Chapter 13
Bella's POV
Halos magmura ang puso at utak ko kasi nagustuhan niya yung binake ko sa kaniyang cake. Ack! Nagustuhan niya. Nagustuhan niya.
"Ben, Dahan-dahan." sabi ko sa kaniya saka pinunasan ang mukha niya.
Puno na ng icing ang mukha niya. Ang kalat niya masyadong kumain. Pinaghalong sauce ng spaghettie at icing ng cake ang bibig niya. Hay nako.
"Ang sarap po kasi Ate Bella."
Hehe, Kalma, Ako lang kaya 'to.
Huminga ng malalim si Klarence. Naging seryoso ang scenery dito sa kusina kung nasaan kami ngayon. Ito talagang si Klarence, May mood swing. Dinaig pa ako.
"Kailangan na nating maghanda." seryosong sabi niya.
Maghanda? Eh diba may handa na? Naku, Joke lang. Baka mapagbuntunan ako dito. Kinakabahan na ako sa mga sinasabi ni Klarence. Baka mamaya, Bigla na lang siya ditong mag-transform kasi isa pala siyang transformer.
O baka naman isa siyang pokemon?
"Para saan?" tanong ni Lukas.
"Kanina, Habang naghahanap kami ng impormasyon para sa dugong kailangan natin para sa formula, Nalaman namin na gumagawa na ng hakbang si Dr. Rewil Wilson. Pumunta siya sa Safe Area kahapon. Marami ang naging zombie. Halos one-fourth na ng populasyon ang hindi pa nagiging zombie kaya kailangan nating maghanda kasi baka tayo na ang susunod."
Bigla akong kinabahan. Posibleng kasama sa one-fourth na yun ang pamilya ko at maaari rin namang hindi na. Masyadong marami na ang nai-infect ng mga zomvies na kagagawan ni Dr. Wilson kaya talagang kailangan naming maghanda kasi maaaring manganib na ang buhay namin.
Kung hindi kaagad maaagapan ang pandemyang ito, Baka tuluyan nang masakop ni Dr. Wilson ang mundo dahil sa ka-dimonyohan niya. Nakakainis.
"Eh anong plano natin ngayon? Mainit ang mga mata natin kay Wilson dahil sa Papa mo. Manganganib tayo kung matunton niya tayo." Saad ni Caleb.
Dahil sa Papa ni Klarence? Anonv issue sa kanilang dalawa? Hindi sa chismosa ha, Pero bakit? Anong atraso nila sa isa't asa at bakit nasama sa issue ang Papa ni Klarence?
"What do you mean?" tanong ni Fiona.
Yun din sana ang itatanong ko.
Huminga ng malalim si Klarence saka ipinatong ang siko sa lamesa habang nakapatong ang baba nito. Mahirap gumalaw ng maayos dahil pakiramdam ko, Malaking issue dito. Argh! Pati ako ay nahihirapan ngayon.
"Matagal ng magkaibigan si Papa at Dr. Wilson."
Gulat kaming napatingin sa kaniya.
"What?" si Fiona
"Ano?" ako.
English lang yung kay Fiona kaya medyo may dating. Matagal nang magkaibigan si Dr. Rewil Wilson at ang Papa ni Klarence? So ibig-sabihin, Kilala ni Klarence si Dr. Wilson?
"Noon yon. Masyadong mataas ang hangarin ni Dr. Wilson at hindi siya nagpapatalo. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya kaya ni hindi na niya napapansin na masama na ang nagagawa niya at masama na ang nangyayari sa paligud niya, Na kagagawan niya. Masyado na siyang nabalot ng hangarin niyang yun."
Ang sama talaga ni Dr. Wilson. Maraming inosenteng mamamayan ang nadadamay dahil sa kasamaan niya. Dapat sa mga taong yan, Ikinukulong at pinagbabayad. Hindi lang ang nasa paligid niya ang napapasama niya kundi pati ang buong mundo na.
"So, Paano naman dumating ang Papa mo?" tanong ni Lukas.
"They we're friends turn into enemies. Dahil sa kagustuhan ni Dr. Wilson na siya ang maging mataas sa lahat, Naiinis siya sa tuwing nalalamangan siya ni Papa. Sa totoo, Halos madalas siyang malamangan ni Papa kaya ganun na lang ang galit niya."
Wow, Galing naman ng Papa mo.
"Gusto niya palang tumaas edi sana bumili siya ng Cherifer." utas ni Lukas.
Grabe Lukas, Ang laking tulong non sa totoo lang. Seryoso na itong isa tapos nagawa pa niyang magbiro. Hindi ko masisisi si Klarence kung mainis siya dito kay Lukas.
By the way, Natawa ako don HAHAHA.
"Nakakatawa yon, Lukas?" si Dan
"Matulog ka na Lukas, Baka lumaki ka pa." si Zach.
Agad naman akong natawa. Naku, May pinagtutulungan ngayon.
"Grabe ka Zach ha! Matangkad ako oy! Varsity ng basketball 'to ulol!" sambit niya.
Kaya naman pala masyadong maganda at mukhang ensayado ang mga reflexes niya eh. Napapansin ko yun minsan.
Madaya nga lang siya, Kain siya ng kain pero hindi naman tumataba. Madaya talaga. Anduga.
"And then?" tanong ni Caleb na naghihintay sa kasunod ng kwento ni Klarence.
Napatingin naman ako kay Klarence na kanina pa palang nakatitig sa akin. Hala siya!
"Tunaw na yan." Parinig ni Lukas kay Klarence.
"May bata hoy!" si Dan.
Grabe naman kayo! Parang hindu mga kaibigan itong mga ito!
"Masama bang tumitig?" seryosong tanong ni Klarence.
Sinusumpong na naman siya ng pagiging kj niya. Pero sa kabilang banda, Kinikilig na ako ah! Ramdam ko na yung pamumula ng pisngi ko.
"Kita mo? Namumula na oh." sabi pa niya.
Hala, Nahuli na ako. Lagot!
"Okay,Hindi naman. Titig well Hehehe." utas ni Lukas.
Bwisit Lukas.
"So, Dahil sa masyadong natataasan ni Papa si Dr. Wilson, Nagtanim siya ng galot kay Papa. Hanggang sa, Nakalimutan na niya ang pagkakaibigan nila dahil nabalot na talaga siya ng kasamaan." pagpapatuloy ni Klarence.
Hindi naman sa judgemental pero, Hindi ba masyadong mababaw ang pagtatanim ng galit ni Dr. Wilson sa Papa ni Klarence? Masyado na ata talaga siyang nakain ng kasamaan at hangarin niya. Pwede naman kasi yang pag-usapan kung talagang may problema ka sa isa peeo, Bakit kailangan pang gumantong sa ganito hindi ba?
Ibig-sabihin ko lang ay, Kung hindi siya nakain ng kasamaan niya, Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Halos ang dami nang nawalan ng buhay at marami na ding na-double dead.
Nagsimula naman pala ang lahat sa inggit. Pero bakit hindi niya kausapin yung Papa ni Klarence? Kung ginawa niya sana yon, Edi sana, Hindi hahantong sa ganito ang lahat. Nakakainis na! Kagigil ka Dr. Rewil Wilson III!!
Ang sarap mong ipakain sa pating tapos ipapa-chop chop kita.
Joke lang, Baka makasuhan pa ako ng frustrated murder nito.
"Grabe naman yang si Wilson the third eye!" Saad ni Lukas.
"Nagpa-garden pa siguro siya ng sama ng loob noh? Mukhang masyadong malalim ang galit niya." sabi niya saka sumubo ng cake.
Sinamaan namin siya ng tingin lahat, Maliban kay Ben.
"Grabe kayo ha, Hirap niyong ka-bonding. Peace lang. Si Ben lang ang ka-vibes ko dito. Malay mo Ben, Tayo talaga." sabat kindat niya kay Ben.
Tingnan mo 'tong lalaking ito, Pati bata!
"Kuya Lukas..." nakatulalang sambit ni Ben.
Hala, Nabalis ata.
"Ben..."
Ay pota! Mga may sanib amp.
"Tss... Wag ngayon." Mukhang wala sa mood na sabi ni Klarence.
Seryoso na nga itong isa tapos nagawa pa nilang magbiruan sa harap niya. Sino nga namanh hindi maiinis dun. Ang nakakatakot lang sa pagkakataong ito, May koneksyon pala si Klarence kay Dr. Wilson.
"Paano kung matunton niya tayo?" tanong ni Zach.
Oo nga, Tama. Siguradong alam niya kung saan nakatira sina Klarence dahil magkaibigan pala ang papa niya at si Wilson.
"Yun nga ang ipinagtataka ko. Alam niya kung saan kami nakatira, Alam niya itong bahay pero hindi pa din siya nagpaparamdam sa atin ngayon."
"Mukhang may pinaplano siya." Sabi ni Caleb.
Chapter 14 Bella's POV Hindi tuloy ako mapakali dahil sa mga sinabi nila. Kabado isang libo. Baka magulat na lang kami, Nasa harapan na namin si Dr. Wilson. Kaya kailangan na talaga naming maghanda hangga't maaga pa. "Anong gagawin natin ngayon?" si Aiden. "Kailangan na nating maghanda." Sabi ni Klarence. Pagkatapos naming magkainan ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin. Medyo maraming hugasin ngayon dahil nga sa naghanda kami para sa birthday ni Klarence. "Anong regalo mo sa akin?"
Chapter 15 Bella's POV "Bella, Si Ben ha." Paalala ni Klarence. Sabi niya kasi sa akin kanina ay baka maging busy sila kaya ako na muna ang pagbabantayin niya kay Ben kung sakali. "Lilikas tayo?" tanong ni Zach sa mga kasamahan niya. Nagiging mas mapanganib na ngayon dahil sa papunta dito si Wilson. Siguradong ang mga buhay namin ay hindi na safe dahil sa kasamaang taglay ni Dr. Wilson. Baka pati ang bata ay gawan din niya ng masama at hindi na ako magugulat kapag nangyari nga iyon. "Kailangan eh." Sabi ni Lu
Chapter 16Bella's POVNarito kami ngayon sa kwarto ng mama ni Zach. Malinis pala sa gamit ang mama nito dahil halatang-halata sa mga muwebles. Yun nga lang, Nakakahiya namang hawakan dahil baka masira ko. Wala akong pambayad.Si Fiona at si Ben lang ang kasama ko dito sa kwarto ngayon dahil nasa kabilang kwarto yung iba. Hindi ko sigurado kung kwarto ba yun ng Papa ni Zach o kwarto niya. Patuloy naman sa paglalaro ng robon itong si Ben. Maiwan na siguro lahat, Huwag lang ang robot na yun.
Chapter 17Bella's POV"Asan si Dan?" tanong ni Lukas.Si Dan na naman ang hinahanap nitong isang ito. Parang hindi nagkita kanina."Andun sa kusina. Nagluluto." Sabi ni Aiden.Ewan ko ba kina Aiden at Fiona at hindi pa nila sabihin sa lahat na sila ng dalawa. Lahat naman siguro ay boboto sa kanila. Kagaya naman kanina ni Lukas, Parang wala lang sa kaniya nung sinabi kong sila na ngang dalawa.Bakit ba hindi ko naitanong iyon kanina?
Chapter 18Bella's POV"Fiona, Alam mo din sana na masakit sa akin ang pagkawala niya." Sabi ni Aiden na umiiyak na din.Gustuhin ko mang umawat sa kanila ay hindi ko magawa."Oo alam ko. Kahit naman siguro sino masasaktan kung sila ang nasa kalagayan mo. Pero Aiden! It's fvcking three years! Tatlong taon na yan—""Oo tatlong taon na! Tatlong taon na Fiona pero masakit pa din. Sobrang sak
Chapter 19Bella's POV"Ang mga armas!" sigaw ni Klarence sa mga kasamahan niya."Klarence, Ang sugat mo." Sabi ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako."Maayos na ako." Sabi niya bago ako halikan sa noo. "Dito lang kayo sa loob, Huwag kayong lalabas." Sabi nito sa amin.Pipigilan ko pa sana siya nang harangin ako nina Lukas at Fiona. "Huwag ka nang sumunod dun Bella. Mapapahamak ka lang!" sa
Chapter 20 Bella's POV "KLARENCE!" sigaw ko kahit hindi ko na siya makita. Pinagtutulungan na siya ng mga zombies ngayon. "Bella, Tama na." Saad ni Zach habang inilalayo ako sa may pinto. "Zach! Si Klarence, Tulungan natin siya. Kailangan niya tayo." Sabi ko habang humahagulhol. "Bella, Wala na si Kla—" pinutol ko ang sasabihin niya.
Chapter 21 Bella's POV "Nakita niyo ba si Klarence?" tanong ko sa mga kasamahan ko na nakikipagyakapan na sa mga kamag-anak at kakilala nila. "Ate Bella, Asan na si Kuya?" tanong ni Ben na akay-akay ko. Kanina ko pa siyang hinahanap kasabay ng paghanap ko sa pamilya ko. Binabalot na ako ng kaba na baka hindi sila naging normal. "Hindi ko pa napapansin eh." Sabi ani Zach na nagmamasid
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.