Chapter 10
"Galit ata si Klarence." sabi ko habang nagmamaneho si Zach.
Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ang nasa passenger seat, Katabi niya. Si Lukas naman ay nasa likod at panay ang kain ng pagkaing kinuha namin.
Feeling ko tuloy ngayon, Mga magnanakaw kami sa gitna ng pandemya. Kumukuha kami ng walang paalam. Kung sakali mang makulong kami dahil sa pagnanakaw kapag nasulusyonan na 'tong pandemyang 'to, Syempre, Ilalaban namin yung side namin.
Aba! Eh alangan namang magpaalam kami sa mga zombies na kukuha kami ng pagkain, Dzuhh.
"Hayaan mo siya." sabi ni Zach habang seryosong nakatingin sa daan.
"Hmm, i smell something fishy." sabi ni Lukas sa likod.
"Naaamoy mo siguro ang sarili mo." sabi pa ni Zach na ikinatawa ko.
Ewan ko sa inyong dalawa.
"Hey wazzup guys. Buhay pa ba kayo?" pakinig kong sabi ni Dan sa radyo.
"Akin na, Akin na." sabay kuha ng device ni Lukas kay Zach.
"Hoy, Bebe ko, Maliligo ka na pagdating natin sa bahay nina Klarence ha."
"Anong bebe ka diyan? Gusto mong mamatay?"
"Okay. I love you too." sabi ni Lukas na halatang pinagtitripan na naman si Dan.
"I love you mo mukha mo."
Tawang-tawa na ako dito sa kinauupuan ko pero pinipigilan ko lang dahil hindi kami dapat masiyadong mag-ingay.
"Bakit ka nga pala nangangati?" tanong ni Lukas kay Dan sa kabilang linya.
"Gago tol. Walang sabon dun sa bahay. Ayun, Ginamit ko yung sabong panlabang nakita ko 'dun. Yung powder. Hanep, Makati pala yon."
Napailing na lang si Zach habang ako ay napatampal sa noo ko. Sino namang matino ang gagamit ng ganun ha? Kahit siguro magkaubusan ng sabon sa mundo, Hinding-hindi ko iyon gagamitin.
"Tol, Alam kong Gago ka, Pero hindi ko alam na ganiyan ka na pala katanga...Bobo ka ba? HAHAHAHA." sabi ni Lukas.
Ilang sandali pa bago sumagot si Dan sa kabilang linya. Alam kong hindi lang kami ang nakakarinig ng sagutan nilang dalawa kundi pati na din sina Klarence sa kabilang sasakyan.
"Papatayin kita mamaya." sabi ni Dan.
Hindi na sumagot si Lukas dahil sa pagtawa niya. Halos mamilipit na siya sa pagtawa dahil hindi siya pwedeng tumawa ng napakalakas.
"Malapit na tayo." sabi ni Zach.
Ibang-iba na talaga ang lugar na ito. Ang ganda ng lugar na 'to noong wala pang pandemya. Nagmistulang nadaanan ng giyera 'tong lugar na nadadaanan namin.
I-pinark na ni Zach ang sasakyan niya kung saan niya palaging pinapark ang sasakyan dito sa bahay nina Klarence. Ganun din si Klarence at Dan sa mga sasakyang ginamit nila.
Lumabas si Klarence at Fiona. Si Fiona ay nakayakap sa bewang ni Klarence at hinahayaan lang 'to ni Klarence.
Sige lang. Wala naman akong paki. Edi magsama silang dalawa. Total, Bagay naman sila hindi ba? Gwapo naman si Klarence tsaka mayaman. Mayaman, Sikat at maganda din si Fiona. Pero mas maganda ako.
Tumatawa pa si Klarence at Fiona. Tangina pala nila eh. Edi sige. Happy sila. Edi wow.
Di pa sila naging zombie. Mga talandi sila.
"Ate Bella."
"Ay!" nagulat ako sa paghila ni Ben sa damit ko.
Ito talagang batang 'to. Kung saan-saan na lang sumusulpot. Kapag ako talaga inatake sa puso nito, Mumultuhin ko 'tong batang 'to.
"Gulat?"
"Hindi naman. Konti lang. Bakit ba?" tanong ko.
Nginuso niya sina Fiona at Klarence na nagtatawanan papasok sa bahay.
"Oh?"
"Hindi ka nagseselos?" may panunuya sa tono ng pagsasalita niya.
"B-Bat naman ako magseselos?"
"Hindi talaga." tumataas-baba na naman ang kilay niya.
Pinagtitripan na naman ako ng batang 'to.
"H-Hindi!"
"Eh ba't ka nauutal?"
"Eh, Kasi ano... G-Gutom na ako." pagpapalusot ko.
Tama, Gutom ako.
"Asus... Eh kakakain lang natin ng pansit kanina di'ba?"
Hindi na talaga siguro ako makakaligtas sa batang 'to ano? Ang dami niyang nahahanap na butas sa mga sinasabi ko. Jusko Lord, Help naman. Mukhang mas matalino pa sa akin 'tong batang 'to eh.
Tumingin siya sa mga mata ko kaya umiiwas ako. Bawal tumingin, Magiging bato ka.
"Nagseselos ka nga." saka siya pumihit papasok sa bahay nina Klarence.
"Tsk, Hayaan mo na yun." sabay akbay sa akin ni Zach.
Hinawakan ko ang kamay niyanh nakaakbay sa akin. Si Lukas ang nagdala ng mga gamit na nasa kotse ni Zach. Ayan, Takaw mo lods eh.
"Parang hindi mga kaibigan. Hmp!" sabay lagpas niya sa amin ni Zach na bahagya naman naming ikinatawa.
Dumiretso naman kami ni Zach pababa sa Underground na bahay nina Klarence na siyang hideout namin. Pinindot ni Zach ang password at kusang bumukas ang bakal na pinto.
Seryosong mga mata ang sumalubong sa aming dalawa ni Zach. Lalo na si Klarence. HAHA, Ba't ka nakatingin?
"Oh, Kayo na ba? Congrats." bati sa amin ni Fiona na halatang kaplastikan naman.
"Huh?"
"Kailan pa?" tanong ni Fiona,
"A-Anong kailan pa?"
Tumingin si Fiona sa seryosong si Klarence.
"Babe, Hindi mo naman sinabing in a relationship na pala 'tong dalawa."
Aapila pa sana ako sa sinabi ni Fiona nang magsalita si Klarence.
"Congrats." sabi niya saka tumungo sa kwarto niya.
Nalaglag ang panga naming dalawa ni Zach sa tinuran ni Klarence. Hindi naman kami ah? Bullshit! Kasalanan 'to ni Fiona. Anong karapatan niyang sabihing kami na? Porket nakaakbay? Ibig-sabihin, In a Relationship na?
Wow ha! Nakakahiya naman sa kanilang naglalampungan kanina. Teka nga, Eh di'ba, mukhang sila naman yung In a Relationship dito? Bakit kami ni Zach yung pinagdidiskitahan nitong babaitang 'to? Eh kulang na nga lang kanina eh ipangalandakan niyang sila na ni Klarence.
It's just a friendly matter, Fiona. Pag-akbay is normal. Normal yun! Jusko, Kulang ka sa aruga. Gustong-gusto na kitang sabunutan sa tinatalak niyang bunganga mo eh. Diyan nagsisimula yung tsismis.
"Congrats." sabay lahad niya ng kamay.
Inalis ni Zach ang nakaakbay niyang braso sa akin nang mapansing seryoso ang aura ng mukha ko.
"Ba't na nagko-congrats?" tanong ko, Hindi man lang pinapansin ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko.
Humalukipkip siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. Aba! Talagang sinusubukan ng babaeng ito ang pasensiya ko. Wala na akong pakialam kung andito si Ben. Sasabog na ako sa inis dito eh.
"Kasi kayo na. Hindi ba obvious?" sarkastiko niyang saad.
"Hindi rin ba obvious na masiyadong talak ng talak yang bunganga mo? Hindi man lang naninigurado sa mga sinasabing salita. Gusto mo bang lagyan natin yan ng tape? Diyan kasi nagsisimula ang tsismis eh." sabi ko, Habang sinasabayan ang titig niya.
Come on. Don't me bitch.
"How dare you!" sabay akmang sasampalin niya ako.
"Don't You Dare, Fiona." saad ni Klarence na nakasandal sa pinto ng kwarto niya.
Walang nagawa si Fiona kundi ang ibaba ang braso niya. Sige, Akala ko ba matapang ka? Ba't hindi mo ituloy at halos manginig ka sa mga salita ni Klarence. Wala ka pala eh.
Chapter 11Bella's POV"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa."Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip s
Chapter 12Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo."Lukas! Ang icing na
Chapter 13Bella's POVHalos magmura ang puso at utak ko kasi nagustuhan niya yung binake ko sa kaniyang cake. Ack! Nagustuhan niya. Nagustuhan niya."Ben, Dahan-dahan." sabi ko sa kaniya saka pinunasan ang mukha niya.Puno na ng icing ang mukha niya. Ang kalat niya masyadong kumain. Pinaghalong sauce ng spaghettie at icing ng cake ang bibig niya. Hay nako."Ang sarap po kasi Ate Bella."Hehe, Kalma, Ako lang kaya 'to.Huminga ng malalim si Klarence. Naging seryoso
Chapter 14 Bella's POV Hindi tuloy ako mapakali dahil sa mga sinabi nila. Kabado isang libo. Baka magulat na lang kami, Nasa harapan na namin si Dr. Wilson. Kaya kailangan na talaga naming maghanda hangga't maaga pa. "Anong gagawin natin ngayon?" si Aiden. "Kailangan na nating maghanda." Sabi ni Klarence. Pagkatapos naming magkainan ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin. Medyo maraming hugasin ngayon dahil nga sa naghanda kami para sa birthday ni Klarence. "Anong regalo mo sa akin?"
Chapter 15 Bella's POV "Bella, Si Ben ha." Paalala ni Klarence. Sabi niya kasi sa akin kanina ay baka maging busy sila kaya ako na muna ang pagbabantayin niya kay Ben kung sakali. "Lilikas tayo?" tanong ni Zach sa mga kasamahan niya. Nagiging mas mapanganib na ngayon dahil sa papunta dito si Wilson. Siguradong ang mga buhay namin ay hindi na safe dahil sa kasamaang taglay ni Dr. Wilson. Baka pati ang bata ay gawan din niya ng masama at hindi na ako magugulat kapag nangyari nga iyon. "Kailangan eh." Sabi ni Lu
Chapter 16Bella's POVNarito kami ngayon sa kwarto ng mama ni Zach. Malinis pala sa gamit ang mama nito dahil halatang-halata sa mga muwebles. Yun nga lang, Nakakahiya namang hawakan dahil baka masira ko. Wala akong pambayad.Si Fiona at si Ben lang ang kasama ko dito sa kwarto ngayon dahil nasa kabilang kwarto yung iba. Hindi ko sigurado kung kwarto ba yun ng Papa ni Zach o kwarto niya. Patuloy naman sa paglalaro ng robon itong si Ben. Maiwan na siguro lahat, Huwag lang ang robot na yun.
Chapter 17Bella's POV"Asan si Dan?" tanong ni Lukas.Si Dan na naman ang hinahanap nitong isang ito. Parang hindi nagkita kanina."Andun sa kusina. Nagluluto." Sabi ni Aiden.Ewan ko ba kina Aiden at Fiona at hindi pa nila sabihin sa lahat na sila ng dalawa. Lahat naman siguro ay boboto sa kanila. Kagaya naman kanina ni Lukas, Parang wala lang sa kaniya nung sinabi kong sila na ngang dalawa.Bakit ba hindi ko naitanong iyon kanina?
Chapter 18Bella's POV"Fiona, Alam mo din sana na masakit sa akin ang pagkawala niya." Sabi ni Aiden na umiiyak na din.Gustuhin ko mang umawat sa kanila ay hindi ko magawa."Oo alam ko. Kahit naman siguro sino masasaktan kung sila ang nasa kalagayan mo. Pero Aiden! It's fvcking three years! Tatlong taon na yan—""Oo tatlong taon na! Tatlong taon na Fiona pero masakit pa din. Sobrang sak
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.