ay baka maging busy sila kaya ako na muna ang pagbabantayin niya kay Ben kung sakali. "Lilikas tayo?" tanong ni Zach sa mga kasamahan niya. Nagiging mas mapanganib na ngayon dahil sa papunta dito si Wilson. Siguradong ang mga buhay namin ay hindi na safe dahil sa kasamaang taglay ni Dr. Wilson. Baka pati ang bata ay gawan din niya ng masama at hindi na ako magugulat kapag nangyari nga iyon. "Kailangan eh." Sabi ni Lu

Latest chapter

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Epilogue

    A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 54

    Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 53

    Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 52

    Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 51

    Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 50- Lukas

    Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 49

    Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 48

    Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me

  • Zombie Apocalypse-Tagalog   Chapter 47

    Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.

DMCA.com Protection Status