Chapter 5
Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya.
"Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon."Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag."Di'ba, Nabanggit mo nung nag-uusap kayo sa labas nung unang araw mo dito." sabi niya.Naalala ko nga palang nasabi ko din yun sa mga kasamahan niya. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang regalo ay bumungad sa akin ang kahon ng lightstick ng BTS. Napatayo ako sa sobrang saya. Ito ang kauna-unahan kong Lightstick."Teka, Paano niyo nalamang Army ako?" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang lightstick na hawak ko."Binisita kasi ni Caleb yung mga accounts mo kaya niya nalamang Army ka." sabi niya sa akin.Nilagyan ko ng battery yun at saka pinailaw. Hala! Gumagana siya! Gumagana yung lightstick mga bes!"Sorry ha. Hindi yan yung official. Nahirapan kasi akong mahanap yung official ehh." sabi niya sabay kamot ng ulo.Official man to o hindi. Tatanggapin at tatanggapin ko to. Umiilaw man o hindi, Tatanggapin at tatanggapin ko to. May sira man o wala, Tatanggapin ko din to. Ang mahal mahal kaya ng Army bomb tapos mag-sosorry siya kase hindi official? OMG. Gusto ko atang maiyak my GOD!"AYOS LANG!" sabi ko.Kulang nalang ay magpagulong-Gulong ako sa tuwa dahil sa lightstick na hawak-hawak ko ngayon. Hindi ko talaga inexpect na magkakaroon ako ng ganito. Grabe talaga! Sobrang saya ko. Hindi ko naman masabi kina mama at papa na gusto ko ng ganito dahil nga sa presyo nito.At alam ko din na maiinggit ang mga kapatid ko dahil meron ako non tapos sila eh wala. Akala kasi nila ay laruan lang yung mga lightstick at basta-basta lang siya. Ang mahal mahal nito at kulang na lang eh ibenta ko yung kidney ko dahil sa gusto kong makabili nito."Tungkol nga pa dun sa kanina..." napatingin ako sa kaniya "...Sorry nga pala. Alam kong nasaktan kita nang dahil don. Sorry ulit. Di ko naman sinasad—" pinutol ko ang sinasabi niya."AYUS LANG YON!""Pero nasaktan kita."Natahimik naman ako. Alam kong sincere siya sa paghingi ng tawad pero hindi ko pa din maiwasang hindi masaktan. Masyadong masasakit ang mga salitang sinabi niya sa akin."Oo nga eh. Alam ko na!""Ano?"Hinarap ko siya."Ahm, Kantahan mo na lang ulit ako. Pero this time, Yung 'Di ba Halata na yung kakantahin mo." sabi ko sa kaniya.Napakamot na naman siya ng ulo."Hindi ko kasi talaga alam yung kantang 'yon tsaka, Hindi ko yun memorize." sabi niya sa akin.Sayang. Ayus na sana pero ayos lang din naman. At least may lightstick na ako."Sorry ulit ha? Masyado ata akong namersonal." sabi niya sa akin."Ayos lang. Prank lang naman yun di'ba? Tsaka nakapagpaliwanag ka na. Ayos na yun." sabi ko nang hindi man lang siya nililingon. Busy ako sa lightstick ko eh.Pumasok naman si Ben na may dala-dalang chocolate cake at syempre yung robot niya. Sinara niya yung pinto kahit na mas mataas pa to sa kaniya saka pumunta sa kinauupuan namin ni Klarence."Tingnan mo Ben, May Lightstick na ako." pang-iinggit ko sa kaniya.Maiinggit siya. Robot yung kaniya tapos yung akin Lightstick panis! Tumingin siya sa akin at saka ibinaling ang atensyon niya sa lightstick na hawak-hawak ko. Oh, Inggit ka'no? Sakin umiilaw. Sa'yo hindi."Flashlight lang naman yan." sabi niya.Hoy! Hindi to basta-bastang lightstick lang. Kung maka-flashlight ka naman wagas. Ang mahal mahal kaya nito kahit hindi ito yung official. Hindi lahat ng fans ng bangtan eh may ganitong lightstick no! Kasi hindi afford ng budget namin."Hoy bata! Hindi to basta-bastang lightstick lang no." sabi ko sa kaniya with matching pagpitik ng hair.Minggit ka please."Alam ko."Alam mo naman palang bata ka tapos kung maka-flashlight ka wagas na wagas ah. Baltakin ko yang robot mo diyan eh."Oh, Alam mo naman pala eh. Edi maiinggit ka." sabi ko sa kaniya.May halong pang-iinggit pa din ang boses ko. Hindi to laruan kagaya ng hawak niya. May sentimental value yung kaniya at may sentimental value din yung sa akin kaya fair lang kami. Parehas mahalaga sa amin yung gamit namin aber."Bakit ako maiinggit? Eh pwede naman akong ihanap o ikuha ni Kuya Ng ganiyan anytime. Walang bayad yan noh! At saka itong sa akin, Binayaran. Yang sa'yo, Kinuha." sabi niya bago punasan ang bibig niyang may chocolate.Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Klarence. Mukhang may balak ata 'tong dalawa na asarin ako ngayon. Totoo naman talagang mas maganda yung sa'kin kesa sa kaniya eh. Bakit hindi siya naiinggit? Siguro blink siya? O baka Maka-EXO? ITZY? TXT? GOT7? Baka SB19? RED VELVET? MAMAMOO? ENHYPEN? Baka girls Generation yung gusto niya. Mahilig siguro tong man-chicks eh."At saka isa pa, Hindi ako Army ate Bella. "sabi niya.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Kung hindi ka Army, Ano ka?" tanong ko sa kaniya."Edi Blink! Ang cute kaya nila lalo na si Lisa. Alam mo Ate Bella, Girlfriend ko na yun. Tapos ang galing niyang mag-rap tapos ang galing galing din niyang sumayaw. Nakita ko na nga siya sa picture, Cellphone, Tarpaulin, TV at kung saan-saan pa..." kumain ulit siya ng cake."...Tapos ang gagaling nilang lahat kumanta. At iconic yung Blackpink in your area!" halos magningning ang mga mata niya sa pagkukwento.Nakita ko naman si Klarence na nanlalaki ang matang nakatingin sa kapatid niya. Jusko! Blink si Ben! Girlfriend pa daw niya si Lisa. OMG! Muntik na akong kabahan sa kaniya kung hindi niya lang sinabi yung Girlfriend niya si Lisa.Halatang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kapatid niya 'tong si Klarence dahil sa reaksyon niya. Ganun din sana ang ibibigay kong look dito kay Ben kung hindi niya lang talaga binanggit yung salitang 'Girlfriend' eh.Naubos na ni Ben ang cake niya kaya naiwan na ulit kami dito ni Klarence na magkasama. Medyo boring din pala kapag walang nagsasalita. Pero sinira at binasag din niya ang katahimikan."Alam mo bang nagkita na tayo dati?" tanong niya sa akin.Kaagad akong napalingon sa kaniya. Nagkita na kami dati? Talaga? Nung wala pang Zombie Apocalypse?"Talaga?" tanong ko sa kaniya.Napakarami ko nang nakita pero wala akong natatandaang nakita ko na siya. Yes, Familiar siya pero hindi ko talaga sure kung nagkita na ba kami noon. Wala kasi akong maalala na nakita ko siya noon bago pa man magka- epidemya."Yup. Nasa grocery store ka non. Hawak-Hawak mo yung cellphone mo. May ka-chat ka siguro non." panimula niya.Nakatingin lang ako sa kaniya. Palagi ko namang dala-dala ang cellphone ko kaya siguro hindi ko siya napapansin dahil hindi ko naman siya kilala."Tapos?""Tapos nabunggo kita. Nahulog na yung mga pinamili mo pero nakatunganga ka pa din sa cellphone mo." dugtong pa niya bago bahagyang tumawa."Shemay! Ikaw ba yun?!" tanong ko.Naalala ko na. That time, Ka-text ko si mama kasi may pinabibili siya sa grocery store Eh nadaanan ko naman kaya why not na ibili ko? Tapos! Siya pala yung nakabungguan ko."Yes ako yun. Hindi ka pa nga nag-sorry eh."Sa sobrang busy ko kasi sa pagta-type. Nakalimutan ko nang mag-sorry at saka, Hindi ko naman alam na ako pala yung nakabunggo sa kaniya. Ang alam ko kasi, Siya yung nakabunggo sa akin."Ay. Hehe. Ikaw pala yun. Pasensiya na." sabi ko sabay peace sign.Lumabas na kaming dalawa dahil mahigit dalawang oras na din kami dito sa loob. Paglabas namin, Nakita ko ang mga kasamahan niya na seryosong nag-uusap."Klarence may problema tayo." sabi ni Dan.Agad naman kaming napatingin sa kaniya. Tumingin muna kami ni Klarence sa isa't isa saka ibaling ang atensyon kay Dan."What's the problem?" seryosong tanong ni Klarence."Lumabas kasi kanina sina Aiden para kumuha ng stocks pero, Wala silang nakuha.""Bakit wala silang nakuha?" tanong niya.Parang hirap na hirap namang magtagalog tong si Klarence dahil sa accent niya sa pagtatagalog ah. Pilipino ka tol! Wag mong lagyan ng accent ang pagtatalog mo!"Kasi, Halos lahat expired na." sabi niya.Napayuko si Klarence at animo'y nag-iisip ng hakbang kung paano nila masusulosyunan ang problema nila. Kahit naman siguro mag-isip ako, Walang idea na papasok sa kokote ko."May alam ba kayong ibang tindahan na pwede nating pagkunan ng pagkain?" tanong niya."Meron naman. Kaso masyadong malayo 'to." sabi ni Aiden."Matagal pa ang expiration ng mga pagkain dun." si Caleb."Mas matagal kumpara sa mga stocks natin dito." Si Zach.Lumapit sa akin si Ben."Bakit?" tanong ko sa kaniya."Naiihi ako." bulong niya.My ghad! Hindi ka ba makakapag-isa? Joke. Sinamahan ko siya sa CR sa kwarto. Sa pagkakaalam ko ay dito na din naliligo ang dalawa. Dun kasi ako naliligo sa mismong CR dito sa underground garden nila. Matagal na ako dito pero hindi ko pa din maiwasang hindi humanga sa isatraktura at mga gamit dito sa bahay nila. Talaga namang kamangha-mangha."Tapos na! Tara na.""Teka. Isinama mo sa CR pati yang robot mo?" tanong ko kay Ben.Pati ba naman sa CR kasama niya yon? Baka pati sa pagligo niya kasama pa din niya yon."Eh bakit ikaw? Yang flashlight mo? Hanggang ngayon hindi mo pa din mabitawan? Crush mo siguro si Kuya Klarence 'no! Ayieee." pang-aasar sa akin ni Ben.Aba! Kay bata-bata pa, Ang dami ng alam. Isabit kaya kita ng patiwarik tapos pagpira-pirasuhin ko yang robot mo sige ka."Ha?! H-Hindi ha! S-Sinong may Sabi ha? Hindi ko crush ang kuya mo noh! Kamukha ba niya si hmm, S-Si Taehyung? Ha?! Eh si Jungkook? Kamukha ba niya? Si Jimin? RM? Suga? J-Hope? Si Jin ba? Hindi naman ah! Mas gwapo pa nga si Hitman Bang sa kaniya eh. Paano ako magkakagusto sa kaniya eh hin—""Mas gwapo naman ako sa kanila." pagputol sa akin ni Klarence.Ngayon ko lang napagtanto na nasa labas na pala kami ni Ben. Nakatingin sa akin lahat ng kasama niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko saka napalunok. Parang feel kong magpakain sa zombie ngayon. Shet!"N-Nasa labas na p-pala tayo hehe." napakamot nalang ako sa ulo ko.Shit! Nakakahiya. Nasa harap ko si Klarence ngayon at hindi makawala sa paningin ko ang ngisi niya na pati dimple niya ay kitang-kita. Bat ang hot! Bwisit!"Oo nga, Nasa labas ka na. Narinig ko nga yung mga sinabi mo eh. Do you want me to repeat it?"Yung mga hiya level ko, Mga 29289101 million. Sa sobrang hiya ko, Nagtatakbo ako papasok sa kwarto saka nagtaklob ng kumot. Arghhh!!!!! May GOD! Help meeee!Hindi ko namalayan na napaidlip na pala ako. Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko pero ramdam ko ang braso sa bewang ko at ang mainit na hininga sa leeg ko. Si Ben ba to? Ba't parang masyado naman siyang malaki dito? Pinilit kong buksan ang mata ko at halos mahulog na ako sa kama nang mapagtanto kung sinong nakayakap at natutulog sa tabi ko ngayon.Si Klarence?Dahan-Dahan akong lumingon sa kaniya. Para siyang anghel kapag natutulog. Parang hindi siya cold at masungit kapag gising. Mas gwapo pala siya kapag pinagmamasdan ng malapitan.Sinundot ko ang pisngi niya kung saan lumalabas ang malalim at cute niyang dimple. Ang gwapo-gwapo talaga niya lalo na kapag nakangiti. Pero ewan ko, Parang iba yung impact sa'ken kapag nagsusungit siya. Ang cute niya kasi kapag-cold.Sinundan ng daliri ko yung makapal niyang kilay. Shet! Lalaking lalaki huhu. Sinundan ko naman yung talukap ng mga mata niya. Naaalala ko tuloy nung nakita ko siya dun sa lugar kung saan ako tumilapon, Yung malamig niyang mga tingin. Bumaba naman ang daliri ko papunta sa ilong niyang matangos hanggang sa malalambot niyang labi.Hindi na kailangan ng liptint ang labi niya. Natural ba 'to? Halatang alaga sa lip balm. Moisturize tas anlambot hehehe."What?"Muntik na 'kong mahulog dahil sa gulat pero nahawakan niya agad ang bewang ko dahilan para mahila at mas mapalapit ako sa kaniya. Bahagya kong inilayo ang mukha ko sa mukha niya, Masyadong malapit. Delikado! Red Alert. Need Rescue mga momshie!!!"B-Bat andito ka?"Bahagya niyang iminulat ang inaantok niyang mga mata."Dahil kwarto ko to?""E-Eh di 'ba dun ka dapat sa tabi ni Ben. Bat ka nandito?""Masama bang matulog sa kama ko?""Hindi mo 'to kama!""Then fine, Kama natin." sabi niya bago muling ipikit muli ang mga mata niya."Alis! Dun ka sa tabi ni Ben!" pagtataboy ko sa kaniya."Pinaalis mo 'ko sa sarili kong teritoryo? Nice." he said while chuckling."Eh ano ba kasing pumasok diyan sa kukote mo at dito ka natulog?!" tanong 'ko."HOY! MAGPATULOG KAYO!" Si Dan"Hayop, ang lalandi niyo." si Aiden"May bata dito uy!" si Caleb"Ben takpan mo tenga mo. Rated SPG." si ZachNanlalaki ang mga mata kong tumingin sa mga nilalang sa ibaba. Nasa iisang kwarto kaming lahat. Sa kwarto ni Klarence at Ben silang lahat natulog?! Napasubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Klarence dahilan upang mas higpitan niya ang yakap niya sa akin. Nakakahiya na talaga."HAHAHA." narinig kong tawa ni Klarence.Ang kapal din ng apog nitong tawanan ako eh ano? Hinampas ko ang dibdib niya, Shems lalaking lalaki ang pota! Pero tinawanan niya lang ulit ako. Napairap tuloy ako sa kawalan.Matutulog na ulit sana ako nang maramdaman kong kumulo ang sikmura ko. Ayt! Hindi pa nga pala ako kumakain. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ni Klarence."Where are you going wife?"Ano daw? Wife? Pota wife daw oh. Wife daw! Takte wife daw eh. Pakinig na pakinig ko. Wife daw sabi! Sabi niya wife daw! Pakinig ko! Wife sabi niya wife! Hindi Bella. Hindi Catriona. Hindi Pia. Hindi Liza. Hindi Kathryn. Wife daw. Wife!"Anong wife ka diyan?!" sigaw ko sa kaniya."Shhh. Magpatulog kayo!" medyo napapaos pang saad ni Zach."You. You're my wife" hinampas ko siya."Tangina—" tinakpan niya ang bibig ko.Nilakihan niya ang mata niyang tumingin sa akin saka sumulyap sa mga kasamahan niya sa baba na natutulog. Ibinalik niya ulit ang tingin sa akin pero this time, Parehas nang malaki ang mga mata namin."Maririnig ni Ben ang pagmumura mo!" pabulong niyang suway sa akin.Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko."Ikaw kaya ang may kasalanan kung bakit ako nagmura. Una, Gutom na ako pero pinigilan mo 'ko bumangon. Pangalawa, Tinawag mo 'kong w-wife. Pangatlo, Ang kyut ko." OMG. Baka ipagkalat niya."Are you hungry?" tanong niya.Kumulo naman ulit ang tiyan ko. Oh ayan, Sumagot na yung mismong tiyan. Baka hindi ka pa maniwala niyan. Hinawakan niya ang kamay ko saka kami sabay na bumangon at naglakad. Pero syempre, Tinapakan ko muna yung mga hita ng mga gunggong. Maliban kay Ben. Paglaki na lang niya. Saka ko siya aapakan.Pumunta siya sa ref at kumuha ng cake. Naks! Dessert agad!"Satisfied?" tanong niya habang ang dalawang braso niya ay nakapatong sa lamesa.Tumango naman ako saka nag thumbs-up. Nakita ko siyang kumuha ng tissue at naistatwa na lamang ako nang punasan niya ang bibig ko."Ang dumi mong kumain." sambit niya saka ako tinawanan ulit.Huminto muna ako sa pagkain saka siya tiningnan. Ngayon ako nakakuha ng tiyempo para makapagtanong sa kaniya tungkol sa mga plano nila sa mga stocks na pagkain. Baka sakaling may maiitulong ako sa kanila. Baka magmukha akong pabigat dito eh."Why?" tanong niya nang mapansing nakatingin ako sa kaniya.Napaiwas naman ako ng tingin. Masyadong nakakatunaw ang mga titig niya. Tumikhim ako saka huminga ng malalim bago siya tanungin. Daig ko pa yung nagtatanong sa presidente grabe."Anong plano niyo?" tanong ko."Plan?" tumango ako."Dun sa mga expired na pagkain." sabi ko bago sumubo muli ng pagkain."Pupunta tayo dun sa sinasabi nilang lugar kanina. Bukas tayo aalis." sabi niya ulit.Tumango naman ako. Mukhang kailangan kong magising at maghanda ng maaga bukas ah. Daig pa namin ang sasabak sa giyera ngayon. Sa totoo niyan, Mas mahirap to sa pagharap sa giyera dahil hindi naman namamatay ang mga zombies.Niligpit ko na ang kinainan ko bago ulit kami pumasok sa kwarto. Tulog na silang lahat. Tinapakan ko na ulit ang mga hita nila."Aray!" ungot pa nung isa HAHAHA.Napairap na lang ako nang mapagtantong dito na ulit siya matutulog. Magkatabi kami, Shemay! Nahiga na kami. Matutulog na sana ako nang magsalita siya."Gawin mo na.""H-Ha?""Gawin mo na.""A-Alin?!"Tangina. Nakakailang ang mga tanong niya Noh! Madumi pa naman ang utak ko!!"Yung ano—""Yung alin nga?!" pabulong kong sigaw sa kaniya. Naiinis na ako sa kaniya pero tinatawan niya lang ako kaya sinuntok ko siya ng mahina."HAHAHAHA. Ano bang iniisip mo? HAHA. Magdadasal ka lang eh! Ano? Nakalimutan mong magdasal?"Umirap ako saka nag-sign of the cross at nagdasal. Nang matapos ako ay pumikit na ako pero naramdaman ko na naman yung bwisit niyang braso sa bewang ko at ang mainit niyang hininga sa leeg ko."Do you know, I'm always praying when you came here.""Bakit? Mukha ba akong demon? Mas mukha ka pa ngang kampon ng kadiliman eh.” pinitik niya ang noo ko."Ang sakit nun ha!" habang hawak ang noo kong pinitik niya."No. Haha. Kasi nakita kitang nagdadasal and then, I started to praying too."Hindi ba 'to tinuruan ng good manners ng parents niya? Magdadasal lang eh! Siguro kaya masama ugali neto."Bakit? Hindi ka ba tinuturuan ng parents mo ha?" tanong ko"Of course, They teach us. Nagdadasal din ako pero hindi ganun kadalas. Thanks you came in my life."Chapter 6Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha."Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.
Chapter 7Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan."Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.
Chapter 8"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to."Oo ako." sabi niya.Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!!"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya."Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."
Chapter 9Lukas's POV"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo."Sinabi ko naman sayong maligo ka!"Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww..."Maliligo ako
Chapter 10"Galit ata si Klarence." sabi ko habang nagmamaneho si Zach.Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ang nasa passenger seat, Katabi niya. Si Lukas naman ay nasa likod at panay ang kain ng pagkaing kinuha namin.Feeling ko tuloy ngayon, Mga magnanakaw kami sa gitna ng pandemya. Kumukuha kami ng walang paalam. Kung sakali mang makulong kami dahil sa pagnanakaw kapag nasulusyonan na 'tong pandemyang 'to, Syempre, Ilalaban namin yung side namin.Aba! Eh alangan namang magpaalam kami sa mga zo
Chapter 11Bella's POV"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa."Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip s
Chapter 12Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo."Lukas! Ang icing na
Chapter 13Bella's POVHalos magmura ang puso at utak ko kasi nagustuhan niya yung binake ko sa kaniyang cake. Ack! Nagustuhan niya. Nagustuhan niya."Ben, Dahan-dahan." sabi ko sa kaniya saka pinunasan ang mukha niya.Puno na ng icing ang mukha niya. Ang kalat niya masyadong kumain. Pinaghalong sauce ng spaghettie at icing ng cake ang bibig niya. Hay nako."Ang sarap po kasi Ate Bella."Hehe, Kalma, Ako lang kaya 'to.Huminga ng malalim si Klarence. Naging seryoso
A/N: HI! THIS IS ME, THE AUTHOR OF THIS STORY. SALAMAT SA INYO, SA PAGBABASA NITONG STORY KONG ITO. I REALLY TREASURED THIS STORY DAHIL ITO ANG PINAKAMAHABA KONG STORY AS OF NOW AT SOBRANG TUWANG-TUWA AKO NA NATAPOS KO NA ITO AT SALAMAT NG MARAMI SA MGA MAGAGANDA NIYONG FEEDBACKS. NAGPAPASALAMAT AKO SA SUPORTA NG PINSAN KO, HAHA, SHOUT SA'YO AT SA MGA KAIBIGAN KO NA ANDIYAN SA TABI KO KAPAG NAHIHIRAPAN AKO KASI WALANG IDEA MINSAN. NGAYONG NATAPOS KO NA ITO, SANA AY MATUWA KAYO KASABAY NG PAGIGING MASAYA KO DAHIL SA WAKAS, MAY NAIBAHAGI NA NAMAN AKONG PANIBAGONG ISTORYA. MARAMING SALAMAT SA INYO, MAHAL KO KAYO!!💜 -Iamawriter Epilogue Catherine's POV When they say ‘Love’, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang salitang ‘Sweetness’ at ‘Pain’. Bakit sweetness? Kasi kapag nagmam
Chapter 54Catherine's POV“Isa pa. Oh pak!” saad ng photographer.Ngayon ang photoshoot namin ni Lukas para sa kasal namin. Damn, i can’t wait. It feels like the best day of my life. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya at mapag-isa ang puso naming dalawa.Hinawakan ni Lukas ang bewang ko. Kaagad na kumalabog ang puso ko dahil sa mga hawak niya. Suot ko ngayon ang kulay pulang gown na napakahaba habang siya ay naka tuxedo. Argh! He’s so hot. Hindi ko akalaing magiging hot siya kagaya nito.“Okay, one more. One more. Oh, pak! Good shot!” sabi ng baklang photographer sa amin.Nakailang shot na din kami. Mula sa garden, sa pond at kung saan-saan pa. Akala ko nung una, madali at mabilis lang pero hindi pala. Ang dami kong susuotin.“Okay, this is enough for today. Ang gaganda ng mga kuha. Grabe, excited na ako para sa kasal ninyo.” Wika ni Bading.&nbs
Chapter 53Catherine's POV“Sinabi ko naman sa’yo, ako na ang maglilinis nitong kalat namin.” Sabi ni Lukas habang pinupulot ang mga bote.Kanina pang umalis ang mga kaibigan niya. Si Fiona ang nagmaneho ng van. Hindi naman sila gaanong nalasing dahil alam nilang may pupuntahan sila bukas.“Hindi, ayos lang. Ikaw, magpahinga ka na kaya? May pupuntahan ka pa bukas kasama sila, di’ba?” saad ko habang pinupunasan ang lamesa.“Tayo, Catherine. Tayo. Kasama ka bukas. Ayokong mag-isa dun dahil siguradong kasama din nila ang mga shota nila eh. Ikaw, sasama ka sa akin. Shita kita eh.” Saad pa niya.Agad na namula ang pisngi ko nang tawagin niya akong shota niya. Bakit ba ako kinikilig? Hayst.“S-Sige. Tapos na din ‘to, maglilinis lang ako ng katawan tas matutulog na tayo.”“Hindi ka ba gutom?” tanong niya at umiling naman ako. &nbs
Chapter 52Catherine's POVIsang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sa akin na nakatakda akong ikasal kay Lukas. Jusko Lord, oo nga po at gwapo, mayaman, ‘di ko lang sure kung mabait, si Lukas pero ba’t naman kasal kaagad?Sinabi din nila sa akin na sa bahay ni Lukas ako mamamalagi at titira. In fairness, ang laki ng bahay NIYA. Yes, yes, yes! Niya, sa kaniya. Gara, may pabagay kaagad. Well, mayaman naman di Lukas eh.“Hey honeybunch. Anong gusto mong kainin para mamaya?” tanong sa akin ni Lukas. Simula nang maging kami ay honeybunch na ang tawag niya sa akin. Kairita ‘tong lalaking ‘to.“Anong honeybunch? Sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya bago siya pandilatan ng mga mata. Naupo naman siya sa tabi ko.“Hindi mo pa ako sinasagot, nasa sapak ka na kaagad. May gusto ka bang kainin?”“Para sa hapunan?” tanong ko at tumango naman si
Chapter 51Catherine's POVHalos iisang oras pa lang ata akong nakakaidlip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang kakatok? Bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko eh—teka, tapos na ba ang party sa baba?Tumingin ako sa sarili ko, ganun pa din ang suot ko habang yakap-yakap ang blazer ni Lukas. Kaagad ko itong inilayo sa akin. Damn, bakit ko ba ‘yun yakap-yakap? Sino bang naglagay nito sa akin at yakap ko ‘to?“Sino ‘yan?” tanong ko saka mabilis na inayos at sinuklay ang buhok kong saburang dahil sa pagtulog ko. Bwisit. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hindi ko man lang ‘yun napansin.“Hey, Catherine. Bilisan mo diyan, may ipapakilala kami ng papa mo, mahalaga ‘to.” Sigaw ni mama.“Inaantok na ako ma, hindi ba pwedeng bukas na lang?” tanong ko para makalusot.
Chapter 50Catherine's POVIsinara ko ang libro ko bago ito ilagay sa lalagyan.“Hannah? Andiyan na ang mga bisita sa labas. Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ipagpabukas mo na ‘yan.” Sabi ni mama mula sa labas ng pintuan ko.“Opo ma, papariyan na po.” Wika ko. “Nag-aayos lang po.” Dagdag ko pa.Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga yabag ng sapatos niya pababa ng hagdan. Pumunta na ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, pati na din ang gown na supt ko ay lumabas na ako.Bumungad sa akin ang mga ilaw at ang mga mayayamang kaibigan ng mga kaibigan ko. Andito din ang mga kamag-anak namin na galing pa sa ibang bansa.“Oh, andiyan na pala si Catharina. Dalaga ka na, hija.” Wika ni ninang saka ako hinalikan sa pisngi.
Chapter 49Jenivah's POV"Aalis na po kami," paalam ni Dan kina Tata Dodong at Papa habang tumatayo. Lumapit siya sa akin at saka umakbay. "May pupuntahan pa po kasi kami eh." wika niya sabay kindat sa akin. Kaagad naman na nangunot ang noo ko sa inasta niya.Anong meron?Biglang nagtawanan ang mga tao dito kaya mas lalo akong nagtaka. May ihinagis si Ray kay Dan na maliit na bagay at hindi ko naman kaagad 'yun napagtanto kung ano.Kahon?"Sige na. Ang anak ko ha," wika ni Papa kay Dan. "Opo, ako pong bahala sa kaniya." saad naman ni Dan saka ngumiti ng napaka-pakalapad.Okay, this is awkward.Nakaakbay lang sa akin si Dan hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ibinigay ko kay Papa kanina ang susi ng kotse at siya na lang daw ang magmamaneho nun kaya hindi na ako umalma pa.“Hey, Bakit b
Chapter 48Jenivah's POVMabuti na lang at andito ako sa Batangas, hindi masyadong traffic. Mama gave me the adress, malapit lang naman pala dahil sa Anilao lang yun. Andun kasi si Tata Dodong.I smiled when I realized I was close to Anilao. I could already see the beautiful trees as I got closer and closer. I winced when the car I was using suddenly went crazy."What the fuck?" I tried to start the car again because the engine might have just moved but no, I think there was something wrong!I've tried this many times but it really doesn't want to work. I got out of the car and looked at the engine. Smoke immediately greeted me, luckily I was able to get away before the smoke ate me."Gago ngayon pa talaga nasiraan?" napatampal ako sa noo ko at saka napailing. Malapit na ako eh, tapos biglang nangyari 'to? "How lucky i am?" i murmured.Me
Chapter 47Jenivah's POVAgad akong napabangon nang wala akong Dan na nadatnan sa tabi ko. Sisikat pa lang ang araw. Tiningnan ko ang paligid at wala pa din siya sa kwarto ko. Nagtungo na lamang ako sa banyo at nagsimulang mag-toothbrush.Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag nang madatnan sa terrace ng bahay si Dan at si Papa. Nagkakape sila habang nag-uusap. They look so happy, aren't they?Nasa kusina si mama at busy sa cellphone niya. Mabuti na lamang at nakapagpakabit kami ng wifi nung isang buwan para hindi na sila mahirapan ni papa na mag free data. Palagi na lang sila nagtitiis at pana'y din ang gastos ng mga ito sa pagpapa-load.