Chapter 6
Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha.
"Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.
Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.
"Paano tayo makakapunta dun? Lalakarin natin? Di'ba, malayo yun?" tanong ko.
Isinara niya ang zipper ng bag niya. Saka lumapit sa akin. Kinuha niya yung sapatos sa ilalim ng kama at isinuot 'to.
"Sasakay tayo ng kotse." maikli niyang tugon habang abala sa pagsisintas ng sapatos niya.
Nasa Kabilang kwarto ang iba pa niyang kasama. Naghahanda na din sila para sa pag-alis namin. Naks! Matinding laban to. Plants VS. Zombies ang peg.
"Edi malakas yung tunog?!" sabi ko.
Kotse yun eh. Syempre may tunog. Pa'no kung makita o marinig kami ng zombies? Edi waley na.
"Hindi. Siyempre, Hindi naman ganun kalakas na tipo ng kotse yung gagamitin natin. May nagawa at naayos na dun si Caleb, Wag kang mag-alala." sabi niya bago ituon muli ang atensiyon sa sapatos niya.
Tumayo siya at saka nag-stretching. Tumayo ako at ginaya ang ginagawa niya. Banat banat din ng buto kapag may time.
"Anong ginagawa mo?" nakakunot ang noo niyang nagtatanong sa'kin.
"Di ba obvious? Nagi-stretching malamang." sabi ko.
"Pangit mo."
Ano daw? Pangit daw ako? Excuse me? Pangit na'to sa'yo? Grabe! Baka one of a kind to noh! Sinong may sabi sa'yong pangit ako. Hoy! Ang dami ko na ngang napanalunang beauty pageant dati eh. Baka isampal ko sa'yo yung mga awards at certificate na patunay na nanalo ako.
"Sinong pangit ha?!" nakapameawang kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaasan ko din siya ng kilay. Sige. Pataasan tayo ng kilay ngayon bwisit ka!
"May iba pa bang pangit dito? Syempre ikaw." saka siya nag-stretching muli.
Sumampa ako sa likod niya saka ginulo ang buhok niya. It's Revenge time!!
"What the—"
"Sinong pangit ha? Sungit?!"
Sungit sungit nito!
"Umalis ka diya—"
"Ayoko! Hindi ako pangit!"
Ulowl! Sa ganda kong to?! Baka higit sampung manliligaw na ang nareject ng beauty na to noh! Saan ka naman makakakita ng ganito kagandang dilag ngayong may zombie apocalypse ha?!
"Pangit! Bumaba ka diyan."
Aba. Matigas 'tong lalaking 'to!
"Argh! Sabihin mo munang maganda ako.Bababa ako dito."
Anong akala niya. Ganun na lang yon? No way! Baka Bella to! Hindi 'to papatalo! Sabihan ba naman akong pangit!!
"Ayoko. Bumaba ka diy—"
"ARGHH!!! SABIHIN M—"
"Ano ba?! Nakakabingi ka!"
"Sabihin mo ngang maganda ako! Sungit sungit mo! Sinabihan ba kita ng dragon ha?!"
Kapal ng amats neto! Ipakain kita sa zombie eh.
"Ang gwapo ko namang dra—"
"Oh wow!.." sarkastiko kong sabi "...Ang hangin mo!"
Yuck! Daga lang magkakagusto sa'yo!
"Mahangin ka din pangit!"
"Hindi sabi ako pangit! Kaya huwag mo kong sabihang pa—ARGHH!!!" Nahulog ako.
Shet! Hindi na ata ako makakasama sa kanila ngayon Huhu! Ang sakit ng pwetan ko dahil sa pagkakahulog ko. Agad naman siyang lumingon sa pinagbagsakan ko at dali-dali akong chineck.
"May masakit ba s—"
"SYEMPRE MERON!" sigaw ko sa mismong pagmumukha niya.
Wala akong pake kung tumalsik man ang laway ko sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. Matapos niya akong ihulog dito. Ang sakit sakit kaya!
"Huwag kang sumigaw!"
"Gusto kong sumigaw! Matapos mo'kong IHULOG!" diniin ko talaga yung salitang hulog. Bwisit na lalaking toh!
"Kasalanan mo din yan pang—"
"Hephep!..." pinigilan ko siya "..HINDI. AKO. PANGIT!" sabi ko ulit.
"Hindi rin ako DRAGON." diniin niya talaga yung salitang dragon.
Scam. Dragon ka kaya. Ikaw ang leader nila. Daig mo pa nga din si Elsa sa pagiging malamig mo.
"SIYEMPRE! HINDI KA DRAGON! SI OLA—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Hala! Hala! Hala! Need rescue!!! Ang first kiss ko! Huhu.
Ganito po kasi yun Idol Raffy, Siya po talaga yung nauna. Nag-stretching lang naman po ako tapos sinabihan niya po ako ng pangit. Ang ganda ganda ko naman po pero sinabihan niya po ako ng pangit Idol. Hindi naman po ako nakikipag-biruan.
Ako po talaga ang biktima Idol. Tapos ninakaw niya pa po ang unang halik ko Sir Raffy. Siyempre po, Unang halik ko yon eh HUHU. Sir Raffy, Tulong po sir. Ninakaw niya po ang unang halik ko.
Nanatiling nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nakapikit. Ramdam ko ang init at lambot ng labi niya. Alagang lip balm mga zerrr!!!
Humiwalay ang labi niya sa labi ko. Tumingin siya sa mga mata ko pero umiwas agad ako. Bawal! Matutunaw ako.
Ramdam na ramdan ko ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gustong gusto na nitong kumawala sa dibdib ko. Grabe yung impact mo sakin Klarence. Ano ba to?!
"Kuya?" narinig kong nagtatakang tawag ni Ben na kalalabas lang ng CR.
Agad akong niyakap ni Klarence at isinubsob sa dibdib niya. Tinapik-tapik pa niya ang likod ko.
"Wag ka ng umiyak, Bella. You will see them soon."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Ha?" bulong ko.
"Basta, Mag-iyak iyakan ka na lang. Sumabay ka na lang." bulong niya.
"Ay! Huhu. Miss na miss ko na sila Huhu. Gustong-Gusto ko na silang makita. Wahh! Mama! Papa! Huhuhuhuhu." pagkukunwari ko.
Nagmukha tuloy akong shunga dito. Pasalamat 'to, Magaling akong umacting. Pasalamat din 'to. Talented ako. Hayst!
"Shhh..." kunwaring pagpapatahan niya sa akin.
Tangina. Mukha kaming tanga sa totoo lang.
Pakinig ko ang mga hakbang ni Ben papalapit sa amin. Naramadaman ko naman ang palad niya na tinapik-tapik din ang likod ko.
Mas lalo ata akong maiiyak kasi medyo malakas tong tapik ni Ben eh.
"Huwag kang mag-alala ate Bella. Huwag ka ng umiyak. Andito naman ako tsaka yung mga another kuya's ko sa labas. Andito din naman si Kuya Klarence eh. Jowain mo na kasi para hin—"
"Ben! Shut the fuck up!" pagsusuway sa kaniya ni Klarence.
"Huhu!" pag-iyak ko pa.
Kinurot ko pa yung tagiliran ni Klarence dahil sa kagaguhan niyang bwisit siya.
"Aw--! Aw, Yeah. Wag ka ng umiyak."
Naks! Galing ah!
"Shit!" Naring ko pang mura niya.
HAHA. Deserve mo yan, Gunggong!
Tinulungan niya akong tumayo. Medyo kumirot kumeret pa 'tong pwetan ko dahil sa pagkakahulog ko. Bwisit na Dragon 'to! Basta na lang ako ihinulog.
"Masakit pa ba?" tanong niya.
Tiningnan ko siya ng masama saka kinurot sa tagiliran. Napadaing pa nga siya sa sakit na bwisit siya.
Pumunta na kami sa labas kasama ang mga gamit na dadalhin namin. Naglagay na din kami ng mga armas sa bawat bag namin. Sila naman ay may armas sa mga bulsa nila siyempre, Maliban sa amin ni Ben dahil hindi pa naman daw kami sanay sa ganito.
Iba't ibang kotse ang sasakyan namin. Ang magkakasama sa unang kotse ay ako, Si Ben at si Klarence. Sa pangalawang kotse naman ay sina Dan, Aiden at Caleb at sa pangatlo ay si Zach at Lukas.
"Alam niyo naman siguro kung saan tayo pupunta?" tanong ni Caleb at tumango sila.
May binigay na maliit na radio si Aiden sa bawat isa pati na din sa amin ni Ben para in case of emergency daw. Maghihiwa-hiwalay kami ng dadaanang daan para hindi namin makuha ang atensyon ng mga zombie at kung sakali mang mahuli, Hindi kami sama-sama or hindi kaming lahat.
Sinimulan ng iistart ni Klarence ang sasakyan at napahanga ako nang wala itong naging anumang tunog. Naalala ko nga palang sinabi ni Klarence na may ginawa dito si Aiden kaya nagmistulang walang tunog itong sasakyan.
Parang ghost town ang mga lugar na dinadaanan namin. Walang katao-tao. Medyo tumitigil kami kapag may nakikita kaming zombie.
"Yuko!" saad ni Klarence.
"Ha?" tanong ko.
"Basta! Yumuko kayo. Ngayon na!" sabay-sabay kaming yumuko pati na din siya.
Narinig namin ang mga zombies na paparating. Shet! Ang dami ng zombies na 'to. Hindi kami gumalaw at pati paghinga namin ay kontrolado. Isang maling galaw lang namin ay pwede kaming kuyugin ng mga zombies na 'to at delikado din dahil mas marami sila sa aming tatlo.
"Wala na sila." sambit niya.
Napahinga kami ni Ben ng malalim saka muling pinaandar ni Klarence ang sasakyan.
"Malapit na kami." pakinig kong sabi ni Lukas sa radyo.
"Malapit na din kami." walang emosyong tugon ni klarence.
Natanaw ko mula sa malayo ang isang malaking supermarket. Ngayon ko lang to napuntahan dahil hindi naman ako madalas mamili sa labas ng bayan namin. Medyo malayo-layo din ito sa bayan namin kaya hindi na ako nag-aabala pang bumili sa malayo noon.
"Stop." pagpigil sa akin ni Klarence nang bubuksan ko na ang pinto ng kotse.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
Kinuha niya ang radio na binigay sa kaniya kanina at nagsalita dun.
"Guys. Delikado." sabi niya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko muli ang supermarket at nakita ko kung gaano kadaming zombies ang naroroon. Napatakip na lang ako ng bibig sa dami ng mga iyon. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Ben kaya't niyakap ko na din siya.
"Ang dami nila." si Lukas iyon.
Ang dami nga nila masyado. Kulang pa siguro ang limampung zombies para ilarawan kung gaano sila kadami. Sa lahat ng mga zombies na na-encounter ko,Ito ang pinakamadami.
"Anong plano?" si Dan.
Napahilot na lang sa sintido si Klarence at animo'y nag-iisip ng plano.
"Kailangang kunin ang atensyon nila." sabi ni Klarence.
"Teka. Paano?"
Yumuko ulit si Klarence at nag-isip muli ng plano. Kung susugod sila sa mga ito ay siguradong talong-talo sila. Masyadong madami ang kalaban kaysa sa kanilang lahat.
"Do you see that club? Near the supermarket guys." sabi ni Klarence sa radio.
"Oo kita namin." halos sabay-sabay nilang tugon.
"Dan. Kayo ng grupo mo. Kaya niyo bang pumunta don? Kayo ang pinakamalapit."
"Oo kaya naman namin." sagot nito.
"Go there. Patunugin niyo ng malakas ang music para makuha nito ang atensyon ng mga zombies. Pagkatapos nun, Kami ang pupunta sa supermarket para makakuha ng pagkain." sabi nito muli.
Mukhang alam ko na ang plano niya. Kukuhanin ng loud music ang atensyon ng mga zombies para mabawasan ang pagiging delikado ng supermarket sakaling pumunta kami dun.
"Okay. Gets ko."
"Mag-iingat kayo." sabi ni Klarence.
Natanaw ko ang sasakyan nina Dan na papunta sa Club. Wala pang limang minuto ay narinig namin ang malakas na tugtog mula sa club na gumambala sa mga zombies at nakakuha ng atensiyon ng mga ito.
Sayaw kikay, sayaw kikay
Hmmmm.... Hmmm..
Sayaw kikay, sayaw kikay
Anak ng hina—Sayaw Kikay ang pinatugtog! Kahit kailan talaga! Anong tingin niyo diyan sa mga zombies na yan? Tiktoker?
Nakuha nito ang atensyon ng mga zombies kaya nagsipuntahan ang mga ito sa pinangaggalingan ng tugtog.
Lalalalala
Lalalalala
Mahilig magpacute,ay kikay!
Malambing pa sa kambing,ay kikay!
Sinensyasan kami ni Klarence na sumunod sa kaniya para pumunta sa supermarket. Gustong-Gusto ko ng matawa sa pinatutugtog ng mga hinayupak dun sa club. Baka pati sila ay nakiki-party na din sa mga zombies.
Bawat hakbang namin ay walang tunog dahil maaaring may mga zombies pa din dito sa loob. Kinuha ni Klarence ang armas niya at binigyan na naman niya ako. Hindi ko nga kaya tong gamitin. Bahala na si Batman. Total, Patay na naman sila. Double dead na lang sila kung sa baboy.
Ang harot na maharot ay kikay
Malandi kung ngumiti ay kikay
Lalalalala
Lalalalala
Gustong iwanan ni Klarence si Ben slash kaming dalawa ni Ben dun sa sasakyan pero baka daw maging mas delikado pa kung magpaiwan kami dun kaya isinama na niya kami.
Noong unang panahon, panahon pa ng Hapon
Wala pang kikay sabi ng Nanay
Iba na daw ngayon, saan ka lumingon
Kaliwa't kanan sila'y nandyan
Tangina. HAHAHAHA. Gusto ko nang humalakhak sa pagtawa pero pinipigilan ko lang dahil siguradong magiging pipti pipti ang buhay ko kapag nainis sa akin si Olaf HAHA. Siguradong baka ako pa ang makasira sa plano ng mga hinayupak HAHA.
Sino BWAHAHAHA. Patunugin ba naman yon?! HAHA. Kung nagtanong nalang kase sana sila sa akin, Pwede ko naman silang sabihan eh. Marami naman akong alam na kanta. Gaya ng Let's Kill This Love, How You like That, Make it Right, Dynamite, O di kaya ay yun nalang 'Di Ba Halata ng Agsunta para favorite ko no!
Hindi na sana sila nahirapan. Sigurado din naman ako na hindi talaga yun ang gusto nilang patunugin. Dapat yung rakrakan talaga! Para yung zombies ng buong mundo dito lahat magpunta, O diba, Reunion. Tapos magpapa-picture sila sa mga paborito nilang artista.
Kapag nakapag-papicture na sila. Siyempre, Post kaagad sa social media with a caption na 'My God! Si Alden Richards, May biloy pa din kahit Zombie na! #ZombieApocalypse #PapickayLodi #Maydimplenazombie #TanginasiAldenzombiena
Chapter 7Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan."Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.
Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."
Chapter 9Lukas's POV"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo."Sinabi ko naman sayong maligo ka!"Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww..."Maliligo ako
Chapter 10"Galit ata si Klarence." sabi ko habang nagmamaneho si Zach.Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ang nasa passenger seat, Katabi niya. Si Lukas naman ay nasa likod at panay ang kain ng pagkaing kinuha namin.Feeling ko tuloy ngayon, Mga magnanakaw kami sa gitna ng pandemya. Kumukuha kami ng walang paalam. Kung sakali mang makulong kami dahil sa pagnanakaw kapag nasulusyonan na 'tong pandemyang 'to, Syempre, Ilalaban namin yung side namin.Aba! Eh alangan namang magpaalam kami sa mga zo
Chapter 11Bella's POV"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa."Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip s
Chapter 12Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo."Lukas! Ang icing na
Chapter 13Bella's POVHalos magmura ang puso at utak ko kasi nagustuhan niya yung binake ko sa kaniyang cake. Ack! Nagustuhan niya. Nagustuhan niya."Ben, Dahan-dahan." sabi ko sa kaniya saka pinunasan ang mukha niya.Puno na ng icing ang mukha niya. Ang kalat niya masyadong kumain. Pinaghalong sauce ng spaghettie at icing ng cake ang bibig niya. Hay nako."Ang sarap po kasi Ate Bella."Hehe, Kalma, Ako lang kaya 'to.Huminga ng malalim si Klarence. Naging seryoso
Chapter 14 Bella's POV Hindi tuloy ako mapakali dahil sa mga sinabi nila. Kabado isang libo. Baka magulat na lang kami, Nasa harapan na namin si Dr. Wilson. Kaya kailangan na talaga naming maghanda hangga't maaga pa. "Anong gagawin natin ngayon?" si Aiden. "Kailangan na nating maghanda." Sabi ni Klarence. Pagkatapos naming magkainan ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin. Medyo maraming hugasin ngayon dahil nga sa naghanda kami para sa birthday ni Klarence. "Anong regalo mo sa akin?"
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.