Chapter 15
Bella's POV
"Bella, Si Ben ha." Paalala ni Klarence.
Sabi niya kasi sa akin kanina ay baka maging busy sila kaya ako na muna ang pagbabantayin niya kay Ben kung sakali.
"Lilikas tayo?" tanong ni Zach sa mga kasamahan niya.
Nagiging mas mapanganib na ngayon dahil sa papunta dito si Wilson. Siguradong ang mga buhay namin ay hindi na safe dahil sa kasamaang taglay ni Dr. Wilson. Baka pati ang bata ay gawan din niya ng masama at hindi na ako magugulat kapag nangyari nga iyon.
"Kailangan eh." Sabi ni Lukas sabay kasa ng baril na hawak niya.
"Kakailanganin mo 'to." Sabay abot sa akin ni Klarence ng isang baril at isang kutsilyo.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ito.
"P-Pero, Hindi ako marunong gumamit nito Klarence." Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa baril at kutsilyo na ibinigay niya sa akin.
"Kaya mo 'yan Bella. Hindi ka magiging ligtas hangga't wala ka niyan. Mapanganib." Sambit ni Aiden.
Kahit na napipilitan ay tinanggap ko ito at tumango. Bahala na si Batman kung paano ito gamitin. Alam kong makakatulong din ito sa akin para mailigtas ang buhay ko maging buhay ng mga kasamahan ko dito.
Nakita ko rin kung kaano kahanda si Fiona. Halatang sanay siya sa mga armas kaya parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari. Minsan ay hindi ko din mapigilang hindi ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Maganda siya, Mayaman at talentado. Malayong-malayo sa katulad ko.
"Bilisan niyo. Baka maabutan niya tayo dito." Sabi ni Lukas.
"Ang mga formula?" tanong ni Klarence.
"Nasa akin na." Si Caleb ang sumagot.
Nagsitanguan na ang lahat saka binuhat ni Klarence si Ben at hinawakan ang kamay ko.
"Huwag kang lalayo sa akin." Bulong niya.
Naramdaman ko ang mga titig ni Zach sa amin ni Klarence at pakiramdam ko ay may nagawa akong masama pero hindi muna iyon ang iisipin ko. Ang mga buhay namin ay nanganganib at hindi basta-basta yun.
"Saan tayo lilikas ngayon? Siguradong hindi ligtas kung basta-basta na lang tayo papasok sa mga bahay-bahay dahil maaaring may mga zombies pala dun nang hindu natin nalalaman." Saad ni Aiden.
Nagpakawala ng buntong hininga si Klarence at si Caleb naman ay inaayos ang mga gadgets sa bag niya.
"Sa bahay nina Zach tayo ngayon."
"Ligtas ba dun?" tanong ko.
Tumango siya.
"Mi-nonitor ni Caleb ang bahay nina Zach. Hindi yun kalayuan dito at ligtas yun. Ang pinagka-iba lang ay mas kailangan nating maging maingat dahil hindi katulad ng bahay namin ang bahay nina Zach kaya delikado pa din." Paliwanag ni Klarence habang inilalagay ang bag sa likod ng kotse.
"Kumpleto na ba lahat?" tanong niya sa mga kasamahan.
"Oo ayos na." Sabay-sabay nilang sambit.
Ay pak! Sabay-sabay.
Pumasok na kami sa loob ng kotse pero nang sasakay na ako ay ilang putok ng mga baril ang narinig namin.
Yumuko ako nang marinig ko iyon. Baka matamaan ako nang hindi ko namamalayan.
"Yuko!" sigaw ni Klarence.
Ilang kasa ng baril ang narinig namin pagkatapos nun. Tumambad sa harapan namin ang lalaking nakaputi, may suot na salamin, medyo katangkaran at may yosi sa bibig.
"Dr. Wilson..." bulong ko.
"Long time no see Klarence mah boy!" masayang bati nito kay Klarence na parang hindi alintana ang ka-dimonyohang ginagawa niya.
"Mah boy your ass." Saad ni Klarence.
Humalakhak si Dr. Wilson.
"Don't you miss me?"
Gago! Eh kung sapakin kaya diyan sinto-sinto ka? Ayusin mo muna ang mundo bwisit!
"At paano ko mami-miss ang taong nagdala ng bangungot sa mundo?" malamig na sabi ni Klarence.
"Oh, Thank You! Hindi ka ba proud?" humalakhak na naman ito.
Pinaputukan siya ni Klarence ng baril na ikinagulat namin pero nakailag ito.
"Oh! Nice surprise. 'Di ka pa din nagbabago."
"I'm gonna kill you." Galit na sambit ni Klarence.
"Oh! Papatayin mo ako? Pero... Iyan din ang sinabi ng Papa mo sa akin nun pero anong nangyari sa kaniya? Naging ZOMBIE!" Ani nito na parang iniinsultp si Klarence.
"Hayop k—ARGH!" pinaputukan siya ni Dr. Wilson sa braso.
"KLARENCE!" sabay-sabay naming sigaw.
Ito na ang pagkakataon ng iba kaya sabay-sabay nilang pinaputukan ng baril si Dr. Wilson pero napakadali lang para dito ang umilag.
"Sakay! Bilis!" utos ni Zach.
Sumakay kami sa kotse. Dalawang kotse ang gamit dahil hindi kami kasyang lahat sa iisa lang. Katabi ko si Klarence ngayon na iniinda ang tama niya sa kaliwang braso.
Narinig pa namin ang malakas na mala-demonyong halakhak ni Dr. Wilson.
Tsk, Literal na dimonyo.
"Sa bahay ninyo bilis!" utos nu Klarence sa nagmamanehong si Zach.
Binilisan naman ni Zach ang pagmamaneho ng kotse niya ngunit naging marahan at dahan-dahan kapag may daraang zombies.
"Kayanin mo Klarence." Sabi ko kay Klarence na namumutla na dahil sa dami ng dugong nawawala sa kaniya.
"I-I love y-you..." banggit niya.
"May tama ka na nga ng baril iyan pa ang iniisip mo! Gusto mo bang pisilin ko 'yan?" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
"May first-aid ata diyan sa likod. Hanapin mo na lang Bella." Sabi ni Zach habang nakatingin pa din sa daan.
Dali-dali kong hinalwat ang mga gamit sa likod ng kotse para hanapin ang first aid. Ilang bag pa ang binuksan ko pero hindi ko makita.
Mga pagkain, Mga armas, mga damit, mga armas na ulit....
First aid!
"Heto, Nakita ko na." Sabi ko saka kumuha ng bulak at iba pang igagamot sa sugat niya.
"Aray! Dahan-Dahan." Inda ni Klarence.
"S-soryy."
"Malapit na tayo. Konting tiis na lang Klarence." Sabi pa ni Zach sa kaniya.
Maya-maya pa ay tumigil na ang kotse at huminto kami sa isang malaking bahay. Malaki ito pero mas malaki pa din ang bahay nina Klarence.
Mas medyo makaluma ang disenyo ng bahay na ito. Simple pero magarbo. Gawa sa kahoy ang ibang parte ng bahay. Malaki ang pinto at parang kapamilya ni Goliath ang papasok dito.
Inalalayan nina Zach at Caleb si Klarence papasok sa loob. Ako naman ay binuhat ko kaagad si Ben para hindi siya mawala. Ang iba pa naming kasamahan ang kumuha ngmga gamit sa kotse.
"You have blood, ate Bella." Bulong sa akin ni Ben.
Napatingin ako sa damit ko at may dugo nga ito. Siguro ay nalalinan na din ni Klarence .
"Sa k-kuya mo 'to..." sabi ko saka pumihit papasok sa loob.
Mas napahanga ako sa disenyo sa loob. Napakaluwag at hindi ganoon karaming gamit kaya napakaaliwalas sa paningin.
"Nakapunta na ako dito dati." Pakinig kong saad ni Ben.
"Edi Sana lahat." Sabi ko.
"Kuya!" sigaw ni Ben nang makita ang duguan niyang kuya.
"SHHHH!!" sabay-sabay na saad ng iba pa naming kasamahan.
"Wag kayong masyadong maingay. Hindi ito soundproof kagaya ng bahay ninyo. Mas delikado dito. Tandaan niyo yan." Pagpapaalala sa amin ni Lukas.
Tumango kami pareho ni Ben. Oo nga pala.
"Kailangan salitan ang pagbabantay dito. Kung may gising sa umaga, Dapat may gising din sa gabi." Sambit ni Zach habang ginagamot ang sugat ni Klarence.
Naaalala ko tuloy nung ginamot din niya ako.
"Mas delikado na ngayon." Si Aiden.
"Kita niyo naman soya kanina, Napaka-demon—"
Hindi naituloy ni Dan ang sasabihin nang tingnan siya ng masama ni Klarence.
"May bata." Malamig na sambit nito.
"Maghanda na kayo. Nakawala na ang hayop sa kulungan niya." Sabi ni Klarence
Sobrang bilis ng kalabog ng puso ko. Ganito din ang naramdaman ko nung huli naming pagkikita ng pamilya ko. Hindi pangkaraniwang laban lang ito dahil buhay ang nakataya at kapag hindi kami nagtagumpay, Buong mundo ang masasakop ni Dr. Wilson at mas lalala pa ang kasamaan niya.
Nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga ang iba pa naming kasamahan. Maging ako ay hindi ko rin alam ang mga susunod na mangyayari.
Sino nga ba ang nakakaalam?
Nilagyan ni Zach ng benda ang sugat na natamo ni Klarence. Mas okay na ang itsura niya ngayon kumpara kanina na namumutla at nahihirapan nang huminga.
"Anong susunod na hakbang?" tanong ni Aiden.
"Kailangan ay may magbabantay sa umaga at may magbabantay din sa gabi. Dapat ay yung magbabantay sa gabi ay mas alerto kumpara sa magbabantay sa umaga. Mas tahimik ang paligid kaya nas madaling makagawa ng ingay." sabi ni Klarence.
Nagtanguan kaming lahat sa nga sinabi niya.
"Si Zach, Aiden at Caleb sa gabi magbabantay. Kasama din dapat ako sa gabi kaso hindi pwede dahil sa bwisit na sugat na 'to. Kaya sila na muna sa ngayon. Ang mga natira, Si Lukas, Dan, at Ako naman ang sa umaga. Bella at Fiona." parehas kaming napatingin ni Fiona kay Klarence.
"Huwag niyong hahayaang makalabas si Ben." paalala niya at tumango kami pareho.
Ngayon lang ata kami nagkasundo ni Fiona. Pero hindi ito ang oras para magsaya, Nanganganib kaming lahat.
Chapter 16Bella's POVNarito kami ngayon sa kwarto ng mama ni Zach. Malinis pala sa gamit ang mama nito dahil halatang-halata sa mga muwebles. Yun nga lang, Nakakahiya namang hawakan dahil baka masira ko. Wala akong pambayad.Si Fiona at si Ben lang ang kasama ko dito sa kwarto ngayon dahil nasa kabilang kwarto yung iba. Hindi ko sigurado kung kwarto ba yun ng Papa ni Zach o kwarto niya. Patuloy naman sa paglalaro ng robon itong si Ben. Maiwan na siguro lahat, Huwag lang ang robot na yun.
Chapter 17Bella's POV"Asan si Dan?" tanong ni Lukas.Si Dan na naman ang hinahanap nitong isang ito. Parang hindi nagkita kanina."Andun sa kusina. Nagluluto." Sabi ni Aiden.Ewan ko ba kina Aiden at Fiona at hindi pa nila sabihin sa lahat na sila ng dalawa. Lahat naman siguro ay boboto sa kanila. Kagaya naman kanina ni Lukas, Parang wala lang sa kaniya nung sinabi kong sila na ngang dalawa.Bakit ba hindi ko naitanong iyon kanina?
Chapter 18Bella's POV"Fiona, Alam mo din sana na masakit sa akin ang pagkawala niya." Sabi ni Aiden na umiiyak na din.Gustuhin ko mang umawat sa kanila ay hindi ko magawa."Oo alam ko. Kahit naman siguro sino masasaktan kung sila ang nasa kalagayan mo. Pero Aiden! It's fvcking three years! Tatlong taon na yan—""Oo tatlong taon na! Tatlong taon na Fiona pero masakit pa din. Sobrang sak
Chapter 19Bella's POV"Ang mga armas!" sigaw ni Klarence sa mga kasamahan niya."Klarence, Ang sugat mo." Sabi ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako."Maayos na ako." Sabi niya bago ako halikan sa noo. "Dito lang kayo sa loob, Huwag kayong lalabas." Sabi nito sa amin.Pipigilan ko pa sana siya nang harangin ako nina Lukas at Fiona. "Huwag ka nang sumunod dun Bella. Mapapahamak ka lang!" sa
Chapter 20 Bella's POV "KLARENCE!" sigaw ko kahit hindi ko na siya makita. Pinagtutulungan na siya ng mga zombies ngayon. "Bella, Tama na." Saad ni Zach habang inilalayo ako sa may pinto. "Zach! Si Klarence, Tulungan natin siya. Kailangan niya tayo." Sabi ko habang humahagulhol. "Bella, Wala na si Kla—" pinutol ko ang sasabihin niya.
Chapter 21 Bella's POV "Nakita niyo ba si Klarence?" tanong ko sa mga kasamahan ko na nakikipagyakapan na sa mga kamag-anak at kakilala nila. "Ate Bella, Asan na si Kuya?" tanong ni Ben na akay-akay ko. Kanina ko pa siyang hinahanap kasabay ng paghanap ko sa pamilya ko. Binabalot na ako ng kaba na baka hindi sila naging normal. "Hindi ko pa napapansin eh." Sabi ani Zach na nagmamasid
Chapter 22Bella’s POV“Kapag hindi ka dun nag-aral, sige ka.” Sabi ni Klarence habang magkahawak kami ng kamay.“Dun na nga ako mag-aaral eh!” sabi ko sabay hampas sa braso niya. Ack! “Paulit-ulit ka na eh, Kanina ka pa.” Sabi ko pa bago maupo sa may bench. Umupo na din siya sa tabi ko.Pagkatapos ng dalawang taon, medyo nakakaahon na din sa wakas ang mundo. Malinis na ang ilang lugar dito at masisimulan na ulit ang pasukan. Akalain niyo ‘yun, parang kahapon lang, ang daming zombies dito sa tabi-tabi.Ang hindi ko ata kinaya ay nung malaman nina Lukas na ‘yung teacher nila sa P.E. ang magiging guro nila. Grabe! Muntik nang maiyak si Lukas dahil dun. Kapag sinuswerte ka nga naman oo.“Naninigurado lang, baka magbago na naman ang pasya niyo eh.” Sabi nito.Inirapan ko siya, “B
A/N: Hi! This is for Zach’s story :). Yes, side story ‘to Haha. Excited sa story ng ibang Zombie Apocalypse boys! Hahaha. Enjoy Reading!++++++++++++++++++++++++++++++ Chapter 23 Mara’s POV “Ang gwapo talaga nung Klarence ano? Mara. Tapos lumaban pa sila sa mga zombies.” Puri ng kaibigan kong si Ellen kay Klarence. Napairap na lang ako sa tinuran niya. Biggest crush niya talaga si Klarence simula nung matapos ang Zombie Apocalypse. Mabuti na lang talaga at nakapunta kaagad kami sa Safe Zone. “Talaga? Mukha kasing masungit eh.” Sabi ko bago uminom ng buko juice. First Day of School ngayon. Medyo nakaahon na kasi ang mundo pagkalipas ng dalawang taon. Finally, medyo nakaka-adjust na kami. Scholar silang lahat—i mean, sina Klarence, Zach, Bella, Lukas, Dan,Aiden at C
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.